"Wala na tayong dapat pag-usapan."
Tila ba bumagal ang oras nang alisin ni Alexis ang kamay ni Manuel. Bilog ang buwan, ang malamig na simoy ng hangin ay nararamdaman nyang dumampi sa kaniyang mukha.
"B -bitawan mo na ako," muling sambit ni Alexis nang hindi bumitaw si Manuel sa pagkakahawak. "Tatawag ako ng pulis, isa pa."
Hindi pinansin ni Manuel ang mga sinabi ni Alexis at napatingin ito sa kaniyang relos. "Alas onse mahigit na," panimula nito. "Kailan pa nabago ang oras ng pag-uwi mo?" seryosong tanong ni Manuel.
Napatiim bagang si Alexis. "Wala kang pake kung anong oras akong uuwi. Nawalan ka na ng karapatan nang saktan mo ko."
Pilit kinalma ni Manuel ang sarili at hindi sinabayan ang pagtataray niya. "Tinatanong kita ng maayos, kailan ka pa umuuwi ng ganitong oras?"
Pinilit tanggalin ni Alexis ang kamay ni Manuel at nagtagumpay sya. "Sabi ng wala ka ng pake doon."
May magbabalot na dumaan sa gilid nila at tinignan sila. Naagaw ng pansin ng magbabalot ang ginagawa nilang dalawa.
"Uuwi na ako. Masyado ng nakakahiya sa ibang tao," ani Alexis na ikinagalit ng tuluyan ni Manuel.
Muling hinawakan ni Manuel ang kamay ni Alexis. Sa pagkakataong ito ay marahas na at ramdam ni Alexis ang pagkahigpit nito. Masakit, masyadong masakit.
"Paanong nakakahiya?" galit na tanong ni Manuel. Namumula na ang tainga nito at pilit kinakalma ang sarili. "Kailan pa naging nakakahiya ang ginagawa nating 'to, Alexis? Ikakasal na 'tayo. Hindi nakakahiyang mag-usap ang mga ikakasal na!"
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natawa ng mahina si Alexis. Tinitigan nya sa mata si Manuel at walang takot na nagsalita.
"Hindi mo ba ako naintindihan last time?" seryoso rin na tanong nya. "Hindi ba sinabi ko sayo na itigil mo na ang pagpaplano ng kasal? Ayaw na kitang makita, Manuel. Ayokong pakasalan ka dahil nagsisisi akong nakilala kita."
Binitawan ni Manuel ang kamay ni Alexis at inangat nya ang kamay para sampalin sana ito ngunit naunahan sya ni Alexis.
Dahil matangkad na tao si Manuel ay daplis lamang ang natamo nito.
"Ano, sasampalin mo ako ulit?" natatawang tanong ni Alexis. "Kung kaya mo kong saktan ng ganito, hindi mo deserve ang pagmamahal ko! Kung gusto mong magpakasal, pakasalan mo yung ex mo!"
Napatiim bagang si Manuel sa mga narinig. Kahit sya ay nagulat sa inasal ni Alexis. Hindi ganito ang kilala nyang Alexis. Ang Alexis na kilala nya ay walang ibang ginawa kung hindi ang hanapin sya at intindihin sya. Ang Alexis na kilala nya ay sumusunod sa bawat sabihin nya.
"Pareho kayo ng wedding ring mo, pareho kayong basura," pahabol ni Alexis bago sya tumalikod para pumasok sa kanyang bahay.
Naiwang tulala si Manuel sa tapat ng bahay. Pilit prinoproseso ang mga nangyari. Hindi ito ang ineexpect nyang resulta ng pagpunta nya. Akala nya ay hihingi ng tawad si Alexis sa kaniya dahil nabasag nito ang vase.
Pero mukhang tuluyan na ngang natauhan si Alexis.
————————————-
Hindi katulad ng mga nakaraang araw, hindi maagang dumating si Alexis sa bakery shop. Kasalukuyan syang nakahiga sa kaniyang kama at tila ba pagod na pagod bumangon. In short, tinatamad.
Nag-iwan sya ng message kay Jasmine na baka malate sya ng dalaw sya bakery shop. Alam nya ang dahilan kung bakit sya hindi makatulog ng maayos. Iyon ay dahil sa nangyari kagabi.
"Anong karapatan nyang sampalin ako ulit?" inis na tanong ni Alexis sa sarili. "Pasalamat talaga sya at nakaiwas sya dahil kung hindi baka magkapasa rin sya."
Ilang minuto pa syang humiga sa kama at nagmuni-muni. Hanggang sa tuluyang masira ang tahimik nyang kwarto nang tumunog ang cellphone sya.
Inalis nya ang malapad na kumot sa katawan at umupo sa kama para kuhanin ang cellhpone sa ibabaw ng mesa.
"Good morning," bati ni Alexis pagkasagot ng tawag.
"Good morning," sagot ni Joy. "Where are you? Na sa bakery shop mo ako today para sana yayain ka kaso wala ka raw dito at malalate ka?"
Bahagyang nag-inat si Alexis. "Tinatamad akong bumangon. Mga after lunch na siguro ako pupunta. Hinintay kasi kita kahapon pero di ka naman dumating."
