Share

KABANATA 5

MARI

Mabilis ko nang nilapitan ang higanteng lalaki na iyon matapos ko siyang batuhin. I didn’t waste any time to wait for his sudden reaction after that piece of rock landed on his back.

Nang makalapit ako ay sakto namang humarap na siya. Hindi ko naman ide-deny na bahagya akong natulala nang makita ko na sa wakas ang mukha niya. In fairness, gwapo naman pala si Koya.

Makakapal ang mga kilay at mga pilikmata nito na mahahaba rin. May pagka singkit ang mga mata nito. At ang pupungay, ha?! Matangos ang ilong, mapupula at halatang kissable ang mga labi, sakto ang tapang ng jawline at—

At kailan ka pa natutong ma-aatract sa abductor na masamang taong kriminal at kidnapper, ha?! Baka nakakalimutan mo, Mari. He obviously stole your baby!

Sa biglang sampal sa akin na iyon ng isip ko ay bumalik ang inis na nararamdaman ko sa… sa kung sino man ang lalaking nasa harapan ko na may buhat kay Pepper!

“You’ll gonna throw a bigger rock at me, don’t you?” walang emosyon at kaswal lang na saad nito bago pa man ako makapagsalita.

Kunot ang noo at nagtatakang sinalubong ko ang tingin niya. Because yeah, he’s looking right at me, right at my face. Nakakailang.

“What do you mean?”

“You threw a rock straight at my back. Kung hindi ako nagkakamali, that stone is just a gravel stone, right? Pinaplano mo na ba na batuhin ako ng mas malaking bato? Iyon ba ang sinasabi mong mas masamang mangyayari sa akin?” mahabang saad naman nito.

Hindi na lang ako kumibo dahil baka kung saang usapang ‘bato’ pa mapunta ang pag uusap namin. Baka mula sa bato na graba ay mapunta pa sa bato na nire-repack at— oh, my g! I know, you know what I mean!

“Look, bata pa lang ako, tinuruan na ako ng parents ko na huwag makikipag usap ng basta-basta sa mga taong hindi ko kilala. You are a total stranger to me. Kaya kung pwede, ibigay mo na lang siya sa akin at nang makaalis na ako rito because honestly, I don’t feel comfortable with this place and—”

“Who are you referring to? Is it this?” putol nito sa mga sasabihin ko pa sabay angat kay Pepper na himalang hindi nagwawala. Pepper is not the type of pet na mabilis mag-adapt sa kahit ano. She’s not into strangers as well. Pero sa nakikita ko ngayon na behavior niya habang hawak siya ng kapre, it seems strange. Tahimik na tahimik ito na animo’y kasama lang ang isang normal at matagal nang kakilala.

“Yes, siya nga. Akin na—”

“And what makes you think I’ll hand her… to you?” 

Sa sinabi niyang iyon ay lalo lang akong nakaramdam ng pagkainis sa kanya. Hindi nga lang yata dumoble ang inis ko, eh. Naging triple pa yata. Or worse.

“Ibibigay mo siya sa akin at ibabalik mo siya dahil unang-una, akin siya. Kanina ko pa siya hinahanap at—”

“Where are your proof?”

Natigilan ako.

“A-Ano?”

“You said she’s yours, right? Then patunayan mo. I want you to prove your ‘ownership’ first before I officially give her back to you. Kung sa iyo nga siya.”

Pakiramdam ko ngayon ay pinaglalaruan na lang ako at pinagti-trip-an ng lalaking ito na nasa harapan ko.

“Boring ka na bang mag isa rito at ako ang saktong nakatagpo mo kaya ako pinagti-trip-an mo ngayon nang sa gano’n ay mabawasan iyang boredom mo? Ang malas ko naman kung gano’n.” naiinis na komento ko. Mahina lang ang boses ko nang sabihin ko iyon, pero hindi pabulong. Sakto lang, dahil sinadya ko pa rin talagang siguraduhin na maririnig niya ang bawat salitang binitawan ko roon.

“Sa ating dalawa, ikaw ang mas mukhang bored. Isang tanong lang ang sinabi ko, isang bagay lang ang gusto kong malaman, and yet ang dami mong daldal imbis na ibigay mo na lang iyon at nang makaalis ka na.” ganting saad naman nito. “If I’m not mistaken, baka nagagwapuhan ka lang sa akin kaya kunwari, naiinis ka riyan pero ang totoo, inaaway mo lang ako para tumagal ang conversation at oras natin na magkasama rito. Kasi baka iniisip mo rin na maiinis ako at eventually, bibigay ako at sasabihin ko na lang o susundin lahat ng hingin mong gusto mo as a condition for you to go and—”

“Ang kapal! Author ka ba, ha?! Angas ng isip mong mag isip ng mga gan’yang conclusions, ha? Hindi ka libro pero ang kapal mo, grabe.”

