MARI
Matapos ang mahaba-habang pakiusapan, sa wakas ay ibinigay na rin sa akin ng lalaking iyon— na hindi ko man lang nalaman ang pangalan, si Pepper.
And when he handled her to me, hindi na ako nagdalawang isip pa at naghintay ng kung ano. Tinakbo ko na agad si Pepper noon ay bumalik na kami sa park proper kung saan maraming tao. Alam niyo na, protective mindset ba. In case na sundan niya kami, ‘di ba? Maraming tao ang pwedeng makakita at mag save sa amin ng baby Pepper ko.
Laking pasasalamat ko na nga lang din dahil pagdating namin sa park proper ay marami pa ring tao roon. Mas dumami pa nga yata kaysa sa kanina.
Pagkaupo ko sa bench ay inilabas ko na agad ang cell phone ko para humingi ng update kay Riya. Kailangan kong makasiguro kung makakapunta pa ba siya o hindi na. Kasi kung oo, then fine, I’ll wait. Pero kung hindi naman, I just thought that it would be better if I go home already. Lalo na at malamang na nasa paligid pa ang lalaking estranghero na iyon. And I don’t have the idea on what’s running on his mind. Baka mamaya, hinahanap niya na pala kami at pinagpaplanuhan ng hindi maganda para—
“Hey—”
“Oh, my gosh!” wala sa sariling sigaw ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay ng kung sino sa balikat ko. Lalo na nang sabayan pa iyon ng boses ng isang lalaki. Napatayo tuloy ako, sabay buhat kay Pepper at harap sa kung sinumang lalaki na iyon ang naglakas ng loob na lapitan ako. And this time, nakahanda na rin akong sumigaw anumang oras just to ensure mine and Pepper’s safety!
“Woah, woah, woah! Chill, relax! It’s me, Zequiel! Sorry, I think I must’ve startled you.”
Hindi ako agad na nakapagsalita at patungangang tiningnan ang lalaki. And heck yeah, it was Zequiel. Siya ang asawa ni Riya.
“I-I’m sorry. I didn’t mean to—”
“It’s alright. Sorry din sa biglaang pagsulpot. Nasa malapit na store kasi si Riya. She asked me to drop her there dahil may bibilhin daw siya. Then she asked me again kung pwede kitang puntahan dito just to make sure na nandito ka pa and to know kung may gusto kang ipabili.”
Unti-unti nang nagsi-sink in sa akin ang lahat at unti-unti na rin akong nakakahinga ng maluwag.
“A-Ah, w-wala naman. I-I just ate before I went here.” sabi ko na lang at bahagyang ngumiti.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang biglang pagkunot ng noo niya. At kilala ko ang expression niya na iyon. It only showed if there’s something na hindi niya pinaniniwalaan. So, obviously, hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko sa kanya ngayon? Maybe. Posible. Sino pa ba kasi ang kausap niya, ‘di ba?
Magsasalita na sana ako para agad na pagtakpan ang sarili ko pero bago ko pa magawa iyon ay naunahan niya na ako.
“I know that you’re lying, Mari. Come on, spit it up.” pasimple nitong saad.
“Wala—”
“Hindi tayo aalis dito hangga’t hindi ka umaamin. We’ve been together since like forever. Halos kami na ang tumayong ate at kuya mo. We know you so well. I know you so well. Sa akin ka pa ba magsisinungaling?”
Napakagat na lang ako sa ibaba kong labi tsaka nag aalangang tumingin sa kanya.
“O-Okay. You got me there. Again.” sabi ko sa wakas, tsaka ako huminga ng malalim. “It’s just that… I ran into someone earlier. Lalaki siya, actually. ‘Tapos—”
“‘Tapos ano? May ginawa ba siyang hindi maganda?! Sabihin mo—”
“OA mo masyado. Hindi kasi iyon. Pero sort of. Basta.” saad ko. Kahit ako naguguluhan na rin sa sarili ko. Pasensiya na, Godbless. “Mamaya ko na lang ipapaliwanag para isang paliwanagan na lang sa inyo ni Riya kasi for sure, kahit maipaliwanag ko na sa iyo lahat ngayon, hihingin at hihingin niya pa rin ang version ng paliwanag ko mismo. Kaya mamaya na lang, ha?”
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagpatiuna na ako sa paglalakad.
