Share

Chapter 5

Penulis: Samleig G.
last update Terakhir Diperbarui: 2022-02-22 20:23:05

" Answer me, Camilla,is it true?" Untag sa kaniya ng matanda.

Napalunok siya ng maraming laway at napatitig sa Nanay niya.

" O-opo,totoo po 'yun," sa wakas ay sagot niya. 

Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Athena,napangiti na ito na tila napanatag.

" Sorry po, ' Nay, h-hindi ko a-agad nabanggit sa inyo. Ayoko po kasing ma-disappoint kayo," nakayuko niya'ng sambit.

" See, Mom?  I told you," masayang wika naman ni Athena.

Tila hindi naman kumbinsido si Mrs. Romualdez. Kunot pa rin ang noo  nito na nakatitig sa kanila.

" Siguro naman titigilan mo na si Damon,Mommy? Maawa ka naman sa family niya,siya lang ang tanging inaasahan nila," patuloy na pangungumbinsi pa ni Athena sa Ina.

" Make sure na hindi kayo nagsasabwatan. Remember Athena,i will keep my eyes on you two!" 

Sambit nito at iniwanan na sila. Naiwan silang walang imik na dalawa. Bakas pa rin sa mukha ng Nanay ni Camilla ang pagtataka na tila hindi pa rin  makapaniwala sa paglilihim ng anak.

"  Anak ano ba 'to? Totoo bang boyfriend mo si Damon?" hindi makapaniwalang tanong ng Nanay niya.

" Tita,tara po muna sa kuwarto niyo,ipapaliwanag po namin ang lahat," aya ni Athena sa matanda.

Nang marating nila ang kuwarto ay agad isinara at ini-lock ni Athena ang pinto.

" Ang totoo po niyan, Tita nasabi ko lang kay Mommy 'yun dahil gusto kong tigilan niya na si Damon," panimulang wika ng dalaga.

" Opo, 'wag kayo mag worry  'Nay kasi it's a frank," wika niya na nag sign of peace pa.

" Hayy,kinabahan ako akala ko talaga pinaglilihiman na ako ng batang 'to," pinandilatan pa nito si Camilla.

" Ay,naku 'Nay, makakahinga ka na ng maluwag. Ako nga kanina halos maiyak na,nagulat din kaya ako,pero tapos na 'yun!" 

" Actually, Besty,it's not over. I mean,we're just getting started," kimi nitong sambit.

Napakunot ang noo niya pati na rin ang Nanay niya.

" A-ano'ng ibig mong sabibin?" tanong niya.

" Hindi kasi ganoon kadali mapaniwala ang Mommy,eh. Narinig mo naman kanina 'di ba? She keep her eyes on us and i think it's a good opportunity for us." 

" Ano ba'ng ibig mong sabihin,diretsahin mo nga ako," tila naiinis na niyang sagot. 

Kahit naiintindihan niya na ang ibig sabihin nito ay gusto niya pa ring marinig sa mismong bibig nito ang gusto nitong sabihin. At alam niya  sa sarili na hindi niya magugustuhuhan ang naiisip nito.

" Just continue pretending! I mean,kayo ni Damon,i will talk to him," agad nitong sabi.

Hindi agad siya nakaimik. Hindi mag sink in sa utak niya ang gusto nitong mangyari.

" Tita okay lang ba?" baling nito sa kaniyang Ina na tila tutol din.

" Ha? Ah,o-oo, magpapanggap lang naman,eh, w-walang problema sa akin," halos nauutal na sagot ng kaniyang Ina.

" Ano,Besty? Can you do it for me?" baling nito sa kaniya ngunit hindi  pa rin siya nakaimik. " I know na it is hard for you to pretend kasi galit ka sa boyfriend ko,pero puwede ba na isantabi mo muna 'yang feelings mo, for me,please?"

Ito ang unang pagkakataon na humingi ito ng pabor sa kaniya at sino siya para tumanggi? Iniligtas nito ang kaniyang buhay at napakaliit lang na kahilingan ito kumpara sa ginawa nito para sa kaniya.

" O-oo naman, 'yun lang pala,eh. Maliit na bagay."

Pumiyok pa siya matapos niya'ng sabihin 'yun. Hindi niya talaga masikmura kahit magpanggap lang ay nasusuka na siya. Niyakap siya nito matapos magpasalamat. 

" So,let's make a plans na para makumbisi na natin si Mommy na may relasyon na talaga kayo," excited na wika nito.

" Gaya ng?" kunot ang noo niyang tanong.

" Like, go on a date with him."

Huwaat?! Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito Gusto niyang sampalin ang bibig nito dahil kung ano-ano na ang lumalabas.

" Kailangan ba talaga 'yun, Iha?" tanong ng matanda kay Athena.

"Ayan,Mama sige magprotesta ka!" sigaw ng isip niya.

" Yes po, Tita! I know Mom still stalking us because she want a proof. Pero kung si Camilla ang makikita niya'ng magiging palagi na kasama ni Damon,maniniwala na siya. Don't worry po,hindi naman 'to magtatagal." 

