Nang makarating sa kuwadra ay napansin ni Melissa na nanatiling nakasunod sa kaniya si Jared bagaman may sapat na distansiya ang layo nito sa kaniya. Marahil ay napagod na rin ito sa pang-aasar sa kaniya.
"Magandang hapon po, señorita Melissa." Bati sa kaniya ni Mang Tomas."Magandang hapon din po, Mang Tomas." Ganting bati niya.Nang makita kung sino ang taong nasa likod niya ay bahagyang iniyukod ng matanda ang ulo nito bilang pagbati."Sir Jared." Sabi nito."Kumusta po ang mga kabayo?" Agaw niya sa atensyon ng matanda."Okay naman, señorita. Mangilan-ngilan na lang ang mga kabayo pero narito pa naman ang pinaka-magaganda." Sagot ng matanda."Pwede bang makita?"Ngumiti ang matanda saka nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng kuwadra.Totoo ngang iilan na lang ang mga kabayo ngunit malulusog naman ang mga ito.Napabuntong-hininga siya ng makita ang kalagayan ng buong kuwadra.Noon ay okupado ang lahat ng kulungan niyon ngunit ngayon ay iilan na lang ang naiwan. Naalala niya tuloy ang kabayo niyang si Fortune. Ito ang pinaka-maamo at pinaka-magandang kabayo noon. At ito rin ang pinaka-paborito niya sa lahat."Nae-ensayo ba ang mga kabayo dito?" Tanong ni Jared habang nakamasid pa rin sa paligid."Oho, Sir. Palagi hong napa-practice ang mga yan sa pagtakbo. Mabibilis ho at makikisig." Pagmamalaki ng matanda.Naglakad si Melissa hanggang sa pinaka-huling kulungan na may kabayo'ng nakakulong.Isang itim na kabayo ang naroon. Agad itong lumapit sa tarangkahan at tila ini-engganyo siyang himasin ang ulo nito. At hindi niya iyon binigo."Yan si Mustafa. Ang nag-iisang naiwan sa lahi ni Fortune." Ani Mang Tomas habang papalapit sa kaniya."Sanay ba ito'ng sakyan?" Tanong niya."Oho, Señorita. Palagi yang sinasanay ni Señorito Martin." Nakangiting sagot ng matanda."Gusto kong subukan.""Po?""What?" Magkapanabay na tanong sa kaniya nina Mang Tomas at Jared dahil sa sinabi niya."Pakilabas ho, Mong Tomas at susubukan ko." Seryoso niyang sabi."You gotta be kidding. No way you gonna ride that horse." Kontra ni Jared."Siyanga ho, señorita. Isa pa baka manibago kayo sa pagsakay. Hindi niyo pa naman gamay ito'ng si Mustafa.""Ayos lang ho, saka kaya ko pa naman sumakay sa kabayo. Kulang lang sa practice kaya susubukan ko ulit.""No. Hindi ka pwedeng sumakay sa kabayo." Sabi ni Jared na hinarangan pa ang akma niyang pagbubukas ng tarangkahan ng kulungan."Says who?" Taas ang kilay na tanong niya dito."Ako. Hindi ako papayag na sumakay ka diyan.""Wow, sa pagkakaalam ko, fiancé pa lang kita, hindi pa asawa. Kung maka-arte ka diyan parang sigurado kang susunod ako sayo." Inis niyang sagot. "Saka mo na ako manduhan sa kung ano ang dapat kong gawin kung may karapatan ka na." Tinabig niya ito.Nagtagis ang bagang nito dahil sa sinabi niya."Pero senorita, tama naman ho si Sir Jared. Mas mab-"Naputol ang ano pa mang sasabihin ng matanda ng magsalita siya."Sige na, Mang Tomas. Ilabas niyo na para masubukan ko." Seryosong sabi niya.Napatungo na lang ang matanda dahil doon at saka nagmamadaling binuksan ang pinto ng kulungan."Ang ganda mo naman." Namamanghang sabi niya sa kabayo bago ito hinimas."Kahit kailan talaga napaka-tigas ng ulo mo." Sabi ni Jared.Hindi na lamang niya ito pinansin at saka naglakad na palabas ng kuwadra habang hila-hila ang renda ng kabayo.Sa labas ay agad na inihanda ni matandang katiwala ang mga gagamitin niya para sa pagsakay sa kabayo. Sa peripheral vision niya ay nakita niyang may Hila na ring kabayo si Jared.She can't help not to smirk. Alam niyang hindi ito sanay sa horse back riding kaya naman alam din niyang nagpapasikat lamang ito.Agad siyang sumampa sa kabayo at saka saglit na nilingon ang lalaki. Nakatingin ito sa kaniya ng matalim.Walang sabi-sabing pinatakbo na niya ang kabayo.Kasabay ng pagsalubong sa kaniya ng mainit-init na hangin, pakiramdam ni Melissa ay may mainit na kamay din ang humaplos sa kaniyang dibdib.Napaka-nostalgic ng pakiramdam ngayong nakasakay siyang muli sa kabayo after two years ng walang practice. