LOGINEMERY
“Weston…” mahinang sabi ni Ravia, parang natutuwa. “You’re cruel.”
Napabuga ng hangin si Weston, ngumiti siya. “And you like that about me, right?”
“Ang importante,” dugtong ni Weston, “kapag nanganak na siya, tayo rin ang makikinabang. Lolo wants an heir. Ibibigay ni Emery iyon. After that, mas madali na ang susunod nating plano.”
Hindi ko na marinig nang malinaw ang mga sumunod niyang salita dahil may malakas na ugong sa tenga ko. Parang may kung anong humahampas sa dibdib ko, paulit-ulit, hanggang hindi na ako makahinga. Unti-unti kong ibinaba ang tingin sa brown envelope na hawak ko.
I am carrying the twins. At ngayon, sinasabi nilang na hindi ito akin? Na isa lamang akong hamak na breeding machine?!
Muli kong narinig sa isip ko ang pinag-usapan nila kanina. Na para bang sinadya ng mundo na ipako ang bawat salita sa utak ko. Muli, nagsalita si Weston. “That was the safest move, Ravia. Alam ko naman takot ka manganak at ayaw mong masira ang figure mo. Emery only needed a reason to carry them, after that, aagawin natin ang bata sa kanya.”Napangisi si Ravia. Lumapit siya kay Weston habang hawak niya ang wine glass. Dahan-dahan niyang nilagay ang daliri niya sa dibdib ng asawa ko, pinaikot niya nang paulit-ulit hanggang sa umabot ito sa abs.
“Hindi na ako makapaghintay, Weston. Ayokong habang buhay tayong nagtatago.”
Hinawakan ni Weston ang kamay ni Ravia, hinila ito papunta sa dibdib niya.
“Huwag kang mag-alala. Matatapos din ang lahat, at maso-solo mo na ako, Ravia.”
Napakagat ng ibabang labi si Weston habang pinagmamasdan niya si Ravia. Ilang sandali pa, unti-unting lumapit ang mukha ng asawa ko hanggang sa dumapo ang mga labi niya kay Ravia.
Nanghina ang mga tuhod ko. Biglang lumabo ang paningin ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Kasabay ng paninikip ng dibdib ko, sa narinig at nakita ko.
Muntik ko nang mabitawan ang box ng baby shoes. Lahat ng saya ko na ilang minuto lang ang nakalipas, biglang nilamon ng isang napakalaking alon.
Walang ibang halaga kundi ang katawan kong kayang magdala ng tagapagmana?
Nanlamig ako.
At sa sobrang ginaw at bigat ng pakiramdam ko, bigla kong naalala lahat ng mga kalokohan at pasakit na ginawa sa akin ni Weston.
Si Weston na paulit-ulit nagsasabing huwag na akong magtanong at makialam sa buhay niya. Na laging busy sa trabaho pero ang totoo, kasama niya lagi ang best friend ko.Si Ravia na ilang beses nagsabing naiinggit siya sa relasyon namin habang palihim pa lang nakikihati sa akin kay Weston.
At ako na paulit-ulit nagpakatanga kahit alam kong harap-harapan akong niloloko.Napaatras ako at agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi makawala ang kahit katiting na hikbi.Napasandal ako sa malamig na dingding sa gilid ng hallway. Nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa brown envelope, habang ang maliit na gift box ay halos madulas na sa palad ko.
Pinilit kong huminga nang tahimik. Ngunit bawat paglanghap ko ay parang may bubog na dumadaan sa dibdib ko.
Sa loob ng limang taon, nasanay akong lunukin ang sama ng loob ko laban sa asawa ko. Nasanay akong magbulag-bulagan sa mga pagkukulang ni Weston. Nasanay akong sundin ang bawat gusto ng pamilyang Montenegro kahit pa unti-unti na akong nauubos.
Dahil ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko: maging mabait, mapagpasensya, at marunong umunawa.
Ngunit, mula nang mapunta ako sa puder ng mga Montenegro, lalo kong natutunan ang isang bagay—kapag mahina ka, lalamunin ka nila nang buo.
Kaya mariin kong pinunasan ang mga mata ko bago ako lumabas sa hallway.
Pagdating ko sa reception area, agad akong napatingin sa secretary ni Weston. Mukhang nagulat ito nang makita ako, marahil dahil hindi ko na itinuloy ang pagpasok sa lounge.
“Ma’am Emery?” nag-aalangan nitong tawag.
Pinilit kong ngumiti, kahit ramdam kong naninigas ang mga labi ko. “Hindi na ako tutuloy, may naalala lang akong aasikasuhin.”
“Ah… yes, ma’am.”
Tinitigan ko siya nang diretso. “At huwag mo nang banggitin kay Weston na dumaan ako dito.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. “Ma’am?”