Naramdaman ko naman agad ang pagsunod ni Zequiel sa akin. Anyways, his full and real name is ‘Ezequiel Cabrera’. Obvious naman siguro sa nickname niyang ‘Zequiel, ‘di ba? Wala lang, nabanggit ko lang.
Habang naglalakad ako ay karga ko na si Pepper. Mahirap na kasi at baka makawala na naman.
Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang biglang magwala si Pepper at tumahol-tahol pa. She seems to see someone she really knew.
“Pepper, behave. Nahihirapan na si Mommy na i-carry ka.” pakiusap ko sa kanya.
Pero dahil na rin sa kuryosidad ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumingun-lingon sa paligid dahil baka nga may nakikita siyang kakilala namin. You know, baka si Daddy, or isa sa mga kasama namin sa bahay.
But the only problem is, nangalay na at lahat-lahat ang leeg ko sa kalilingon ay wala naman akong mamukhaang tao sa paligid na kakilala namin.
Ipinagkibit-balikat ko na lang tuloy ang nangyari at nag focus na lang sa pagpapatahimik kay Pepper na sa awa ng mahabaging langit ay tumigil din sa pagwawala. Sa wakas.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Ngayon ay nasa tabi ko na si Zequiel. He’s asking so many things— na hindi ko ma pin point kung natural lang ba sa dahil nasa catching up point kami dahil matagal nga akong nawala, o baka sadyang madaldal lang talaga siya. Hay, ewan ko.
Basta ako, pinili ko na lang na huwag mag comment at manahimik na lang.
Hindi naman nagtagal at narating na rin namin ang sinasabi ni Zequiel na convenience store kung saan niya iniwan si Riya. Pasalamat na lang din ako dahil ina-allow na pumasok ang mga pet owners kasama ang mismong mga pet sa store na iyon. Dahil kung hindi… makikipagpatayan talaga ako!
Pero siyempre, biro lang.
Naglakad-lakad na nga ako sa kabuuan ng store hindi para bumili ng kung ano, kundi para hanapin ang aking long-lost best friend. Nakailang ikot pa ako bago ko siya nakita sa isang stall na mga soda ang laman.
Mabilis pero dahan-dahan ko siyang nilapitan. Mabilis pero dahan-dahan? Hanep ‘yun, ah?
Pero anways, basta. Mabilis akong lumapit sa kanya para hindi na siya umalis pa roon; at dahan-dahan naman para hindi niya mamalayan ang paglapit ko. Para may ‘sense of surprise’ pa, ika nga.
Mukhang abalang-abala naman siya sa mga tinitingnan niya kaya hindi niya talaga napansin ang paglapit ko.
Magsasalita na sana ako pero bigla namang dumating si Zequiel. And just like that, Riya walked away. Sinalubong niya agad ang asawa niya na hindi man lang ako napapansin o ano.
“Nasaan na si Mari? I thought she’ll be with you?” tila takang tanong ni Riya sa asawa.
Ako naman ay nanlalaki na ang mga mata habang panay ang senyas kay Zequiel na manahimik at huwag nang sabihin na nasa likuran lang ako. But well, I guess he is not seeing me either. Siguro kasi bulag siya? Hays, ewan ko! Nasa line of sight naman ako ng loko!
“Kasama ko nga siya. Pero— o, nasa likod mo naman na pala siya, eh.”
Napapikit na lang ako ng mariin sabay tapik sa noo ko dahil sa mga sumunod na nangyaring iyon. Gustung-gusto kong sapakin at paulanan ng suntok si Zequiel, jusme!
“Mukha ngang kanina pa kayo magkasama, eh. ‘Tapos hahanapin mo siya sa akin? Trippings na naman kayong dalawa, ha? Ewan ko sa inyo, sinasabi ko na—”
Si Zequiel naman ang hindi na nakatapos sa pagsasalita dahil sa bigla na akong sinunggaban ng yakap ni Riya pagkaharap na pagkaharap niya pa lang sa akin. Napatahol tuloy si Pepper.
“Oh, my gosh, I’ve missed you! Hindi ako makapaniwala na nasa harapan na ulit kita ngayon…”
Napatawa na lang ako tsaka ko tiningnan ng masama si Zequiel. Yes, masama to the point na kung nakakasugat lang ang talim ng titig ay malamang na hindi lang siya duguan na ngayon, baka nakahandusay pa at hindi na humihinga.