Mahabang paliwanag ng dalaga na sinang-ayunan naman ng matanda kaya nanlumo siya. Tingin niya kasi ay nahihiya itong umangal dahil sa laki ng nagawa nito para sa kaniya.

" Okay ba, Besty?"  baling nito sa kaniya.

Napatango na lang siya kahit sobrang tutol siya sa plano nito. 

" Actually, magiging way ka rin para malaya kaming makapagkita ni Damon," dagdag pa ng kaibigan.

Muli siya'ng napatango. Mahal na mahal talaga nito ang nobyo na kahit ang magsinungaling sa sariling magulang ay gagawin masunod lamang ang pag-iibigan.

At isang kalokohan iyon para sa  kaniya. Hindi dapat binibigyan ng ganoong uri ng importansiya ang lalaki dahil sa pagiging chickboy nito. Ngunit wala na siya'ng magagawa dahil bulag na ito sa pag-ibig.

Hindi siya nakatulog ng gabing iyon,biling baliktad siya sa higaan. Hindi mawala sa isip niya ang napag-usapan nila kanina ng kaibigan. 

" Camilla,matulog ka na nga,ang likot-likot mo naman!" paninita sa kaniya ng Ina na mukhang nagising yata dahil sa kalikutan niya. 

" Pasensya na po, 'Nay,nagising ba kita? Hindi kasi ako makatulog dahil sa nangyari kanina,eh!"

" Hayy! Pagbigyan mo na ang kaibigan mo,nakakaawa naman,eh. Isa pa,nakakahiya naman,marami na siya'ng nagawang tulong sa'yo," tugon nito ng humarap sa kaniya.

" Sa dami naman kasi ng hihilingin niya,eh, 'yun pa!" inis pa ring turan niya. 

Ngunit wala na siya'ng narinig na tugon mula rito. Nang lingunin niya ay tulog na pala ito at naghihilik pa.

Napag-usapan nga nila kanina na kailangan nilang magkita ni Damon sa linggo. Uumpisahan na nila ang pag-arte bilang magkasintahan. Umasim ang mukha niya ng maisip iyon. At pagkatapos 'nun ay didiretso sila sa Batangas,sa resthouse ng family ni Athena kung saan 'yung dalawa naman ang magkikita. Pagbibigyan niya na ang kaibigan tutal ay hindi naman magtatagal ang ganoong set-up nila. Ang tanong ay mapapayag kaya nito ang nobyo sa ganoong set-up nila?

Sa labis na pag-iisip ay ala una na siya nakatulog. Kaya naman kinabukasan ay latang-lata siya ng magising. Buti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang klase nila pag nagkataon ay magmumukha siya'ng lantang gulay.

Pinilit naman siya'ng gisingin ng Nanay niya upang mag agahan. Alas otso na kasi ay nakatihaya pa siya. Naisip niya'ng bumangon upang hindi na marinig ang sermon ng Ina. Mamaya na lang siya babawi ng tulog tutal ay wala naman siya'ng gagawin sa buong araw. Dati ay nakakatulong pa siya sa mga gawaing bahay ngunit dahil operada siya pinagbawalan na siya ng Ina. 

Ngunit maya-maya pa ay mayroong mabilis na kumatok sa pinto habang nililigpit niya ang higaan.

" Besty,ako 'to,pasok na ako,ah!" Si Athena na isinara agad ang pinto.

" Oh,bakit, Best?" tugon niya habang naghihikab.

" Kailangan naming magkita ni  Damon ngayon!" Tila napi-pressure na sagot nito. " Nakakainis kasi, eh,ayaw pumayag ni  Damon sa plano natin."

Excuse me? Plano mo,hindi plano natin," aniya sa sarili na gusto ng lumabas sa bibig niya.

Ang aga-aga naman kasi,eh,umiinit na agad ang ulo niya. Masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog sa kakaisip na para sa kaniya ay malaking problema. 

" Kung ayaw niya, eh, 'di 'wag natin pilitin," nakanguso niya'ng sagot. "Isip na lang tayo ng ibang paraan," dagdag pa niya.

" Wala na ako ibang maisip na ibang plano, any suggestion?" 

" Magbreak na muna kayo,pansamantala,pag kaya niyo ng ipaglaban,then go!" 

" Besty, naman,eh!" maktol ng kaibigan.

Hihirit pa sana siya ngunit mukhang hindi niya na talaga kayang baguhin ang plano nito. Mabigat sa loob na iginayak niya ang sarili habang hinihintay siya nito sa labas. Nang makalabas siya at makita siya nito ay muli itong  napasimangot ng makita ang suot niya. Nakasuot siya ng maluwag na tshirt na checkered at tokong na lampas tuhod ang haba.

" Bakit ganyan ang suot mo?" 

" Oh,bakit na naman?" 

" Paano natin mapapaniwala si  Mommy na girlfriend ka ni Damon kung mas lalaki ka pang tignan kaysa sa kaniya," sagot nito.

