เข้าสู่ระบบKumatok si Lily sa pinto ng kwarto ng kapatid kahit hating gabi na. Hindi naman nagtagal ay binuksan ito ni Lucil.“Ate…” nagkukusot pa ng matang usal ni Lucil.Umiiyak na niyakap ni Lily si Lucil ng sobrang higpit. “Napanaginipan ko na naman ‘yong araw na ‘yon. Akala ko talaga ay mawawala ka na ng tuluyan kaya sobrang natakot ako.”Nakaramdam ng lungkot si Lucil knowing na na-trauma din ang ate Lily niya dahil sa ginawa niya. Hindi lang ang ate niya kundi pati ang anak niya ay apektado din. Niyakap nalang din niya ang kapatid at hinaplos ang likuran nito para pakalmahin ito.“I’m sorry, ate. Promise, hindi na talaga mauulit ‘yon.”Nang kumalma at tumahan na si Lily ay nagtungo sila sa sala para doon mag-usap. Pag doon kasi sila nag-usap sa loob ng kwarto ay baka magising nila si Lilo kaya mas minabuti nilang sa sala nalang.“Ano ng plano mo ngayon?” tanong ni Lily kay Lucil.“Gusto kong paghigantihan si Donovan. Galit na galit ako sa kanya at sa babae niya.” Nanlilisik ang matang saa
“Time of death 10: 45 AM…” Saad ng doctor.Agad na napaupo sa sahig si Lily dahil sa narinig niya. Pilit siyang umiling, ayaw niyang tanggapin ang sinabi ng doctor. Pinilit niyang kinukumbinsi ang sarili na nagsisinungaling lang ‘yong doctor at buhay pa ang kapatid niya. Sinubukan niyang tumayo para lapitan sana ang kapatid pero bigo siyang makatayo dahil sa nanghihina ang mga tuhod niya. Napaiyak nalang siya ng makitang nag flatline na ang cardiac monitor na nakakabit kay Lucil.“HINDI…” umiiyak na sigaw niya.Tinakpan na ng mga doctor ng puting tela ang katawan ni Lucil at iniwan ito doon habang naroon parin si Lily. Iyak nang iyak si Lily. Sobrang laki ng pagsisisi niya na ang sama ng pakikisama niya sa kapatid niya gayong alam niyang may pinagdadaanan ito. Ngayon huli na ang lahat at hindi na siya makakabawi pa dito.“L-lucil, gumising ka…please…babawi pa sa’yo si ate.” Nanghihinang saad ni Lily. “Paano nalang si Lilo? Bunso, kailangan ka ng anak mo…” pinunasan ni Lily ang sipon n
“Dad, someone’s looking for you.” Tawag ni Eli sa ama na nakaupo sa wheelchair sa loob ng madilim na kwarto nito. Kahit madilim ang kwarto ay naaninag parin Naman niya Ang ama dahil sa munting liwanag na nagmumula sa bintana.Lumingon lang sa kanya si Donovan sabay sabing, “I don’t want to see anyone.” Madiing Saad nito. Napabuntong hininga nalang si Eli sa naging sagot ng ama niya.Ilang araw na itong ganito; Hindi lumalabas ng kwarto, Hindi kumakain, at Hindi na pumapasok sa trabaho. Nag aalala na rin si Eli sa inaasta ng ama niya. Nagsimula lang ito no’ng umalis sina Lucil at Lilo ilang araw ang nakakalipas. Parang nawalan na ito ng gana na mabuhay no’ng Iwan siya ng mga ito. Parang ‘yong saya at sigla niya ay sumama sa pag alis nila.“Ka trabaho mo daw siya at hinahanap ka niya. Papapasukin ko nalang siya dito.” Saad parin ni Eli. Pero Hindi na siya sinagot pa ng ama. Kaya lumabas na siya at nagpunta sa living room kung nasaan ang bisita na sinasabi niya.“Nandun po si daddy sa kw
Lumipas ang mga araw at halos hindi na magpakita sa kanilang lahat si Lucil. Nagkukulong nalang ito sa loob ng kwarto niya at ayaw na nitong lumabas. Hindi na rin ito makausap. Kaya labis na ang pag aalala ng mama niya.Maya-maya ay lumabas ng kwarto si Lilo dala ang tray na may lamang pagkain na Hindi manlang ginalaw ni Lucil."Ayaw po talagang kumain ni mommy, Lola." Saad ni Lilo. Napabuntong hininga nalang si Lucia.Si Lily Naman na nakaupo lang sa sala at nagbabasa ng nobela ay biglang inis na tumayo at nagtungo sa kwarto ni Lucil. Marahas nitong binuksan ang pintuan ngunit Hindi manlang natinag si Lucil. Nakaupo lang ito sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana. Walang emosyon ang makikita sa mga mata niya."Hoy, Lucil! Anong Arte 'yan ha? Umayos ka nga! Nagsasayang ka ng pagkain eh. Saka maawa ka Naman kay mama, ang tanda-tanda na niya tapos binibigyan mo pa siya ng problema. Kung pumunta ka lang dito para mag inarte, pwes umalis ka na." Galit na Saad ni Lily.Pinalo Naman
Matapos kumain ng dinner ay pinatulog na ni Lucil si Lilo sa luma niyang kwarto. Nang masisiguro niyang mahimbing na Ang tulog ng anak niya ay saka siya dahan-dahang lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa sala at Nakita niya doon ang mama niya na hinihintay siya. Pagkakita sa kanya ni Lucia ay ibinuka nito Ang dalawang braso na animoy inaanyayahan siyang lumapit para yakapin siya nito.Lumapit nga si Lucil at yumakap sa ina at nagsimula na Naman siyang umiyak. Gustong-gusto niyang magsumbong sa mama niya na tulad dati no'ng Bata pa siya na everytime may nang aaway sa kanya ay umuuwi siyang umiiyak at nagsusumbong agad sa mama niya. Agad Naman siya nitong kino-comfort at kunwari pang susugurin iyong nang away sa kanya. Dahil dun ay tumatahan na siya sa pag iyak dahil ramdam niyang may nagmamahal at may hand Ang promotekta sa kanya. Away in man siya ng lahat, ang mahalaga ay andiyan ang mama niya na mapagsusumbungan niya.Gusto niya ulit mararamdaman iyon, 'yong love at comfort ng mama niy
Pagkatapos mag impake ni Lucil ay agad-agad niyang dinala ang isang maleta niya at hinawakan naman niya sa kaliwang kamay niya si Lilo at naglakad na sila palabas ng kwarto nila. Nagtataka naman silang sinalubong ng mga katulong nilang sina Aime at Jena.“Ma’am, ano pong nangyayari? Saan po kayo pupunta?” Tanong ni Aime.“Huwag nang maraming tanong, tulungan niyo nalang akong dalhin ang iba pa naming mga maleta.” Saad naman ni Lucil. Hindi man nila alam kung anong nangyayari ay sumunod parin sina Aime at Jena, tumulong na nga rin sila sa pagbubuhat ng mga maleta nina Lucil pababa ng hagdan. Sa katunayan ay kinuha nila ang maletang dala ni Lucil at si Aime na ang nagbuhat. Hindi pa kasi magaling ang sugat ni Lucil dahil nga na CS siya. Ayaw kasi nilang mabinat si Lucil kaya sila na ang nagdala ng mga maleta nito.Pagkarating nila sa sala ay nakasalubong nila si Donovan na basang-basa dahil sa ulan, kararating lang niya galing sementeryo. Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa mga







