Home / Romance / Marry the Mafia / Chapter 1: One Fated Deal

Share

Chapter 1: One Fated Deal

Author: Rome Yu
last update Last Updated: 2024-04-02 20:20:06

"ANAK, hayaan mo naman akong magpaliwanag," ani ni Mike. Ang ama ni Maya. Ang lalaki na halos magbenta sa kanya upang mabawasan man lang ang katambak nitong utang. Palibhasa ay nalulong sa casino at sugal. At siya ngayon ang namomroblema sa mga iyon.

"Paliwanag?! Wala ka ng dapat pang ipaliwanag, tay! Matapos mo akong dalhin sa Maynila. After ten years na pinabayaan mo ako sa probinsya kila tita. Kinuha mo ako mula dito, para sa pangako mo na babawi ka! Pero balak mo lang pala akong gawing pambayad ng utang! Napaka walanghiya mo! Wala kang kwenta!" humahagulgol na sumbat ni maya. Sumisikip ang puso niya sa tuwing iniisip niya ang lahat ng pinagdaanan nito.

"Patawarin mo ako, anak. Papatayin nila ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Ngayon ay kita niya ang pasa at bugbog sa mukha ng kanyang ama. Hindi niya rin alam pero nakakaramdam din naman siya ng awa. 

"Problema mo na iyon, Tay. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin. Kung hindi ay ako ang magpapakulong sa iyo!" ani niya.

"May mana ka sa nanay mo! Ang alam ko ay may mana ka sa kanya. Pero ang alam ko ay kailangan mo munang magpakasal para makuha ang mana mo. Anak, pakiusap, iligtas mo naman ako." Lumuhod ang ama niya sa kanyang harapan. Nagmamakaawa para sa buhay nito.

Mas lalong nagbaga ang nararamdaman na galit ni Maya nang banggitin ng ama nito ang kanyang inay.

"Anong karapatan mo! Pati ba naman iyon? Wala akong balak na kunin ang mana na iyon kung gagamitin mo rin sa mga utang mo!" naiiyak na saad niya. "Pakiusap, umalis ka na lang. Hindi kita kailangan sa buhay ko kung puro problema lang ang hatid mo."

Umalis ang kanyang ama. Ngunit nandoon pa rin siya, nakatayo at umiiyak. Nakokonsensya kahit hindi naman dapat. Hindi na rin niya alam ang kanyang gagawin.

Natulog na lang siya sa lumang bahay. Ngunit isang masamang balita agad ang bumungad kay Maya. Nakatanggap siya ng tawag pagkagising na paglagising niya.

"Sino ho 'to?"

"Mahal mo pa ba ang itay mo? Alam mo ba na tambak siya ng utang sa amin! Hindi rin namin alam kung saan iyung mga tauhan namin na naniningil dapat sa iyo. Bibigyan kita ng palugit. Isang linggo, bayaran mo ang utang ng ama mo sa loob ng isang linggo. Sampong milyong piso! Kung hindi e araw-araw, isa-isang dadating sa iyo ang mga parte ng katawan ng ama mo." Narinig niya sa background ang sigaw ng kanyang ama.

Nilamon siya ng konsensya. Kahit ganoon lang ay hindi niya kayang makita na may taong nahihirapan. Lalo na at may kaya naman siyang gawin.

Pumasok sa isip niya ang isang bagay. Ang lalaki na nakilala niya. Ngunit tinapon na pala niya ang calling card. 

Kaya naman dali-dali niyang sinearch kung sino nga ba si Sato Kenshin. Laking gulat ni Maya nang makita niya na kilala palang business man ang lalaki.

At sa pagkakataon na ito ay susugal siya, para lamang mailigtas ang ama niya at matahimik na ang buhay niya. 

