author-banner
Ilaria
Ilaria
Author

Novels by Ilaria

The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire

The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire

Masayahin at inosenteng probinsyana na babae si Monica Celestine Alcantara. Kuntento at masaya siya sa buhay niya sa probinsya, kasama niya ang Ina at Lola na nagpalaki sa kanya at ang boyfriend niyang si Yuan na taga Manila. Ngunit sa halos limang taon relasyon nila ni Yuan ay ni-minsan ay hindi niya ito nakita sa personal, kaya ng bigyan siya ng pagkakataon makalipad pa Manila. Ngunit hindi niya akalain na ang maabutan niya doon ay si Yuan. Napanood niya kung paano ikasal si Yuan sa isang mayaman na babae. Nasaktan si Monica dahil doon. Hindi niya matanggap na ang kasintahan niya na akala niya na ito na ang lalaking papakasalan niya ay hindi pala. Doon niya nakilala si Marcus sa isang Bar, broken din ito tulad niya, nalasing sila parehas kaya may nangyari sa kanila. Nang magising siya ay tumakas siya ngunit doon niya naman nakilala si Donya Felicia ang kaibigan ng Lola niya. Nalaman niyang ipinagkasundo pala siya ng Lola niya sa apo nitong si Marcus Deniel Zapanta. The Billionaire Engineer CEO ang lalaking nakakuha ng virginity niya. Lalo na nalaman niyang matalik na magkaibigan ang mga Lola nila. She's willing to be a good wife to her cold billionaire husband, Marcus. Kahit madalas ay sinusungitan siya nito ay masaya pa din siya palagi. Ngunit hindi niya akalain na si Yuan. Ang dati niyang kasintahan ay half-brother pala ni Marcus sa Ama. Marcus hated his half-brother so much, pakiramdam niya ay kahati niya ito sa lahat lalo na pinakasalan nito ang babaeng gusto niya. Ngunit nang malaman na may nakaraan si Monica at Yuan ay gusto niyang gamitin ang inosenteng asawa laban sa kapatid. If the arranged marriage will go on good terms, can the past can affect the future to fall in love with each other?
Read
Chapter: Chapter 29
Antok na antok ako nang makababa ako ng pier. Malapit lang naman sa pier ang hotel na na-book ko kaya sumakay na lang ako ng tricycle papunta do'n. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinapansin 'yun dahil gusto ko pa ring magpahinga.Nang makarating ako sa hotel ay agad akong dumeretso sa lobby. Malaki ang ngiti sa akin ng babae."Good evening, Ma'am. May I have your name, please?""Monica Celestine... Zapanta," halos ibulong ko 'yun. "Nagpa-reserve ako kagabi.""Okay, Ma'am. I-check lang po namin," nakangiti niyang sabi. "Okay, Ma'am. Your room is on the 4th floor, room 407. Here's your keycard. Do you need help bringing your things, Ma'am?""Hindi na, salamat," sabi ko at kinuha na ang keycard.Sumakay na agad ako sa elevator. Gusto ko na lang magpahinga dahil antok na talaga ako.Agad ko namang nahanap ang kwarto ko. Binagsak ko lang ang dalawang handbag ko sa gilid ng kama at nahiga agad ako. Ilang minuto pa lang ang lumipas simula nang pumikit ako ay mabilis a
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Chapter 28
