Hindi mapigilan ni Alexis na makaramdam ng takot at kaba sa mga maaaring mangyari ngayong araw. Lalo pa at na sa harapan nya ngayon si Manuel na mayroong galit na ekspresyon sa mukha. Nakailang lunok na sya para pigilan at pakalmahin ang sarili. “Let’s talk, right now,” madiin na sabi ni Manuel sa kaniya at hinatak sya palabas ng sasakyan.Pinasok sya nito sa katabing sasakyan. Nanginginig na sa takot si Alexis at ang kaniyang luha ay nagbabadya na ring bumagsak. Hindi nya alam ang gagawin dahil napakabilis ng pangyayari.Nilock ni Manuel ang pintuan kaya kahit na anong pilit buksan ni Alexis ang pinto ay hindi ito bumubukas.“B -buksan mo ‘to!” sigaw ni Alexis na hanggang ngayon ay pilit pa rin na binubuksan ang pinto. “Hindi na ako natutuwa, Manuel. Hindi ako nagbibiro.”Napatiim bagang si Manuel sa ingay na ginagawa ni Alexis. “Mag-usap muna tayo ng maayos, Alexis.”“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wala na tayong dapat pag-usapan?” inis na tanong ni Alexis sa kaniya. “Buksan
“Mommy, daddy,” ani Alexis na ngayon ay tumahan na sa pag-iyak. Hinawakan nya ang balikaw ng kaniyang mommy. “Tama na po, ok lang po ako.”Kakaalis lang ni Manuel gamit ang kaniyang sasakyan. Ni hindi na ito nakapagpaalam pa sa parents ni Alexis dahil sa kahihiyan. Ni hindi nya nadepensahan ang sarili sa mga sinabi ng magulang ni Alexis. Naiwan sa parking lot sila Alexis at ang parents nito. “Hindi pwedeng ganito, anak,” sagot ng mommy nya. “Hindi kami papayag na gaganyanin ka lang ni Manuel. Masakit para sa amin. Ikaw, sigurado ka bang ok ka lang? Hindi ka ba nya sinaktan?”Napalunok si Alexis at nag-iwas ng tingin. Hindi nya kayang sabihin ang totoo. Hindi sya ok, grabe ang trauma na nakukuha nya kay Manuel. Pero wala syang choice kung hindi ang umiling.Ayaw na nyang lumaki pa ang gulo dahil pagod na sya.“Hindi naman po,” sagot nya ng pilit. Ngumiti sya at pinunasan ang luha sa pisngi. “Pasok na tayo sa shop, mommy. Nagugutom na rin po kasi ako. Kumain na po muna tayo.”Sabay saba
Tanghali na ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Alexis. Napapakagat pa sya sa kaniyang labi sa tuwing naaalala ang mga nangyari kagabi. Inangat nya ang kamay nya at tinignan ang singsing na ibinigay ni Alvin sa kaniya. Kumikinang pa ito sa tuwing natatapatan ng ilaw.“Ang ganda,” bulong nya at muli na namang kinilig.Nagtataka na syang tinignan ng mga staff. “Boss ok lang po ba kayo?” Kanina pa kasi sya hindi mapakali at nakangiti simula nang pumasok sya sa shop.Humarap siya sa kanila. “Yup, I’m fine.”“Kanina pa kayo kinikilig dyan, boss,” ani Jasmine. “Ano pong meron?” Ngumisi si Alexis at pinakita sa kanila ang singsing. “Bagay ba sa akin?“ natatawang tanong nya.Parang walang nangyari kahapon. Hindi na bakas sa mukha ni Alexis ang lungkot at pagkabigla sa pagsugod ni Manuel kahapon. Ang mga staff ay napangisi na lamang at napailing. Ngayon ay may idea na sila kung bakit ganito ang reaksyon ng kanilang boss.“Kaya naman po pala,” ani Jasmine. “In love na ulit si bo
Hindi makapaniwala si Alexis sa mga narinig. Tila sya nailagay sa freezer at napahinto ng ilang segundo. HIndi nya akalain na iyon ang pangalan na sasabihin ni Shekinah.“A -alvin?” nauutal na tanong nya at sinigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “Alvin Dela Cruz?”Dahan dahang tumango si Shekinah bilang sagot sa tanong ni Alexis. Mapait itong ngumit ulit na para bang namimiss na nya ang ex.“Yup, isa syang professor ngayon sa isang university na papasukan ko this semester.”Napakagat sa labi si Alexis at napayukom ang kaniyang kamay. Kinakabahan sya ngayon, iyon ang totoo. Hindi sya mapakali at para bang may kirot sa kaniyang dibdib. Hindi nya akalain na ang ex pa ni Alvin ang makikita nya ngayong araw, ang malala ay kausap nya pa ngayon. Napalunok pa sya at mapait na ngumiti kay Shekinah.“Shekinah… he’s my boyfriend,” sagot niya na bahagyang ikinagulat ni Shekinah. Napahawak pa ito sa kaniyang bibig at napalunok dahil sa gulat. Hindi rin nya akalain na kaharap nya ngayon ang