“Please.” Mahina ang boses ko, pero sapat para marinig niya ang panginginig doon.
Kilala na ng secretary ang ugali ko. Alam niyang may tinatago ang asawa ko. At alam niyang lagi ako ang umiintindi dito.Mabilis na tumango ang secretary. “Yes, ma’am. I understand.”
Tumalikod ako bago pa niya makita ang panibagong pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Pagpasok ko sa elevator, saka ko lamang hinayaang bumigay ang mga balikat ko. Humawak ako sa railing at mariing pumikit. Bumaba ang elevator, pero parang ako ang totoong nalalaglag—palalim nang palalim na parang handa na akong bumagsak kahit anumang oras.
Nang marating ko ang parking floor, agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ito pauwi sa Montenegro Mansion habang umiiyak.
***Karaniwan, kahit gaano kabigat ang araw ko, sinusubukan kong ayusin ang mukha ko bago ako pumasok sa bahay. Kailangan laging maayos. Kailangan laging kalmado. Hindi puwedeng magdala ng eskandalo sa loob ng tahanan ng mga Montenegro dahil hindi ako tanggap ng mga tao bilang parte ng pamilya.
Sa bahay na iyon, pakiramdam ko palagi akong bisita.
Maliban sa isang tao.
Si Benicio Montenegro—ang lolo ni Weston ang tanging taong itinuturing akong importanteng bahagi ng pamilya, at hindi isang dekorasyong maaaring ilipat kung saan niya gusto. Siya lang ang laging may malasakit sa akin, lalo na kapag tahimik akong nasasaktan.
Kaya nang makarating ako sa mansyon at makitang bukas ang ilaw sa sala, agad akong huminga nang malalim at inayos ang sarili ko.
Kailangan niyang hindi mahalata ang pinagdadaanan ko ngayon.
Pero pagpasok ko pa lang sa loob, agad na siyang napatingin sa akin mula sa inuupuan niyang sofa sa sala.
“Emery?”
Napatigil ako.
Sitenta anyos na si Benicio Montenegro, mahina na ang katawan nito pero hindi pa rin kumukupas ang talas ng mga mata niya. Isang tingin pa lang sa akin, tila nabasa na niya ang buong gulo sa loob ko.
EMERY Natigilan si Spencer, nakahawak pa rin sa cellphone. Bahagya siyang napakunot-noo habang nakatingin sa akin, tila hindi alam kung susundin ba ako o ang amo niya. “Kailangan ko nang umalis,” mabilis kong sabi habang pilit bumabangon sa kama. “Hinahanap na ako ng pamilya ko.” Agad siyang tumayo. “Ma’am, pasensya na po pero hindi puwede. Sinusunod ko lang naman ang utos ni Sir Zion. Baka pagalitan ako kapag pinabayaan kitang umalis.” Mariin akong napapikit. Wala akong panahon para makipagtalo. Hindi ko rin kayang manatili rito nang matagal. Paano kung makita ako ni Weston? Paano kung may makapansin na nawawala ako? Paano kung maunahan nila akong gumawa ng hakbang? “Please,” sabi ko, pilit pinapakalma ang boses ko. “Emergency ito.” “Hindi po talaga puwede, ma’am.” Agad kong kinuha ang clutch bag ko sa gilid ng sofa at naglabas ng pera. Isang libo. “Pangkape mo na lang ito,” sabi ko, iniabot iyon sa kaniya. “At sabihin mo na lang kay Sir Zion na maayos na ako.” Na
EMERYHuminto si Ravia sa harap namin ni Weston na may ngiti sa labi.“Congratulations, Emery,” aniya, matamis ang boses saka bineso niya ako. “At last, magkakaanak na kayo ni Weston after five years, ’di ba?”Parang may kung anong matalim na tumusok sa dibdib ko.Ngunit ngumiti pa rin ako, dahil hindi pa nila alam na alam ko ang mga kalokohang ginagawa nila ng asawa ko.“Thank you, Ravia,” sagot ko, kasinggaan ng kaya kong ipakita. “Nag-abala ka pa.”“Of course.” Inabot niya ang isang velvet gift box. “Nang makita ko ito sa isang private auction, naisip ko agad ang kambal.”Tinanggap iyon ni Weston bago ko pa mahawakan.Sa pag-abot ni Ravia ng kahon, napansin kong sumagi ang mga daliri nito sa kamay ni Weston. Napakatagal ng saglit na iyon para matawag na aksidente lamang. At nang tingnan siya ni Weston, may kung anong malagkit na kislap sa mga mata nito—isang kislap na hindi niya ginawa sa akin mula nang ikasal kami.Binuksan ng event assistant ang kahon.Nandoon ang dalawang antiqu
EMERY“Kanina ka pa ba d’yan, Emery?”Tumango ako. “Opo, Lo. Narinig ko ang usapan n’yo. Ayos lang naman sa akin na hindi na i-celebrate ang pagbubuntis ko. Sapat na sa akin na gawin ang obligasyon ko bilang asawa ni Weston.”Agad na nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.“Anong sinasabi mo, hija?” Halatang hindi siya sang-ayon sa mga katagang nanggaling sa bibig ko. “Hindi mo obligasyon lang iyan. Bata ang dinadala mo—hindi isa, kundi dalawa. At apo ko ang mga iyan.”Napayuko ako. Sa totoo lang, ayaw ko rin namang magdiwang.Para saan? Para magkunwari na masaya ako?Para ngumiti sa harap ng pamilyang ito na para bang walang nangyaring panloloko?Wala akong lakas para roon.“Lo, okay lang po talaga,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Hindi naman kailangang maghanda. Sapat na po sa akin na maayos ang pagbubuntis ko.”“Ayan, tama yang desisyon mo Emery. See, Dad? Kaya itigil mo na yang planong selebrasyon,” singit ni Celestine Montenegro, matalim pa rin ang tono.