“At hindi rin ako makapaniwala na sinira ni Zequiel ang plano kong surprise para sa iyo.” pagpaparinig ko at ngumiti ng sarkastiko.
Sinamaan din tuloy siya ng tingin ni Riya at hinampas pa siya nito.
Nagreklamo pa ang lalaki pero wala na rin itong nagawa lalo na at dalawa kaming kalaban niya. Asawa niya pa ang isa. Kaya alam na!
Imbis na magtagal pa kami sa convenience store na iyon ay nagkayayaan na rin kaming umalis na at pumunta sa kung saan. Kaya umalis na kami agad sa tindahang iyon na ang tanging dala lang ay tatlong tub ng ice cream.
Habang naglalakad sa papunta sa parking lot ay ramdam ko pa rin na parang may sumusunod at nagmamatiyag sa akin. Hindi tuloy ako mapakali.
Nakailang tanong din sa akin sina Zequiel at Riya pero napagdesisyunan kong huwag na lang sabihin ang totoo. So, yeah, I just shrugged my shoulders off and said that there’s nothing wrong.
Matapos ang ilan pang sandali, akmang sasakay na ako sa backseat ng sasakyang dala nina Zequiel nang biglang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura na nakatayo hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. It was the guy from the woods who took Pepper earlier!
Bigla ay nalinawan ako sa mga nararamdaman kong kakaiba kanina pa. Nawala na ang pagtataka, pero napalitan naman iyon ng kakaibang takot at kaba. Paano kung sinasadya niyang sundan at manmanan ako matapos lahat ng nangyaring engkwentro sa pagitan namin kanina?
Nakagat ko na lang ang labi ko tsaka nagmamadaling pumasok sa sasakyan. Matapos kong makasakay ay binalingan ko ulit ng tingin ang kinatatayuan ng lalaki kanina pero… wala na ito roon!
Lalo namang sumikdo sa kaba ang dibdib ko.
Oh, gosh. Ano ka ba talaga? Kung may pinaplano kang hindi maganda sa akin at kay Pepper, just please, huwag mo nang ituloy. Ang God, please, guide us. Huwag na huwag Mo po kaming hayaan na mapahamak sa kamay ng nakakatakot na estrangherong iyon…
MARIFortunately, Dad went home just in time. Pero hindi ko na siya pinababa pa ng sasakyan at sumakay na lang kami ni Nina sa dala niyang sasakyan.We then went straight to the church where SJ organized our wedding.Ipinaliwanag ko na rin kay Daddy ang sitwasyon at nagpaliwanagan na rin kami roon. But little did he know that I have something in store for him.Sa kabila ng mahabang traffic ay nagawa pa rin naming makarating sa lugar na pagdarausan ng kasal.Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay hindi ko na agad maiwasang mamangha. Sa labas pa lang ay halatang halata na na pinaghandaan ang mangyayaring kaganapan ngayon.Napaiyak ako.I immediately run inside the church carrying the flower bouquet we just bought on our way here.Sa gitna ng aisle ay nakita ko ang isang lalaking hindi ko inakalang haharapin ko ulit. Si SJ.Tinawag ko ang pangalan niya, lumingon siya sa akin. And seconds later, we are hugging each other.“D-Dumating ka.” halata ang saya sa boses na saad niya.Tumango ako, umi
MARIOne month later…Pagkatapos ng naging disaster na engagement party ay umuwi na ulit ako sa amin.Of course, I have a lot of explaining to do with dad. Maging kay Aunt Melissa na umuwi na rin pala ng Pilipinas at nasaksihan din ang magulong party na iyon.Dad explained everything to me as well. Noong una, wala sana akong balak makinig but when he said a sentence that felt like a slap, I gave in.“You still didn’t tell me that you are going out with someone. Anak mo ako kaya karapatan ko ring malaman ang mga nangyayari sa iyo.”“That was just dating, anak. Ikaw nga, nagpakasal ka nang wala sinuman sa amin ang nakakaalam. Marriage is not a joke, Mari. Ama mo ako kaya may karapatan din akong malaman kung ano ang mga nangyayari rin sa iyo.”And so as that, we agreed to forgive each other. Iyon nga lang, hindi ko pa rin maiwasan minsan na magtampo sa kanya lalo na kapag naaalala ko na ang babaeng nakarelasyon niya ang siya ring ina ng naging asawa ko. Especially knowing that I treated
