Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2025-01-26 10:16:23

(Tianna POV)

Umirap ako sa hangin. Delulu ata itong si principal, eh. Hindi ba niya napapansin na laging masama ang tingin sa akin ni Lev.

“Malabo pong mangyari iyang gusto ninyo,” mahinahon ngunit may diin kong sabi.

“Please, Ms. David. We really need your help in this,” Nagmamakaawang aniya.

Aba, parang nagbago ang ihip ng hangin ngayon, ah. Kanina ang tapang lang.

Lihim akong napangiti. “Hindi ko po talaga kayang gawin iyon,” I said weakly.

“Kung hindi mo gagawin ito ay malabo na tayong makakuha ng investment sa ibang company dahil binalaan na nang tatay ng nakaaaway ni Sierra ang mga ito at alam mong may kasalanan ka rin sa nangyari, Ms. David. Pabaya kang guro! Kung tutuusin ay pwede ka nang sibakin sa trabaho mo pero naawa ako sa’yo kaya umayos ka!” galit na anito.Tumalsik pa talaga ang laway ni principal.

Napapikit ako at mariing pinunasan ito ng aking panyo… grabe. Napangiwi pa ako nang naamoy ko iyon…ang baho.

Nako! Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Talaga naman, oh! Hirap na hirap ko ngang nakuha ang trabahong ito tapos mawawala pa. Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon lalo na at kailangan ko ng pera para sa lingguhang dialysis ni nanay.

Tumikhim ako. “Principal, hindi ko po ginusto ang nangyaring away sa pagitan ng mga bata at isa pa ay ginagawa ko po nang maayos ang trabaho ko…at isa pa po…” tinignan ko si principal na naghahabol na nang hininga, “ay wala pong gusto sa akin si Mr. Gray.”

Tinignan niya ako ng masama. “Gawin mo na lang, Ms. David.”

Napabuntong-hininga ako. Wala na naman akong choice. Paborito talaga akong utusan ni principal.

Kinuyom ko ang kamao ko at pilit na ngumiti. “Sige po, susubukan ko pong kumbinsihin si Mr. Gray.”

Principal looked so pleased. “That's great. You should go to his company as soon as possible. Ito ang mga presentation at business proposal.” Inabot niya sa akin ang flash drive at mga documents.

Sinigurado ko na kabisado at gamay ko ang nilalaman ng business proposal para hindi naman ako mapahiya kay Lev, sobrang perfectionist pa naman niya. Naalala ko sa tuwing may projects at magkagrupo kami ay hindi pa rin ako nakakatakas sa mga puna niya. Gusto niya na palaging pulido ang trabaho niya.

Nagsuot din ako nang maayos at pormal na damit, nag-skirt ako na pinaresan ko ng puting blouse at black na blazer. Naglagay din ako ng manipis na make-up para naman hindi ako mukhang pa**y sa sobrang putla. Kailangan maganda ako, ‘no para alam niya ang sinayang niya. Humagikhik ako sa naisip.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa middle aged woman na secretary ni Lev. “Good afternoon po, ma'am. I'm from Zenitrisse Academy, Tianna Sloane David, I was sent by Mr. Gomez as his representative,” magalang kong pakilala.

Tumango ito. “Good morning po.” May pinindot ito sa computer at tsaka tinignan ako. “Yes, however the appointment was rescheduled at 4 PM due to the delay of the flight of Mr. Gray.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit hindi po kami na-inform?” Mahinahon kong tanong.

“It was unexpected, Ma'am. It just happened now,” anito.

Tumango ako at ngumiti. Umupo na ako sa waiting area. Mabilis lang naman, ang dalawang oras… Okay lang sa akin lalo na at kami ang may kailangan sa kanya.

Sumapit ang ala-sais ng gabi, wala pa rin si Lev. Ilang ulit na akong nag-follow-up sa secretary niya ngunit isa lang ang sagot nito, “malapit na po”. Tinanong ko rin kung nasaan ba si Lev ay nasa Japan daw. Gaano ba kalayo ang Japan sa Pilipinas at inabot na siya ng limang oras, huh?!

