"Mom. I think, this is not the right time para kausapin si Franki. Masama ang loob ng kapatid ko, kaya mas mabuti pa po na bukas mo na lang siya kausapin. " Mahabang turan ni Francine.
Napabuntong hininga si Mabel.
"Sige," tipid na sagot na lamang nito.
"Tara na mom, ihatid ko na kayo sa kuwarto niyo ni dad."
"Hindi na anak, " tanggi ni Mabel. Maingat na muling isinara ni Mabel ang pinto ng kuwarto ng anak.
"Sige po mom, punta na ako sa kuwarto ko." Paalam ng dalaga sa ina. "Goodnight mom!"
"Sige anak. Goodnight!"
Humalik muna si Francine sa pisngi ng ina bago ito nag simulang humakbang patungo sa kuwarto nito.
Tinapunan ng malungkot na tingin ni Mabel, ang nakasarang pinto ng kuwarto ng bunsong anak. Kung may magagawa nga lang siya para pigilan ang kanyang asawa sa plano nito para sa kanilang anak. Ngunit kilala niya ang kanyang asawa, ayaw nito na nag papamando kahit kanino maging sa kanya.
Para sa kanyang asawa ito lang ang may karapatan na mag desisyon para sa kanilang pamilya dahil ito ang nag tatrabaho at nag papalakad ng kanilang kompanya, samantalang siya bilang may-bahay ay nasa bahay lamang upang tumulong sa mga kasambahay sa pag luluto ng pagkain nilang mag pamilya. Gusto niyang tumulong sa asawa pero ayaw nito, ang katuwiran nito na ang asawang babae ay dapat nasa bahay lamang upang alagaan ang mga anak at asawa.
Mabait naman ang kanyang asawa, hindi madamot. Lahat ng pangangailangan nilang mag-iina ay ibinibigay nito, iyon nga lang may pagka-ekstrikto ito at ayaw na sinusuway ang mga gusto nito.
Naiiling ang ulo na nag simula ng humakbang si Mabel, upang tumungo sa kuwarto nilang mag asawa.
ALAS SIYETE palang ng umaga gising na ang mag kaibigan, breakfast in bed sila upang maiwasan na makita sila ng kuya ni Angela.
Naunang matapos kumain si Angela, agad na hinalukay nito ang isang may katamtamang laki na kabinet kung saan nakatago ang kanyang mga wig, cosmetic at mga palamuti niya sa katawan.
Pati mga pinag-lumaan nitong mga damit kinuha na din upang ibigay kay Franki.
"Pati ba naman mga damit?" Puna niya sa kaibigan.
"Oo, para hindi mo na kailangan bumili ng mga bagong kasuotan. 'Yong sasahudin mo bilang kasambahay, iipunin mo iyon para magamit mo iyon sa maliit na business." Sagot ng kanyang kaibigan na abala pa din sa pag hahalukay ng mga ibibigay nito sa kanya.
"Hindi pa nga ako nakakaumpisa sa trabaho ko ang advance muna mag isip! Hindi pa naman sigurado na mag tatagal ako sa bahay ng kaibigan ng kuya mo."
Lumingon sa kanya si Angela.
"Inuunahan na kitang mag isip, palpak ka pa naman lagi sa mga plano mo!" prangka nitong sabi na nakangiti naman sa kanya.
Napasimangot siya sa sinabi nito.
"Grabe ka, nakaka - hurt kana!" Kunway nag tatampong sabi pa niya.
"Totoo naman kasi sinasabi ko," sagot pa nito. "Basta tanggapin mo lahat ng ibibigay ko saiyo."
"Pakiramdam ko tuloy ngayon, sobrang nakakaawa ako." Aniya.
Totoo ang sinasabi niya, kahit naman siya hindi inaasahan na mangyayari iyon sa kanya. Mag lalayas siya at mag tatrabaho bilang kasambahay, upang malayo sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ama na hindi man lang inisip ang nararamdaman niya para sa plano nitong arrange marriage para sa kanya.
Humakbang si Angela palapit kay Franki, kumakain pa din ito pero mukha naman matamlay.
