Si Tianna Sloane David ay isang guro at mapagmahal na anak sa kanyang nanay na may sakit kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang ina kahit pa ang hiwalayan noon ang pinakamamahal niyang ex-boyfriend na si Lev Nimuel Gray Makalipas ang maraming taon ay muling nagkrus ang landas nila. Gusto na sanang kalimutan ni Tianna ang nakaraan ngunit tila may pumipigil sa kanya at palagi pa rin siyang inilalapit kay Lev nang utusan siya ng principal sa pinagtuturuan niyang school na kumbinsihin si Lev na mag-invest sa school nila. Sa gitna nang pagkukumbinsi niya kay Lev ay may unti-unting umuusbong na damdamin… mas mapusok… ngunit nanlamig ulit nang malaman ni Tianna na may anak na si Lev... Pero paano kung kailangang pakasalan ni Tianna ang ex-boyfriend niya na si Lev dahil sa matinding pangangailangan sa pera?
View More(Tianna POV)
Busy ako sa pag-aasikaso sa mga kinder kong mga estudyante habang nasa auditorium kami para sa graduation nila at ng mga grade 6 students. Nang biglang magsalita ang host. “Let's welcome the CEO of Louis Enrico Victor Gray Group of Companies, Lev Nimuel Gray!” Huminto ang mundo ko sa narinig ko. Agad hinanap ng mata ko ang taong matagal ko nang hindi nakikita. Akala ko nakalimutan ko na siya pero ngayong narinig ko ang pangalan niya ay sobrang bilis ng tibok ng puso ka na parang kahapon lang kami magkasama. Nang magsalubong ang mga mata naming dalawa ay halos manginig ako sa lamig ng kanyang tingin. Hindi naputol ang amig titigan kahit nagsasalita na siya ngunit kahit isa doon ay wala akong maintindihan dahil bumabalik sa isipan ko ang mga alaala ng nakaraan….. ang aming mga pinagsaluhan na alaala. Iniwas ko ang aking tingin. Tianna! Huwag mo nang isipin ang mga bagay na tapos na. Hindi ko namalayan na natapos na ang kanyang speech at nasa harapan ko na siya ngayon upang kamayan ang mga guro. Halos lumabas na ang puso ko sa tindi ng pagtibok nito. Lalo na nang abutin niya ang aking kamay. Sa pagdampi ng kanyang balat sa aking kamay ay hindi ko maiwasang sariwain ang mga pinagsaluhan namin nang gabi bago siya pumunta ng ibang bansa para mag-aral. Hindi ko makalimutan ang kanyang haplos at halik na tila nagmarka na ata sa aking isipan. “Mr. Gray ranked number 1 on the richest man in the world. So it's a great honor to us that he accepted our invitation,” ani ng aming principal. Wow. “Kaya kailangan nating ibigay ang best natin habang nandito siya,” ani naman ng president ng PTA. “Teacher Tianna, kindly give the food to Mr. Gray,” baling sa akin ng coordinator ng kinder department. Ha?! Bakit ako? Talaga naman, oh. “Uhm…” “Sige na…iba rin ang tingin sa'yo ni Mr. Gray kanina, eh. For sure hindi ka niya susungitan,” udyok ni Teacher Heidi. Napipilitan kong kinuha ang tray na may lamang pagkain. Halos mahulog ang hawak kong tray dahil sa panginginig habang papalapit ako sa kwarto na inilaan para kay Lev. Pagkapasok ko pa ay naabutan ko siyang nagbabasa ng mga documents. “G-good morning po, Mr. Gray. Magmerienda po muna kayo.” Halos hindi ko siya matignan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Tumango ito nang hindi niya ako nililingon. Nagmamdali akong lumabas. Pagkasarado ko ng pinto ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Ilang beses pang pumunta si Lev sa school namin ngunit sa ilang beses na iyon ay iniiwasan ko siya. Makita ko pa lang na paparating na siya ay lilihis na ako ng daan para lang hindi kami magkasalubong ngunit hindi na ako nakatakas nang utusan akong muli na i-tour si Lev sa buong school pero kasama naman namin si principal at iba pang may mataas na posisyon dito sa school. Porket newbie ako ay ako na lang ang palaging inuutusan. Hindi