MARIDahil sa narinig kong mga sinabi ni SJ sa kausap niya ay mas lalo pa akong nabuhayan ng loob na gantihan siya. And tonight, in this engagement party, mangyayari na lahat ng pinaplano at dati ko pang ini imagine na mangyari.Isang oras bago ang nakatakdang event ay nasa venue na kami. I have to act like I care for everything. Nagkunwari akong chine check ang mga bagay bagay mula sa decorations, pagkain, at kung anu ano pa.Like I’ve said, masquerade ang theme ng party. Sinadya ko iyon nang sa ganoon ay hindi basta bastang magkakila-kilala ang mga taong sadya kong inimbita sa gabing ito. Lalung lalo na ang pamilya ni SJ at si Daddy. Maging sila Riya at Zequiel. Sa oras kasi na makilala ni SJ o ni Helena ang mga taong malapit sa akin na nandito ay malamang na maudlot ang mga nakalatag ko nang plano. Which I don’t want to happen of course.Paikot ikot lang ako sa event place, pretending to inspect every details of our party. Natahimik lang ako at napirmi sa isang lugar nang akayin na
MARIAnd so did we. It was finally happening.I couldn’t contain my happiness as I stared at the white dress that I was supposed to wear later that night. Our engagement night.Ilang oras na lang, mangyayari na lahat ng pinlano ko.People will finally know how cruel SJ and his mom are. Malalaman na rin ng mga ito sa wakas kung gaano kawalang hiya at kawalang awa ang mga ito. They will finally know how I suffered. How they played with me, and how I got involved with this mess just because of them.Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko ay biglang tumunog ang cell phone ko. Tanda iyon na may tumatawag sa akin.Dali dali kong kinuha iyon para sagutin. It was Riya. Napangiti ako agad.“What’s up? Are you ready for tonight’s fun?” bungad ko agad.I am expecting her to have the same energy as I have. Pero hindi nangyari ang inaasahan kong iyon.“Are you… really sure of ruining this special night of yours? Sigurado ka na ba talaga sa mga gusto mong gawin?” instead, in a worried voice, she said
MARIMatapos naming mamili ng kung anu ano lang ay umuwi na rin kami. Nagluto, kumain, at ngayon ay magkatai na kaming nagpapahinga sa kama.It’s been a long and tiring day, somehow. And as much as I hate to admit it but… having SJ beside me takes a lot of frustration somehow.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Basta isa lang ang alam ko at ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko tuwing nakakaramdam ako ng ganitong pakiramdam— hayaan na lang at sulitin dahil pagkatapos naman ng plano ko, kapag naisagawa ko na ang paghihiganti ko ay hindi ko na mararanasan ulit ang ganitong kakaibang pakiramdam at pagkalito.“I am so sorry for frantically calling you earlier. I guess, I made myself look like a pathetic paranoid husband who’s afraid to lose his wife.” mahinang saad ni SJ pero sapat na iyon para makarating sa pandinig ko.“No need to be sorry. Naiintindihan ko. In fact, natutuwa nga ako, eh. Looking for me like that is just an indication that you really love m
MARIGaya ng pangako ko kay Riya nang araw na magkita kami ng hindi inaasahan ay nasundan pa nga iyon ng marami pang pagkikita.It’s already been a month, too. At lahat ng pagkikita na ginagawa namin ay palihim. Nasabi ko na rin sa kanya ang lahat ng nangyari maging ang mga nalaman ko. And as expected, she was shocked. Hindi rin daw niya maiwasan na makaramdam ng galit kay Helena at maging kay SJ mismo.And speaking of SJ, I hate him.I hate him not just because of what he did to me. Naiinis na rin ako sa kanya dahil… kahit malalim na ang galit ko sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kilig at kasiyahan tuwing may mangyayari o magagawa si SJ para sa akin na sa tingin ko ay genuine naman at hindi bunga lang ng pagkukunwari.“So, you’re saying that you’re already falling for him.” Awtomatiko akong napatingin kay Riya nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyon.As I said, matapos ang naging unang pagkikita namin ay nasundan pa iyon ng mga patagong pagkikita. At isa sa mga