"Puwede ka naman mag back out, tulungan kitang mag hanap ng trabaho." Sabi ni Angela at naupo sa gilid ng kama sa tabi niya.
Napaangat ang kanyang mukha.
"Hindi na friend, seryoso ako sa sinabi ko. Papatusin ko na ang pagiging kasambahay. Marangal naman na trabaho 'yan, basta dadalawin mo ako paminsan-minsan para naman hindi ako malungkot doon."
Umakbay sa kanya ang kaibigan. "Kahit hindi mo sabihin yan talagang dadalawin kita doon."
"Salamat friend," sagot niya.
Ang suwerte niya talaga sa kaibigan, total package kumbaga. Maganda, brainy, mayaman at sosyal pero down to eart naman ang ugali nito.
"Bilisan mo na kumain diyan maliligo pa tayo, mukhang hindi mo na kailangan bumili ng gagamitin mo pang disguise ako na ang bahala sayo!" Tila pag yayabang na sabi ni Angela na kumindat pa sa kaibigan.
"Weh?" react niya. "Hindi nga?"
"Trust me!" Sagot naman nito.
Tumayo si Angela at muling lumapit sa kabinet, kinuha ng dalaga ang mga bagay na tingin niya magagamit ng kanyang kaibigan.
Minadali na din ni Franki ang pagkain dahil naalala niya sa tuwing mag aalmusal sila dapat kumpleto silang mag pamilya sa hapag kainan. Mabibisto siyang wala sa kanyang kuwarto at kapag nag kataon, pupuntahan agad nang mga ito ang bahay ng kaibigan na si Angela. Hindi maaaring maabutan siya ng mga ito dito sa bahay ng kaibigan.
Nakahanda na ang hapag kainan sa bahay ng pamilya Avella.
Nasa hapag kainan na din ang mag asawa na sina Mabel at Frederico. Hinihintay na lang nila ang dalawang anak upang sabay na kumain ng almusal.
"Good morning mom, dad!" bati ni Francine sa mga magulang pagpasok nito sa kusina. Mukhang kagigising lang ng dalaga at humihikab pa ito.
"Nasaan na ang kapatid mo?" tanong ni Mabel sa anak.
Kumibit balikat ang dalaga, humugot ito ng isang silya at naupo. "Baka tulog pa po."
"Teresa," tawag ni Frederico sa isang kasambahay palabas na sana ito ng kusina.
Tumigil sa paghakbang ang dalagang si Teresa, kasambahay ng pamilya Avella. "Bakit po Sir?"
"Pakisuyo naman paki-gising ang Mam Franki mo, kanina pa nakahain ang pagkain hindi pa din siya bumababa." Seryosong mukha na utos nito sa kasambahay.
"Yes po Sir!" Sagot ni Teresa at tuluyan na nga itong lumabas ng kusina.
"Iyang bunso mo, nakakalimot na yata sa mga patakaran dito sa loob ng bahay." Si Frederico.
Natigil si Mabel sa pag lagay ng sangag na kanin sa plato ng asawa. "Intindihin mo na lang muna ang anak mo."
Gusto sanang sabihin ni Mabel sa asawa na masama ang loob ng kanilang bunsong anak, dahil sa disgusto ito sa plano ng kanyang asawa na maikasal sa lalaking hindi naman nito mahal. Pero mas pinili na lang niya na sarilinin iyon upang maiwasan ang bangayan sa harap ng grasya, sigurado naman siyang hindi siya papakinggan ng asawa.
Samantalang sa harap ng kuwarto ni Franki, kanina pa nakatayo sa labas ng pinto ang kasambahay na si Teresa. Makailang ulit na kumatok sa pinto si Teresa pero walang tugon mula sa loob ng kuwarto ng dalagang amo.
"Mam Franki, gising na po. Kanina ka pa po hinihintay sa kusina nina Sir!" Pero wala pa din tugon mula sa loob ng kuwarto kaya napilitan na muling bumaba ng hagdan si Teresa, bumalik ito sa kusina.
"O nasaan na si Mam Franki mo?" Agad na tanong ni Frederico sa kasambahay ng makitang nag iisa itong bumalik ng kusina.
