Share

Chapter 7

Napayuko sina Joy at Bruno nang sagutin na ni Alexis ang tawag. Ninang at ninong nilang dalawa ang parents ni Alexis at ganoon din si Alexis sa parents ng dalawa. 

Alam ni Bruno at Joy na ang mga magulang ni Alexis ay boto kay Manuel. Labis ang tuwa ng mga ito kay Manuel lalo na noong panahon na niligawan ni Manuel ang kanilang anak.

"Na sa bagong restaurant po ako ni Bruno, dad," sagot ni Alexis. “Kumakain po ng lunch.”

Tinawag na nila Joy at Bruno ang lahat ng santo at ipinagdasal na huwag banggitin ng mga magulang ni Alexis si Manuel.

"Really?" may halong lungkot na tanong ni Alexis. "Balak ko pa naman po sanang kumain dyan sa inyo mamaya, dad."

Mukhang hindi sumagi sa isip ng daddy ni Alexis na hanapin si Manuel. Tila ba nabunutan ng tinik ang dalawa at nakahinga ng maluwag.

"No need, dad," ani Alexis. 

Napanguso si Alexis nang babaan sya ng tawag ng daddy nya. Pero mabuti na lang at hindi nito binanggit si Manuel. Alam nya sa sarili na mahihirapan syang magpaliwanag sa mga 'to.

"Anong sabi ni tito?" agad na tanong ni Joy. "Hinanap ba si Manuel sayo?"

Napailing si Alexis. "Mabuti na nga lang at hindi," simpleng sagot nya. "Kinabahan din ako, akala ko katapusan ko na."

"Eh, bakit daw sya napatawag?" tanong naman ni Bruno. "Kinabahan din ako para sayo."

"May get together daw sila ng mga parents natin," sagot ni Alexis. "Kaya ayon, hindi muna ako makakapunta sa bahay nila para makakain. Pero nagsend sya sa bank ko para raw sa dinner ko. Hindi naman na ako nakatanggi. Mas ok na 'to kesa hanapin nya sa akin si Manuel."

Sumubo si Alexis ng steak at bumuntong hininga. Namiss na nya kasi ang dad at mom nya pero sa isip nya ay may next time pa naman.

"Gusto sana kitang samahan magdinner mamaya kaso may meeting ako that time para sa mga new actress sa company," ani Joy. “Ang daming bagong artist sa company namin.”

Si Joy ay isang manager ng isang entertainment company sa bansa. Humahawak sya ng mga artista at minamanage ang mga ito.

"Ako naman ay may meeting dinner sa investors ko rito sa new restaurant," ani Bruno. "Pero free na ako after dinner. Gusto mo ba magshopping? Pwede kitang samahan."

Gusto ni Joy at Bruno na gawin ang lahat para hindi sumagi sa isip ni Alexis si Manuel. Ayaw nilang mas malungkot ito dahil kita nila kung gaano kahirap ang sitwasyon nya ngayon. Kapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa.

"Alrigt, may balak din akong bilhin para sa mga staff ko," pagsang-ayon ni Alexis. "Let's meet ng 9 or 10? Kagaya ng dati, if di kaya, next time na lang."

"Hoy, sama ako!" singit ni Joy. "Pipilitin kong maagang matapos."

"Para mapaaga rin yung resignation mo?" pang-aasar ni Bruno.

Natawa silang tatlo. Inubos na lamang nila ang pagkain at sumakay na sa kanilang mga sasakyan. Si Joy ay nagpunta sa company na pinagtatrabahuhan nya. Si Bruno naman ay bibili raw ng regalo sa investor habang maaga pa.

Samantalang si Joy ay hindi alam kung saan pupunta. Hanggang sa sumagi sa isipan nya ang park na malapit sa kinainan nila. Nagpunta sya sa isang park para magpahangin at mag-isip.

Nang makarating sa malawak na park ay agad nyang nalanghap ang nakakarelax na hangin. Malamig din ang simoy ng hangin kahit na litaw pa ang araw sa langit. Hindi nya akalain na kaya nya pa lang mabuhay nang wala si Manuel. Na kaya nya pa lang palipasin ang isang oras ng wala ang presensya nito.

Sumakay sya sa isang duyan. Doon nya piniling pumwesto at tumingin sa langit. 

Kinaya nya. Kaya nya pala. Matagal na panahon din kasi syang nanlilimos sa atensyon ni Manuel. Lagi kasi syang busy. Sa loob ng isang taon na relasyon ay bilang lamang sa kamay ang naging date nilang dalawa. Lagi syang nanlilimos ng oras at mukhang napagod na lang sya at natauhan nang sampalin sya ng katotohanan.

Buhay pa ang araw, papalubog pa lang ito. Ilang oras din nag-isip si Alexis hanggang sa mapagdesisyunan na umuwi. Napadaan sya sa isang sikat na university sa Circle City, ang Philippine Polytechnic University. 

