Share

Chapter 11

“Hindi ko akalain na sasaktan nya ang anak natin,” malungkot na saad ng mommy ni Alexis habang pumapatak ang luha sa mata. “Ni hindi ko nasaktan si Alexis mula noong bata sya, anong karapatan nyang saktan ang anak ko?”

Pinakalma ng daddy ni Alexis ang asawa nya. Kahit na sya ay nanggagalaiti rin sa galit ngunit mas kailangan nyang kumalma para sa asawa at sa anak. Mahal nila si Alexis at hindi sila papayag na saktan ng kahit na sino ang anak nila.

“Hindi siguro sinabi sa atin ni Alexis dahil ayaw nya tayong mag-alala,” ani daddy Alexis. “Hayaan mo tatanungin ko si Alexis at kakausapin ko muna si Joy na samahan si Alexis.”

Kinuha nya ang cellphone sa sala at agad na tinawagan ang kaibigan ng kaniyang anak. Nang sumagot ito ay agad nya itong tinanong.

“Joy, pwede ka bang makausap ngayon?” 

Hindi na nagtaka si Joy sa kabilang linya nang makatanggap ng tawag mula sa daddy ni Alexis. Inaasahan na nya ito lalo na at ngayon sinabi ni Alexis ang mga nangyari noong mga nakaraang araw. Mukhang alam na nila ang nangyari at kailangan nilang itanong sa kaniya ang ibang detalye.

“Yes po, tito,” sagot nya. “Pwede naman po. Tapos naman na po ang mga meeting ko.”

“Alam mo ba ang nangyari kila Alexis at Manuel?” hindi siguradong tanong ng daddy ni Alexis. “Kailan nangyari ito?”

Napansin kasi ng daddy ni Alexis noong dinner last time na natawa bahagya ang mga magulang ni Joy nang dumapo ang usapan kung gaano kabait si Manuel. Tandang tanda nya iyon kaya sigurado syang may alam si Joy sa nangyari. Lalo pa at kaibigan nya ang anak.

Inalala ni Joy ang mga nangyari bago sumagot. “Ilang araw na rin po ang nakalipas. After ng break up nila, tatlong araw din syang hindi nagparamdam sa amin ni Bruno. Hindi nya sinasagot yung mga tawag and text namin sa kaniya. Ayon po yung time na tinawagan ko kayo. Pero wag po kayong mag-alala. Ok naman na po sya nitong mga nakaraang araw. Hindi na sya miserable katulad noong mga nakaraang araw na nakita ko sya.“

Matapos nyang sabihin iyon nakarinig sya ng mga hikbi sa kabilang linya. Mukhang mommy iyon ni Alexis. 

Napailing na lamang si Alexis. “Wag na po kayo mag-alala. Pupuntahan ko po ngayon si Alexis.”

“Marami ng salamat, Joy.”

Matapos patayin ang tawag ay hindi maiwasang magulat ng daddy ni Alexis nang kunin ng asawa nya ang crllphone nya. Hindi na nya ito napigilan nang tawagan nito ang daddy ni Manuel.

Nang sumagot ang na sa kabilang linya ay agad na diniretso ng mommy ni Alexis ang daddy ni Manuel.

“Paano nyo pinalaki ang anak nyo? Anong karapatan nyang saktan ang anak ko para lang sa isang vase na niregalo sa kaniya ng ex nya? Hindi lang sampal ang nakuha ng anak namin! May pasa pa!”

Halos hindi makagalaw sa gulat ang daddy ni Manuel. Hindi nya maiproseso ang sinabi ng mommy ni Alexis sa kaniya. Hindi nya ito lubusang inaasahan.

“Anong sinasabi mo?” nagtataka nyang tanong. “Hindi magagawa ng anak namin na saktan si Alexis. Mabait ang anak ko. Prinsesa ang turing nya sa anak nyo.”

“Bakit hindi mo tanungin ang mabait mong anak?” matapos sabihin iyon ay agad nyang pinatay ang tawag. “Mga walang hiya!”

——————————————

Paglabas ng bahay ay agad na nagtungo si Alexis sa kaniyang sasakyan. Habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mata ay pinaandar nya ang kaniyang sasakyan. Malabo na ang paningin nya, marahil dahil sa luha na patuloy lamang sa pagpatak.