EMERY“Anong nangyari sa sperm ng asawa ko?”“Hindi po naging viable ang sample ni Mr. Montenegro dahil sa mababang sperm count at poor quality nito. Wala pong embryo na nabuo mula roon na maaaring i-transfer sa inyo. Noong kinuha ang egg cell ninyo sa cryopreservation room, nadampot ni Nurse Joy ang maling sperm sample. Napagpalit po niya ang kay Mr. Montenegro at ang kay Mr. Del Fierro.”“Kaya ang nasa sinapupunan ninyo ay hindi po galing sa asawa ninyo, Mrs. Montenegro,” dagdag ng doktor.Ipinakita ni Dr. Hidalgo ang dokumento. “Ayon sa records, ang sperm cell na ginamit ay kay Mr. Zion Laurent del Fierro.”“Three years ago, nagpunta rito si Mr. Del Fierro upang magpa-freeze ng sperm.” Napakamot sa ulo ang doktor. “Sa totoo lang, labing-isang sperm cell na ang na-freeze namin. At ikaw ang may hawak ng ikalabindalawa cell na recently lang namin nakuha.”Nanlaki ang mga mata ko. “A-ano? Labindalawang sperm cell ang pina-freeze niya? Ang dami naman noon!”Tumango ang doktor. Lumapit p
EMERY“Lo…” pinilit kong ngumiti.Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang magazine. “Lumapit ka rito.”Nag-atubili ako ngunit sinunod ko pa rin siya. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa tabi ng niya at maingat na hinawakan ang kamay niyang may manipis nang mga ugat.Mas lalong lumalim ang guhit sa noo niya nang makita ang mukha ko.“Namamaga ang mata mo,” direkta niyang sabi. “Umiiyak ka ba?”Mabilis akong umiwas ng tingin. “Hindi po, Lo. Pagod lang.”“Are you having a hard time with Weston?” may bigat sa boses niya. “Sige, kakausapin ko siya.”“Hindi na po.” Mabilis ang sagot ko, halos maputol. “Busy lang talaga siya.”Masyado nang pamilyar sa akin ang linyang iyon kaya kahit ako, nasusuka na sa sarili kong pagsasabi nito.Ngunit hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi pa. Hindi habang wala pa akong hawak na ebidensya. Hindi habang hindi ko pa sigurado kung gaano kalalim ang panlolokong ginawa nila sa akin.Pinagmasdan niya ako nang sandali bago bahagyang bumuntong-hininga. Pagka
EMERY“Weston…” mahinang sabi ni Ravia, parang natutuwa. “You’re cruel.”Napabuga ng hangin si Weston, ngumiti siya. “And you like that about me, right?”“Ang importante,” dugtong ni Weston, “kapag nanganak na siya, tayo rin ang makikinabang. Lolo wants an heir. Ibibigay ni Emery iyon. After that, mas madali na ang susunod nating plano.”Hindi ko na marinig nang malinaw ang mga sumunod niyang salita dahil may malakas na ugong sa tenga ko. Parang may kung anong humahampas sa dibdib ko, paulit-ulit, hanggang hindi na ako makahinga. Unti-unti kong ibinaba ang tingin sa brown envelope na hawak ko.I am carrying the twins. At ngayon, sinasabi nilang na hindi ito akin? Na isa lamang akong hamak na breeding machine?!Muli kong narinig sa isip ko ang pinag-usapan nila kanina. Na para bang sinadya ng mundo na ipako ang bawat salita sa utak ko. Muli, nagsalita si Weston. “That was the safest move, Ravia. Alam ko naman takot ka manganak at ayaw mong masira ang figure mo. Emery only needed a rea