"Sorry na, vih. Alam mo naman si mommy. Biglaan lagi ang lakad," dahilan ni Joy sa hindi nya pagpunta kahapon. "Babawi ako today. Wait kita here, punta tayo sa new restaurant ni Bruno!"
Hindi naman hahayaan ni Alexis ang sarili na malunod ulit sa mga isipin na hindi makakaganda sa sitwasyon nya.
"What time?" agad na tanong ni Alexis. "Doon na lng tayo magkita mismo sa place. Para di na sayang sa gas."
"Sure, mga lunch na mismo."
Matapos ibaba ang tawag ay nagmuni-muni muna si Alexis ng ilang minuto bago magdesisyon na tumayo sa kama para maligo.
Hinayaan nya ang sarili na magbabad sa malamig na tubig. Matapos non ay nagbihis sya ng red dress at naglagay ng light make-up. Kinuha nya ang susi ng sasakyan at lumabas na ng bahay.
———————
Napaaga ng kalahating oras ang pagdating ni Alexis sa binigay na address ni Joy. Na sa isang restaurant sya na halatang kakabukas lamang. Maganda ang ambiance, parang hinango sa European Restaurants.
Ilang minuto pa ay dumating na rin si Joy at Bruno. At dahil si Bruno ang may-ari ay sya na rin ang nagdecide kung anong kakainin nila.
"Late na nagising?" tanong ni Bruno habang hinihintay ang order nila. "Bakit naman late na nagising? Eh ikaw tong maaga laging magising sa atin."
Napailing si Alexis. "Sinong makakatulog ng maayos kung may bangungot na bumisita kagabi."
"Pumunta si Manuel sa bahay mo?" agad na tanong ni Joy.
Tumango si Alexis. "Hindi lang pumunta. Ginulo pa kamo ako."
"Humingi ba ng sorry sayo?" pag-aalala ni Bruno.
Hinarap sya ni Joy. "Ano ngayon kung humingi ng sorry sa kaniya? Kahit humingi pa yon ng sorry, sinaktan nya pa rin si Alexis."
"Oh, bakit ka sa akin nagagalit?" depensa ni Bruno. "Di naman ako si Manuel."
"Syempre bestfriend kayo non."
"Kahit na," sagot ni Bruno. "Hindi ko naman itotolerate yung ganon. Never akong nang tolerate na manakit ng babae."
Hindi na nasundan pa ang usapan na 'yon dahil dumating na ang order nila. Kumain sila ng tahimik at inenjoy ang pagkain.
"In fairness naman sa ulam," komento ni Joy. "Masarap."
Sumang-ayon naman si Alexis. "Tama lang na nagtayo ka ng restaurant, vih."
Lahat sila ay nagulat nang tumunog ang cellphone ni Alexis. Tinignan nya ito at halos magulat sya nang makita na tumatawag ang mommy nya.
"Sino?" bulong ni Joy.
"Si Manuel ba?" dagdag ni Bruno.
"Si mommy," sabi nya kina Joy at Bruno.
"Shocks," kinakabahang sabi ni Joy. "Pano na 'yan. Baka hanapin nya sayo si Manuel."
Kagat labing sumagot si Alexis. "B -bahala na."
Halos hindi pa sumisikat ang araw sa masayang bahay ni Alexis ay tila ba naghagis na ng malambot na ginintuang kulay ang kalsadang na sa harapan ng bahay. Sa loob ng kanyang bahay, ang mainit na amoy ng mga bagong lutong itlog at fried rice ay pumupuno sa hangin, na humahalo sa tunog ng mga kanta sa loob ng bahay nila. Usual na ganap tuwing linggo sa isang tahanan.Si Alexis ay maingat na nag-aayos ng plato at baso nang tumunog ang kanyang telepono sa countertop, na humiwalay sa kanyang atensyon. Nagtataka ay kinuha niya ito at sinipat ang screen. Ito ay isang text mula sa kanyang assistant na si Jasmine.“Boss, good morning po. Na sa shop na po kami ni Berna. Nakatanggap po kami ng notice mula sa pulis tungkol sa illegal parking daw po natin. Nagbabanta silang hahatakin ang delivery truck kung hindi ito magalaw sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang pumunta sa shop, boss?”Agad na napakunot ang noo nya nag mabasa ang text message. Nadurog ang puso niya. Nakaparada ang delivery tru
Paggising ni Alexis ay wala na sa kaniyang tabi si Alvin. Kinapa nya ang gilid nya at wala nga talagang tao roon. Hapon na sya nagising dahil na rin siguro sa pananakit ng kaniyang katawan.Ang ngiti ay sumilay sa kaniyang labi nang maalala nya ang mga nanyari kahapon. Nabigay na nya ng tuluyan kay Alvin ang kaniyang pagkababae. Hindi nga nya mabilang kung nakailan sila kagabi. Basta ang alam nya ay masakit ang maselan nyang parte.Nakatanggap sya ng text kay Alvin. Agad syang umupo at napadaing pa nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang pang-ibaba.Hindi nya akalain na may ganoong tinatago si Alvin. Isang halimaw sa kama! Nabigla sya, iyon ang totoo. Hindi nya tuloy maiwasan na mapaisip kung may mga karanasan na ba ito noon.“Naghanda na ako ng pagkain for you, take a rest! Uuwi rin ako agad,” pagbabasa ni Alexis sa text message ni Alvin sa kaniya.Napatayo na sya at nagbanlaw na. Although mukhang nalinisan naman na sya ni Alvin ay gusto pa rin kasi nya na magbabad sa tubig.Sarado nam