Birthday na ni Marcus. Antok na antok ako pero kailangan kong mag-ayos. Dalawang gabi rin akong walang tulog dahil pursigido talaga akong matapos ang tinatahi ko. Masaya naman ako dahil maganda ang kinalabasan. Gumawa rin ako ng sulat dahil hindi ko personal na kayang magpaalam sa kanya. Uuwi na lang muna ako sa amin.Tatawag na lang ako kina Lola Felicia kapag nakauwi ako. Nakahanda na ang mga gamit ko, hindi naman marami 'yun dahil mga gamit ko lang ang iuuwi ko. Kakausapin ko rin muna sila Mama para sa divorce papers. Tsaka aalamin ko rin kung may kailangan pa rin kaming bayaran.Magtatrabaho ako, magbabayad ako sa kanila. Kahit halos anim na buwan na rin akong kasal kay Marcus, tingin ko hindi pa rin sapat na kabayaran 'yun sa lahat."Huh? Hindi ka pupunta?!" gulat na gulat na tanong ni Hershey nang magpunta siya sa bahay. "Bakit?!""Masama ang lasa ko, 'wag mo na lang sabihin kina Lola... Baka hindi pa matuloy ang party... Sabihin mo na lang susunod ako," pakiusap ko. "Tsaka, pwe
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Chapter 27
Ginabi na ako umuwi matapos kong mamili. Wala naman si Marcus sa bahay at alam kong busy pa rin siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-abalang umuwi nang maaga. Namili rin ako ng mga damit na ipapadala kina Mama at Lola lalo na't nakuha ko ang sahod ko.Malaki akong napangiti nang makita kong bukas ang kusina. Dali-dali akong nagpunta do'n, inaasahang si Marcus ang nando'n. Ngunit mabilis na bumagal ang lakad ko nang makita ko sina Hershey at Marcus. Gabi na... Anong ginagawa niya rito?"Marcus, you have a wife. Umayos ka nga," dinig kong sabi ni Hershey. "Maawa ka naman kay Monica.""Hindi ko na alam ang gagawin ko, okay? I feel guilty kapag tatabi ako sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko maling tumabi sa kanya, ayoko muna siyang makita o makasama," sabi ni Marcus.Mukha siyang galit at inis. Naitikom ko ang labi ko. Mas bumigat na naman ang nararamdaman ko.Nandidiri na ba siya sa akin kaya gano'n ang nararamdaman niya? Bakit? Dahil na-realize niya na hanggang as
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Chapter 26
Gulat kong tiningnan si Marcus matapos niyang lumayo sa akin. Maski yata siya ay nagulat sa nasabi."Fuck..." mura niya pa.Sunod-sunod akong lumunok at nag-iwas ng tingin. Tama ba ang narinig ko? Nagsasabi kaya siya ng totoo? Sigurado kaya siya sa sinabi niya? Nagugustuhan niya na ako? Ibig sabihin ba no'n... mahal niya na rin ako?"Monica... Sorry.""Huh? Bakit ka nagso-sorry?" kabado at takang tanong ko."I didn't mean it..." sabi niya.Hindi ko magawang magsalita."Sorry, nadala lang ng emosyon," dahilan niya pa at nag-iwas ng tingin.Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. Anong ibig niyang sabihin? Pinaglalaruan niya ba ako? O baka tama naman siya... Paano niya naman ako magugustuhan at mamahalin? Kumpara sa dating babaeng nagustuhan niya no'n, sobrang layo ko. Kung may nakuha man o mapapala siya sa akin, katawan ko lang, pero... Ang sakit palang marinig 'yun sa kanya. Masaya na ako, eh, tapos biglang binawi?Peke akong tumawa at umiling-iling. Kita kong napalingon siya sa akin."O
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Chapter 25
Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang magkasagutan kami ni Marcus. Hindi ko muna siya kinakausap o pinapansin. Sa mansiyon din ni Lola Felicia muna ako umuuwi lalo na't ayoko muna talaga siyang makasama. Ramdam ko naman, nagsisisi talaga siya. Kapag nasa trabaho ako sa cafeteria, nando'n siya. Pansin ko ang pagtataka ng mga empleyado. Idagdag pa na nakakailang lalo na't lahat ng kilos ko kahapon, sinusundan niya.Ramdam ko rin ang pagtataka at kagustuhan nila Lola na magtanong, maski sila Mommy at Hershey ay kinakamusta ako.Buti na lang at pinayagan ako magpahinga ngayong araw kaya hindi ko kailangan magtrabaho. Umuwi rin ako sa bahay namin ni Marcus dahil sigurado akong nasa trabaho siya. Natulog ako pag-uwi lalo na't pagod at inaantok ang pakiramdam ko. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang paggising ko, nakita ko si Marcus na nakahiga sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko. Hindi ko magawang gumalaw lalo na't aminado ako sa sarili kong miss na miss ko rin ang asawa ko."Marc