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa kakaibang pakiramdam.Ngunit bago pa man maglakbay ang diwa niya sa kung saan-saang mga bagay ay hinila na niya ang renda, senyales ng pagpapabagal ng pagtakbo nito.Sa di-kalayuan ay dinig na dinig na niya ang papalapit na isa pang kabayo. Alam niyang si Jared iyon."Napaka-tigas talaga ng ulo mo!" Sigaw nito."Hindi ko kailangan ng sermon mo, Aguirre! Kung ayaw mong makita ang mga ginagawa ko, umuwi ka na lang sa inyo!" Ganti niya.Dahil sa nakakainis na tono ng lalaki ay naisip niyang muling patakbuhin ang kabayo palayo dito. Sa totoo lang ay ayaw na sana niyang magkausap pa silang dalawa, pero ito naman ang lapit ng lapit.Alam niyang hindi niya habang- buhay na maiiwasan ang lalaki, but at least she wants to put some space between them up until she can.She knew to herself too that there's still something inside her that refusing Jared's presence. She can feel that there's no more connection between them and it makes her feel uncomfortable.Hinigpitan niya paghawak sa renda at lalo pang pinabilis ang pagpapatakbo sa sinasakyan. Narinig niya ang malakas at pagalit na pagtawag sa kaniya ni Jared pero hindi niya iyon pinansin.Hinila niya pakaliwa ang renda, papunta sa direksyon kung saan nakatira ang mga trabahador ng asyenda. Isang portion iyon ng asyenda kung saan pinayagang magtayo ng bahay ang mga tauhan nila kasama ang pamilya ng mga ito. Sa lugar din iyon nakatira ang pamilya ni Manang Ningning.Ilang metro pa ang layo niya mula sa kabahayang natatanaw ay muli niyang narinig ang pagtawag ni Jared.Seriously? Balak ba talaga nitong sirain ang araw niya dahil sa pagsunod-sunod nito? Ano bang problema nito at panay ang papansin sa kaniya?"Melissa!" Tawag pa nito.Inis na nilingon niya ang lalaki. Ilang metro pa ang layo nito sa kaniya at kitang-kita niya kung paanong hindi ito komportable sa pagpapatakbo ng kabayo.Inis na binawi niya ang tingin at ibinalik sa tinatahak nilang daan.Ngunit huli na para mapansin pa niya ang isang bata at ang hinahabol nitong tuta na paharang sa daraanan niya.Kinabig niya agad ng mahigpit ang renda kaya naman biglaan ang pag-hinto ng kabayo. Sa ginawa niyang iyon ay umangat ang unahang mga paa ng kabayo at hindi niya nabalanse ng tama ang posisyon niya kaya naman agad siyang nahulog.Tumama sa matigas na semento ang balakang at ulo niya kaya agad siyang nakaramdam ng hilo.Iniikot niya ang paningin at nakita ang batang nahihintakutan habang nakatingin sa kaniya. Hawak na nito ang tuta na hinahabol kanina.Sa nakabibinging hilo ay narinig niya pa ang pagtawag sa kaniya ni Jared.Tila nag- flashback sa isipan ang kaparehong pangyayari dalawang taon na ang nakalilipas."Melissa!" Sa nanlalabong paningin ay nakita niya pa ang papalapit na si Jared. "Melissa..."At iyon na ang huli niyang narinig.Walang gaanong laman ang cupboard niya kundi ilang pirasong canned goods, instant coffee, noodles at cereals. Mabuti na lamang at may itlog pa sa ref, ilang pirasong hotdogs at gulay na pwede niyang lutuin. Mabilis na naghanda si Melissa. Sa kaniyang peripheral view ay nakikita niya kung paanong at-home na at-home si Jared habang prenteng nakaupo sa sofa. Ngunit ilang sandali lang ay tumayo na rin ito mula sa sofa at lumapit sa kaniya. "Let me help you." Anito. Hindi na siya tumutol pa dahil alam niyang hindi rin naman ito magpapa-pigil. Sa ayos nilang iyon ay hindi niya maiwasang mapa-ngiti sa sarili. Pakiramdam kasi niya ay official couple sila ng mga oras na iyon. Nagtutulungan sa paghahanda ng almusal habang paminsan-minsan ay nagbibiruan. It was a scene she longed to see three years ago. Pero hindi nangyari. Napaisip tuloy siya bigla kung para saan ang mga kilos na iyon ni Jared. Jared, set the table and made the coffee. Makalipas ang ilang sandali ay tapos na rin siya sa pa
Soledad noticed how Artemio gritted his teeth as he was standing at the veranda. He may not seemed to notice anyone as looked like he was seriously thinking about something.Sa mga pagkakataong iyon ay hindi maiwasang mag-alala ng babae. Sa isip ay pilit ng inaalis ang ideya sa marahil ay nasa isip ng asawa. For more than twenty years of being together ay kabisadong-kabisado na niya ang bawat kilos ng lalaki. Kaya naman hindi niya maiwasan ang mangamba.Natatakot siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. At kahit ayaw man niyang isipin ay tila bangungot iyon na hinahabol siya hanggang sa kaniyang pag-gising. Bago pa man nito mapansin ang presensiya niya sa paligid ay umalis na siya sa kinatatayuan. ----"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Naninigurong tanong ni Tomas sa asawa. Ipinikit ni Leonila ang mga mata at saka tumango. Pagkuwa'y dumilat at tungkol tumingin ng diretso sa asawa."Nakita ko sa sarili kong mga mata, Tomas. Hindi ko man siya nalapitan ay alam kong siya iyon. Hindi pa ri
