"BAKIT hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto?" ito ang ang bungad kay Angela ng bagong dating na si Arth. "Parang narinig ko na may kausap ka dito sa loob ng kuwarto mo, may itinatago ka ba?" seryoso ang mukhang sabi ng binata nakapamulsa ito.
"Ako, may tinatago?" Ani Angela na sinabayan ng pekeng tawa. "May kausap nga ako kuya ang kaibigan ko, pero sa cellphone lang kami nag usap. Kita mo naman mag isa lang ako dito sa kuwarto ko?" Menuwestra pa ng dalaga ang loob ng kanyang kuwarto.
Pagak na tumawa ang binata, nagpalakad-lakad ito sa loob ng kuwarto ng dalaga at inililibot ang paningin.
"Sigurado ka?" dudang tanong ni Arth sa kapatid.
"Oo naman!" mabilis na sagot ni Angela.
Humakbang ang dalaga palapit sa kanyang kama at naupo, kung saan ay nakadapang nag tatago sa ilalim nito si Franki.
Nakita ni Angela na may dinukot sa bulsa sa suot nitong black pants ang kanyang kuya.
"Sabi mo may kausap ka sa cellphone, eh ano itong hawak ko?" ipinakita ni Arth ang hawak niyang cellphone, pag mamay-ari ito ng nakababatang kapatid. Nakuha niya iyon sa kusina, nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng dumaan siya doon para uminom ng malamig na tubig.
Napangiwi si Angela, at mabilis na nag isip ng idadahilan.
"Nakalimutan ko nga pala na mag update sayo kuya, dalawa na ang cellphone ko. O 'di ba, social ang sister mo!" Sa pinasiglang boses.
Lumapit sa kama ang binata para sana sumilip sa ilalim ng kama ng kapatid.
Mula sa kanyang pinag tataguan nakita ni Franki ang kuya ni Angela na papalapit sa kama na pinag tataguan niya.
"Naku, patay na!" pikit mata na usal niya, mukhang mabibisto pa yata sila ng kuya ni Angela.
Agad naman na tumayo si Angela para humarang sa kapatid.
"Hep! hep!" pigil ni Angela sa kanyang kuya. "Teka nga kuya, bakit ka ba naandito may kailangan ka ba?" nakapa-meywang na tanong ng dalaga.
"Ibibigay ko lang sayo ang cellphone mo," sagot ng binata sabay abot ng cellphone sa kapatid.
Inabot naman iyon ni Angela. "Ito lang pala ang dahilan kaya ka nandito, salamat kuya. Sige na, makakalabas ka na ng kuwarto!" pag tataboy ng dalaga sa kapatid.
"May sasabihin pa ako sayo,"
"Ano 'yon? bilisan mo na at matutulog na po ako!" nag kunwaring humikab si Angela.
"Tanungin mo bukas ang mga kasambahay." Ani Arth.
"Tanungin, tungkol saan?" Nagulumihanang tanong ni Angela.
"Baka may kakilala sila na puwedeng mag trabaho bilang kasambahay. Urgent lang, doon sa bahay ng kaibigan ko." Mahabang sabi ni Arth. Malikot ang mga mata nito, napapansin kasi nito na parang may itinatago ang kapatid.
"Kasambahay!?" ulit ni Angela. Naalala niya si Franki.
Mataman na nakikinig naman sa ilalim ng kama si Franki. Natuwa ang dalaga sa kanyang narinig. Mukhang hindi na niya kailangan pa na mag lakad-lakad sa kalsada para mag bahay-bahay kung saan may karatulang nakasabit sa labas ng gate na may nakasulat na, 'wanted maid.'
"Yes! kasambahay, katulong or maid. Umuwi daw kasi sa probinsya ang kasambahay ng kaibigan ko dahil may sakit daw ang tatay. Mukhang matatagalan pa ng balik ng manila, kaya kailangan niya ng bagong kasambahay."
"Eh bakit ikaw ang nag hahanap para sa kaibigan mo?" usisa ni Angela dito.
"Kaibigan ko nga diba? tumutulong lang." Sagot ng binata. Naupo ito sa kama ng dalaga pero malayo naman ang pagitan sa kapatid. "Bukas mismo puwede na siyang mag start!"
Nanlalaki ang mga mata ni Franki sa kanyang narinig, parang gusto niyang pumalakpak sa tuwa. Ito na ang sagot sa kanyang problema, mag tatrabaho siyang kasambahay ng kaibigan ng kuya ni Angela.
"Ano ba ang hitsura ng kaibigan mo kuya?" tanong ni Angela.
"Siyempre guwapo, gaya ng kuya mo!" Pag yayabang pa ng binata, sabay turo ng hintuturo nito sa sarili.
Ipinaikot naman ni Angela ang eyeball ng mga mata sa tinuran ng kapatid.
"Mabait ba?" muling tanong ng dalaga.
"Mabait naman, medyo seryoso lang kung titignan." Sagot naman ni Arth.
