Share

KABANATA 3

MARI

As for the record, tatlong araw na mula nang una kong itapak ulit ang mga paa ko dito sa Pilipinas.

At sa tatlong araw na iyon, wala akong naramdaman kundi purong kaligayahan. I must admit, I still misses mom somehow. Kahit sino naman siguro, 'di ba? 

Pero sa loob ng tatlong araw na pananatili ko rito sa Pilipinas ay hindi ko pa sinusubukan na lumabas kahit isang beses man lang. Though Dad and Mang Dario always tell me to. Ako lang talaga ang makulit na hindi nakikinig. Lagi lang akong nagkukulong sa kwarto, o 'di naman kaya ay nakikipagkwentuhan sa mga kasambahay namin sa ibaba. Kung lalabas man ako ay hanggang sa gate lang. Nagdidilig ako ng mga halaman. But I really did not attempt to step a foot outside.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahalungkat sa mga gamit ko noong bata pa ako na hanggang ngayon ay buo at nasa maayos pa ring mga kalagayan. I bet Dad is hring someone to clean these all up.

Sa ginagawa ko ay aware rin ako na may mabubuksan na namang sugat ng kahapon kahit papaano. Pero kahit na. Sa ngayon, tinitingnan ko na lang iyon bilang isang paraan para mas mapatatag ko pa ang sarili ko.

And right now, I was in the middle of rumaging a box of my toys when I suddenly hear a sequence of knocking on my bedroom's door. Hindi na ako nag-abala pang ligpitin ang mga hinahalungkat ko. I just prompted to whoever that is to enter my roon already. Nang bumukas nga ang pinto ay bumungad agad sa akin ang pigura ng isang matangkad na lalaki. Si Dad lang pala.

Ngumiti siya agad pagkakita niya sa akin.

"I see, you're still not done rumaging your things. Pang-ilang araw mo na nga ulit ginagawa iyan?" natatawa niyang saad.

Nagkibit-balikat lang ako at bahagya ring tumawa. "Pangatlo na po. Kayo kasi, eh. You spoiled me with so much things and toys. Kahit hindi ko naman magagamit lahat ng sabay-sabay."

Lumapit sa akin si Daddy at umupo sa sahig katapat ko.

"That's what your mom wants. Kahit noong magnobyo't-nobya pa lang kami. She always used to tell me that if ever na magkaanak na kami, she'll always spoil him or her with everything. Hindi lang sa mga materyal na bagay, but most especially with unending love and care. Swerte mo na ikaw ang binigay sa amin ng nasa itaas."

Napalunok ako.

I still feel the sincerity on my dad's voice. Maybe, he's still longing to my mom's presence up until now. Could it be?

Pinalis ko na lang iyon sa isipan ko at pinilit ko na lang din na ngumiti. Two weeks lang ako rito, ayokong mapuno pa ng lungkot ang pananatili ko rito.

Bago ako nagsalita ay tumikhim muna ako. Para kasing may kung ano na lang ang biglang bumara sa lalamunan ko. "A-Anyways, Dad, what brings you here? I mean, may kailangan ka po ba—?"

"Ah, oo nga pala." saad niya naman na parang doon lang naalala kung ano ang ipinunta niya sa akin. "I... already told your best friend, Riya, na nandito ka na. At hindi naman sa panghihimasok pero tatlong araw ka na rin dito at hindi ka naman lumalabas. Don't you like to go out with her some time?"

Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niyang iyon at sa paraan na rin ng pagsasabi niya.

"Yeah, I know. Tumawag na po si Riya and we already set our meet up later. Sa park lang po na malapit dito." pagbibigay-alam ko.

"The same park kung saan kayo madalas maglagi noong mga bata pa lang kayo?"

Tumango ako.

"Linggo naman po bukas kaya okay lang daw kahit gabihin na kami sa paggagala. We miss each other so much, too, Daddy. Kaya kung okay lang din po sa inyo, baka ma-late na ako ng uwi mamaya at—"

"Of course, that's fine, anak! You're in a legal age now. Maiintindihan ko kung gugustuhin mo ring mag-sleep over muna sa kanila." may pagbibiro sa huling sinabing saad ni Daddy.

Napailing na lang ako.

"There's always tomorrow. Bakit pa kailangang mag-overnight sa kanila?"

Hindi na nagsalita si Daddy at nagkibit-balikat na lang.

Matapos lang din ang ilang minuto ay nagpaalam na siya sa akin. He even told me to asked Manong Dario to be drive us both. But as expected, I refused. Sinabi ko na gusto namin ng quality name ni Riya nang kaming dalawa lang. And thank goodness, hindi na siya nangulit at hindi niya na ipinilit ang gusto niya.

Nawalan na rin ako ng gana na ipagpatuloy pa ang paghahalungkat ko. Naisipan ko na lang na magprepare na para sa meet up namin ni Riya mamaya. I know, it's kinda early. Alas kwatro pa naman ang usapan namin na magkikita. And it's only quarter to three. Pero whatever. Ilalakad ko na lang muna siguro si Pepper.

Pepper is my pet puppy, anyway. Ibinigay siya ni Daddy sa akin bilang regalo kahapon lang. Sabi niya pa, noon pa lang daw ay iniisip niya na na regaluhan ako ng gano'n. Lagi ko raw kasing sinasabi sa kanila dati na gusto kong mag alaga ng gano'ng breed ng aso. Pomeranian. Dapat daw ay reregaluhan niya ako ng gano'n noon pang eighteenth birthday ko. Iyon nga lang ay nag-alanganin daw sila sa security ng airport. Kaya ngayong ako na ang kusang pumunta rito ay nagpahanap na siya agad ng puppy na gano'n ang breed. Which I immediately loved. Hanggang ngayon naman kasi, gusto ko pa rin no'n. I mean, it's like a dream for me. Hindi ko lan maasikaso dahil nga may trabaho ako.

