Share

Chapter 13

Nagtatakang tinignan ni Alexis ang dalawang kaibigan. Kung makatingin kasi ito sa kaniya ay para bang may krimen syang nagawa o batas na nalabag.

“Sinong kasabay mong kumain?” muling tanong nila sa kaniya.

“Nang umalis ako sa bahay nila mommy, nakasalubong ako ni Alvin. Hinatid nya ako tapos pinagluto ako. Iyon lang.”

Simple lamang ang sagot ni Alexis pero ang kunot na noo ng kaniyang dalawang kaibigan ay hindi na nawala. Nagtataka sila at inulan nila ng tanong si Alexis.

“Sino si Alvin?” pangunguna ni Bruno.

“Bakit ka nya hinatid?”

“At bakit ipinagluto ka pa nya?”

Nakangusong tumingin si Alexis kay Joy. “Sya yung nagsauli ng susi. Yung kinuwento ko sayo last time sa shop.”

Napatango si Joy nang maalala ang kinuwento sa kaniya ni Alexis sa shop. Hinawakan nya ang kaniyang baba at tila nag-isip nang maitatanong sa kaniyang kaibigan. Naglakad sya ng kaunti at muling humarap kay Alexis.

“Nanliligaw ba sya sayo?” diretso nyang tanong na ikinagulat ni Alexis. “Oo o hindi lang ang sagot.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status