Hindi mapakali si Belle sa upuan niya sa simbahan. Paano, halos isang oras nang late ang model/actress na si Audrey Enriquez, ang bride ni Zyrone. At ewan niya kung hanggang kailan siya makakatagal doon. Malapit na siyang ma-suffocate sa dami nang mayayaman na naroon. Even with her perfect dress and make-up, she can still feel the fact that she doesn’t belong to that crowd. At lalo lang siyang naiirita sa isiping iyon.
Hanggang ngayon talaga hindi niya pa rin naiintindihan ang mga social classes. Bakit kailangang may social classes e wala naman talagang pagkakaiba ang bawat tao? And when did damn wealth become the damn basis of human worth?
She rolled her eyes, took a deep breath and tried to fill her lungs with air. For now, that’s the only thing she can do to calm herself down. Iniisip na lang niya na ang lahat ng pagtitiis niyang iyon ay para kay Lee Ann, her bestfriend.
Maya-maya pa, tumindi ang bulung-bulungan sa loob ng simbahan, ka-lebel na niyon ang mga fans ni Audrey na parang nagra-rally sa labas sa kakahintay sa idolo nila.
Agad siyang nagpalinga-linga at nakiramdam. Something in her gut tells her that something is wrong. Hindi pa lang niya nga sure kung ano talaga.
Maya-maya pa, nakita niyang kinausap ni Zyrone ang mga magulang nito. She didn’t miss the loud gasp of Miranda, ang nanay ni Zyrone. Pati na rin ang pamumula ng mukha ni Richard, ang tatay ni Zyrone.
Sure na siya ngayon, sa tulong ng ilang taon na niyang pagiging tsismosa, may ganap nga talaga kaya wala pa si Audrey.
Few moments more, Zyrone went to the pulpit, his demeanor was defeated, weak. It took a while before he had the courage to speak. “I would like to apologize to everyone but the wedding has been cancelled. Audrey is nowhere to be found at the moment. But you would do us all a favor if you will proceed to Gold Hotel Manila and join us for dinner. Thank you.”
Oh my god, Zyrone became a jilted groom! She screamed internally.
Pinigil niya ang mapasinghap. Pinanood niya ang pag-alis ni Zyrone sa pulpit. Kasunod niyon ang malalakas na bulung-bulungan mula sa bisita na naroon. Next thing she knew, wala na ang pamilyang Craig sa simbahan.
Napakurap-kurap siya at naguguluhang ipinagala ang tingin sa mga nasa loob ng simbahan. Wala pa sa mga bisita ang umaalis sa kani-kanilang mga upuan. Marahil gaya niya hindi rin makapaniwala ang mga ito sa nangyari.
Maya-maya pa, nag-vibrate ang cellphone niya sa bag niya. She quickly fished it out of her bag and answered the call.
“What the hell happened? Mom, just called. Totoo ba? Hindi na tuloy ang kasal?” dire-diretsong tanong ni Lee Ann sa kanya. Invited ang mga magulang nito sa kasal dahil amiga ni Miranda Craig ang Mommy ni Lee Ann. Ang mga magulang din ng kaibigan ang mga kasama niyang pumasok sa simbahan. But they were seated away from her.
Tumayo siya mula sa upuan niya at nagpunta sa gilid ng simbahan para malaya niyang makausap ang kaibigan. “Kung anong ibinalita ng Mommy mo sa ‘yo, ‘yon na ‘yon. Zyrone is a jilted groom.”
Zyrone is a jilted groom, pag-uulit niya sa isip niya.
Napangiti siya, pasimpleng bumungisngis. Hindi niya alam kung bakit siya natatawa na hindi sinipot ni Audrey si Zyrone sa binansagang wedding of the year ng mga ito. Ayaw niya sanang mag-schadenfreude o ang magbunyi sa kamalasan ng iba, pero papunta na siya talaga roon. At patawarin sana siya ng langit dahil naiisip niyang nakarma na marahil iyon ng lalaki sa lahat ng kasupladuhan at kaantipatikuhan na ginawa nito sa kapwa nito.
Patas pa rin talaga ang mundo, she chuckled on the thought.
Bigla niya tuloy naisip na parang masarap mag-steak ngayon. Tama, magi-steak muna siya bago siya umuwi. She just felt the need to celebrate the fact that the world is still fair and just. Tama nga si Sharon Cuneta, bukas luluhod din ang mga tala.
“Belle!” malakas ang boses na tawag sa kanya ni Lee Ann sa kabilang linya. Agad siyang natauhan.
Natawa siya. “Sorry, and’yan ka pa pala.”
Lee Ann huffed on the other line. “Narinig mo ba ‘yong sinabi ko?”
Nalukot na ang mukha niya. Daldal pala nang daldal ang kaibigan niya habang abala sa paggala ang isip niya. “Ano nga ulit ‘yon?” tanong niya.