Last Updated: 2026-08-18
Chapter: Chapter 24
Sobrang bilis ng lakad ko hanggang sa masundan ko si Marcus na makapasok sa hotel room naming dalawa. Sobrang sakit na ng paa at binti ko at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko! Kabadong-kabado ako sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong ramdam na ramdam ko ang galit ni Marcus dahil sa nakita niya kanina."Marcus..." 'Yun lang ang nasabi ko nang maabutan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama.Hindi niya man lang ako nilingon, marahas niyang inalis ang suot na necktie at coat. Kabado akong lumapit sa kanya."Marcus, mali ang iniisip mo...""Ano bang iniisip ko sa tingin mo, Monica?! Anong dapat isipin ko?! You said you just went to the restroom!" galit niyang sigaw sa akin.Napaatras ako at mariing napapikit."I was fucking worried about you! Akala ko napaano ka na tapos makikita kita sa garden?! With my brother?! With your damn ex-boyfriend?! Ano?! Maghahalikan kayo?! May gagawin kayo—""Ano ba namang sinasabi mo?!" inis kong bulyaw sa kanya.Naiintindihan ko naman kung gal
Last Updated: 2026-08-15
Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Matagal nang engaged si Maria Cassandra Tolentino sa kanyang fiancé na si Leon Hernandez, ngunit kahit ganoon ay wala pa rin silang napag-uusapan na plano para sa kasal. Nang hindi makatiis si Cassandra, sinugod niya ang fiancé sa opisina nito. Laking gulat niya nang makita niya itong kahalikan ang kaibigan nitong babae na pinagseselosan niya sa buong relasyon nila. Ang akala niyang tapat at tunay na pag-ibig nilang dalawa ay isang malaking kasinungalingan lang pala. Ginamit lang siya ni Leon para makuha ang approval ng magulang nito sa lahat sapagkat galing sa mayamang pamilya si Cassandra. Ginamit niya lang si Cassandra para makuha ang lahat ng gusto nito. Umiiyak at nasaktan si Cassandra. Gusto niyang maghiganti ngunit hindi niya alam ang gagawin. Niloko na siya at pinahiya. Nagawa pa rin ni Leon na paniwalain ang mga magulang ni Cassandra na ang dalaga ang nagloko sa kanilang dalawa. Dahil doon ay naglayas siya at nagpunta sa isang kilalang isla kung saan napupunta ang karamihan upang magsaya at makalimot. Doon niya nakilala si Theodore Gio Hernandez. Gwapo, matangkad, at mayaman ito, ngunit matanda ito ng sampung taon sa kanya, ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang makalimot, kaya nakipagtalik siya rito. Nang may mangyari sa kanila ay saka niya nalaman na tiyuhin ito ni Leon. Dahil doon, nakaisip siya ng paraan kung paano makakapaghiganti kay Leon nang hindi nagmamalupit. Inaya niya sa isang kasal si Theo para ipamukha kay Leon na hindi ito kawalan. Pumayag si Theo sa kadahilanang kailangan niya rin ng asawa para makuha ang mana na mapupunta sana kay Leon kung mauunahan siya nito sa pagpapakasal. Magiging mag-asawa lamang sila sa papel at magkakasundo pagdating sa kama sa tuwing gusto nila, ngunit maaari kayang buksan muli ni Cassandra ang puso sa pamilya ng taong sumira sa buhay at tiwala niya?