"Hmm... kasi po Sir, kanina pa po ako kumakatok sa pinto pero hindi po nasagot si Mam Franki." Nakayukong sagot ni Teresa.
Naalarma naman si Mabel sa narinig, napatayo ito bigla.
"Ako na ang gigising sa anak natin." Ani Mabel. Hindi na nito hinintay na mag salita ang asawa.
Nagsimula na ngang mag lakad si Mabel hanggang sa makalabas na nga ito ng kusina, tumayo na din si Francine upang sundan ang ina.
Maang na naiwan naman mag isa sa hapag kainan si Frederico, nasundan nito ng tingin ang papalayo na mag-ina.
ABALA na ang mag kaibigan. Nakaupo ang mga ito sa tapat ng malaking salamin na kung saan tinutulungan ni Angela na mag disguise ang kaibigan na si Franki.
"Try mo isuot itong wig," mungkahi ni Angela kay Franki.
Tinignan niyang mabuti ang hawak nitong wig, maiksi iyon na kulay itim ang kulay.
"Kailangan ko pa ba mag suot niyan?" tukoy niya sa hawak nitong wig.
"Oo, para mas lalong hindi kana makilala ng kahit sino kahit na ang magiging amo mo." Ngiting sagot ni Angela.
"Infairness sayo friend, hindi halatang ayaw mo na mamasukan ako bilang kasambahay. Parang mukhang excited ka pa nga!"
Natatawang binatukan siya ni Angela. "Puro ka kalokohan. Ayoko siyempre, pero bilang kaibigan susuportahan kita. Kaya kung mag di-disguise ka rin lang din naman e di lubus-lubusin muna!"
Tinali ni Angela ang mahaba niyang buhok, pinaikot iyon at pinatungan ng may kakapalan na wig.
"O ayan, bagay pala sayo ang short hair friend!" tila puri pa nito sa kanya, pumapalakpak pa ito.
Tama ang sinabi sa kanya ni Angela, bagay sa kanya ang short hair dahil nag mukha siyang mas bata kumpara sa totoong edad niya.
"Hmmm, paano ko naman maitatago ang aking totoong mukha?" Tanong niya sa kaibigan.
"Dont worry, gagawan natin ng paraan 'yan!" Sagot ni Angela. "Marami akong malalaking salamin na nakatago, naalala mo iyong araw na gumanap akong nerd sa ginawa natin na short acting workshop sa school?"
"Yeah!" sagot niya. Ang kaibigan pa nga niya ang nanalo sa ginawa nilang project sa school noong high school pa sila, gumawa kasi sila ng maikling pelikula. "Pero matagal na yon ah."
"Oo nga." Sagot nito. "Itinago ko iyong mga ginamit ko, bilang remembrance sa sarili ko. Pero ngayon ipapagamit ko sayo kaya ingatan mo ha?"
"E di huwag na, baka mamaya niyan mabasag ko pa." Tanggi niya. May pag ka clumsy pa naman siya.
"Loka! okay lang!" Ngiting sagot ni Angela. "Sandali, kukunin ko lang."
Tumayo si Angela. Kinuha nito ang isang may kalakihan na kahon na kung saan nakalagay sa loob ng malaking kabinet. Kinuha lang ng dalaga ang salamin na sinasabi nito at muling ibinalik ang kahon sa may kabinet.
"Ito na friend!" Pag mamalaking ipinakita ni Angela ang hawak na salamin sa mata.
"Baka naman lumabo ang paningin ko kapag ginamit ko yan, mukhang ang kapal pa naman."
Naupo sa tabi niya si Angela. "Ano ka ba, walang grado ang salamin na ito noh. Sa sobrang kapal nito baka hindi na makita ang pupil ng mga mata mo!"
Isinuot nito ang salamin sa kanyang mga mata, napapangiwi siya dahil inaalala niya na baka mabigat iyon.
"Magaan pala siya, akala ko mabigat." Nakangiting sabi niya sa kaibigan.