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Alvin habang papasok sya ng university. Maganda ang araw ngayon at ganoon din kaganda ang nararamdaman na saya ni Alvin. Hindi mawala sa isipan nya ang nangyari kagabi. Masyado syang nabigla at nagulat. Hindi man umamin ng diretso si Alexis ay parang ganoon na rin ang dating sa kaniya nito. Hindi nya akalain na magiging tapat si Alexis sa mga sagot na lumabas sa kaniyang mga bibig. Habang naglalakad sa hallway ay nakakarinig sya ng nga bati ng mga estudyante. Yumuyuko ang mga ito ay kumakaway sa kaniya.“Good morning, dean!” bati sa kaniya ng mga estudyante. “Ang gwapo nyo po as usual!”“Good morning,” nakangiting bati nya pabalik.Ang ilan ay napatili sa kilig dahil sa napakagaan na aura na ipinapakita nya.Nang makapasok sya sa loob ng office ay agad na napansin ni Gian ang kakaibang presensya na meron si Alvin ngayon. Abot tainga kasi ang ngiti nya na hindi normal para sa kaniya. Madalas lang kasi itong naka poker face.“Anong meron?” agad na tan
Hindi maiwasang mapangisi ng mga staff sa ikinikilos ni Alexis ngayon. Masyadong ganado ito malayong malayo sa pagiging clumsy kahapon. Maganda rin ang kaniyang aura na para bang nakablush on dahil kanina pa mapula ang mga pisngi niya.“Mukhang in love nga si boss,” ani Jasmine kay Berna. “For sure may good news na naganap talaga.”“Nakita ko nga hinatid sya nung bebe ko,” sagot ni Berna.“Sinong bebe mo?” takang tanong ni Jasmine.“Si Sir Alvin,” natatawang sagot nya dahilan para mabatukan sya ni Jasmine.“Ayan ka na nama sa Fantasy mo, Berna,” naiiritang sagot ni Jasmine. “Kapag ako talaga nabarda sa kadeluluhan mo nako.”“Ito naman! Ineema ka lang!” depensa ni Berna. “Pero seryoso nga, nakita kong hinatid sya kanina kaya for sure iyon yung rason bakit sobrang saya ni boss.”Pinatigil sila ni Allen dahil dumarami ang customer na dumadating. Naging successful ang paglaunch nila ng bago nilang product na red velvet at iyon ang naging bagong mukha ng kanilang bakery shop. Natutuwa nga
Gabi na at wala pa rin si Alvin sa bahay. Naghihintay si Alexis sa kusina, nakapagluto na sya at nakapaglatag na ng mga pinggan. Hindi nya maiwasang mag overthink na naman dahil kanina pa rin hindi nagrereply si Alvin sa kaniya. Napalunok sya at napahikab.Alas syete na ng gabi, wala na syang choice kung hindi ang mauna nang kumain. Pero wala syang ganang kumain. Tumayo sya sa kaniyang inuupan at nagbabalak na matulog na lamang nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Doon ay agad na bumungad sa kaniya si Alvin na hinihingal.“S -sorry, wifey,” paumanhin niya at agad na naghubad ng tsinelas. “Nagkaroon kami ng group dinner sa office, hindi ako nakapagreply agad kasi nalowbat ako.”Ngumiti si Alexis at tumango. Tumuloy pa rin sya sa paglalakad paalis ng kusina.“Hindi ka na kakain?” agad na tanong ni Alvin sa kaniya. Pumunta sya sa kusina at nakita na nakhanda na ang lahat.“Wala na akong gana,” malamig na sagot ni Alexis. Nang mapansin ni Alvin na para bang may mali ay agad nyan
“Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, wifey,” ani Alvin at niyakap ng mahigpit si Alexis. “I love you.” Ngayon ay na sa parking lot na sila. Kanina ay halos maestatwa si Alexis sa mga nasabi nya pero wala syang pakialam ngayon. Ang importante ay nasabi nya ang gusto nyang sabihin. Natatakot kasi sya na baka mawala si Alvin sa piling nya. Lately lang nya ito napagtanto nang dumating sa eksena si Shekinah. Pauwi na sila ngayon at kakatapos lamang ng seminar na ginawa sa gym. May ngiti sa labi ang dalawa na kanina pa hindi nawawala matapos ng eksenang ginawa ni Alexis. Sa wakas, ito na ang panahon na masasabi ni Alvin na may pag-asa na nga sya kay Alexis. Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan at ipinarada ito ni Alvin sa parking space. Tinitigan nya ang mga malambot na mga mata ni Alexis na para bang nahihiya sa kaniyang ginawa kanina. “We’re engaged now,” dagdag ni Alvin at binigyan nya ng mabilis na halik sa labi si Alexis. “I’m so happy, really really happy!