Gustong-gusto ko nang pumutok sa inis pero pinigilan ko ang sarili ko… be professional, Tianna. Hiindi ko rin naman maaway iyong secretary dahil ilang beses na rin talaga siyang tumawag at ginagawa niya ang trabaho niya pero kay Lev ako naiinis, pinap***y niya ang tawag sa tuwing tumatawag ang secretary nito. Sinasadya ba ng hinay**** na ito ang paghintayin ako?!

Dinalaw na din ako nang antok kaya pinikit ko muna ang mga mata ko. Pagdilat ko ay tinignan ko ang suot kong relo ay alas-nuwebe na ng gabi ngunit wala pa rin siya ay lumapit akong muli sa secretary na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi dahil nandito pa ako. “Ma'am, darating pa po ba si Mr. Gray?” Nagtitimpi kong tanong.

“Susubukan ko po ulit silang tawagan, ma'am.”.

Tumango ako at pinanood siyang i-dial ang cellphone number ni Lev.

“Hello,” relax na bungad ni Lev.

“Hello po, Sir?” aniya ng secretary niya.

Sa wakas! Sumagot din ang lalaking ito. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa inis at gutom. Sinenyesan ko ang secretary niya na ako ang kakausap. Alanganin pa ngang ibigay sa una pero pinilit ko kaya ibinigay rin.

“Hello-hello kang loko ka! Nasaan ka na?!” galit na sigaw ko sa kay Lev.

Tumawa ito nang mahina. Aba! Talaga naman. Nagawa pa talagang tumawa. “Nasa bahay, natutulog.”

Pumikit ako nang mariin at ginulo ang buhok ko. “Talaga kang Lev ka! Nandito ka na pala sa Pilipinas, hindi mo man lang sinabi! Pinaghintay mo pa talaga ako!” nanggigil na sabi ko. Halos madurog na ang telephone sa pagkakahawak ko.

“Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako, bakit ka naghintay? Samantalang no’ng nagmakaawa ako sa'yo na hintayin mo ako ay naghanap ka ng iba.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
hehehe ganti gantihan lng Lev, tlga lng h
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 135

    Huminga ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Sierra.Napagdesisyunan namin ni Lev na ako na lang muna ang kakausap sa anak namin para magpaliwanag.Hindi siya sumagot kaya I took it as a sign na pumasok.Nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot. “Baby, si mommy ito.” Inilapag ko sa bedside table niya ang dala kong pagkain at umupo sa kama niya.Inalis niya ang kumot at tinignan ako. “What are you doing here?!” I gently smiled. “I brought you breakfast, anak.”Bumaba ang tingin niya sa pagkain at nag-iwas nang tingin.Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. “I miss you, baby ko.”Nakahinga ako nang maluwag nang hindi siya nagprotesta sa yakap ko. Pinunasan ko ang marka ng luha sa pisngi ni Sierra.“Alam mo, noong nalaman kong totoo kitang anak. Sobrang saya ko dahil ilang beses ko iyong ipinagdasal na sana…. Ako na lang ang mommy mo…” malumanay kong pagsisimula. Hinaplos ko ang pisngi niya. “You are such a dream come true for me and your dad because when we were

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 134

    I was caught off guard and it took long for me recover.“B-baby, please hear me out first…”Umiling si Sierra. “Ayaw!” sabi niya ‘tsaka ako tinalikuran.Napalunok ako at lumapit sa kanya. “A-anak, huwag naman ganito. I'm sorry, kung matagal nawala si mommy,” puno nang pagsusumamo ang boses ko.Hindi siya sumagot at akmang aakyat na nang niyakap ko siya. “Please, baby ko. Huwag ka ng magtampo kay mommy…” Nagpumiglas siya at narinig ko ang pag-iyak niya. “I don't like you anymore!”Mabilis akong umiling. “No please, d-don’t say that, anak.” “Leave ka na lang ulit. Sanay naman na akong iniiwan mo!” Nabitawan ko siya at napaatras ako. Pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko sa mga sinabi niya. My child’s words hurt me but it's more painful to hear her sobbing because of me…. It's all my fault.“Sierra!” dumagundong ang galit na boses ni Lev na nasa puno na ng hagdan. Bakas ang ugat sa leeg ni Lev at pamumula ng tainga niya.“Don't you ever say that to your mom!” Nag-iwas nang t