Humarap si Franki sa salamin. Tama nga si Angela, nakatulong din ang makapal na salamin upang maitago ang magaganda niyang mga mata. Pero kung 'yon mga classmate niya noong college pa siya nag mumukhang genius kapag naka suot ng clear na salamin sa mga mata, siya naman ay nag mukhang manang sa suot na salamin. Sa laki at kapal ng salamin na suot niya ay iisipin na malala na ang grado ng kanyang mga mata.
"Tanggalin mo muna ang salamin," utos ni Angela sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Hinubad niya ang suot na salamin.
"Close your eyes!" Muling utos nito sa kanya.
"Okay, their close!" Sagot niya. Iniisip niya na baka lalagyan siya ng make-up ng kaibigan.
Naramdaman niya na parang may idinikit sa kanyang mga kilay si Angela. May idinikit din ito sa kanang pisngi niya.
"Open your eyes now!" Tila natutuwa pang sabi ni Angela. Nagustuhan nito ang ginawang pag di-disguise kay Franki.
Biglang napaatras si Frank, nang pag dilat niya ng mga mata ay magulat siya sa sarili niyang repleksiyon sa salamin.
"Hindi na nga ako makikilala pero baka katakutan naman ako ng amo ko." Natawa siya sa kinalabasan ng pag di-disguise niya.
Infairness ang galing g kaibigan niya, hindi ito nahirapan na baguhin ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng maiksing wig, may nakapatong na makapal na mga kilay sa totoong kilay niya, may fake pa na nunal sa kanang pisngi niya, nakasuot pa siya ng malaki at makapal na salamin sa mata. Mukhang iyon lang sapat na para maitago ang totoong mukha niya.
"Hindi kana makikilala ng kahit sino, hindi pa mag kakainterest saiyo ang magiging amo mo!"
"Sira!" Natatawang tinampal niya ang noo ni Angela.
"Siyempre lalaki pa din'yong magiging amo mo, ayoko naman na mapahamak ka noh!" sincere na sabi nito.
"Oh, how sweet of you naman friend!" Natutuwang niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan.
Gumanti ng yakap sa kanya si Angela. Biglang tumunog ang alarm clock na nakapatong sa side table.
"Quarter to nine na pala. Bilis, kailangan na natin makaalis."
SHE due to give birth ng kanilang kambal anytime this week. Kaya hindi magkamayaw si Argel ang mapagmahal at dakilang mister niya, sa paghahanda patungo sa hospital na pag-aanakan niya.Panay ang mando ni Argel sa dalawang kasambahay paulit-ulit at hindi mapakali sa loob ng bahay. Akyat-baba sa hagdan, nag paikot-ikot ito sa malaking sala."Handa na ba ang lahat ng kakailanganin sa ospital?" muling tanong ni Argel sa dalawang kasambahay."Yes po Sir." Panabay na sagot ng dalawang kasambahay.Nangingiting pinagmasdan ni Franki ang kanyang asawa. Kung si Argel ay hindi mapakali, kabaliktaran naman ni Franki na kalmadong nakaupo sa sofa habang hinihimas ang umbok na tiyan.Kagabi pa nakahanda ang kotse na gagamitin sa paghahatid sa kanya sa ospital. Naroon na ang ilang gamit gaya ng unan, kumot at ilang damit niya na pampalit. Pati ilang damit ng kanilang babies ay nakahanda na din.Muling hinaplos niya ang kanyang tiyan. "Baby Brianna A. Montero at
BINITIWAN na nga ni Frederico ang kamay ng anak. Yumakap naman si Franki sa kanyang mga magulang bago nakangiting humarap sa kanyang guwapong groom. Nakita niya ang luhaan na mga mata nito kaya hinawakan niya ito sa kanang pisngi.NAGSIMULA na nga ang seremonya ng kanilang kasal. Bago sila nag palitan nang 'I Do' ay isang mensahe muna ang binasa ng ama ni Franki na si Frederico Avella.Hindi maiwasan ni Franki ang maiyak lalo na ng makita na niyang umiiyak ang kanyang ama. Wala na siyang pakialam kahit kumalat pa ang mascara na ginamit niya."Aking Anak." Umpisa ni Frederico, mahigpit na hawak ang mikropono. "On the happiest day of your life, gusto ko malaman mo, that you will always be daddy's girl. You may have found the man of you dreams, pero hindi ako titigil na hawakan ang iyong kamay. Loving you from afar at ipagdasal ang iyong walang katapusan na kaligayahan. You have a place in my heart that no one can ever have, always and forever." Tumigil sa pag b