Nagsisimula nang lumubog ang araw, na naglalagay ng mainit na ginintuang kulay sa lungsod habang nagmamaneho si Alvin sa mataong mga lansangan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na si Almario, noong araw na iyon, na humihiling sya sa kanyang kapatid na maging CEO na ng tuluyan at ngayon ay pinapapunta sya sa opisina para sa isang mahalagang usapan. Magkahalong kuryusidad at pangamba ang nadama ni Almario noong araw na tinawagan sya ni Alvin; Si Alvin ay hindi basta-basta gumawa ng gayong mga kahilingan. Limang taon kasing iniwasan ni Alvin ang pagiging CEO kaya nagtataka sya na bigla itong tumawag para doon.Agad na ipinarada niya ang kanyang sasakyan at naglakad patungo sa makintab na gusaling gawa sa salamin, ito ang infinity corporation na sikat na sikat when it comes to construction materials, bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon nya sa kaniyang kolehiyo.. Siya ay gumugol ng hindi mabilang na oras dito, nagtatrabaho hanggang g
Tila naging blessings in disguise pa ang nangyari kay Alexis ngayon. Hindi lang naging doble ang kinita nya ngayong araw. Talagang pumaldo ang shop nya ngayon dahil sa tulong ng sikat na artista na si Blessy. “Thank you for today, Blessy,” ani Alexis sa kaniya at bahagyang yumuko para magpasalamat. “Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka magsara kami after two months.”“Hala, nako,” agad na reaction ni Blessy nang yukuan sya ni Alexis. “Hindi nyo na po kailangan yumuko, ma’am. It’s my pleasure to help you po.”Nahiya naman si Blessy sa ginawa ngayon ni Alexis. Hindi nya akalain na napaka down to Earth ng asawa ng isa sa mga big boss ng Infinity Corp. Ang tagal din na nawala ni Alvin sa industry kaya laking gulat nya na lamang na makita ito rito sa isang bakery shop. Napaayos sya ng upo nya nang marinig nya ang boses ni Alvin.“Thanks for today,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good luck to your upcoming movie.”Napalunok si Blessy. Hindi nya talaga makakalimutan ang araw na ito. Isa
“Wag ka ng malungkot.”Umupo si Alvin malapit na upuan kung saan nakaupo si Alexis. Hinagod nito ang likuran nya para pakalmahin. Kitang kita kasi nya kung gaano kalungkot ngayon si Alexis. Ito na marahil ang unang beses na naging malungkot ito ngayong nagkasama sila.“Hindi ko mapigilan,” sagot ni Alexis at huminga ng malalim. “Siguro mali ko rin kasi di ko napaghandaan yung mga ganitong sitwasyon. Masyado akong naging kampante.”Tumayo si Alvin at niyakap si Alexis. “Ok lang ‘yan, I’m here,” sagot nya. “Masyado pang maaga. Isang oras pa lang simula nang magbukas tayo.”Sa pagkakataon na ito ay tila ba nabuhayan ang puso ni Alexis dahil sa mga sinabi ni Alvin. Huminga sya ng malalim bago tumayo. Niyakap nya si Alvin at nagpasalamat.Humarap sya sa mga staff. “Come on, let’s do our best today. I’ll try to put sales to our product—““No,” agad na pagpipigil ni Alvin. Ngumiti sya sa mga staff. “Damihan nyo na lang ang eggpie and red velvet nyo today. Papunta na ang bisita natin, nandito
Gulat at inis ang naramdaman ni Alexis matapos nyang marinig ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Ang kaniyang noo ay kumunot at napauwang pa ang kaniyang labi.Hindi sya pwedeng magkamali. Kaya naman nagtanong sya ulit.“W -what?” gulat nyang tanong. “Sino kamo?”“Si Sir Manuel po.”Doon ay napatay ni Alexis ang kaniyang phone. Dali dali syang pumasok sa banyo para maligo. Naiwang tulala si Alvin sa kaniya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Minuto pa ang binilang nya bago tuluyang makalabas ng banyo si Alexis. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nya pero nang akmang lalabas ito ay pinigilan sya ni Alvin nang hawakan ang kaniyang balikat.“Hey, what’s wrong, wifey?” takang tanong ni Alvin sa kaniya. “Bakit nagmamadali ka? Hindi ka mapakali.”Doon ay para bang natauhan si Alexis. Napapikit sya ng ilang ulit at para bang nagising ang kaniyang diwa. Napalunok sya at nag-iwas ng tingin.“M -may problema lang sa shop,” nahihiya nyang sagot. “Kailangan ko lang makapunta sa shop as soon