Share

KABANATA 8: The Rules of Staying Married

Author: aisley
last update Last Updated: 2025-12-21 18:48:56

Sumikat ang araw na tila walang pakialam sa mga nangyari kagabi.

Dahan dahang sumingit ang liwanag sa pagitan ng mga kurtina, gumuhit sa dingding, sa sahig, at sa hubog ng kama kung saan nakahiga si Zoey pagod ang katawan, mabigat ang dibdib, at magulo ang isip.

Ang unang malinaw na sensasyong bumungad sa kanya ay ang bigat ng isang braso sa kanyang baywang.

Nanikip ang kanyang panga.

Napapikit siya, hindi dahil sa antok, kundi sa inis at pagod na tila umabot hanggang buto. Ang init ng balat ni Jasper ay naroon pa rin hindi na kasing bigat ng kagabi, ngunit sapat upang ipaalala sa kanya ang mga hangganang halos mabura.

“No more,” mahina ngunit matigas niyang sabi.

Hindi siya gumalaw, ngunit ramdam niyang bahagyang humigpit ang kapit ng lalaki, parang may takot na bigla itong mawawala kapag binitawan.

“Just let me hold you while I sleep,” bulong ni Jasper.

Paos ang boses nito hindi ang malamig at kontroladong tinig na sanay siyang marinig, kundi isang tunog na puno ng pagod at kawalan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 8: The Rules of Staying Married

    Sumikat ang araw na tila walang pakialam sa mga nangyari kagabi.Dahan dahang sumingit ang liwanag sa pagitan ng mga kurtina, gumuhit sa dingding, sa sahig, at sa hubog ng kama kung saan nakahiga si Zoey pagod ang katawan, mabigat ang dibdib, at magulo ang isip.Ang unang malinaw na sensasyong bumungad sa kanya ay ang bigat ng isang braso sa kanyang baywang.Nanikip ang kanyang panga.Napapikit siya, hindi dahil sa antok, kundi sa inis at pagod na tila umabot hanggang buto. Ang init ng balat ni Jasper ay naroon pa rin hindi na kasing bigat ng kagabi, ngunit sapat upang ipaalala sa kanya ang mga hangganang halos mabura.“No more,” mahina ngunit matigas niyang sabi.Hindi siya gumalaw, ngunit ramdam niyang bahagyang humigpit ang kapit ng lalaki, parang may takot na bigla itong mawawala kapag binitawan.“Just let me hold you while I sleep,” bulong ni Jasper.Paos ang boses nito hindi ang malamig at kontroladong tinig na sanay siyang marinig, kundi isang tunog na puno ng pagod at kawalan.

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 7: The Weight of Unspoken Things

    “That jerk! Did he follow us from school?” galit na sabi ni Luna, bakas ang poot sa boses habang nakapamewang siya sa tuktok ng hagdan. Kumislap ang mga mata niya sa determinasyong halos sumiklab.“I’ll kick him out right now!”Hindi na niya hinintay ang sagot. Padabog siyang bumaba, ang bawat hakbang ay tila may dalang galit at pagkabahala para kay Zoey, para sa katahimikang muling nabasag.Sa itaas, nanatili si Jasper.Tahimik. Hindi gumalaw.Dahan dahan niyang inilapag ang kahon sa mesa, parang bawat galaw ay may kasamang mabigat na desisyon. Sa loob ng kahon ay isang bagay na hindi niya kailanman inakalang ibibigay niya sa ganitong paraan hindi sa ganitong oras, hindi sa ganitong kalagayan. Ngunit may mga sandaling hindi na hinihintay ang tamang tiyempo, kusang dumarating, kahit magulo, kahit masakit.Kinuha niya ang kanyang telepono.Isang mensahe lamang ang itinipa maikli, ngunit may bigat na hindi masukat.[The dinner is ready at the rooftop. Give her the ring.]Pinindot niya a

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 6: Poisoned Truths

    Ang hangin ng unang bahagi ng taglagas ay may dalang kakaibang lamig, tila nanununtok sa balat ni Zoey habang nakatayo siya sa tapat ng lumang mansyon. Suot ni Liam ang paboritong madilim na amerikana na madalas niyang makita noon isang imahe ng pamilyar na seguridad na ngayon ay nagdudulot na lamang ng pait. Sa mga mata ni Liam, mababanaag ang isang uri ng pagmamahal na tila walang pinagdaanang bagyo. Malumanay, maayos, at tila perpekto.Subalit sa bawat pintig ng puso ni Zoey na tila mas mabilis pa sa tambol, alam niya ang katotohanan. Sa likod ng maamong mukhang iyon ay isang ambisyong kasing lamig ng yelo. Kusa siyang umatras, nililikha ang distansyang sapat upang hindi siya lamunin ng presensya ng lalaki."Anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong ni Zoey.Ngumiti si Liam, yung ngiting dati ay nagpapatunaw sa kanya."I know that after your mother and father passed away, your greatest dream was to reclaim this place. These past few years, I’ve been working hard to take control of

