LOGINTulalang-tulala si Cassandra habang nakatingin sa daliri niyang may suot na gintong singsing na may malaking bato sa gitna. She’s finally married. Pakiramdam niya ay nanaginip pa rin siya, ngunit nang makita ang singsing na nasa daliri niya, alam niyang kasal na talaga siya at wala na siyang takas.
“All of our photos are already in the media,” kalmadong sabi ni Theo habang nakaupo sa sofa at abala ang paningin sa laptop nito. “Tomorrow, it will be posted. Bukas na bukas ay uuwi na rin tayo sa Manila,” dagdag pa nito.
Napasinghap si Cassandra at naupo nang maayos. “You think… this will be successful?” concern niyang tanong.
Kumunot ang noo ni Theo at umangat ang tingin nito sa kanya. “What do you mean?”
“Our marriage,” she confessed. Aminado si Cassandra na natatakot siya. Alam niya sa sarili niya na ang goal niya ay ang maramdaman ni Leon ang mga naramdaman niya, but at the same time, natatakot siya na baka maulit ang panloloko na ginawa sa kanya. But this time, kasal na siya. Hindi man niya mahal si Theo, asawa niya na ito.
She became a Hernandez not because of Leon, but because of Leon’s uncle.
“I honestly don’t think about that. Kinasal tayo, legal ang kasal nating dalawa. Kahit anong gawin nila, legal na kasal tayo. Makukuha ko ang lahat ng mana at maipapakita mo sa ex mo na hindi siya kawalan,” seryosong saad nito. “And I am willing to do everything to protect you, Darling… Hayaan mo ang iba, just focus on our marriage first, okay?” sabi pa nito at ngumiti nang malaki.
Tumango na lamang si Cassandra at nahiga sa kama. Sa gilid niya ay ang iPad niya. She was scrolling through their wedding photos. They had a fast beach wedding. Alam ng ate niya ang tungkol sa kasal at ito ang witness niya, habang ang isang kaibigan ng kanyang asawa ay inimbitahan din. Sila-sila lang at walang nakakaalam na iba. Kailangan nilang gawin iyon para may maipakita silang kasal sa media.
Kinabukasan ay maaga silang gumising dahil uuwi na sila sa Manila. Cassandra was very surprised dahil sinundo sila ng chopper. She was surprised that her husband is rich, very rich.
“Don’t bother,” awat sa kanya ni Theo nang akmang bubuksan niya ang kanyang cellphone. Hinawakan ni Theo ang kamay niya habang nasa loob sila ng sasakyan. Pauwi sila ngayon sa bahay ng dalaga. She was scared and nervous. Kanina pa dinudumog ng tawag ang cellphone niya. Their wedding photos and articles are already released. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng asawa niya, basta sa lahat yata ng platform ay mabilis na kumalat iyon.
Her husband is a very wealthy, famous, and well-known businessman. Hindi niya man lang nalaman iyon kundi pa siya magse-search, kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ang dami ng nagulat na kinasal ito. Galing si Cassandra sa mayamang pamilya, pero hindi siya gaanong kilala sapagkat sa kanilang magkakapatid, siya ang palaging hindi kasali. Madalas ay itinatago siya. She’s not into the spotlight, kaya ayos lang. Ngunit ngayon, hindi na niya alam.
“Darling, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Theo sa kanya. Marahan siyang hinapit at niyapos sa baywang. Inihilig nito ang ulo ng dalaga sa dibdib nito. “What’s bothering you?”
Umiling si Cassandra at hinayaan na lamang ang sarili na sumandal sa asawa. Ayaw na muna niyang mag-isip ng kung ano-ano; mas gusto na muna niyang matahimik.
Nang makarating sila sa bahay ni Cassandra, malakas na sampal ng kanyang ina ang bumungad sa kanya. Napayuko siya at nanigas sa kinatatayuan.
“Wala ka na bang ibang gagawin kundi kahihiyaan?! Niloko mo si Leon tapos nagpakasal ka bigla?! Hibang ka na ba?!” galit na galit na sigaw ng ina niya. Sa likod nito ay ang kanyang ate na inaawat ang kanilang ina. “Ano?! Malandi ka ba talagang bata ka?!”
“Enough!” sigaw ni Theo at mabilis na itinago ang asawa sa likuran niya. “We came here so we can tell you about our marriage, pero kung sasaktan niyo ang asawa ko ay aalis na kami,” malamig nitong sabi at mariing tiningnan ang pamilya ni Cassandra. “Did you even ask your daughter?”
“Bakit ko tatanungin?! Si Leon na mismo ang nagsabi! Nagloko ang malanding iyan! Hindi man lang nahiya sa mga Hernandez!” sigaw ng ina ni Cassandra. Mariing umigting ang panga ni Theo sa narinig.
Theo respected his wife so much. Even if their marriage was planned and for convenience, hindi siya papayag na sasaktan o mababastos ang asawa niya.
“Your daughter did not cheat! Siya ang niloko ng siraulo kong pamangkin! I am a Hernandez too! Kung gusto niyo pala ng Hernandez, I am here. I am the heir and my wife carries my surname already. She’s a Hernandez now,” mariin niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ni Cassandra nang mahigpit. “We are just here to inform you na sa akin na titira ang asawa ko. Wala akong pakialam sa opinyon niyo. Maniwala kayo sa magaling kong pamangkin, go ahead… pero hindi ko hahayaan na saktan o kawawain niyo si Cassandra. She is the victim here, so stop blaming her. Kung naniniwala kayo sa manloloko niyang ex, go ahead…” sabi nito. “Hindi na babalik ang anak niyo rito,” huling sinabi nito bago matunog na ngumisi.