"Bihis na bihis ka yata? May pupuntahan ka?" Tanong niya sa babae. Nakatalikod pa lamang ito ay alam na ni Jared na si Melissa ang babaeng nakatayo sa labas ng lobby. Mukhang may lakad itong napaka-importante kaya naman na-curious siya at lumapit dito. Nag-iwas ito ng tingin at saka sumagot. "I have a job interview." Mahinang sagot nito ngunit sapat na upang marinig niya. "Ganoon ba?" Bumaling siya sa direksyon tinitingnan nito. Malakas ang buhos ng ulan at malamang ay bihira ang taxi na papara at magsasakay ng pasahero sa parteng iyon ng daan. Muli siyang tumingin sa sideview ni Melissa. Mukhang naiinip na ito dahil sa pagkakatiim ng mga labi nito. "I can give you a ride." Bigla ang pagkakasabi sa alok niya dito. "No thanks." Ngunit mas mabilis din an pagkakasabi nito. "I insist. Look, you might get late for the interview kung hihintayin mo pa na tumigil ang ulan." Aniya. "Let it be." Sa halip ay sagot ni Melissa. "I know you, Melissa. First impression matters to you kaya
"So, ano nga pala ang pinagkaka-abalahan mo sa buhay?" Tanong ni Selena habang magkasama silang nagka-kape sa unit nito. Instant best friend agad ang naging turingan nilang dalawa. Paano'y nagkapalagayan agad sila ng loob dahil magka-vibes sila sa mga bagay-bagay. May common ground kumbaga. "Actually, I'm a chef. But apparently, kasalukuyang naghahanap ng trabaho." Sagot niya. "Wow, really?" Manghang sabi nito. "Pero bakit naghahanap ka ng trabaho ngayon? Why not build your own restaurant?""Actually naisip ko na rin 'yan. Pero hindi pa ako sure kung talagang gusto ko ng pumasok sa food business. Alam mo na, mahirap ang magdesisyon agad lalo na at hindi basta-bastang puhunan ang ilalabas.""Sabagay." Napakibit-balikat na lamang ito. "Well, may mga ka-kilala akong nasa food business din ang line. I can help you find a job." "Naku, nakakahiya naman kung ganoon." Alanganin siyang napangiti. "Baka isipin ng mga kakilala mo na tini-take advantage ko ang pagiging magka-kilala natin par
Sa isang condo sa Makati nakahanap ng matutuluyan si Melissa. Bachelor's pad kaya convenient na para sa kaniya tutal ay mag-isa lang naman siya doon. Mabuti na lamang at may koneksiyon pa siya mula sa mga dating katrabaho at kaibigan kaya naman may pag-asang makabalik siya sa dating trabaho.Ngunit medyo malas nga lang yata siya ng araw na iyon. "Sorry talaga, Mel. Wala kasing bakante ngayon eh." Hinging paumanhin sa kaniya ng dating boss na si Chef Luis. "Okay lang, Chef. Actually nagba-baka-sakali lang talaga ako since kababalik ko lang din from Germany." "Speaking of Germany, what happened to your career in Germany? Bakit naisipan mong magbalik-bayan?" Curious nitong tanong."To be honest, maganda ang naging career ko doon. But there's just things na hindi natin pwedeng iwanan. I had stayed there for two years pero ng makaramdam ako ng homesick, iniwan ko rin at umuwi dito." Tipid siyang ngumiti. "Pero sa tingin ko sobrang sayang ang opportunity na pinalampas mo." Umiiling-il
Nagmamadaling pinuntahan ni Soledad si Artemio sa study room nito ng makarating sila ng mansion. "Guess where I just came from?" Padabog nitong inilapag sa sofa ang shoulder bag nito. Walang reaksyon ang mukha ni Artemio ng mag-angat ito ng paningin mula sa binabasang papeles. "Alam kong nagpunta ka sa mga Dela Vega." Tila walang ganang sagot nito. "Right! Galing nga ako sa mga Dela Vega." Inis na sabi ni Soledad. "Well, let me guess. Nagkasagutan kayo ng isa sa mga anak ni Roberto?" Isinandal ni Artemio ang sarili sa backrest at tinitigang mabuti ang asawa."Napaka-impertinente!" Kulang na lamang ay maglupasay sa sahig si Soledad dahil sa sobrang inis. "Kung umasta ang mga iyon ay napakataas ng tingin sa sarili. Mga hampas-lupa! Mga walang modo!"Napa-iling na lamang ang lalaki sa nakikitang reaksiyon ng asawa. Ramdam na ramdam niya ang matinding inis na meron ito para sa mga nakababatang Dela Vega."Sa tagal ng panahong magka-kilala kami ni Roberto, ganoon ko din ka-kilala ang