Niligpit ko na ang lahat ng nakalat kong mga gamit tsaka mabilisan nang naligo at nagbihis ng simpleng damit lang. Casual. Hindi sobrang elegante, hindi rin naman mukhang gusgusin. Kulay pink na tight tank top at puting shorts. Pinaresan ko lang iyon ng pink din na sapin sa paa. I then picked my phone and wallet, 'tapos ay ang chain ni Pepper. Nag-spray lang ako ng kaunting pabango tsaka bumaba na,

Dumaan pa ako sa kusina para magpaalam kay Ate Loida, ang cook at mayordoma ng bahay ayon na rin kay Daddy. Sinabi ko na rin na dadalhin ko si Pepper dahil baka hanapin pa nila sakaling makita nilang wala ito sa cage.

At gaya ng sinabi ko kay Daddy, naglakad na nga lang ako— no, kami ni Pepper papunta sa park dahil walking distance lang naman iyon mula sa bahay. 

Saktong 3:20 na ng hapon nang makarating kami ni Pepper sa park. Bahagya pa akong nakaramdam ng lungkot nang mapansin ko ang malaking pagbabago ng park na iyon. Ibang-iba na. Hindi na gaya ng dati. I almost felt like I was missing or something. Or probably ended up on the wrong park. Masyado na ba talagang mahaba ang ten years para magbago lahat ng nakasanayan ko noon dito? Hay. Even the ambiance changed a lot.

Napailing na lang ako. Parang bigla akong nagsisi na hindi man lang ako nakapagpakuha noon ng kahit isang picture lang habang naglalaro kami ni Riya dito. At nakakasisi rin na hindi agad ako bumalik para sana may naabutan pa ako kahit katiting na lumang bagay dito.

Inalis ko na lang sa isip ko lahat ng lungkot at panghihinayang na bigla ko na lang naramdaman dahil gaya nga ng sabi ko, masyadong maikli ang panahon na gugugulin ko rito. At hindi magandang tingnan kung sa maikling panahon na iyon ay lulunurin ko pa ang sarili ko sa lungkot na gawa lang naman ng kahapon.

Umupo ako sa isang bench na gawa sa bato. Pati ba naman ito, binago na rin? I like it more when these benches were made of woods. 

Nilaru-laro ko muna si Pepper para kahit papaano ay hindi ako mainip. I am playing with her and if she made something for me to laugh with, bibigyan ko siya ng treats na naisip kong dalhin na lagi tuwing lalabas kami na gaya nito.

Naputol lang ang kulitan namin nang sa hindi inaasahan ay biglang nag-ring ang cell phone ko. Tiningnan ko naman agad iyon dahil sigurado ako na kung sinuman ang tumatawag, alam kong kilala ko iyon. Sinisiguro ko kasi na ang tanging nakakaalam lang ng personal number ko ay ang mga taong malalapit sa akin. In fact, I only gave my number to three people. Si Daddy, si Aunt Melissa, at kay Riya, siyempre.

Hindi nga ako nagkamali dahil nang makita ko na sa screen kung sino ang tumatawag ay bumungad agad sa akin ang pangalan ng best friend ko. It's Riya.

Dali-dali kong sinagot ang tawag niya.

"Hello? Nasaan ka na—?"

"Iyon na nga, eh. I called you up to tell you na mala-late ako. Something came up. Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko. Actually, halos isang linggo na. Lagi na lang akong hirap gumising sa umaga, masakit ang tiyan, at parang maya't-mayang nasusuka kahit hindi naman. Hindi ko na alam. Iniisip nga namin na baka... baka ano... I mean, we're not sure yet. Pero baka lang... buntis na ako. That's why we're heading now to an OBGYN para masiguro na namin kung ano ba talagang nangyayari sa akin. Mahirap na mag-pressume, baka hormonal imbalance lang itong nangyayari sa akin at—"

"O-OMG,,,"

Hindi ko alam kung paano magre-react ng tama sa lahat ng sinabi niya. Ang best friend ko. Buntis na ang best friend ko?!

"Y-Yeah. K-Kaya tumawag na ako habang maaga pa para ipaalam sa iyo na mala-late ako—"

"O-Okay lang iyon, ano ka ba?! That's fine with me. As long as you're okay, the baby's okay—"

"Gaga ka talaga, kasasabi ko lang hindi pa nga sigurado, 'di ba?"

Natawa na lang ako sa biglang pag-iiba ng tono ng pananalita niya. She's always like that, anyway. Kapag sinasadya ko nang magtanga-tangahan sa harapan niya. Hehe.

"Pero... well, sana nga. I mean, sana nga magkaka-baby na talaga kami ni Zequiel. We've been longing for this ever since." mayamaya ay marahan niya nang sambit. "Eh, ikaw? Kailan mo balak—"

"Oh, no, Riya. Don't me, huwag ako. Wala pa sa priority ko iyang mga ganiyang bagay, okay? I don't even have a boyfriend nor a fling—"

"Kaya naman pala, eh. 'Tapos, panay reklamo ka na ang boring at plain ng buhay mo. Kung hindi ka rin naman half-gaga at half-luka-luka—"

"Oo na, sige na. Just do your appointment done, okay? Balitaan mo ako agad. Maglalakad-lakad muna kami ni Pepper— oh, my gosh!"

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko kasabay ng biglang pagkabog ng dibdib ko. Nawawala si Pepper!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status