Hinila na ni Theo si Cassandra palabas ng bahay ng mga ito. Nang maisakay niya ito sa sasakyan at makasakay na rin siya, mabilis niyang niyakap ang asawa.
Hindi na napigilan ni Cassandra ang umiyak. She is strong. Sanay siyang maging malakas at mag-isa, pero this time ay may nagtanggol sa kanya, kaya hindi niya mapigilan ang paghagulgol. Sa pagkakataong ito ay may kakampi at kasama na siya, walang iba kundi ang kanyang asawa.
Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Magagaan at maiingat na halik ang ibinigay sa akin ni Theo dahilan upang kumalma ako. Mabilis akong nagdilat ng mata nang pakawalan niya ang labi ko. Halos habulin ko pa iyon sa sobrang dala at sabik sa labi niya. "You want more?" malambing niyang tanong sa akin. Agad akong tumango nang wala man lang pag-aalinlangan. Para akong nalalasing sa halik niya. Tanging si Theo lang talaga ang kaya akong pakalmahain nang ganito. Muli niya akong hinalikan at mas idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Kusa akong yumapos sa leeg niya upang mas diinan ang halikan naming dalawa. Nang mapagod at malapit nang kapusin ng hininga ay tsaka lamang kaming tumigil dalawa. Titig na titig ako sa mga mata niya. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at nginitian ako. "You think you should focus more on your flower shop, hmm?" seryoso niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. "You've been stressed lately... I think kailangan mo ring libangin ang sarili mo maliban sa anak natin." Bumunto
Halos dalawang linggo na ang lumipas at mas humigpit ang seguridad sa buong paligid namin. Kalat na rin sa lahat ng mga pahayagan, media, at mga balita ang tungkol kay Leon. He is the most wanted person at the moment. Marami pala talaga siyang nagawang kasamaan—nalaman din naming may pera siyang ninakawan noon at naging scammer din siya bago nito! Kung hindi pa siya maibabalita, hindi lalabas ang lahat ng baho niya! I really can't believe him! Hindi ko na rin maisip kung paano ko nagawang mahalin ang isang katulad niya noon! I thought he was an angel, but I was wrong! Demonyo siya—demonyo pa sa mas demonyo. "Wala akong alam," bagot na sagot ni Veronica. Masama ang tingin niya sa aming mag-asawa. Umirap pa siya sa akin nang makita ang tingin ko sa kanya. "Hindi pa ba kayo kuntento? Nakakulong na ako, okay? Nagbabayad na ako sa kasalanan ko. Wala na akong pakialam sa gagong iyon." "Kahit anong detalye, wala kang alam?" tanong ko ulit, umaasang may makuha pa rin sa kanya. "Wala nga
Halos isang linggo rin ang tinagal namin sa ospital bago nakalabas ang magulang ko. Laking pasalamat ko rin talagang nagising si Daddy matapos ang dalawang araw, kundi baka nasa ICU na siya at may nakalagay na tubo. He was really sorry. Iyak kami nang iyak nina Mommy noong isang araw. Ayokong mas palalimin pa ang sugat at kirot sa puso ko kaya hindi ko na pinalaki ang gulo sa pamilya namin. Para mas ligtas ang lahat, sa mansyon ng mga Hernandez muna namin pinatuloy sina Mommy. Okay lang sa pamilya at magulang ni Theo lalo na't para na rin sa kaligtasan ng lahat. Hindi namin alam kung nasaan si Leon, hindi rin namin alam kung sino ang kasabwat nito. Wala kaming ideya. Maski si Veronica na nasa kulungan, kundi pa namin sinabi na nakatakas si Leon ay hindi niya malalaman. "Sigurado ka bang okay lang sa kanila na nandito kami?" tanong ni Mommy sa akin. Nakahawak siya sa braso ko habang tulak-tulak naman ng isang nurse na kinuha ni Theo ang wheelchair ni Daddy. "Nakakahiya... Gumawa ka
Cassandra's Point of View.Ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan ang mga binili naming gamit ni Theo sa mall. May couple shirt, damit, at gamit ni Baby. Next week ay babalik na kami sa OB-GYN ko. Babae ang anak namin ni Theo kaya tuwang-tuwa ako sa mga gamit niya. We chose white muna dahil ayaw na
Cassandra's Point of View.It's already been two months. Anim na buwan na akong buntis. Kitang-kita na talaga ang tiyan ko. Hindi ko minsan mapigilan ang sarili kong hindi ma-insecure. Pakiramdam ko kasi ay tumataba na ako, lumulobo, ganoon. Ang takaw ko kasi madalas. Kada madaling araw ay may mga
Theodore's Point of View.That asshole! He fucking did this?! Anong kapal ng mukha niyang guluhin ang negosyo ng asawa ko? He thinks palalagpasin ko 'to? Tangina lang ang walang ganti!Nang makalabas ako ng bahay namin ng mag-asawa ay agad kong kinuha ang cellphone ko. I dialed Carlo's number. One
Cassandra's Point of View.Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko at hinahapo na ako kakaiyak. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama habang galit pa ring nakatayo si Theo sa harapan ko. Walang nagsasalita sa amin kanina pa. Pero kahit ganoon, ramdam kong pinipigilan niya lamang ang sarili na magsali





![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