Sakit at disappointment ay tuluyang naghalo sa kaniyang puso. Not being understood ay syang unang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi man lang sya natanong kung ok lang ba sya. Muling bumalik sa ala-ala nya ang sakit noong araw na nasampal sya ni Manuel.

Nanginginig ang kaniyang kamay habang hawak ang manibela. Nakarinig na sya ng mga busina mula sa ibang sasakyan kaya wala syang choice at huminto sya sa tapat ng Philippines Polytechnic College. Doon ay umiyak sya at nilagay ang ulo sa manibela. 

Hindi nya namalayan ang oras, hanggang sa makarinig sya ng katok mula sa bintana ng kaniyang sasakyan. Nag-angat sya ng tingin at isang pamilyar na mukha ang agad nyang nasilayan.

Si Alvin.

Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan at agad na sinalubong ng yakap si Alvin. Humikbi sya at doon nilabas ang sama ng loob.

Nabigla ng kaunti si Alvin sa nangyari. Mas lalo syang nagulat dahil humihikbi si Alexis. Ito na yata ang ikatlong beses nyang makita si Alexis na umiiyak. Tila ba isang manipis na salamin si Alexis na kahit anong oras ay mababasag.

Umiyak at patuloy na humihikbi si Alexis. Ang mga estudyanteng dumadaan at nakikita sila ay hindi pinansin ni Alvin. Hinayaan nya ang mga ito at hinamas ang likuran ni Alexis para patahanin.

Ilang segundo pa ay narinig ni Alvin ang mahinang boses ni Alexis. Tinignan sya nito sa mata.

“Marry me, Alvin.”

Nang yakapin kanina ni Alexis si Alvin ay nagulat na ito at tila ba mas lalo syang nagulat nang marinig ang tanong na iyon ni Alexis. Hindi sya handa at hindi nya inaasahan.

Ilang minuto rin syang natigil bago bumalik sa wisyo. Namumula na ang mata ni Alexis sa kakaiyak. Kusang umangat ang kamay ni Alvin para punasan ang basa nyang pisngi.

“Hindi mo pwedeng gawin ‘to,” malumanay nyang sagot. “Hindi mo pwedeng pakasalan ang taong nakilala at nakasama mo lang ng ilang beses.”

Sa sagot na iyon ni Alvin ay para bang natauhan si Alexis sa mga nangyayari. Napalunok ito at nag-iwas ng tingin. 

“S -sorry,” sagot nya. Isasarado na sana nya ang sasakyan para magmaneho ngunit hinarang ni Alvin ang kaniyang kamay.

Huminga sya ng malalim. “Hindi ka pwedeng magdrive sa kalagayan mo,” saad nito. “Umurong ka don. Ako na ang magmamaneho, ihahatid kita sa bahay mo.”

Hindi sumagot si Alexis. Pero ang kaniyang katawan ay gumalaw at umusog papunta sa driver’s seat. Matapos non ay sumakay si Alvin at pinaandar ang sasakyan.

Tinuro ni Alexis ang daan at sya namang nilagay ni Alvin sa kaniyang phone para hindi sila maligaw.

Matapos ng ilang minutong katahimikan ay binasag iyon ng kwento ni Alexis.

“Gusto ng mga parents ko si Manuel. Nang malaman nilang hiwalay na kami ay tinanong agad ako ni mommy kung anong ginawa ko. Akala nya ay may ginawa akong mali. Wala naman akong ginawang mali, nabasag ko lang naman yung vase na niregalo ng ex nya at nasampal nya ako matapos non,” mahabang litanya nya habang humihikbi. “Nagsorry naman ako pero sinaktan nya pa rin ako.”

Pinakinggan ni Alvin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Alexis. Nagulat sya, oo. Hindi nya akalain na may taong sasaktan ang mga nobya nila. Pero mas kinagulat nya ay dahil sa nabasag lamang na vase.

Nang makarating sa subdivision ay tinuro ni Alexis ang kaniyang bahay. Pinark ni Alvin ang sasakyan sa harap non at bumaba silang dalawa.

Ito ang unang beses ni Alvin na mapunta sa bahay ng isang babae na mag-isa. 

“T -thank you, Alvin,” nahihiyang sabi ni Alexis. 

Sasagot na sana si Alvin nang marinig nya ang pagkulo ng tiyan ni Alexis. Natawa sya ng mahina at tinignan si Alexis sa mata.

“Hindi ka pa yata kumakain,” sambit nya. “Gusto mo bang ipagluto muna kita?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status