Nagpark sya saglit nang makita ang mga estudyanteng nagtatawanan. Ganyan sila noong college, noong mga panahon na hindi pa naiinlove si Manuel sa ex nya.

Binaba ni Alexis ang window ng car at pinagmasdan ang mga ito habang inaalala ang mga masasayang panahon na 'yon.

Papasok ng masaya at uuwi ng masaya. Ganoon sila noon hanggang sa lumayo ang loob ni Manuel dahil nainlove sa ex nya.

Habang nag-immagine ay nagulat si Alexis nang may isang lalaki ang nakatayo sa gilid nya, nakaharang kung saan sya nakatingin. Nakasuot ito ng polong puti at itim na trousers. 

"Pinuntahan mo ba ako, Alexis?" 

Agad na tinignan ni Alexis ang nagsalita at nagulat nang makita si Alvin na nakangisi.

"Oh, Alvin," gulat na sagot nya. "Napadaan lang ako."

Nahiya bigla si Alexis at agad na nag-iwas ng tingin. Tinignan nya ang relo at oras na pala ng dinner. 

"Good bye, dean!" sigaw ng ilang mga estudyante na palabas na at naglalakad sa kabilang kalsada.

Nagtatakang tumingin si Alexis sa mga ito at hindi nya alam ang dahilan kung bakit nakatingin ang mga estudyante sa pwesto nya.

"Good bye! Mag-iingat sa pag-uwi," sagot ni Alvin sa mga estudyante na ikinagulat ni Alexis. "Mag-aral ng mabuti."

Muling nagtagpo ang mata nilang dalawa.

Kunot noong nagtanong si Alexis sa kaniya. "Dean ka?" 

Tumango si Alvin. "Last week lang," sagot nya. Tinignan ni Alvin ang relo at agad din na humarap kay Alexis. "Nagdinner ka na?" 

Umiling si Alexis. "Hindi pa," sagot nya. "Kakain pa lang sana ako nang mapadaan ako rito."

Napakamot si Alvin sa kaniyang batok. "Gusto mo bang sumabay na sa akin sa dinner?"

Bigla naman nahiya si Alexis sa tanong 'yon. "Pwede naman." 

"Ok, then," simpleng sagot ni Alvin habang natawa ng mahina. "Punta lang ako ng parking and then wait mo ako rito. Five minutes.”

Nang makaalis si Alvin ay naramdaman ni Alexis na may mga nakatingin sa kaniya. At nang lingunin nya kung sino ang mga ito ay halos gusto nyang magpalamon sa lupa.

Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa direksyon nya na tila ba mga kinikilig. 

Napangiti na lamang sya bago iangat ang window. Hinintay nya ang pagdating ni Alvin. Nang makita ang isang itim na BMW 5 series na dumaan ay agad nyang nakita si Alvin na kumaway. Sumenyas pa ito sa kaniya na tila ba sinasabing sumunod sya.

——————————

Huminto sila sa isang paresan. Isang sikat na paresan hindi kalayuan sa bahay ni Alexis. Nakahilera ang paresan na ito sa mga naglalakihan at kilalang restaurants. Nang makapagpark sila ay sabay silang bumaba.

"Kumakain ka ba ng pares?" tanong ni Alvin. "Masarap yung pares nila dito."

Tumango si Alexis bilang sagot.. "Oo naman. Hindi naman ako maarte sa pagkain."

Parang na sa date silang dalawa. Suot ang red na dress ay agaw pansin si Alexis. Maganda sya, hindi na nya kailangan ng makakapal na make-up katulad ng mga babaeng na sa paligid nila ngayon.

Umupo sila sa loob ng paresan. Sakto lamang ang lamig sa loob at sa bandang dulo sila umupo. Matapos um-order ay napahikab si Alexis.

"Inaantok ka na?" tanong ni Alvin sa kaniya. "Pwede natin i-take out habang wala pa."

"Napahikab lang!" natatawang sagot ni Alexis. 

Muli silang binalot ng katahimikan. Hanggang sa sumagi sa isip ni Alexis ang nangyari kanina.

"Dean ka pala," panimula nya. "Akala ko teacher ka lang! Big time ka pala, e!"

Natawa naman si Alvin. "Noong nakaraan lang."

"Nga pala, thank you kagabi." 

"Wala 'yon. Ikaw tong laging nanlilibre."

Naubos ang oras at hindi nila namalayan na ubos na ang kinakain nila. Alas otso na ng gabi at hindi na rin natuloy ang shopping nila Alexis, Joy, at Bruno.

Sa paglabas nila ng paresan ay halos magulat si Alexis nang makita si Manuel sa hindi kalayuan. Agad nyang hinatak ang matangkad na si Alvin at nagtago sa likuran nito. 

Ayaw nyang makita si Manuel dahil alam nyang guguluhin sya nitong muli. Ayaw nyang makita ang lalaki at ayaw nya itong makausap. Nasasaktan pa rin sya.

"Bilisan natin," ani Alexis at hinatak si Alvin papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nilang dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status