Share

Chapter 9

Gabi na at tila ba nawala bigla ang antok na naramdaman ni Alexis dahil sa tanong ni Bruno. 

Mukhang kahit na anong tago ang ginawa nya kanina ay nahuli pa rin siya ni Manuel. Talagang wala syang kawala sa dating nobyo.

“Nadamay ko pa tuloy si Alvin,” bulong nya sa kaniyang sarili. 

Hindi nya gustong madamay ito. Dahil bukod sa wala naman itong ginawang mali ay hindi naman ito kasali at walang alam sa relasyon nila noon.

Umukit ang kuryosidad sa isipan ni Alexis nang muling dumapo ang hindi kapani paniwalang rebelasyon ni Alvin. Gusto nya tuloy malaman ang eksaktong edad ni Alvin. Gusto nya itong itanong kanina ngunit nahihiya sya.

Hindi kasi halata sa edad nito na isa na syang ganap na dean. Bukod kasi sa mukha syang bata ay tila ba kakagraduate lamang nya ng kolehiyo. Kaya grabe na lang ang gulat nya nang malaman na dean na ito.

Kinuha ni Alexis ang kaniyang laptop. Humiga sya sa kama at binuksan ito. Nagtungo sya agad sa website ng Philippines Polytechnic College. Hinanap nya ang pangalan ni Alvin sa mga dean. Kagaya ng inaasahan, si Alvin nga ang pinakabata sa kanilang lahat. 

“Ano ba naman,” bulong nya sa sarili nang makita na bibilang lamang sa kaniyang mga daliri ang nakitang article at pictures ni Alvin sa website. “Baka dahil bago lang sya tulad nung sinabi nya last time? Kaya ang kaunti ng articles.”

Puro tungkol sa kabaitan at hardworks ang halos laman ng artciles tungkol kay Alvin.

Nang mapagtanto na hindi nya makikita ang edad ni Alvin sa website napagdesisyunan nyang patayin na ang laptop at itabi ito.

Kumuha sya ng airpods at tumitig sa kisame. Hinayaan nya ang sarili na magrelax bago tuluyang lamunin ng dilim.

Pagkagising kinabukasan ay agad na naligo si Alexis at nagbihis. Nagsuot sya ng isang black suit blazer spring sling dress. Na bumagay sa kaniyang pulang lipstick.

Matapos ang ilang minuto pagdadrive ay nakarating si Alexis sa bakery shop. Agad syang humingi ng paumanhin sa mga staff dahil hindi sya nakadalaw. 

“Wag kang mag-alala, nasabihan ko na sila kanina pagdating ko,” ani Joy na nakaupo sa usual na pwesto ni Alexis.

Dumapo ang tingin ni Alexis sa pwesto nya nang marinig ang boses nito. Nagtagpo ang mata nila at agad na umukit ang ngiti sa kanilang mga labi.

“Omg, ang aga mo naman dumalaw!” agad na bati ni Alexis bago makipagbeso. “Akala ko busy ka today?”

“Cancel ang mga meeting ko today,” sagot ni Joy. “Umupo ka na muna, sabay na tayong kumain.”

Naglabas ang mga staff ng almusal na tinapay. Dalawang egg pie, spanish bread at kape. 

“Guess what,” panimula ni Joy. “Pagdating ko kanina ay may nakita akong gwapo sa shop mo! Mukhang babalik at babalik ako rito para makita ko sya araw-araw!”

“Ayan ka na naman,” komento ni Alexis. “Gwapo na naman yung na sa bibig mo.”

“Hindi ako nagbibiro,” sagot ni Joy. “Sobrang gwapo nya talaga. Matangkad tapos mukhang matalino! Dito sya pumwesto kanina sa usual spot mo. Naghintay lang ng 5 minutes tapos nung dumating na yung mainit na kababayan at ensaymada umalis din kaagdad.”

Hindi alam ni Alexis kung bakit si Alvin agad ang pumasok sa isip nya. 

“Baka si Alvin yung tinutukoy mo,” sagot ni Alexis na ikinagulat ni Joy. 

“Kilala mo?” agad na tanong nya.

Ang kuryosidad ay nabuo kaagad sa isipan ni Joy. Nakangisi na ito at hindi mawala ang nakakalokong tingin kay Alexis.

“Oo,” simpleng sagot nya. “Noong eksaktong araw na sinampal ako ni Manuel ay nabangga ko sya. Hinintay nya ako sa parking lot at sinauli sa akin yung susi at panyo ko,” dagdag ni Alexis.

“Mukhang mabait nga,” komento ni Joy. 

“Hindi lang ‘yon,” muling pagkwento ni Alexis sa mga nangyari. “Nagkataon din na dito pala sya bumibili at nakita nya akong umiiyak dahil sa pangwawalangya sa akin ni Manuel bago ako umuwi.”

Napatango si Joy sa mga narinig. Kumampante ang puso niya at nawala ang mga pangamba. Kampante sya dahil may mga tao sa paligid ni Alexis na tumutulong sa kaniya na makalimutan ang sakit na nararamdaman. 

“Doon ko sya nakilala dahil sa mga unexpected na pangyayari nitong mga nakaraang araw,” pahabol ni Alexis.

Nag-usap pa sila sa mga ilang bagay katulad ng bagong product na ilalabas ni Alexis. Wala pang final product dahil nag failed ang trial and error nila sa peach mango pie. Ngayon ay balak nilang gumawa na lang ng isang red velvet cake.

Napatigil ang dalawa nang tumunog ang cellphone ni Alexis. Tinignan nya ito at nakitang tumatawag ang daddy nya.

Tumingin sya kay Joy. “Si daddy,” sambit nya. 

Sa hindi mawaring dahilan ay kinabahan si Alexis. “Omg, bakit ako kinakabahan?”

“Sagutin mo na bilis,” agad na sagot ni Joy. “Malay mo naman hindi nya hanapin si Manuel di ba. Katulad last time.”

Napabuntong hininga si Alexis bago sagutin ang tawag. 

“Hello, daddy,” bati ni Alexis. “Napatawag po kayo.”

“Hi, my beautiful daughter,” bati pabalik ng daddy ni Alexis. “Nagluto kami ng mommy mo ng paborito mong menudo. Gusto mo bang dumaan dito para maglunch? Babawi si daddy sayo.”

“B -busog pa po ako dad,” pagsisinungaling ni Alexis. “Kakakain lang po namin ni Joy. 

“Hoy, dinamay mo pa ako,” walang boses na komento ni Joy sa kaibigan.

“Aww,” malungkot na sagot ng daddy nya. “Siguro madaming pinapakain sayo si Manuel. Sayang, bukod pa naman sa menudo ay nagluto rin ako ng paborito mong carbonara na may maraming mushroom.“

Napagtanto ni Alexis na hindi sya makakatakas at hindi rin naman nya maiiwasan ang ganito. Sa isip nya ay parang mas lalo syang mahihirapan kung patatagalin nya pa ang pagsisikreto sa mga magulang.

“S -sige po,” sagot ni Alexis. “Pupunta pa ako before lunch.” 

Napalunok sya matapos sabihin ‘yon.

“Alright! See you my beautiful daughter!” masayang sagot ng daddy ni Alexis. “Mag-iingat, ah. Isama mo si Manuel.“

Doon ay tuluyang napahinto si Alexis. Hinanap na ng daddy nya si Manuel at mukhang alam na agad iyon ni Joy dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. 

“Nandyan ka pa ba, anak?”

“Y -yes po, daddy,” kagat labing sagot nya para maibsan ang kaba. “S -susubukan ko po syang yayain.“

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status