Sa pangalawang pagkakataon— ay, mali. Hindi na pala pangalawa kasi kanina pa ako nag-aatempt na agawin si Pepper sa kanya. Tsk! So, iyon na nga. Take two.

Sa pang ilan nang pagkakataon ay sinubukan ko ulit na agawin sa kanya si Pepper. Pero gaya ng ginawa niya kanina ay iniwas niya lang ito sa akin. At gaya rin ng kanina ay hindi ko siya nagawang makuha. Ni hindi nga sumayad ‘yong kamay ko sa balahibo niya, eh!

“Proof muna. Iyon lang naman ang kailangan ko, eh. Iyon lang ang kailangan mong ibigay and you’ll have her. The entire her. Patunayan mo lang sa akin na sa iyo nga ang asong ito—”

“She’s not just a dog, you stupid moron jerk! She is my baby! You hear me?!” nanggagalaiting sigaw ko sa kanya. “Grabe ka na talaga. This is the first time. This is the first time na may tao— kung tao ka nga ba talaga, na kuhang-kuha iyong inis ko. Grabe ba! Talent mo ba iyon, ha? Talent mo?!”

Hindi sumagot ang siraulo, sa halip ay nahuli ko siya na nagpipigil ng tawa. Ng tawa! Like, may nakakatawa ba sa sinabi ko?! May nakakatawa ba?!

“Patunay na lang kasi. Dami pang daldal, eh.” 

Hindi na lang muna ako kumibo agad at huminga na lang ng malalim.

“Okay, fine. But after this, pwede ba? Pakibigay na siya agad sa akin? Gusto ko na kasing umalis dito. Hindi ako sanay sa ganitong klase ng lugar. So gross, so scary, so—”

“So maarte, so madaldal. Gusto mo ba talaga siyang makuha o ano? Or should I say, sa iyo ba talaga siya o ano? Kasi kung hindi mo mapapatunayan sa akin na sa iyo nga siya, siguro lalabas na lang ako para hanapin ‘yung totoong nagmamay ari sa kanya. Or better yet, iuwi ko na lang siya para—”

“Look at that choker on her neck! May letter ‘P’, ‘di ba? ‘Pepper’ ang ibig sabihin niyan! She is my pet and—”

“That’s not enough proof, Miss. Maraming aso ang pwedeg—”

“Hindi nga siya aso lang! Bakit ba ang kulit mo?!” asik ko ulit sa nagngangalit nang mga ngipin.

“It’s not my intention to make you mad. Ang sinasabi ko lang, hindi kasi sapat iyang ebidensiyang pinanghahawakan mo. Madalas na sa mga gaya nito ang may choker na merong initials ng pangalan nila. And ‘P’ is a common initials among creatures like her. Maraming pwedeng ibig sabihin ang ‘P’. Pwedeng ‘Pat’, ‘Pranky’, ‘Puti’, ‘Pedring’, ‘Puda—’”

“Tama na, utang na loob! Huwag na huwag kang magkakamali na ituloy iyang mga sasabihin mo pa or else—”

“Bakit? Ano ba sa tingin mo ang sasabihin ko? Hmm?” tila nang aasar na putol niya sa mga sasabihin ko naman. Pagkatapos no’n ay tumawa siya.

Nang marinig ko ang tunog ng tawa niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na matulala nang bahagya. It’s just like,,, It is like a music to my ear. Sobrang sarap pakinggan…

“You got another proof lined up? Just make sure that it won’t sound lame.”

Napapitlag ako nang marinig iyon. That effin’ man didn’t just say those words. He said all those intentionally and was full of insults.

Grabe talaga! Sino ba siya at saan nanggagaling ang trip niya?! Kung saan mang lugar iyon, sigurado ako na sobrang taas ng current doon. Kung paano ko nasabi? Simple lang. Ang taas din kasi ng current ng kayabangan at kapreskuhan niya. Nakakabwisit!

Sa kabila ng pakiramdam ko na anumang oras ay sasabog na ako dahil sa magkahalong inis at galit ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili ko. Telling myself that this jerk doesn’t deserve any of my time in extent. Na kailangan kong gawin na lang kung ano ang gusto niya nang sa ganoon ay hindi na humaba pa ang pagsasama namin at nang makaalis na rin ako. Kasama si Pepper, of course.

“Okay, listen closely. She really is Pepper. Hindi ako maghahabi ng kwento just to get a puppy na hindi naman talaga sa akin. Do you think I would end up being here looking for her kung hindi talaga siya sa akin? I mean, just take it from a common sense perspective. She is a gift from my dad recently pagkauwi ko galing sa California. And believe me or not but… she’s really a treasure to me. So, please. Kung pwede lang, ibalik mo na siya sa akin. I am willing to give you everything in return. Just give my baby back to me, please?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status