LOGINEMERY
“Lo…” pinilit kong ngumiti.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang magazine. “Lumapit ka rito.”
Nag-atubili ako ngunit sinunod ko pa rin siya. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa tabi ng niya at maingat na hinawakan ang kamay niyang may manipis nang mga ugat.
Mas lalong lumalim ang guhit sa noo niya nang makita ang mukha ko.
“Namamaga ang mata mo,” direkta niyang sabi. “Umiiyak ka ba?”
Mabilis akong umiwas ng tingin. “Hindi po, Lo. Pagod lang.”
“Are you having a hard time with Weston?” may bigat sa boses niya. “Sige, kakausapin ko siya.”
“Hindi na po.” Mabilis ang sagot ko, halos maputol. “Busy lang talaga siya.”
Masyado nang pamilyar sa akin ang linyang iyon kaya kahit ako, nasusuka na sa sarili kong pagsasabi nito.
Ngunit hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi pa. Hindi habang wala pa akong hawak na ebidensya. Hindi habang hindi ko pa sigurado kung gaano kalalim ang panlolokong ginawa nila sa akin.
Pinagmasdan niya ako nang sandali bago bahagyang bumuntong-hininga. Pagkatapos ay lumambot ang ekspresyon niya.
“Kumusta pala ang ultrasound mo?”
Napakurap ako.
Biglang bumigat ang lalamunan ko.
Kanina lamang, ang balitang iyon ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ko. Ngayon, parang hindi ko na alam kung dapat ko pa bang tawagin iyong biyaya o sumpa.
Pero nang makita ko ang inosenteng pananabik sa mga mata ng matanda, pinilit kong ngumiti kahit matamlay.
“Okay naman po, Lo,” mahinang sabi ko. “Sabi ng doktor, kambal po ang dinadala ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.
“Wow!” halos mapatayo siya sa tuwa. “Nakakatuwa naman! Kailangan natin i-celebrate ito, hija!”
Napayuko ako at napangiti nang bahagya. Hindi dahil masaya ako, kundi dahil gusto kong iparamdam sa kaniya na may kabuluhan pa rin ang saya niya sa gabing iyon.
“Salamat po, Lo.”
“Dalawa?” paulit-ulit niyang sabi na para bang hindi makapaniwala. “Dalawang apo? Aba’y napakagandang balita nito. Matutuwa ang buong pamilya.”
May masakit na dumaan sa dibdib ko sa mga salitang iyon.
Matutuwa ba talaga sila?
O baka mas matuwa silang malaman na nagtagumpay ang plano nina Weston at Ravia.
Bago pa ako makasagot, bigla siyang napahawak sa dibdib at napasandal sa sofa. Sinundan iyon ng sunod-sunod na pag-ubo.
“Lo!”
Agad akong tumayo at inalalayan siya. “Dahan-dahan lang po.”
“Ayos lang ako,” paos niyang sabi, pero patuloy ang pag-ubo niya.
“Hindi po, kailangan n’yo nang magpahinga.” Marahan kong hinagod ang likod niya at inalalayang makatayo. Kahit nanghihina ang loob ko, awtomatiko pa ring kumilos ang katawan ko para alagaan siya. “Halika po, ihahatid ko kayo sa kwarto ninyo.”
Hindi na siya tumutol.
Tahimik ko siyang inalalayan paakyat. Sa bawat mabagal niyang hakbang, lalo kong naramdaman kung gaano ko kamahal ang matandang ito—at kung gaano kasakit isipin na baka pati siya ay ginagamit lamang ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Pagdating sa silid niya, inayos ko ang unan niya at inabot ang gamot at tubig. Tinitigan niya ako bago niya ininom ang tableta.
“Emery,” mahina niyang tawag.
“Po?”
“Salamat dahil tinanggap mo ang kasunduan namin ng daddy mo,” aniya nang banggitin ang arranged marriage namin ni Weston.
“At anuman ang problema mo, huwag mong sarilinin. Hindi ka nag-iisa sa bahay na ito,” dagdag pa niya.Muntik nang bumigay ang emosyon ko.
Pero ngumiti lang ako at hinaplos ang likod ng kamay niya. “Magpahinga na po kayo, Lo.”
Nang makalabas ako ng kuwarto niya, saka ako mabilis na naglakad pabalik sa sarili kong silid.
At doon, sa wakas, tuluyan akong bumagsak.
Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakaupo sa sahig, yakap ang mga tuhod ko habang tahimik na umiiyak. Nasa ibabaw ng kama naman ang ultrasound photo. Dalawang buhay na hindi naman pala akin.
Gayunpaman, kailangan kong malaman ang totoo.
***
Kinabukasan, maagang-maaga pa lang ay nasa fertility clinic na ako.
Pagdating ko roon, agad kong hinanap ang OB-GYN na nagsagawa ng embryo transfer. Mabuti na lamang at hindi naka-lock ang pinto ng clinic. Pagpasok ko, nadatnan kong sinisigawan ni Dr. Hidalgo ang isang nurse.
