Share

Chapter 46: Old Life

Pigil ang hininga ni Belle habang binubuksan niya ang pinto ng penthouse ni Zyrone. It’s just past 5 in the morning at hindi pa pumuputok ang liwanag sa labas. At umaasa siya na wala gaanong tao sa lobby na puwedeng makakilala sa kanya at pigilan siya sa nais niyang gawin.

 She is going to sneak out again today. Kung kahapon, hanggang sa ibaba lang siya ng hotel, ngayon, desidido na siyang umalis ng hotel at umuwi sa bahay niya.

Ayaw na niya roon. Hindi na siya puwedeng manatili doon.

Kagabi, habang nagngangalngal siya dahil sa lintek na suplado at kay Grace, napagtanto niya na iisa lang ang solusyon para maprotektahan niya ang sarili niya—ang tuluyan nang layuan si Zyrone. Kahit na pagtsismisan na siya ng buong Pilipinas at kuyugin siya ng mga baliw na fans ni Audrey na hindi maka-move on, ayos lang sa kanya.

Basta ang importante makalayo siya kay Zyrone. Ayaw na niya ulit kasi na maranasan ang kagabi—ang masaktan kah

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status