"Hindi ba bastos 'yang kaibigan mo? baka mamaya niyan manyak pala," prankang turan ng dalaga.
Piningot ni Arth ang isang tenga ng kapatid. "Bakit andami mo tanong ha, ikaw ba ang mag a-apply na katulong?"
"Siyempre hindi!" Mabilis na sagot ni Angela na hinimas ang tenga na piningot ng kanyang kuya. "Inaalam ko lang. Mahirap na, baka may gawin na masama iyang kaibigan mo sa mag a-apply na katulong."
Tumayo si Arth at humarap sa kapatid.
"Mabait ang kaibigan ko at siguro naman hindi papatol 'yon sa katulong. Mataas kaya ang standard non pag dating sa babae."
Napaismid naman sa narinig niya si Franki na kanina pa nakikinig sa pag-uusap ng mag kapatid.
"O sige, ibigay mo saakin ang address ng kaibigan mo. Bukas na bukas din ihahatid ko na sa bahay niya ang kasambahay na kailangan niya!"
"Wala ka pa ngang nakakausap,"
"Ako na bahala doon kuya, ibigay mo na lang saakin yong address at contact number ng kaibigan mo."
"O-okay sige, basta siguraduhin mo lang na bukas bago mag tanghalian ay maihatid mo na sa kanya ang kasambahay na mag tatrabaho sa kanya."
"Bukas na bukas mismo!" sagot ng dalaga.
Maang naman na pinag masdan ni Arth ang kapatid, sigurado talaga siyang may nangyayari na kakaiba dito.
"Parang may kakai-- "
"Bigay mo na kasi!" pigil ni Angela sa sasabihin ng kapatid.
"Oo ito na, nanginginig pa!" sagot ng binata.
Kinuha ni Arth ang calling card ng kaibigan na itinago niya sa bulsa ng suot niyang polo, may nakasulat din kasing complete address doon ang kaibigan.
"Here," sabay abot ng maliit na card sa kapatid.
"Okay. Sige, ako na ang bahala sa kasambahay na kailangan ng kaibigan mo." Sabi ng dalaga na mabilis na inabot ang maliit na card mula sa kapatid.
"Sige lalabas na ako, sabado bukas kaya nasa kanyang bahay ang kaibigan ko." Pahabol pa ni Arth habang nag lalakad na ito palapit sa pinto.
"No problem kuya!"
Lumabas na nga ng kuwarto ni Angela ang kanyang kuya, ngunit bigla itong sumilip ulit sa pintuan.
"Bakit na naman?" tanong ni Angela sa kanyang kuya.
"I make it sure lang na wala kang ibang kasama sa loob ng kuwarto mo!" sagot ng binata.
Napakamot sa batok ang dalaga.
"I swear wala kuya, sige na goodnight na po!" Tumayo si Angela at sinaraduhan ng pinto ang kapatid.
"Ayusin mo lang!" narinig pa ni Angela ang sinabi ng kapatid pero hindi na niya iyon pinansin. Ini-lock niya ang pinto para sigurado na hindi na nga ito bumalik sa kuwarto niya.
Ganyan talaga sila ka close ng kanyang kuya, madalas kasi na sila lang ang mag kasama dahil lagi out of town ang parents nila dahil na din sa business ng mga ito. Mabait naman ang kuya Arth niya sobrang protective lang talaga nito sa kanya, ganoon yata talaga kapag babae ang bunso.
Sumilip sa ilalim ng kanyang kama si Angela para palabasin na si Franki, pero sumenyas ito sa kanya na huwag muna mag salita at baka nakikinig pa sa labas ng kanyang kuwarto ang kuya nito.
Hindi nga nag kakamali sa hula si Angela. Dahil mula sa labas ng pinto ng kuwarto nito, naandoon si Arth at nakadikit ang isang tenga sa nakapinid na pinto. Pero ng masiguro na wala naman kausap ang kapatid sa loob ng kuwarto nito ay umalis na din ang binata para tumungo naman sa sariling kuwarto nito.
NAUPO sa gilid nang kama ang magkaibigan. Pinag-usapan ang tungkol sa kasambahay na kailangan ng kuya ni Angela.
"Seryoso ka na ba talaga sa plano mo na pag tatago sa pamilya mo?" tanong ni Angela sa kay Franki.
"Im positive !" sagot niya. "Ngayon pa ba ako aayaw, eh mag kakaroon na ako ng trabaho."
Napasimangot si Angela sa kanyang sinabi.
"Mukhang ang saya mo pa, na pagiging katulong ang unang trabaho na papasukan mo."
Hinawakan ni Franki ang mga kamay ng kaibigan.
"Hindi naman ako habambuhay na magiging katulong na lang, sayang naman ang tinapos ko sa pag aaral kung hindi ko pakikinabangan."
"'Yon na nga eh!" mabilis na sabi ni Angela. "Bakit hindi ka mag apply ng magandang trabaho instead na maging katulong?"