KINABUKASAN ay nagbyahe agad ang dalaga pabalik ng Maynila. Wala pa siyang tulog at ayos. Bangag siya sa puyat na kanyang nararamdaman. Pero naglakas loob siya na pumasok sa mapaking building na ayon sa nakalap niyang impormasyon, ay ang kompanya na pagmamay-ari ni Kenshin.

Isang lagok ng malalim na hininga at nagtanong siya sa babae na nasa front desk.

"Magandang araw, Miss. Nandito po ba si Sato Kenshin?" tanong niya. Tiningnan siya ng babae, mula paa hanggang ulo. Mukhang hindi gusto ang hilatsa nito.

"Hindi kami tumatanggap ng donation miss. Umalis ka na lang." Nagpantig naman ang tenga niya sa kanyang narinig.

"Ano?" 

"Ang sabi ko, hindi kami nagbibigay ng donation. Ano ba, guard palabasin niyo nga ito!" sigaw ng babae na kausap niya. Nahiya naman si Maya at parang maiiyak na ito.

Usually, matapang siya. Pinalaki na naninindigan at hindi basta umiiyak na lang. Pero dahil na lang siguro sa halo-halo na ang kanyang problema. Gusto na lang niyang mag-breakdown.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang boses ng lalaki.

Pagkakita ni Maya, isang hindi pamilyar na lalaki. Maputi at mukhang may lahing Kano ang naka-business suit na nagsalita sa likod nito.

"Sir Fin! Heto po kasing babae na ito, nanggugulo," mahaderang saad ng front desk assistant.

"Ikaw pala iyan, Miss. Maya," saad ng lalaki. Laking gulat naman niya nang banggitin nito ang kanyang pangalan.

"Kilala niyo po ako?"

"Grabe ka naman maka-po! Hehe, magka-edad lang tayo. And yup! Actually, hinihintay ka na ni boss. At ikaw." Turo ng lalaki na nagngangalang Fin sa babaeng nasa front desk. "You are fired."

Nakatulala lahat ng nanonood sa kanila. Parang eksena sa drama. Masaya si Maya sa nangyari sa babae. Pero nakokonsensya din siya. Dahil sa kanya ay may tao na nawalan ng trabaho.

"Huwag kang makonsensya. Buti nga at inalisan lang siya ng trabaho, kung si Ken iyon. Patay kang bata ka," natatawang saad ng lalaki sa kanya. "Isa pa, hindi naman siya maaalis ng trabaho kung ginagawa niya ang trabaho niya ng tama."

Nakarating na sila sa top floor. Tahimik pa rin siya, habang sobrang daldal ni Fin. Wala atang pahinga ang bibig ng lalaki na ito.

"Nandito na tayo, pasok ka na lang sa loob, good luck," pabirong saad pa ni Fin sabay tapik sa balikat nito. Mas lalo tuloy dumagdag ang kaba na nararamdaman ni Maya.

'Go, Maya. Kaya mo 'to. Para sa peace of mind mo. Matatapos din ang lahat. Kung ano man ang mangyari, go pa rin.'

Kumatok muna siya bago pumasok. At tulad nang una niyang makita ang binata, ganoon pa rin. Para siyang naii-starstruck sa kagwapuhan ng lalaki.

Nakasando lang ito, itim na pants, may eyeglass at mukhang may mga binabasa na dokyumento. Pero ang singkit na mata ng lalaki ay ngayon ay nakatitig na sa kanya.

"Come, sit down," saad ng lalaki. Lumapit at umupo na siya.

"Like what I said, lalapit ka rin sa akin..." ani ng lalaki. Pakiramdam tuloy ni Maya ay nag-iinit ang mukha niya sa hiya. "So, have you decided now."

"Bakit ako? Ang daming ibang babae diyan na handang lumuhod, at magmakaawa, para pakasalan mo. Mayaman ka, gwapo, kahit artista o modelo ay papayag na pakasalan ka ng walang dalawang pag-iisip. So, bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw? You have no idea how interesting you are, Maya."

"Paano mo ako nakilala?"