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 5: The Land Her Parents Once Dreamed Of

    "Dahil natulog na kayo magkatabi, kailangan may kabayaran!" Ang mga salita ni Luna ay walang malay na nagbalik sa fragmented pero passionate na mga larawan ng kagabi sa isip ni Zoey. Ang kaniyang puso ay nagwawala sa kaniyang dibdib, at ang kaniyang pisngi ay nagsimulang uminit."Anong panahon ba tayo nabubuhay? Aksidente lang ito." Pilit niyang pinanatili ang kaniyang kalmado."Zoey, you are blushing! You are the most innocent woman I have ever met, hahaha!" Lalo pang nang asar si Luna, na nagpapahayag ng kaniyang tuwa sa nakakahiya na sitwasyon.Paano siya hindi mamumula? Alam mo na, ang pinong lalaking iyon na nakasuot ng suit ay sobrang passionate sa kama. Hindi lang siya makapaniwala na ang isang lalaking malayo tulad ni Jasper ay maaaring maging napakaganda at mas iniisip niya ito, mas nahihiya siya.Masiglang inalis ni Zoey ang magulo, malaswang mga larawan sa ulo niya at minaneho ang manibela para iparada ang sasakyan sa katabi ng sasakyan ni Jasper.Ang lalaki na nakasuot ng

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 4: The Stepdaughter’s Invitation and the Stepmother’s Secret

    "May dalawang magaling na kapatid ang Tatay ko na lihim akong iniimbitahan para mag hapunan, pinapahiwatig na dapat kong dalhin ang maganda kong little stepmother. Zoey, sasama ka ba?"Tanong ni Luna sa kaniyang best friend na nagmamaneho, habang kaswal na nagtatapik sa screen ng cellphone niya. Ang boses niya ay mayabang at puno ng pag asa, na para bang ang hapunan na iyon ay isang fashion show kung saan ipaparada niya ang kaniyang bagong nahanap na stepmother.Kumunot ang noo ni Zoey. "Kailangan ba talaga akong pumunta sa ganitong uri ng hapunan?" tanong nitoNaramdaman niya ang isang mabigat na pag aalangan sa kaniyang puso. Bago pa sila kumuha ng marriage certificate ni Jasper, pumirma sila sa isang kasunduan na hindi siya pipilitin nitong pumasok sa circulo nito,lihim muna ang kasal nila sa loob ng ilang panahon para makilala nila ang isa't isa. Ito ay upang maiwasan ang mapanghusgang mga mata ng high society ng Tarlac City.Ngunit may clause din sa supplementary agreement na ku

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   Kabanata 3: The Ex, The Punch, and the Truth

    Alam ni Luna ang tungkol kina Zoey at Liam. Nang maghiwalay sila ng boyfriend niya, iyak nang iyak siya, at si Luna ang nag uwi sa kaniya at nag alaga sa kaniya.Malinaw na naisip ni Zoey ang gabing iyon ng break up. Sobrang lasing siya noong gabing iyon at malabo niyang naaalala na may nanatili sa kaniya, nagpakain sa kaniya ng tubig, nakikinig sa pag iyak niya, nagpupunas ng mukha niya. Wala nang naging ganito kabait sa kaniya maliban kay Luna.Ayaw niyang magalit si Luna kay Liam dahil sa kaniya, kaya mabilis niyang pinigilan si Luna.“Huwag kang padalos dalos, tapos na kami." pigil ni Zoey"Zoey, don't be stubborn." Hinawakan ni Luna ang pulso niya. "If you're sad, just cry." Naalala pa niya kung paano umiyak si Zoey, sipon at luha sa lahat ng sulok ng mukha niya, gulo, at kaawa awa. Sa puso niya, si Zoey ay isang malumanay, maganda, mabait, at matuwid na senior. Isa rin siyang may talento, independent, at intelektuwal na kagandahan. Pero sa pagkakataong iyon mas malala pang umiy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status