MAY pagkadismaya sa mukha ni Frederico. Mabilis naman na hinawakan ni Mabel sa isang braso ang asawa sa pangamba na baka masaktan nito ang binata."Anak, akala ko ba mag papakasal muna kayo?" Si Armando. Hindi nito alintana ang nakitang galit sa mukha nang kumpadre nito na si Frederico. "Binuntis mo ba ang nobya mo para maikasal na agad kayo?""Hindi po dad," agap na sagot ni Argel sa kanyang ama. "Hindi ko po alam na buntis na pala si Franki. Pero desidido po akong pakasalan siya, kahit noong hindi pa namin alam na magkaka-baby na pala kami." Paliwanag pa niya. Iniyakap niya ang isang braso sa bewang ng nobya."Ang sabihin mo kaya pala minamadali mo na ako na payagan kayong pakasal ng anak ko, dahil buntis na pala ang anak ko." Hindi naniwala si Frederico sa paliwang nang binata. "Kailan pa 'yan ha?""Kanina lang po namin nalaman dad," sagot ni Franki sa ama. "Dad, patawarin mo na lang kami ni Argel. Mahal po namin ang isat-isa. Para na din sa inyong m
ITINAAS ng doktora bahagya ang kanyang semi-dress, may malamig na parang gel na ipinahid ito sa tapat ng kanyang puson. Nakita niya ang nobyo na nakatayo sa likuran ni doktora Luzviminda Concha, mataman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya dito kahit na nga nakakaramdam na siya ng konting nerbiyos.Parang nakikiliti si Franki nang may itinapat na aparato sa puson niya ang doktora, ipinaikot-ikot iyo na para ba'ng may hinahanap. Saglit pa ay may narinig silang parang tambol. Napasulyap siya sa Lcd Ultrasound Monito na naroon lang sa gilid niya.Napalapit si Argel sa kinahihigaan ng nobya ng marinig ang tunog na nag mumula sa screen ng Lcd Ultrasound Monitor na naroon."Ano ang tunog na iyon?" tanong ni Argel sa doktora, pero ang paningin nito ay nasa screen ng monitor."Ayan ang sound ng heartbeat ni baby." Nakangiting sagot ng doktora.Listening to your baby heartbeat ay parang magandang musika. Nangilid sa luha ang mga mata ni Frank
"HOY! hoy! lalaki, ang sabi ko saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Mataray na muling tanong ni Angela sa estrangherong lalaki na may buhat sa kaibigan niya."Kapatid ko siya," si Steffie ang sumagot. "Registered doctor siya.""O-okay," parang napapahiyang sagot ni Angela. "Tara dali, tignan natin kung ano na ang nangyayari sa kaibigan ko!"Lumabas na din sa cubicle ang dalawang dalaga. Nakita nila sa labas ng cubicle ang kumpulan ng mga tao, mga nakikiusyuso.Pagdilat ni Franki ng mga mata, ang mukha ni Akie ang una niyang nakita."Thanks goodness!" narinig pa niyang usal ni Akie."Akie," halos pabulong lang na sambit niya. "A-anong nangyari?""Hinimatay ka." Sagot ni Akie. "Kailangan maihatid ka agad sa hospital para matignan ka.""Where is she?!" Narinig niya ang boses ng nobyo. Para iyong kulog sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nito. Saglit pa a
PALABAS na siya ng bahay ng makasalubong niya sa pinto ang papasok naman niyang ina. Mukhang galing ito sa garden, may hawak ang isang kamay nito na regadera."Magkikita ba kayo ni Argel, anak?" tanong nito sa kanya."Hindi po mom," ngiting sagot niya. "Si Angela po ang katatagpuin ko.""Ganoon ba. 'Yong kotse nalang ni Ate Francine mo ang gamitin mo anak."Tumango siya. Siya lang kasi ang walang sariling sasakyan. Pero ayos lang naman 'yon sa kanya, dahil lagi lang naman siya nasa bahay."Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang car key nang ate mo." Tumalikod na nga ito. Pagbalik nito ay dala na nito ang susi. Muli siyang nag paalam sa kanyang ina at umalis na ng bahay.Pagdating niya sa Forever Fantasy Mall ay agad niyang nakita sa entrance ang kaibigan, nakatayo ito tila hinihintay na siya. Tinawagan niya ito sa cellphone paara sabihin lang na mag pa-park lang siya nang kotse.Binalikan niya sa entrance ang kaibigan.
