Share

Chapter 6- Fair Condition

"KAILAN ka pa nanliligaw sa anak ko?" Tila nagpantig pa ang tainga ni Rosette sa sumunod na katanungang iyon ng ina. Habang nanatili namang magkahawak ang kamay nilang dalawa ni Fifth.

For some reason, iyon ang pinakakinatatakutan niyang mangyari. Lalo na't batid niya sa sarili na ang kaniyang ina ang unang tututol sa courting stage nilang dalawa.

Nanatiling tahimik ang buong kabahayan hanggang sa hindi niya muling inaasahan ang isasagot ni Fifth, "Ahm, actually po, ngayon pa lang sana ako pormal na magpapaalam sa'yo tita. P'wede bang ligawan ko si Rosette?" Sandali pa siyang nilingon ng binata.

At kusang kumalas ang kamay ni Fifth sa kamay niya nang sabihin ng ina ang mga katagang, "Hindi!" Sandali pa ulit silang nagkatinginan ni Fifth. "Pero kung susundin mo ang isa kong kondisyon, baka ngayon pa lang ay pumayag na ako."

Tila nabuhayan ng pag-asa si Fifth, kaya naman kusang lumabas ang matamis na ngiti nito. "Ano po 'yon, tita?"

Nais niya nang humanga sa pagiging matapang ni Fifth na pagsagot sa katanungan ng ina. Pero dahil ayaw din naman niyang ipakitang kinakabahan siya ay mas pinili niya na lang na makinig sa sasabihin ng ina. "Gusto kong sa akin muna dadaan kung may usapan kayo na lalabas dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Nay naman, kailangan po ba talaga 'yon?" Sinikap niyang suwayin ang naging kondisyon ng ina.

Doo' y nakita niya agad ang salubong na kilay ng ina bilang tanda nang hindi pagsang-ayon nito. Magsasalita pa lang sana ito nang marinig ulit nila ang boses ni Fifth." Okay, tita. No problem po. Ahm, nabanggit nga po pala sa akin ni Rosette na may pwesto raw po kayo sa palengke. 'Di bale, tita, I will find you po whenever we have a date together." Pasimple pa itong kumindat sa kaniya.

Kaya naman hindi maiwasang mapaawang ng labi niya sa pagiging presko nito sa pagsagot sa mga katanungan.

Kalaunan nga'y mas naging komportable pa si Fifth na kausap si Aleng Rosalinda, ang kaniyang ina. Bagay na hindi niya inaasahang mangyayari sa araw na iyon.

Simula kasi nang mamatay ang kaniyang ama ay bihira niya na lamang makitang ngumiti ang kaniyang ina. Madalas pa nga itong nakabulyaw sa tuwing nadadatnang makalat ang bahay. Nauunawaan niya naman na dahil iyon sa pagod. At madalas pa nga, hindi sila sabay-sabay na kumakain sa almusal, tanghalian at hapunan. Pero bakit tila sa isang iglap ay binago ni Fifth ang takbo ng buhay nila?

Katulad ngayon na salu-salo silang kumakain sa lamesa. "Napakasarap mo naman pa lang magluto, tita! Parang dito ko na lang po gugustuhing kumain palagi!" pahapyaw na pambobola pa ni Fifth.

Kaya naman pasimple niya itong tinapik sa braso. Habang nakita niya naman na tila siyang-siya pa ang kaniyang ina sa sinabi ng binata. "Ikaw naman, binobola mo pa ako, e. Ah, ayos lang naman, Fifth kung dito ka madalas na kakain, pero asahan mong hindi palagi ganito kasarap ang ulam na nakahain sa lamesa, hah?"

"Ay! Kahit anong ulam pa 'yan, kakainin ko po, tita! Basta luto mo po!"

Dinig na dinig pa niya ang malakas na pagtawa ng ina habang pasimple naman siyang tinutukso ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid na sina Roselle at Rowel. "Uy, si ate! Tahimik lang pero kinikilig!" wika ni Roselle. Mga apat na taon ang tanda niya rito at dalawang taon na lang ay

papasok na ito sa kolehiyo. Habang dalawang taon naman ang tanda nito kay Rowel, bilang bunso sa kanilang magkakapatid, at ngayon ay graduating na rin ng elementary.

