Share

Chapter 20

"NAG paluto ako ng nilagang baka, 'yong paborito ninyo ng mga anak mo." Nakangiting turan ni Mabel.

Hindi nakapag salita si Frederico, pinagmamasdan lang nito ang asawa na minamasahe na ang kanyang mga paa.

Tumayo na din si Mabel pagkatapos niyang masahiin ang mga paa ng asawa.

"Sumunod ka na lang sa kusina, ihahanda ko na ang iyong pagkain." 

"Sabayan mo ako ha," tila pag lalambing ni Frederico sa asawa.

Mula kasi ng mag layas ang bunso nilang anak lagi na siyang mag-isa kumain sa hapagkainan. Si Francine ang panganay niyang anak, lagi siyang iniiwasan dahil masama pa din ang loob nito sa kanya sa nagawang niyang pananampal dito. Hindi naman niya iyon sinasadya, pero nagawa na niya hindi na niya mababawi ang sampal na natamo sa kanya ng anak.

"Sige, hindi pa din naman ako kumakain." Ngiting sagot ni Mabel.

Natuwa sa kanyang narinig si Frederico. Ang totoo, namimis na niya na makitang kumpleto ang kanyang pamilya. Pero dahil alam niyang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status