"I have ways. Now, answer my question. Are you ready to marry me?" tanong ni Kenshin sa kanya. Para bang wala talaga siyang choice kung hindi ang pakasalan ang lalaki.

"Sige, pero sa loob lang ng dalawang taon. After non ay kailangan din natin na mag-dovorce."

Nagulat naman si Maya nang makita niya na nagdilim bigla ang mga mata ng lalaki.

"Can I ask why?" tiim bagang na tanong ni Kenshin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marry the Mafia    Chapter 13: First Day

    UNANG araw ng pasukan nila Maya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya sa araw na ito. After almost 3 months na nasa mansion lang siya kasama si Ken, tulog kain ang routine, ay makakalanghap naman siya ng sariwang hangin, maiba naman sa nakakasanayan niya."Kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko pa na naka-home school ka na lang," bulong at may diin na sambit naman ng lalaki na nasa tabi niya. He is driving her to the university.Inis naman na umismid si Maya. "Alam mo, ewan ko sa iyo. Ilang beses na ba nating pinagtalunan ito. Ayaw ko nga sa home school. Hindi ako bata na kailangan mong bantayan lagi."She watch Ken let out a loud sigh. "Maya, isa pa iyang pagsa-side line mo. Are you really serious about that coffee shop work? Hindi mo na kailangan magtrabaho.""Libangan ko lang."Narinig niya na mahinang napamura ang katabi niya. Maya just can't help but to cackled on her man's behavior."Galing din ng trip mo. Hindi ba pwede na ang maging libangan mo lang ay mag-shoping, salo

  • Marry the Mafia    Chapter 12: Head Over Heels

    KAKAIBIGANG trauma ang nararamdaman ni Maya. Nagising siya na pawis na pawis ngaunit nanlalamig sa kama. Nandoon pa rin ang mga alaala ng mga nangyari kahapon. Mula sa pagkakapahiya niya sa mga kilalang tao, ang unang pagkakataon na ma-posasan siya at hulihin na para bang isang kriminal kahit na wala naman siyang ginagawa na masama."Shh, I am here," ani ng lalaki sa kanyang tabi. Si Kenshin na nag-aalalang nakatingin at nakayakap sa kanya.Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Dala ng bangungot na kanyang sinapit."I'm okay now," ani niya. Mas maganda na ang kanyang nararamdaman. Lumuwag ang kung anong sikip na nasa kanyang dibdib. Hindi niya alam pero ang mainit na yakap ni Ken ay sapat na upang bigyan siya ng kapayapaan sa kanyang kaisipan."I cannot accept that they have done this to you. They should pay," galit na galit na wika ng lalaki sa kanya."Ayos na ako, ano ka ba.""You are clearly not okay, Maya! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Natahimik na lamang siya. "Ayaw ko

  • Marry the Mafia    Chapter 11: Accusations

    "ANO? Ano ba iyang pinagsasabi mo, Alison?! Kailan ka kaya titigil sa mga piangsasabi mo at kagagawa mo ng kwento!" hindi makapaniwala na sambit ni Maya.Kahit kailan ay hindi na siya tinigilan ng babae na ito. Una siyang pinakilala ng kanyang ama nang unang beses siyang tumungtong sa Maynila.Akala niya ay magkakasundo silang dalawa. Ngunit iba ang ugali nilang mag-ina. Ang kanyang Tita Rita na itim ang budhi, at ang anak nitong si Alison na pinaglihi sa impyerno."Sinasabi ko lang naman ang totoo! Na kahit na nagpakasal ka sa lalaking mayaman, hindi pa rin magbabago kung saan ka nanggaling!" matapobre na saad ni Alison sa kanya."Guard!" ani ni Albert. May mga naka-men in suit na lumapit sa kanila. "Tumawag kayo ng pulis. May magnanakaw sa establishment ko," ani pa ng lalaki. Mas kumabog ang dibdib ni Maya. Alam niya at dama niya na may mali talaga.Pilit na hinahanap ni Maya si Fin upang makahingi siya ng tulong, ngunit hindi niya makita ni mahagilap man lang ang lalaki.Wala na s