"Im out of time!" Sagot niya. "Dahil sigurado ako, kapag nalaman nila na nag layas ako hahanapin agad ako ng pamilya ko. Suportahan mo na lang ako friend, please?"
Nakita niya ang pag buntong hininga ng kaibigan.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko, mukhang desidido ka na talaga sa balak mo."
"Thank you friend!" tuwang niyakap niya ang kaibigan. "Nakuha mo ba yong address ng pag tatrabahuan ko?"
Kumawala ng yakap sa kanya si Angela.
"Here!" sagot nito, sabay abot ng hawak nito maliit na card. "Nabasa ko sa card na yan na part pa din ng manila naninirahan ang kaibigan ni kuya, malaki pa din ang chance na mahanap ka agad ng parents mo!"
"Ayoko na muna isipin yan." Sagot niya. "Ang importante may matitirhan na ako pansamantala."
"Let me remind you Franki, hindi ka maninirahan ng libre sa bahay na 'yan. Mag tatrabaho ka bilang kasambahay!"
"Hindi ko nakakalimutan yan," sagot niya. "Bukas maaga tayong umalis, kailangan ko bumili ng mga gagamitin ko sa pag di- disguise."
"Anong disguise ba ang gagawin mo?" tanong ni Angela. Pinag krus nito ang mga bisig.
"Kailangan ko na baguhin ang looks ko!" Ngiting sagot niya. "Kung kailangan mag mukha akong hukluban gagawin ko maitago ko lang ang totoong mukha ko."
"Ha! ha! ha! ha! " napahagalpak ng tawa si Angela dahil sa sinabi niya.
"Anong nakakatawa dun?" tanong niya sa kaibigan.
Iyon lang kasi ang naiisip niyang paraan upang walang may makakilala sa kanya sa loob o labas man ng bahay na pag tatrabahuan niya.
"Bakit ba kasi kailangan mo pa gawin yon, kung lagi ka lang naman nasa loob ng bahay?"
"Ikaw na din nag sabi na baka mag pakalat ng picture ko ang family ko, baka nga ipakita pa sa tv at ibalita na missing person na ako. " Sagot niya na minuwestra pa ang mga kamay.
"Sa pretty mo na 'yan mahihirapan tayong papangitin ka!"
"Kaya mo yan friend, ang laki ng tiwala ko sayo." Ngiting sabi niya.
"Ako?" ulit ni Angela sa nanlalaking mga mata. "Ikaw ha, sumusobra ka na."
"Tutulong ka na rin lang e di lubusin mo na!" anya sabay kindat sa kaibigan.
Inirapan ni Angela ang nakangiting kaibigan. "Hay naku! pasalamat ka at love kita na babae ka kahit na nag mumukha na akong Tsimay sayo!"
Niyakap ni Franki ang kaibigan.
"Maraming salamat friend, tatanawin ko na malaking utang na loob ang mga naitulong mo saakin. Makakaganti din ako sa lahat ng kabutihan mo saakin." Seryosong sabi niya.
"Huwag ka na nga mag drama diyan, anong silbi ng friendship natin kung hindi tayo mag tutulungan. " Inilayo ni Angela ang sarili sa kanya. "Matulog na tayo, basta pag may kailangan ka huwag ka mahihiya na mag sabi sa akin. Lagi akong handang tumulong sayo."
Tumango siya bilang pasasalamat sa kaibigan.
Nahiga na nga sa kama ang dalawang dalaga at tuluyan na ngang makatulog
SAMANTALANG sa bahay nang pamilya Avella.
Bago tumungo sa kuwarto nilang mag-asawa, dumaan muna si Mabel sa kuwarto ng bunsong anak.
Kumatok si Mabel sa pinto pero walang sagot mula sa anak.
"Anak, Franki. Gising ka pa ba?"
Muling kumatok sa pinto si Mabel pero hindi pa din siya pinag buksan ng pinto ng anak. Pinihit niya ang door knob at hindi iyon naka lock.
Tuluyan na ngang binuksan ni Mabel ang pinto, sinilip niya ang anak. Nakahiga ito sa kama at balot ng kumot ang buong katawan, mukhang himbing na sa pag tulog.
Papunta sa kanyang sariling kuwarto si Francine nang mapansin nito ang ina sa labas ng kuwarto ng kanyang kapatid.
Lumapit si Francine sa kanyang ina na mukhang hindi siya napansin nito.
"Mom!" tawag pansin ni Francine sa kanyang ina na akmang papasok na sa kuwarto ng kapatid.
Natigil sa pag hakbang si Mabel ng marinig ang boses ng panganay na anak.
"Ikaw pala anak, sinilip ko lang ang kapatid mo." Ani Mabel.
Lumapit sa kanyang ina si Francine."
"Balak mo ba siyang kausapin?"
"Sana, anak."
SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at
BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b
MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m
ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank
"HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a
PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.