Read
Chapter: Chapter 62
After what happened, we decided to continue our two-day vacation together para makapagpahinga kaming dalawa at mas ma-enjoy ang oras ng isa't isa. Sa dami ng nangyari sa 'min, minsan nakakalimutan naming mag-asawa muna kami bago kami naging magulang."Binili mo talaga 'to?" gulat kong tanong nang makasakay kami sa yacht. I was really surprised! I didn't expect na gagastos pa si Theo para sa yacht sa bakasyon namin. Akala ko pupunta lang kami sa simpleng beach resort."Yes, did you like it?" tanong niya sa 'kin at yumakap mula sa likuran ko. Napangiti naman ako at marahang sumandal sa kanya. Naramdaman ko rin ang marahang paggalaw ng yacht. Malaki 'yun, halatang mamahalin. It has two floors, at ang sabi ni Theo sa akin ay may lower deck pa. Nasa main deck area naman ang kuwarto naming dalawa. "I am so sorry kung napapadalas ang away nating dalawa... I hope we didn't forget to care and love each other."Napangiti ako at mas idiniin ang sarili sa kanya. "Sorry din... Minsan nakakalimutan
Last Updated: 2026-09-06
Chapter: Chapter 61
Masaya naming natapos ang selebrasyon ng kaarawan ng anak namin. Kahit pribado at simple lamang ang selebrasyong naganap, sinigurado talaga ng pamilya ni Theo na maganda at matutuwa pa rin ang iilang mga bisita sa simpleng handaan. Halos isang linggo na rin ang lumipas. Kalmado ako at kampante na sa lahat. Walang gulong nangyari, walang Leon na nagpakita, at sana ay tuloy-tuloy na ito hanggang dulo."Dadaanan kita mamayang lunch, okay?" paalala ni Theo sa akin nang maihatid niya na ako sa flower shop. Nakangiti akong tumango. "We will have our lunch together.""Yes, Hubby... Tsaka tatapusin ko na ang mga pending ko ngayon para bukas ay tuloy tayo sa date natin," sabi ko pa. Matagal nang plano ni Theo ang date na 'yun. Naisip niya kasi na naging busy talaga kami nang sobra bilang magulang at sa kanya-kanya naming trabaho. Ngayon na lang namin napagbigyan ang sarili namin ng oras. Sakto namang hiniram ng mga magulang namin si Alessia kaya masosolo namin ang isa't isa buong magdamag buka
Last Updated: 2026-08-02
Chapter: Chapter 60
Yakap-yakap ako ni Theo mula sa likuran habang nakalubog kami pareho sa bathtub. Kakatapos lang namin at pagod kami pareho. We decided to take a bath bago kami magpahinga nang sabay. Mas maayos na ang isip naming dalawa, nalinawan kami pareho at kalmado."I love you..." bulong niya sa akin habang panay ang pagpatak ng halik sa aking pisngi. "I am so sorry again, Darling...""Sorry din..." paumanhin ko at mas inihilig ang katawan ko sa kanya. "Mali ko rin naman talaga iyon, Theo... Alam kong naiintindihan mo ako palagi at mahaba ang pasensya mo sa akin, pero huwag mo sanang kalimutan na tao pa rin ako. Kapag nagkakamali ako, hayaan mo akong itama ang maling iyon," seryoso kong sabi.Hindi naman kasi porke si Theo ang lalaki ay siya na palagi ang iintindi. May mali ako bilang asawa, at may karapatan si Theo bilang asawa ko kaya siya nakaramdam nang ganoon. Sa buhay, hindi naman kasi lahat ng tao ay perpekto, pero hindi ibig sabihin na dahil pwedeng magkamali ay kailangan na itong i-tole
Last Updated: 2026-07-04
Chapter: Chapter 59
Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Chapter 58
Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Last Updated: 2026-06-27
Chapter: Chapter 57
Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Last Updated: 2026-06-27
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status