author-banner
Eliana Asher
Eliana Asher
Author

Novels by Eliana Asher

Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy

Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy

Naiwan si Senna na mag-isang lumalaban para sa apat na taong gulang na anak niyang si Ashley na may leukemia, matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Mavix at ng matalik niyang kaibigan na si Natalia. Ngunit lalo pang nadurog ang puso niya nang malaman niyang hindi pala tunay na ama ni Ashley si Mavix. Nabaon sa utang si Senna nang mapilitan siyang umutang ng isang milyon sa loan shark para lang mabayaran ang hospital bill ng anak niya. At kinabukasan, bigla naman siyang tinanggal sa trabaho. Sa desperasyon at takot na hindi mabayaran ang utang at mapagamot si Ashley, napilitan siyang tanggapin ang trabaho bilang assistant ng malamig, dominante, at bilyonaryong CEO ng Ellington Biopharm Corporation—si Lucien Ellington. Isang lalaking kinatatakutan ng lahat at literal na allergic sa bata. Sa loob ng sampung taon, walang gamot ang nakapagpagaling sa rare condition niya kahit pa kumuha siya ng pinakamahusay na scientists at sariling research team. Ngunit isang araw, si Ashley ang biglang lumapit sa kanya… at sa unang pagkakataon, hindi siya inatake ng allergy. Doon niya naalala ang teorya ng scientist niya noon—na kung may batang hindi magti-trigger ng allergy niya, posible raw na may malalim itong koneksyon sa kanya. Dahil doon, pinaimbestigahan niya si Ashley. Nang malaman niyang minsan na pala niyang nakasama ang ina ng bata sa isang one night stand, agad niya itong pina-DNA test at nag-positive ang result. “Billionaire Daddy, please marry my mommy before I die,” inosenteng sabi ng bata. Tumango si Lucien at humarap kay Senna. “Senna, let's get married. I’ll make sure Ashley gets treated by the best doctors I know. And if you give me another child… half of the Ellington family’s assets will be yours.”
Read
Back Off, I'm Marrying Your Uncle!

Back Off, I'm Marrying Your Uncle!

Akala ng lahat, isang mahirap at ordinaryong babae lamang si Kiara. Walang nakakaalam na siya pala ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Remington Group. Tinanggap ni Kiara ang pagsubok na ibinigay ng kanyang Papa. Sa loob ng apat na taon, namuhay siya nang simple para patunayang naiiba si Calvin sa ibang lalaki. Naniniwala siyang mamahalin siya nito kahit wala siyang pera at pangalan. Pero nang pagtaksilan siya ni Calvin, tuluyan nang napagod si Kiara. Iniwan niya ang asawa at bumalik sa buhay na matagal niyang tinalikuran. Sa kanyang kaarawan, ipakikilala siya bilang bagong CEO ng Remington Group. At sa harap ng buong pamilya Harrison, siya mismo ang tatapos sa billion-dollar project na minsan niyang ibinigay sa kanila. Pero may isa pang lihim si Kiara—may anak sila ni Calvin na matagal niyang itinago. Desidido siyang ilayo ang bata sa lalaking nagtaksil at sumira sa puso niya. Nang malaman ni Calvin ang tungkol sa kanilang anak, ginawa niya ang lahat para mabawi ang mag-ina. Kung kailan determinado na siyang agawin muli ang puso ni Kiara, saka naman dumating ang makapangyarihan at mortal na kaaway niyang uncle na si Raymond Maxwell—ang lalaking handang tanggapin si Kiara at ang anak nito nang walang kapalit. Sa harap mismo ni Calvin, lumuhod si Raymond at inalok si Kiara ng kasal. Tumingin si Kiara sa dati niyang asawa at malamig na ngumiti. “I’m sorry, Calvin. Pakakasalan ko ang uncle mo.”
Read
Marry Me Instead

Marry Me Instead

Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
Read
Ang Maid sa Bisig ng Dalawang Bilyonaryo

Ang Maid sa Bisig ng Dalawang Bilyonaryo

Si Violet ay isang simpleng maid sa mansyon ng mga Valmonte. Tahimik ang buhay niya hanggang sa isang gabing inutusan siyang maghatid ng pagkain sa kuwarto ni Killian—ang gwapo, mayaman, at kilalang playboy na anak ng kanyang amo. Ang simpleng utos ay nauwi sa isang gabing hindi niya malilimutan. Ngunit habang unti-unti siyang nahuhulog, ipinadama ni Killian na isa lamang siyang pampalipas-oras. Higit pa roon, nakatakda na itong pakasalan ang kababata nitong si Isabella Castellano. Durog ang puso, pinili ni Violet na lumayo. Ngunit pagbalik ni Killian mula Switzerland, nalaman ni Violet na buntis siya. Upang protektahan ang sarili at ang kaniyang anak, nagsinungaling siyang hindi si Killian kundi ang kababata niyang si Zenon Mallari ang ama. Ang hindi alam ni Violet, hindi ordinaryong construction worker ang kababata niya. Si Zenon ay isa palang makapangyarihang business tycoon na matagal nang nagtatago sa likod ng simpleng pagkatao—at matagal na rin siyang may lihim na pagtingin kay Violet. Habang pilit namang inaangkin ni Killian ang batang pinaniniwalaan niyang sa kanya, unti-unting inilalantad ni Zenon ang tunay niyang pagkatao. Sa pagitan ng lalaking unang dumurog sa puso niya at ng lalaking matagal nang handang protektahan siya, sino ang pipiliin ni Violet?
Read
Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me

Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me

“Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo, Darius. Isang buwan lang bilang tunay na asawa ko at ama ni Lia. Pagkatapos, palalayain na kita." Isang simpleng pakiusap lang iyon, kapalit ng natitira niyang dignidad. Alam ni Elara na hindi siya minahal ni Darius. Pinakasalan lang siya nito dahil nabuntis siya at iniutos iyon ng lolo nito. Tiniis niya ang malamig nilang pagsasama para sa anak nilang si Lia. May end-stage renal disease si Lia, at dalawang buwan na lamang ang taning ng buhay niya. Ngunit nalaman ni Elara na pinili ni Darius na ibigay ang kidney nito sa anak ni Ivory—ang babaeng tunay nitong mahal. Sa matinding pagkadismaya, isang huling pakiusap ang hiniling ni Elara: maging tunay na asawa at ama si Darius sa loob ng isang buwan. Tinanggap ni Darius iyon, kahit inakala niyang desperadong paraan lang iyon para pigilan siyang umalis. Ngunit nagbago ang lahat sa loob ng isang buwan. Unti-unting binihag ng ngiti ni Elara at lambing ni Lia ang puso ni Darius. Dahil doon, tuluyan siyang naguluhan. Pagkaraan ng isang buwan, umalis si Elara dala ang anak sa America. Naging matagumpay ang transplant ni Lia sa tulong ng isang anonymous donor. Makalipas ang dalawang taon, bumalik si Elara bilang sikat na jewelry designer at may-ari ng sariling luxury brand. Doon niya nalaman na ang donor ni Lia ay si Kenzo—ang bilyonaryong half-brother at mortal na kaaway ni Darius. Nang mabalitaan ni Kenzo na ikakasal na sina Darius at Ivory, napangisi ito. “Gusto mong gumanti, Elara? Pakasalan mo ako.” Balak niyang gawing double wedding ang kasal—para makita ang mukha ni Darius habang si Elara ang naglalakad sa altar para sa kanya. Pero paano kung matanto ni Darius na si Elara pala ang gusto niyang pakasalan? Ipaglalaban ba niya? O huli na para sa isang pagkakataon?
Read
You May Also Like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status