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 133

    Naalimpungatan ako sa pagtama ng araw sa pisngi ko. Nang lingunin ko si Lev ay mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakayakap sa akin. I gently touched his jaw, may mga balbas na siya at medyo pumayat din siya. Anong nagawa ko? Pinahirapan ko lang ang mga sarili namin. “I'm sorry, Lev,” my voice broke.Niyakap ko siya hanggang sa makatulog ulit ako.Nang magising ulit ako ay tulog pa rin si Lev. Kaya naisipan kong ipagluto siya. Tutal ay medyo maaga pa naman. Gusto kong bumawi sa kanya sa paraang alam ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sobrang na-miss ko ang ganitong scenario, ‘yong malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin…Patapos na ako sa pagluluto ng ulam at nasa paggawa na ako ng meryenda namin mamaya.Habang naghahalo ako ay nagulat ako nang biglang may maliit na kamay ang humihila ng damit ko. “Sino ikaw?! My mommy will be mad if you steal my daddy!” galit na sigaw ni Nigel. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay kilalang-kilala k

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 132

    Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ‘tsaka ako ngumiti. Bagong ligo ako at suot ko ang t-shirt ni Lev dahil wala na akong kasyang damit at shorts ko na kinuha ko lang.I feel so happy right now. I feel like I'm home…Kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Lev na nakaupo sa kama. Nilingon ko siya. “Bakit?”He smiled. “I like that you're wearing my clothes.” Umingos ako. “This is mine now.”Dumagundong ang tawa ni Lev sa buong kwarto. “Okay, ma'am. That's all yours. Besides, what mine is yours…” He winked at me.“Talaga!” mayabang kong sabi.Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng buhok ko.Sandali siyang nanahimik kaya hindi ko na siya pinansin.Habang nagsusuklay ako ng buhok ko ay naramdaman ko ang pagyakap ni Lev mula sa likod ko. Naramdaman kong hinaplos niya ang tiyan ko. “Babe, parang medyo busog ka ngayon?” alanganin niyang tanong.Natigilan ako at nilingon siya saglit. Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi sa kanya na buntis ako!Binasa ko ang labi ko at binaba ang

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 131

    He looked into my eyes and stepped closer. “Because Lucy or you known as Heidi was my twin, babe.” “A-ano?” gulat kong sigaw.Ngumiti siya nang maliit. “She's my twin, babe,” ulit niya.Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. All I can see in his eyes was sincerity.Umiling ako at itinuro siya. “Sinungaling! Kayong dalawa lang ni Louise ang magkapatid! Hindi mo man lang ginalingan ang palusot mo!” Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako. “Sinungaling ka!” Umiling siya. “I’m telling the truth, babe. Lucy was my twin.”Umiyak ako nang umiyak. So, all this time? I'm so— Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa tumahan ako ay nanatili siyang tahimik.“P-paano nangyari ‘yon? Naguguluhan ako,” tanong ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha.Iginiya niya ako paupong sofa. “Lucy and I didn't grow up with each other because…” huminga nang malalim si Lev. “She was raised by our grandmother. Alam mo naman na masyadong magulo ang buhay namin noon dahil sa pagtatalo nila sa negosyo. Para prot

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 130

    Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin. Nagising na lang ako nang lumiwanag ang paligid dahil sa pagtanggal ng mga kahon. “Tianna, nandito na tayo sa bayan.”Ngumiti ako at tumayo.“Maraming salamat po.”Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako. “Tianna, wait lang. Ipinabibigay ito ni Mila sa ‘yo.” Inabot niya sa akin ang ilang libong pera.Nanlaki ang mga mata ko. “Po? Hindi na po kailangan. Sobrang laki na po ng naitulong ninyo sa akin.”Ngumisi siya. “Sige nga. Sabihin mo sa akin. Paano ka magsisimulang umuwi sa inyo kung wala kang pera?” istrikto niyang tanong.Natigilan ako. Oo nga.Kinuha ko ang pera. “Maraming salamat po. Maraming salamat…”Tipid siyang tumango. “Mag-iingat ka.”Pinagmamasdan ko ang truck na palayo sa akin.Ngayon ay nagsi-sink in na sa isip ko na ako na lang. Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula.Medyo mainit na rin ang sikat ng araw pero tiniis ko. Naglibot-libot ako sa lugar para malaman kung nasaan ako.Nagtanong-tanong a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status