“I said, you stay there and get some insider scoop as to what really happened. The wedding is a big news in itself but Zyrone getting ditched is even bigger. Kaya d’yan ka lang at makibalita ka. Tell me deets later at ako mismo ang magsusulat ng istorya.”
Napanganga na siya. Aminado naman siyang chismosa siya, required iyon dahil writer siya. Pero sa apat na taon niya sa Pastel, never pa siyang naghabol ng istorya lalo pa kung tungkol sa mga artista at elitista! Gawain iyon ni Kirsten, ang showbiz and limelight writer nila.
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Lee Ann? Hindi ko trabaho ‘to? I don’t chase my news, remember?”
“Well, as the editor-in-chief of Pastel, I’m telling you that it’s your job now. Besides, nag-eexpect si Kuya na maco-cover natin ang buong detalye ng wedding of the year. Remember, that raise I had proposed for everyone in our team? He said if we could get a big news within this month, then he’ll not just give us all a raise but a bonus too. Why did you think I was desperate in pushing you to go there in my place? This is the big news we’ve been waiting for, Belle. Ito na ‘yon! So please, do this not just for yourself, but also for the rest of us in Pastel. We are counting on you.”
Lalong nalukot ang mukha niya. Hindi niya kasi alam kung anong mararamdaman sa pa-speech ng kaibigan at boss niya. And while she doesn’t mean any disrespect to Lee Ann and her brother Victor, the CEO now of Chen Consolidated Corporation, parang gusto niyang pagpompyangin ang magkapatid dahil bakit siya ang naiipit sa mga gustong mangyari ng mga ito ngayon?
Nagmabilis niyang tinapos ang tawag, humakbang palabas ng simbahan at dumiretso sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya. Kahit na ano pang gawin na pangungunsensiya ni Lee Aan sa kanya ngayon, hindi na siya mananatili roon. Alam nito kung gaano siya ka-allergic sa mga elitista tapos gusto pa nitong siya ang mag-cover ng balitang hindi natuloy ang kasal ni Zyrone? Nababaliw na ‘ata talaga ang kaibigan niya. Ganoon ba ang mga nago-ghost, nagkakasaltik?
Nasa driver’s seat na siya ng kotse niya nang muling tumunog ang cellphone niya. Si Lee Ann ulit ‘yon.
“Belle, hindi ka na sumagaot. Are you okay? Are you not on fire yet?” pang-aasar nito sa kanya.
“Gaga, malapit na!” singhal niya sa kaibigan. “Seryoso ka talaga? You want me get an insider news scoop about Zyrone Craig being a ditched groom? Sa isang exclusive interview ka lang makakahuwa no’n!”
“Exactly! Get me an exclusive interview with Zyrone.”
She scoffed. “Ikaw nga Lee Ann umamin ka, nababaliw ka na ba? E kung noon nga that Zyrone said he’s just having a bad day kaya niya nilunod sa insulto si Minnie, baka baliin na no’n ang leeg ko sa inis kapag nagpumilit akong ma-interview siya ngayon na tinakasan siya ni Audrey sa mismong araw ng kasal nila?”
Sandaling natahimik si Lee Ann bago, “One month vacation with pay.”
Natigilan siya. Agad na naglista ang isip niya ng mga maari niyang gawin sa isang buwan na hindi siya magta-trabaho pero may suweldo siya. Umiling siya ulit pagkatapos. Hindi siya dapat magpadala sa tukso. Ano siya mukhang pera?
“Hindi mo ko madadala sa suhol mo, Lee Ann Chen. May prinsipyo ako---“
“One month vacation with pay plus akin na rin ang isang buwang hulog ng mortgage ng kotse mo,” mabilis na putol ni Lee Ann sa kanya.
Pinaglapat na niya ang mga labi niya. Napag-isip-isip niya na minsan talaga, sinusubok ng tadhana ang kaatagan niya at napagtanto niyang… sadya siyang marupok at mahina.
“Ibabato ko lang sa ‘yo ang mga detalye, hindi ako ang magsusulat ng article. Bukas na ang simula ng bakasyon ko at bawal kang tumanggi. Nasabi mo na, wala nang bawian ‘yon.”
“Okay, deal. Now get me that exclusive, Belle.”
Umingos siya. “Oo na, oo na. Sige na. Bye,” sabi niya bago tuluyang tinapos ang tawag.
Napabuga siya ng hininga. Hindi siya kumbinsido na kaya niya, pero naka-oo na siya. Kaya kailangang gawin niya.
Naagaw ang atensiyon niya ng pamilyar na mga bulto sa malayong parte ng parking lot. Sa likod ng simbahan ang parking lot-- tago at malayo sa sangkaterbang kumpulan ng mga fans ni Audrey sa harap ng simbahan.
Mabilis niyang sinuot ang eye glasses niya at tama nga siya ng hinala, ang pamilyang Craig ang pasakay sa sasakyan, paalis pa lang.
Hinintay niyang makaalis ang sasakyan bago niya sinundan.
