Share

Chapter 10

Nang ibaba ng daddy ni Alexis ang tawag ay agad syang inulan ng tanong ni Joy. Mababakasan mo sa kaniya ang pag-alala. Kinakabahan sya na baka kung ano na ang nangyari sa tawag.

"Hinanap na ni tito si Manuel?" agad na tanong ni Joy. "Shet, kinakabahan ako!"

Tumango si Joy bilang sagot. Hindi nya pa rin maiwasang kabahan kahit na nakapatay na ang tawag. Ito ang ayaw nyang pakiramdam sa lahat.

Saan nya ngayon hahagilapin ang tapang para harapin si Manuel. Ayaw na nya itong makita. Kailangan nyang magmadali para makapunta sa bahay ng parents nya para sabihin na wala ito. Kasi kung mahuhuli sya ay baka tawagan pa ng daddy nya si Manuel at makita nya pa ito ng wala sa oras.

"Kailangan ko ng pumunta ngayon sa bahay," ani Alexis kay Joy. "Baka mamaya pumunta pa si Manuel, uunahan ko na sila Mommy at Daddy."

Agad namang tumango si Joy. "Mag-iingat ka, ah," sagot niya. "Magchat ka agad or message kung anong nangyari para masundo kita agad or mapuntahan."

Kakarating lang ni Alexis sa bakery shop pero kailangan na nyang umalis din kaagad. Nagtungo muna sya sa mga staff at nagbilin sa mga dapat nilang gawin habang wala sya. Nagpaalam narin sya sa mga ito na baka hindi muna sya makabalik.

Matapos non ay umalis din sya agad at sumakay sa kaniyang sasakyan. Tirik ang araw pero pinagpapawisan ng malamig si Alexis habang binabaybay ang daan.

Malapit lang ang bahay ng parents nya. Tatlong kanto mula sa Philippines Polytechnic College. After 15 minutes of driving ay nakarating din agad si Alexis sa isang puting bahay. May malaking itim na gate. mga puno at halaman sa harap.

Pinapasok sya ng guard.

"Good morning po, ma'am," bati nito sa kaniya. "Na sa kusina raw po sila madam."

Nginitian nya ang guard. "Thank you po, kuya."

Matapos magpasalamat ay naglakad na ulit sya patungo sa bahay. Nang makapasok ay agad syang nagtungo sa kusina at doon nakita ang kaniyang mga magulang na naghahanda ng kakainin nila.

"Good morning, mommy. Good morning, daddy," bati ni Alexis. "Napaaga po ang pagpunta ko."

Nang marinig ng mag-asawa ang magandang boses ng anak ay agad silang lumingon sa kanilang likuran. Doon nila nakita si Alexis na nakangiti sa kanila at papalapit para yakapin silang dalawa.

"Wow, namiss mo siguro yung luto ko, anak?" biro ng daddy ni Alexis. "Mabuti na lang at napaaga ang pagluto ko."

Nilingon ng mommy nya ang daan na pinanggalingan ng anak. Kunit noo syang humarap sa anak at nagtanong.

"Hindi mo kasama si Manuel?" kuryosong tanong nya. "Akala ko kasama mo?"

Lumunok si Alexis at nag-iwas ng tingin. "B -busy po sya, mon," pagsisinungaling nya. "Baka po marami syang paperworks na tinatapos. Kagaya nung mga nakaraang buwan."

Napansin ng mommy nya na may problema nga. Ngunit hindi na ito nagtanong pa dahil naluto ang carbonara.

"Umupo na roon ang dalawa kong prinsesa," ani daddy ni Alexis. "Ihahanda ko lang yung mga ulam at pagkain. Masyado pang maaga pero kumain na tayo para makapagpahinga pa ang prinsesa."

Hinanda ng daddy ni Alexis ang plato at pinagsilbihan silang dalawa ng mommy nya. Ganito kalambing ang daddy ni Alexis at namiss nya ang ganitong pag-aalaga ng daddy nya.