  • Marry the Mafia    Chapter 10: Pink Diamond

    Hapon na nang makapunta sila Maya sa jewelry shop na tinutukoy ni Ken. Halatang high-end at pang eletista na ang nasabing jewelry shop.Suot ang mamahaling kulay pula na dress, ang kanyang bag na Hermes, ay kasamang pumunta ni Maya si Fin para bilhin ang mga alahas na susuotin niya."Long time no see, Maya, I mean boss pala.""Baliw ka, Fin. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Hindi ka naman iba sa akin."Kamot ulo naman ang lalaki. "Papatayin ako ni boss kapag kinausap kita na basta-basta. Nakalimutan ko pala, sobrang ganda mo ngayon. Kung nandito lang si boss, baka ibalot ka na at ilagay sa sako para hindi ka na makita pa ng iba. Alam mo naman iyun, patay na patay sa iyo."Napaismid na lang siya. "Alam mo, kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Parehas kayo ng boss mo, pareho kayong OA." Natatawa na aniya.Parehas na silang pumasok sa nasabing Jewelry Store. Pinagbuksan sila ng naka-men in suit na lalaki. At ang establishimento ay puno ng mga tao na halatang nakaka-angat sa lipuna

  • Marry the Mafia    Chapter 9: Safe and Sound

    NAKAUWI na sila Maya. Tahimik pa rin silang dalawa at nagpapakiramdaman sa nangyari."Anong nangyari sa lakad mo?" tanong ni Ken sa kanya. Kahit na may kutob naman na si Maya na alam naman na ng lalaki ang naging kinalabasan ng pangyayari kaninang umaga."Ayon, hindi naging maganda. Hindi ko expected na magkikita kami. Ang kakapal ng mukha nila na hingiin sa akin ang tanging bagay na iniwan sa akin ni mama. Ang kapal ng mukha nila." Ramdam pa rin niya na pumipintig ang kanyag ugat sa sentido sa mga nangyari."I'll get another lawyer that will handle your inheritance. Hindi ko hahayaan na mabaliwala lahat ng pinaghirapan mo. Amd your father, sorry love. But he is a damn asshole for doing this. You save his life, and sacrifice so many things for him, despite his lacking, and yet. Kung ako lang ang masusunod, baka ano ng nagawa ko sa tatay mo," kita na rin ang inis sa mukha ng kanyang asawa.They are inside of their master bedroom. Kinuha ni Ken ang first aid kit habang ginagamot ang me

  • Marry the Mafia    Chapter 8: Trust Me

    BUGSO na rin siguro ng stress at galit na nararamdaman ni Maya sa mga oras na iyon ay walang pag-aatubili na siyang sumama sa pinsan ng kanyang asawa. Kung malalaman ito ni Ken ay alam niyang mapupunta siya sa hindi magandang sitwasyon, pero sa isip niya ay bahala na. Saka matagal na rin mula nang huling beses siyang nakalabas sa mansyon na iyon. Ayaw naman niya na umikot ang buhay niya sa apat na sulok ng malaking bahay na iyon."How's my cousin? Pretty boring?" tanong ng lalaki habang nagmamaneho ito ng kotse. Napaismid na lang si Maya. "Hindi boring ang asawa ko. Sadyang nakakasawa lang na nasa bahay lang lagi." "Same thing. I know Kenshin well. Kapag may gusto siya, hindi na niya ito pinapakawalan. You'll be cage forever with him. Too bad, you married a psychotic and possive bastard."Naiinis naman na lumingon si Maya. "Alam mo, kung ganyan din naman ang kapupuntahan ng usapan na ito, i-uwi mo na lang ako sa mansyon.""Haha, chill. Bakit ba parehas kayong maiinitin ang ulo?" bir

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status