Umiiyak ang nurse, nanginginig, at hindi makatingin sa doktor.
“D-Doc, hindi ko po sinasadya. Baguhan lang po ako… nagkamali po ako ng pag-label sa test tube—”
Tinulak ko ang pinto. Nang makita ako ni Dr. Hidalgo, agad napalitan ng kaba ang galit sa mukha nito. Maging ang nurse ay lalo pang nanginig, halos hindi makahinga sa takot.
“Dr. Hidalgo, kailangan kong malaman ang katotohanan. Kaninong embryo ang nasa sinapupunan ko?”
Napalunok ang doktor at namutla ang mukha.
“M-Mrs. Montenegro… nalaman n’yo na po? A-aksidente lang po ito. Hindi namin sinasadya.”
Bigla nitong itinuro ang nurse. “Nagkamali si Nurse Joy. Baguhan pa lang siya rito, kaya noong araw ng embryo transfer, napagpalit niya ang mga test tube.”
“K-kaninang umaga ko lang po napansin, Mrs. Montenegro. Tatawagan ko na sana kayo, pero—”
Naputol ang sasabihin ni Nurse Joy nang biglang napabulalas si Dr. Hidalgo.
“Hindi po galing kay Mr. Montenegro ang sperm!”
Dahil doon, biglang huminto ang mundo ko. Napaatras ako ng isang hakbang.
“A-anong ibig mong sabihin, Dr. Hidalgo?” mariin kong tanong. “Kapag nagsinungaling ka pa, idedemanda ko kayo. Mawawalan ka ng lisensya—kayong dalawa ni Nurse Joy—at ipapasara ko ang ospital. Hindi ako nagbibiro.”
Nanginginig na sumagot ang doktor. “Opo, Mrs. Montenegro. Sasabihin ko na po ang totoo. Hindi galing sa asawa ninyo ang sperm cell na ginamit. Ang embryo sa sinapupunan ninyo ay nabuo gamit ang semilya ni Mr. Zion Laurent del Fierro.”
“Z-Zion Del Fierro?” nanginginig kong bigkas.
Tumango ang doktor. “Opo. Ang chairman and CEO ng Del Fierro Holdings.”
“Pero… sa akin ba talaga ang egg cell?” kabado kong tanong.
Nagtatakang tumango muli ang doktor. “Opo, Mrs. Montenegro. Bakit niyo po natanong?”
Muling nanlamig ang buo kong katawan. Namutla ako at halos bumigay ang mga tuhod ko. Napaupo na lang ako sa upuan na malapit sa akin.
Tulala akong nagsalita. “Sa akin ang egg cell… sa akin pala,” bigkas ko na may halong kaunting pagluwag ng dibdib ko.
Gayunpaman, pakiramdam ko ay nahulog ako mula sa langit.
Kahapon lamang, akala ko isa lang akong breeding machine ni Weston.
Ngayon naman, nalaman ko na ang mga batang dinadala ko ay mga anak pala ni Zion—
…ang ex-boyfriend ko?!
EMERYBahagya siyang natawa, pero agad ding napaubo.Agad akong napaupo sa kama. “Ayan kasi. Ang dami mong sinasabi.”Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa. Kita sa mukha niya ang sakit, kaya mabilis akong bumaba sa kama at inalalayan siya.“Careful,” sabi ko.“Mag-iingat ka rin,” sagot niya. “You’re pregnant.”“Can you stop reminding me every five seconds?” inis kong sabi.Napairap ako, pero hindi ko binitawan ang braso niya. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya habang inaalalayan ko siya, pero pilit niyang binabawasan ang pressure sa akin.Kahit sugatan, ako pa rin ang iniisip niya. At ayaw kong aminin kung gaano iyon nakakagulo sa dibdib ko.Mabagal siyang humiga sa kabilang gilid ng kama. Sinigurado kong may malaking pagitan sa amin. Halos pwede pang humiga ang isang maliit na bata sa gitna.Pero parang hindi pa sapat iyon.Kumuha ako ng isang malaking unan at inilagay iyon sa gitna naming dalawa.Napatingin si Zion sa unan. Tapos napatingin siya sa akin.“Seriously? Is that a w
EMERY Nagpunta ako kanina sa nurse station para kunin ang ilang gamit ko. Sinilip ko na rin ang kuwarto ko, at totoo ngang may naka-occupy na roon. Napabuga ako ng hangin habang hawak ang maliit kong bag. Gusto kong maniwala na coincidence lang iyon, pero kilala ko na si Zion kahit papaano. Sa mukha pa lang niya kanina, alam kong may kinalaman siya roon. Habang pabalik ako sa VIP suite niya, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko. Siguro dahil hindi ako sanay na may kasama sa iisang kuwarto. Kahit noong kasama ko pa si Weston, hindi naman kami naging ganito. Oo, may pangalan kaming mag-asawa sa harap ng ibang tao, pero ang totoo, ang layo-layo namin sa isa’t isa. Madalas wala siya. Madalas mag-isa ako. Madalas, kahit nasa iisang bahay kami, parang hindi kami magkakilala. Pero ngayon? Si Zion. Ang ex ko ang kasama ko mamayang gabi. Paano ako matutulog sa iisang kuwarto kasama siya? Paano ako kikilos nang normal kung ba
EMERYNatigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong humaplos sa dibdib ko. Gusto kong magreklamo. Gusto kong sabihin na hindi niya kailangang gawin iyon para sa akin. Pero hindi ko magawa, nakatikom lang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.“Zion…” mahina kong sabi.Doon lang niya ako nilingon.“Emery, he tried to hurt you and my children,” sabi niya, malamig pero pigil ang galit. “So no, I won’t just lie here and do nothing.”Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng mga salitang iyon, parang nabawasan ng kaunti ang takot sa loob ko.Ilang sandali pa, pumasok ang doctor kasama ang nurse para i-check ako. Sinukat nila ang blood pressure ko, tiningnan ang heartbeat ng kambal, at ilang beses tinanong kung may pananakit ba akong nararamdaman.Nakahiga ako sa kabilang couch habang inaayos ng nurse ang monitor.“Ma’am Emery,” sabi ng doctor, “stable naman po ang babies, pero kailangan niyo pong magpahinga. Malaki ang naging stress ng katawan niyo.