"Mamaya lang ay tatalon-talon pa 'yan sa k'warto habang kausap si Kuya Fifth!" dagdag pa ni Rowel.

Kaya naman hindi niya maiwasang pandilatan ng mga mata ang dalawa. "Hoy,' wag nga kayong maingay. At saka, kailan mo ako nakitang tumatalon sa kilig, hah? Bunso?" giit pa niya. At sakto namang hindi iyon naiwasang marinig ni Fifth.

"Totoo ba' yon, Sette?"

"Naku, si ate! Dide-deny pa, e!" natatawang wikang muli ni Roselle.

"Hoy, kayo, Roselle at Rowel, masyado pa kayong bata para gawing topic ang mga ganiyang bagay," pagsaway ng kanilang ina, dahilan para bumalik na sa pagkain sina Roselle at Rowel.

Ngunit hindi naman nagpapigil si Roselle sa pangangatwiran. "Bata pa ba ako? E, nireregla na kayo ako, nay!" Agad niyang tinakpan ang walang prenong bibig ni Roselle. Nais niya kasi na maging conservative ito sa mga binibitawang salita lalo na't nasa third year high school na ito.

Samantala'y hindi na lamang maiwasang magpatay malisya ni Fifth sa narinig habang tatawa-tawa naman ang bunso niyang kapatid na si Rowel.

Sa paglipas pa ng mga araw ay maayos namang tumupad si Fifth sa naging kasunduan nito ng kanilang ina. Kahit medyo malayo ang Makati sa Marikina ay bumabiyahe ito ng maaga para lang makadaan sa pwesto nila sa palengke, at upang ipagpaalam siya na makasamang kumain sa labas. Kaya naman hindi inaasahang madadatnan siya nitong pa-out pa lamang sa trabaho.

Buong akala pa niya ay oorder lamang ito nang makakain, iyon pala ay para rin pasimple siyang makausap.

"Hi, hintayin kita sa may parking, hah?"

Hindi niya maiwasang matigilan habang tinititigan ang maamong mukha nito.

Bagay na hindi naiwasang pagmulan ng tukso ng kaniyang dalawang kaibigan sa trabaho na sina Julianna at Mikaela habang naglalakad na palabas si Fifth. "Uy, bakla, boyfriend mo? Ang g'wapo, hah?"

Hindi niya maiwasang mapakagat labi sa pasimpleng katanungan ni Julianna. Subalit hindi pa man siya nakasasagot ay bumanat din naman ng panunukso si Mikaela. "Ikaw, hah? Hindi mo naman nasabi sa amin na may mayaman at g'wapo ka pa lang boyfriend!"

Malaki na sana ang ngiti ng dalawa subalit pinutol niya ang sandaling kasiyahan iyon nang dahil sa sinabi niya, "Ano bang sinasabi n'yo? Hindi ko siya boyfriend. Ahm, m-manliligaw pa lang."

Napahalukipkip naman ang dalawa. "Sus! E, doon din naman papunta 'yon, e. Pero teka, may pag-asa ba, bakla?" pang-uusisa pa ni Julianna.

Bagay na nagawa niya na lamang ngiwian habang nagtatanggal na rin siya ng apron at cap. Saka dumiretso sa may locker room bago pa man siya magpaalam nang umuwi sa kanilang manager.

Without any notice of the time left before her call time from school. At nang madatnan niya na naghihintay sa may parking area si Fifth ay segundo pa ang lumipas bago pa siya magdesisyon na umangkas sa Suzuki nitong motorsiklo.

"Hold me tighter, Sette," pagpapaalala pa nito. Bagay na hindi niya maiwasang ika-ilang.

Given the fact that she was secretly smiling. And it was really touch her heart whenever he gave her a caring words.

"Bakit nga pala napaaga ang pagsundo mo? Mamaya pa naman ang out ko sa school, e," pag-iiba niya ng usapan.