" Ay,grabe siya,oh! Best,ah,walang pakialamanan ng outfit."

" Huwag na makulit, Best,lika na palitan na natin 'yang outfit mong pang kargador ng pier," aya nito sa kaniya at hinila siya sa kamay.

" Opps,teka! Pasusuutin mo na naman ako ng short at sandals na 1 inch ang takong,eh!" reklamo pa niya.

Ngunit tuluyan na siyang hinila ng  kaibigan at dinala sa sarili nitong kuwarto. Binuksan nito ang closet at pinamili siya ng gusto niya'ng isuot. 

" Ayan mamili ka ng gusto mo,basta palitan mo lang 'yang damit mo."

Napa wow siya sa dami ng naka hanger na mga damit ng kaibigan. Nakahiligan kasi nito na magcollect ng iba't-ibang design ng mga damit. Fashionista ang kaibigan samantalang siya naman ay  worsdresser.Para kasi sa kaniya ay sapat na ang t-shirt at maong pants na nakagawian niya ng isuot.Pinili lang niya ang casual at formal wear. Isang denim pants at blouse na hanggang siko ang manggas. Sinimulan din nitong plantsahin ang kulot niya'ng buhok at hinayaang nakalugay. Nilagyan din siya nito ng manipis lang na make-up sa mukha. 

" Ayan, Best,mukha ka ng babae!" namamanghang sambit ng kaibigan.

Daming ek-ek ng babaeng 'to!" aniya pa sa sarli.

Ang usapan nila ay mauuna na si Athena sa resthouse nito at doon naman sila magkikita sa park ni Damon. Habang nasa biyahe ay sambakol pa rin ang mukha niya. Isipin pa lang na makakasama niya ang binata ay sumasama na agad ang mood niya. Nang maghiwalay na sila ni Athena ay agad niya'ng pinusod ang buhok dahil hindi siya sanay na nakalugay lang ito. Naiinitan siya. Tinanggal niya rin ng lipstick sa labi niya. Nakarecieve siya ng text sa kaibigan na parating  na si Damon. Kasalukuyan na siya'ng nasa isang bench at nakaupo. May mangilan-ngilan din siyang nakikita na mga lovers na nakatambay sa park na 'yun. Pasipol-sipol pa siya upang alisin ang inis na kanina pa niya'ng nararamdaman. Heto siya,hinihintay ang lalaking kinaiinisan niya ng sobra. Magpapanggap silang magkasintahan,ang pagkakataon nga naman.

" Galing talaga ng lalaking 'yun,ako pa talaga ang pinaghintay!" asar na usal sa sarili.

Maya-maya sa 'di kalayuan ay natanaw niya na si Damon,seryoso ang mukha nitong papalapit sa kaniya.

" Sorry,i'm late," tipid na wika nito.

Inis niya itong tinignan. 

" Siguro sa mga date niyo ni Athena lagi kang nali-late 'no?" sa halip ay sumbat niya sa binata.

Sumilay ang ngiti nito sa mga labi at lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Para sa ibang kababaihan ay nakakaakit 'yun ngunit para sa kaniya sobrang nakakairita. Para itong d*m*nyo na umahon sa lupa. Pinagmasdan pa  siya nito mula ulo hanggang paa.

" You look good today,huh? Talagang pinaghandaan mo ang magiging date natin,"  nangingiting tugon naman ng binata.

Lukot ang mukha niya'ng napatingin dito. Tinaasan niya ito ng kilay. Gusto niya itong bambuhin sa ulo

" Hoy,Demon Villaruiz, 'wag ka nga mag assume na nag effort ako para sa kalokohang 'to! Alam mo ba'ng hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip? Pinagbigyan ko lang ang bestfriend ko!" mataray niya'ng wika.

Naupo sa tabi niya ang lalaki. Umusod siya at bahagyang tumalikod sa lalaki.

" I really can't believe na napapayag ka niya,don't worry this is the last time na gagawin natin 'to. Ayokong may madamay pa sa problema namin," bigla ay seryosong turan nito.

Humarap siya rito at nakita niya ang pagkaseryoso ng mukha nito.

" Dapat lang! Mag isip ka ng paraan kasi ikaw ang lalaki," giit niya.

" Alam ko malaki ang galit mo sa akin kasi iniisip mo hindi ako seryoso sa kaibigan mo,but believe me nagbago na ako."

" Once a playboy,always a playboy! 'wag ka nga diyan."

Bumuntong hininga ito. "I will convince her na harapin na namin ng maayos ang mga parents niya,if they  still say no,i will set her free." 

" Hihiwalayan mo siya?" 'di makapaniwalang tanong.

Ngumiti ito sa kaniya ngunit napansin niya ang lungkot sa mga mata nito.

"She's young and i think she does'nt deserve me,masyadong magulo ang buhay ko," malungkot na turan pa nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 88 The End

    Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 87

    DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 86

    WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 85

    AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 84

    Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 83

    Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status