EMERYBigla akong nakaramdam ng takot, dahil kung kayang patahimikin ng lalaking iyon si Francis, ibig sabihin mas malakas siya kaysa inaakala namin.Mas nakakatakot pa roon, nakatakas ang taong nag-utos na saktan ako at ng mga anak ko. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang itsura niya.Akala ko kapag nakalabas na ako sa islang iyon, makahihinga na ako nang maluwag. Pero bakit parang kinakabahan pa rin ako?Huminga ako nang malalim. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa malayo. Kanina lang, inilipat na si Zion mula ICU papunta sa VIP suite. Mas maayos na raw ang lagay niya, at tinanggal na rin ang suwero sa kamay niya, pero may benda pa rin sa bandang dibdib niya at halata pa rin sa mukha niya ang panghihina.Pero kahit ganoon, siya pa rin ang mas kalmado sa aming dalawa. “Emery.”Napakurap ako nang marinig ang boses ni Zion.Napatingin ako sa kanya. Nakahiga siya sa kama, nakasandal sa headboard, suot ang hospital gown, pero kahit may sakit, hind
THIRD PERSON POVMabilis na lumapit ang mga medic habang hawak pa rin ni Emery ang kamay ni Zion. Halos hindi niya marinig ang sigawan sa paligid dahil nakatutok lang ang tingin niya sa dugong kumakalat sa damit ni Zion.“Ma’am, we need to move him now!” sabi ng medic.Umiling si Emery habang nanginginig. “Sasama ako.”“Ma’am—”“Sasama ako!” mariin niyang sigaw, puno ng takot at luha ang boses.Wala nang nakipagtalo sa kanya. Tinulungan siyang tumayo ni Spencer habang mabilis na inilagay si Zion sa stretcher. Ilang pulis ang nakapaligid sa kanila, may mga baril pa ring nakatutok sa paligid para siguraduhing ligtas ang daan papunta sa chopper.Sa di kalayuan, nakita ni Emery na sapilitang hinahawakan ng dalawang pulis si Francis Sterling. Sugatan ito sa braso, madumi ang damit, at puno ng galit ang mukha habang nakatitig sa direksyon nila.“Hindi pa ito tapos!” sigaw ni Francis.Napahigpit ang hawak ni Spencer sa braso ni Emery. “Don’t look at him, Ma’am.”Pero kahit hindi na siya tumi
THIRD PERSON POVMuling umikot ang chopper sa itaas. Lumakas ang hangin sa paligid. Nagliparan ang buhangin at dahon habang dahan-dahang bumababa ang isang rope ladder mula rito.Napaatras si Emery nang bahagya habang pinoprotektahan ang tiyan niya gamit ang isang kamay.“Emery!” muling sigaw ni Zion.Maya-maya, nakita niyang bumaba si Zion mula sa chopper. Nakahawak siya sa rope ladder habang may baril sa isang kamay. Malamig ang mukha nito, pero kitang-kita sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.“Hold on!” sigaw ni Zion.Mas lalong nanginig ang labi ni Emery. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiiyak. Pero nang makita niya si Zion na bumababa para sa kanya, biglang kumirot ang dibdib niya. Dumating ito, nahanap siya.Pero bago pa siya makalapit sa rope ladder, may sumigaw mula sa likod.“Nandiyan siya!”Napalingon si Emery at nakita ang ilang tauhan ni Francis na tumatakbo papunta sa direksyon niya.Nanlaki ang mga mata niya.“Zion!” sigaw niya.Agad na bumaba pa si Zion at t