Thank you for sticking with me up to the very end of this book. This story is a witness to the many silent battles I had to face while writing it. And I'm still glad that despite the struggles, I can say that I have given Belle and Zyrone a beautiful ending they deserve. And just like Belle, we may enocunter a rough patch on our journey, but that doesn't mean we will have to remain in there. May we all find the courage to stand up after a fall, give forgiveness after getting hurt, and restore our faith in love after the pain. Thank you once again my beautiful readers. On to the next story! Keep dazzling!
“Jax Dominic!” nag-aalalang tawag ni Belle sa magtatatlong taong gulang na anak nang bigla itong kumawala sa kamay bago nagtatakbo sa direksyon ni Zyrone.She tried to hasten her walk kahit na alam niyang kahit na anong gawin niya hindi niya mahahabol ang anak dahil kabuwanan na niya sa ikatlong anak nila ni Zyrone. And according to her last prenatal check up with Doc Angel, she’s due to give birth any moment. And running is not just prohibited, it’s nearly impossible!She sighed and turned to Willa na siyang yaya na ngayon ni Jax. Nanikwas ang nguso nito bago nagmamadaling hinabol ang alaga nito. Natawa na lang sila ni Marco na siyang kasama nila ni Lillie na naglalakad patungo sa loob ng Prime Mall.Jax, just like Lillie, is really a handful. More active than Lillie was, actually. Her little boy loves to explore and discover new things like any kids his age. And he particularly has interest in cars and buildings. He has endless questions too with just about anything under the sun. E
Marahang naglakad sa aisle si Belle kasama sina Eliseo at Lillie. She still cannot wrap her head around what’s happening because she still thinks it’s impossible to happen at that very day when she received an answered prayer and a gift, but then again … it’s really happening!She’s really getting married to Zyrone… again!She looked up at the night sky peppered with stars, blessing them with their dazzle and beauty—a perfect background for their wedding ceremony. The air smelled soft and delicate, coming from the flowers surrounding them. And the music, sweet—full of promises.She quickly surveyed their guests. They were the same people who came and visited Zyrone today, people who had shared with their joy that finally the storm had passed and her little family is complete again. Their guests were just a handful compared to the number of people included in their original guests list. But she’s fine with it. They are the most important people in her and Zyrone’s life anyway. And she
Panay ang kabog ng dibdib ni Belle habang binabaybay niya ang hagdan patungo sa rooftop ng hospital. She took the stairs because the elevator on the floor were Zyrone’s hospital suite was in, suddenly was not working. And so she took the stairs instead. She’s actually quite thankful that the lift was not working because she had more time to think things through. She wanted to buy some time to think. She wanted to take careful steps on how she would handle the situation all by herself.Yes, by herself. Dahil apparently, wala siyang makontak sa mga kaanak niya—not Miranda nor Richard. Not even Eliseo! She had tried countless times to call their phones but her calls just won’t go through. Mukhang sabay-sabay na nag-off ng cellphones ang mga ito. Which is just so freakin' weird! Maging sina Marco at Leon, hindi rin niya matawagan. Not even Willa and Marie!At first she was having second thoughts about the note. Why wouldn’t she? She had just survived a kidnapping incident two-weeks ago. A
Lalong naiyak si Belle sa sinabi ni Zyrone. Walang sabi-sabi niyang kinalong si Lillie bago umupo sa gilid ng hospital bed. She looked at Zyrone and more tears fell from her eyes.Her emotions were overwherlming her, leaving her speechless but grateful.That day, she woke up and prayed to God to end her waiting. She thought that today, like all the other days that has passed, would be just another day of hoping and waiting. Never did she know that today, God will grant her pleas and bless her with a gift-- her very own miracles.Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Zyrone. He leaned on her palm and another wave of warmth rose from her chest. “Y-you are really here. I-I missed you,” she tearfully confessed.Zyrone just smiled and said, “I missed you too and Lillie.”She smiled as she sobbed and gently pressed his free hand on her cheek. They are much warmer now—alive.Oh how she missed his warmth.Maya-maya pa, bumungad na sa pinto sina Eliseo, Leon at Marco. His grandfather quickly s
Nagising si Belle na nakahiga sa isang hospital bed. At first she was confused. Why wouldn’t she? The last thing she remembered was she just arrived at the hospital together with Marco after her secret visit with Laura and then…She gasped when the events came back to her all in one go. Nahilo siya sa parking lot. It was not long before that when everything around her went black. And now this… she’s waking up in a hospital bed, which she can surmise, based on the noise and curtains surrounding her, is located at the emergency room. Unti-unti siyang bumangon. Sakto namang nahawi ang kurtina na nasa may bandang paanan niya. Nagulat pa siya nang biglang lumitaw doon ang bulto ni Eliseo. His face was contoured with worry. She saw a glimpse of Leon and Marco outside the cubicle she was in nut they didn't come in with her grandfather. “I came as soon as I can. Itinawag ni Marco sa akin ang nangyari,” anang lolo niya nang tuluyan itong makalapit sa kanya. Marahan nitong hinaplos ang buhok