Habang sinasalin ng daddy nya ang ulam sa mangkok ay tinanong sya ng mommy nya.

"Hindi ka ma-contact last time," aniya. "Pinag-alala mo ang mga friends mo."

Hindi nya alam kung sasagutin nya ba ito ng tama. Natatakot sya na ma-disappoint ang parents nya sa kaniya. Hinayaan nyang lumipas ang ialng segundo. Sasagot na sana sya nang umupo ang daddy nya sa upuan na katabi ng mommy nya. Nagdasal muna silang tatlo bago tuluyang kumain.

"Sayang, pabirito rin ni Manuel ang carbonara," sabu ng daddy ni Alexis. "Kumusta na pala kayong dalawa, my lovely daughter?"

Napalunok si Alexis sa biglaang tanong na 'yon. Ni hindi man lang sya nakasubo man lang ng paborito nyang ulam. Uminom muna sya saglit ng tubig at ngumiti sa daddy nya.

It's now or never.

Pilit na tinibayan ni Alexis ang loob. Alam nyang madidis-apoint ang mga magulang nya ngunit hindi na nya kaya pang magsinungaling sa mga 'to.

Huminga sya ng malalim. "H -hiwalay na po kami, mommy and daddy," nahihiyang sagot nya.

Agad namang nagtanong ang mommy nya. Mababakasan mo ng gulat iyon.

"A —anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong nya. "Hiwalay na kamo kayo? Paanong nangyari 'yon, napakabait na bata ni Manuel."

"Alam ko po," pagsang-ayon ni Alexis. "Noon pa man kahit na magkaibigan pa lang kami ay mabait na sya sa akin. Kahit na cold and distant sya ay nararamdaman ko na nandyan sya."

"Oh. E anong mali, anak?" agad na tanong ng mommy nya. "Isang CEO si Manuel, graduate at may sariling company. Mabait din ang Tita Emily mo at Tito Henry sayo. Anong ginawa mo?"

Nakaramdam si Alexis ng kirot sa kaniyang puso. Hindi nya inaasahan na ganito ang makukuhang tanong mula sa kaniyang magulang. Hindi nya akalain na ganito pala kasakit.

"Bukod sa nagtiis ako at sa paglunok ko ng pride, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin lang sya, mommy," panimula ni Alexis. "Isang taon akong naghintay na baka sakaling maranasan ko rin yung pagmamahal na binigay nya sa ex nya. Na baka mabago ko sya..."

Kagat labing humarap si Alexis sa kaniyang mga magulang. Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa at ipinakita ang larawan nya noong mga nakaraang araw na mayroong pasa sa kaniyang pisngi.

Nagtataka itong tinignan ng mommy nya.

Muling nagpatuloy si Alexis. "Alam kong mabait sya, mommy. Pero nawala yung bait nyang 'yon nang mabasag ko yung vase na regalo sa kaniya ng ex nya. Nasampal nya ako dahilan para magkapasa at mamaga ang pisngi ko."

Muling nagulat ang mommy ni Alexis. Samantalang ang daddy naman nya ay napatayo at agad syang pinuntahan.

Ngunit hindi na rin kinaya pa ni Alexis ang sakit na naramdaman. Ni hindi man lang sya natanong ng mommy nya kung ano bang dahilan.

"Wala po sa akin yung mali. Dahil minahal ko lang naman po sya sa paraang alam ko. Pero hindi po ako martyr para magpakatanga lalo na po kung nasaktan ako ng pisikal..." tumulo ang luha sa kaniyang pisngi.

Kinuha nya ang cellphone sa nagulat na ina nya at agad na naglakad paalis. Tumayo ang mommy nya para habulin sya ngunit pinigilan sya ng asawa.

"Kailangan nya ng space," ani daddy ni Alexis. "Kilala natin ang anak natin. Kailangan nya ng space."

"S -sorry," naiiyak na sabi ng mommy ni Alexis. "H -hindi ko man lang natanong ang anak natin. S -sorry."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status