Doon nama'y hindi siya binigong sagutin ni Fifth. "Of course, I wanted to see you. In fact, nagkaayaan muli ang tropa na kumain sa paborito naming kainan ditong resto, so dinaanan na rin kita."

Napatango naman siya sa mahabang sinabi nito. "E, alam ba 'to ni nanay?"

Nakita niya ang pahapyaw na paglingon nito sa kaniya mula sa side mirror. "Oo naman. At siyempre, ipinagpaalam na rin kita na makasamang mag-roadtrip

later."

Biglang napakunot ang noo niya. "Sandali-- roadtrip? As in, rides?"

"Oo, I guess, it's about time para makilala mo rin personally ang mga circle of friends ko. The same goes with me no'ng maging parte ako ng banda n'yo." Hindi niya maiwasang mapahalupkip.

It was on the first week of December at ramdam na ramdam niya na ang lamig ng panahon. Kaya hindi niya maiwasang mag-alala na baka mas lamigin siya sa biyahe. "O, bakit bigla kang natahimik? Hindi ka ba willing na sumama kasi kung hindi I will cancel--"

"Ahm, wala kasi akong baong jacket, e. Baka lamigin ako sa biyahe?" hindi siguradong aniya.

At doo'y hindi niya inaasahan ang malakas na paghagikhik nito. "Don't you worry, Sette, ako ang bahala sa'yo. Basta sumama ka lang." Pasimple pa nitong pinisil ang kamay niyang nakakapit sa bewang nito at ewan ba niya kung bakit tila nakararamdam siya ng kuryente sa kaniyang katawan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa may Marikina State College. At doo'y hindi niya inaasahan na masusundan pa ang kanilang masayang pag-uusap.

"Nga pala, 'wag mong kalimutang kainin' tong binili kong food for you. Ikaw kasi, napakasipag mo, e. Parang nakakalimutan mo na tuloy kumain. Tingnan mo ang pisngi mo, o, pumapayat na," may halo pang biro na sabi nito.

Kapagkuwa'y doon niya lang napagtanto ang paglapat ng palad nito sa kaniyang pisngi. Dahil kinurot lang naman nito ang magkabila niyang pisngi. Few seconds has passed before he used to speak again. "Ito naman, masyadong sineryoso! Biro lang!" natatawang sabi pa nito.

Hindi niya na lang tuloy naiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ito. Hanggang sa magkaroon na rin siya nang lakas ng loob na sabihing, "Alam mo, Fifth, sobrang nagpapasalamat ako sa'yo."

"Bakit naman?"

"Kasi.. sa isang iglap, binago mo ang buhay ko. Para bang naging magaan na lang ang bawat problema sa tuwing kasama kita." Sinikap niyang lumihis ng tingin dahil batid niya na kusa nanv papatak ang luha sa kaniyang mga mata. "Hay, basta! Salamat. Hindi ko alam, kung ano ba talagang purpose ko sa buhay mo. E, isa lang naman akong band vocalist na sinungitan ka noong una."

Hindi na lamang maiwasang matawa ni Fifth sa mga sinabi niya habang binabalikan nila ang unang pagkakataon na nagkakilala sila. "Parang kailan lang 'no? Parang allergic ka nga no'n sa akin tapos ngayon, parang ayaw mo na akong umalis sa tabi mo."

Hindi maiwasang manlaki ng mga mata niya sa narinig. "Hoy!" Nais niyang iparamdam dito na hindi pa naman talaga siya tuluyang na-a-attached dito. Pero bakit parang umaayon ang puso niya sa sinabi nito?

"O, sige na, mukhang kailangan mo nang pumasok sa first class mo. Take care and see you later."

"Okay, ikaw din, see you."

-

Nang dahil sa kanilang naging huling usapan ni Fifth ay tila binalikan niya ang mga nangyari simula pa noong una. Natatandaan niyang hindi naging maganda ang kanilang unang pagkikita ngunit masasabi niyang isa iyon sa mga pangyayaring hindi niya malilimutan. Dahil kung hindi niya siguro nakita ang ganoong side ni Fifth, ay hindi niya makikita ang tunay na ugali nito.