HINAWAKAN ni Argel ang mga kamay ng dalaga."Sweetheart, uulitin ko. Walang ibig sab-" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng bigla niyang idinampi ang hintuturong daliri sa tapat ng labi nito."Huwag na natin pag-usapan ang tungkol dun." Malumanay na turan ni Franki. Hinawakan niya sa kanang pisngi ang binata. "Kalimutan na lang natin na nangyari iyon.""Are you sure?" tanong ni Argel sa kanya.Tumango siya."Mag simula na lang tayo ulit,""Napatawad mo na ba ako?""Yes." Nakangiti niyang sagot. "Sorry kung natagalan bago ko narealize na may mali din ako. Nawalan ako ng tiwala saiyo. Pero ang totoo, sobrang mis na kita.""Sobrang na mis na din kita sweetheart. Mahal na mahal kita.""Mahal na mahal din kita." Ngiting sagot ni Franki.Niyakap ni Argel ang nobya na ginantihan naman ng dalaga. Sobrang saya ng binata dahil nag kaayos na sila ng nobya.Bahagyang inilayo ni Argel ang katawan ng nobya. Hinawakan niya sa m
"YES mom," tugon ni Argel. "Wish me luck mom, na sana ay mapatawad na ako ng babaeng mahal ko.""Huwag ka lang mag madali, mapapatawad ka din niya anak."Yumakap siya sa kanyang ina. "Sana nga mom,"Hindi na din naman nag tagal at nag paalam na silang mag-ama sa kanyang ina, maging ang kanyang mga kaibigan. Hinatid pa sila ng kanyang ina hanggang sa garahe."Mag-iingat kayo ha," paalala ni Beatriz sa mga ito."Yes mom!" sagot ni Argel. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago pumasok sa kotse. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama na nakapuwesto na sa driver seat."Aalis na kami honey!" paalam ni Armando sa asawa."Anak, gandahan mo ang pagkanta ha. Huwag masyadong mataas ang tono, baka mabasag ang ear drum nang nobya mo." Bilin pa ng ina niya sa kanya. Sinimangutan niya ang ina na ginantihan lang naman siya ng isang malakas na tawa. "Joke lang anak, sigurado ako na kikiligin ang nobya mo. Hihintayin ko ang pag-uwi ninyo!"Saglit pa m
"HUWAG mo na intindihin ang ate mo, kilala mo naman 'yon walang pakundangan kung mag salita. Sasabihin kung ano ang gusto sabihin." Sabi ni Mabel sa anak. Yumakap si Franki sa bewang nang kanyang ina. "Naranasan ko din ang masaktan anak, kagaya mo. Kami nang dad ninyo, mag kaiba nga lang tayo ng sitwasyon. Mas nanaig ang pagmamahal ko sa daddy ninyo kaysa sa isinisigaw ng isip ko."Tumingala siya. Nakita niya ang pag ngiti ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mukha."Kung hindi ko sinunod ang puso ko, wala sana kayo ngayon ng ate mo sa buhay ko."Napangiti siya. Parang gusto niya tuloy marinig ang kuwento nang love story ng kanilang magulang. Napag isip-isip niya na tapusin na niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Argel.Mahal naman niya ang binata, kinakain lang ang puso niya ng selos at sakit, dahil sa kanyang nakita sa pictures. Tapos, namana pa yata niya ang sobrang tayog na pride ng kanyang ama. Kapag muling dumalaw sa bahay nila ang binata, m