Sa kabila ng mabigat na responsibilidad na kinakaharap niya ay hindi niya inakalang mapapagaan ni Fifth ang kaniyang mga dinadalang problema.

In fact, Rosette did not thought that it was easy to her mother to accept the reality of Fifth's courting. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya nang naging maluwag na rin sa kaniya ang ina sa tuluyang pagpasok ni Fifth sa buhay niya. Marahil ay naiintindihan na nito na hindi lang basta sa mga sa school o sa trabaho tumatakbo ang buhay niya. For short, kailangan din niyang piliing maging masaya, especially her heart.

Kaya nga mahirap na para sa kaniya ang maglihim pang muli sa ina, lalo na't batid niya naman na simula pa lang ay kapakanan lamang nilang magkakapatid ang iniisip nito.

Pagkatapos nga ng klase niya ay natupad nga ang usapan nina Fifth, Samuel at iba pang ka-officemate nito na mag-rides sa Mckinley Hills. Malawak at safe kasi ang lugar na 'yon para sa roadtrip dahil mayroon din iyong mga pasyalan at p'wedeng maging lugar hintuan nila habang nagpapahinga. Doon niya rin nakilala sina Eunice, Andrew at Ryan. Kung saan ay angkas ng mga lalaking kaibigan ni Fifth ang mga girlfriend nito habang si Eunice naman ay nakaangkas sa boyfriend nitong nakilala lang online. At dahil nga wala siyang baong jacket ay ipinasuot na muna sa kaniya ni Fifth ang jacket nito bago pa man magsimula ang biyahe.

"E, paano ka pala?" nag-aalalang tanong niya.

Subalit umiling lamang ito at ngumiti. "'Wag mo na akong isipin, what important is you."

Hindi naman naiwasang marinig iyon ni Samuel kaya naman bumanat ito nang panunukso sa kanila. "Wow naman! Ang sabihin mo, Fifth, ngayon ka lang ulit may mai-aangkas na babae sa rides natin!"

"Tse! Shut up, Samuel!" ganting sagot pa ni Fifth kahit na medyo naiilang itong malaman niya ang totoo. Without thinking that Fifth is eager to find a woman, na mabibigyan nito ng anak. Dahil takot lamang nito na baka ma-expired ang semilya nito para makabuo pa ng anak.

Out of nowhere ay natatawa na lamang si Fifth sa isiping iyon. Habang siya naman ay feel na feel suotin ang jacket ni Fifth. Aaminin niyang parang kayakap niya na rin ito ng mga sandaling iyon at hindi niya maiwasang mag-imagine kung gaano kaalagang boyfriend si Fifth.

"Rosette, 'wag kang mahihiyang makipag-usap sa amin, hah? Ganito lang talaga kami kapag magkakasama, biruan hanggang sa magkapikunan," pabirong sabi pa ni Samuel na higit niyang nakikilalang kaibigan ni Fifth kaysa sa iba.

Nasundan pa nga ang masaya nilang kwentuhan hanggang sa magsimula na nga ang biyahe kung saan ay marami silang nakasasabay na malalaking sasakyan na lalong nagpapakaba sa kaniya. Papunta pa lamang sila ng Mckinley hills ng mga sandaling iyon. At doon sila nagkita-kita sa may BGC. Pamilyar naman siya sa lugar na iyon dahil na rin sa dami ng lugar na pinuntahan nila mula sa pagbabanda.

"Natatakot ka pa rin ba?" Hindi naiwasang maitanong ni Fifth sa kaniya.

"Ahm, o-oo, e," nauutal niyang sabi.

At bago pa man siya muling kumapit dito ay muli itong nagpakilig sa kaniya, "Don't be scared, Sette. You'll be safe with me. " Sa kaniyang pagngiti ay hindi rin naiwasang mapangiti ng puso niya at sa pagkakataon na 'yon ay mas naging mahigpit ang pagkapit niya kay Fifth.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status