pa rin talaga nawawala ang ganitong culture sa trabaho. Habang naglalakad kami ay binabagalan ko ang lakad ko para hindi kami magkadikit ni Lev. “So mag-classmate kayo?” intriga ni principal nang mabanggit ni Lev na sa Piscasio High School din siya nag-aral. Tumingin sa akin si principal. Tumango ako. “Yes po.” Nagpatuloy ang aming tour hanggang sa magtanghali na kaya nagpaalam na ang iba sa amin para kumain na. Lumapit ako kay principal para din sana magpaalam habang katabi naman nito si Lev, na panay ang sama ng tingin sa akin. “Sir, magla-lunch na lang din po muna a—-” Sinenyas niya ang kamay niya na huminto ako. “Mr. Gray, kumain muna tayo. Nagpa-reserve kami sa malapit na restaurant,” masayang sabi ni principal. Umirap ako sa hangin. Sus. Napapaghalataan itong si principal sa balak niya. Kinukuha talaga ang loob ni Lev. “No need…nagkanya-kanya na rin naman silang lunch,” malamig na tugon ni Lev sabay tingin sa akin. Sinundan ni principal ang tinitignan niya. Umiwas ako ng tingin. Lin*ik namang Lev ito, oh! Ipapahamak pa talaga ako. Wala tuloy akong nagawa nang yayain ako ni principal na sumama sa kanila. Habang kumakain kami ay lumilipad ang isip ko nang bigla akong tapikin sa balikat ni principal. “Teacher Tianna, kinakausap ka ni Mr. Gray…” ani nito bago ito nagpaalam na magbabanyo muna. Lumingon ako kay Lev. “Uhm… I'm sorry but what did you say again?” tanong ko sa kanya. He smirked at me. “Kumusta ka naman Ms. David….. o misis…na nga ba?” Kumunot ang noo ko. “Ms. David pa rin,” madiin kong sagot. “Sigurado ka ba? The last time I checked ay may lalaki ka,” sarkastikong sabi ni Lev. “Ano bang pinagsasa—”“Are you okay, babe?” masuyong tanong ni Lev at niyakap ako mula sa likuran. Nanatili lang akong nakatingin sa pader at bumuntong hininga.Pagkatapos ng heart to heart talk namin ni Sierra ay umuwi na rin kami agad. Sa ngayon ay kasalukuyan na kaming nagpapahinga. Habang ang mga bata ay tulog na sa kanya-kanya nilang kwarto.“Hindi ko alam. Masaya ako na alam na natin ang totoo pero at the same time ay sobra akong nalulungkot para sa panganay natin. Marami siyang naranasan na hindi pa dapat niya pinoproblema.”“Ang sarap naman pakinggan ang salitang ‘panganay’ natin. That is what I dreamed of, many years ago but not this way. Sierra was the one who was affected by what happened to us. I'm guilty because at some point, I didn't protect her enough so she felt that kind of pain…”“Hindi ko makalimutan ang ekpresyon ni Sierra nang sabihin niya na nakaramdam siya ng selos kay Nigel dahil sa—” my voice broke. “Kasama niya ako at si Sierra, hindi. Nigel grew up with me, loving him but my Si
Pagkatapos bumuti ang lagay ni Sierra ay nagdesisyon kami ni Lev ay tsaka lang namin sasabihin kay Sierra ang totoo. At… dumating na ang araw na ‘yon.Tulak-tulak ni Lev ang wheelchair ni Sierra papunta sa parking lot. Kahit kasi magaling na si Sierra ay pinayuhan kami ng doktor na huwag munang mapagod si Sierra dahil mahina ang immune system niya kaya kaunting ulan o pagkatuyo ng pawis ay sumasama na ang pakiramdam niya.“Mommy, are we going home na ba agad?” tanong ni Nigel habang nakahawak siya sa kamay ko.“Let's have a mini celebration first at the restaurant. Is that okay, Sierra baby?” Tumango si Sierra. “Yes po, mommy.” “Yehey!” Masayang nagtatalon si Nigel. “I miss going out with you mommy, daddy and Ate Sierra.”Tila hinaplos ang puso ko. “We miss you too, anak ko.”Nang makarating kami sa restaurant ay agad nang namili ang mga bata ng gusto nilang pagkain. Sobrang lakas ng puso ko habang kumakain kami at hindi ako makapakali sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano ba a
I couldn't speak nor blink. Para lang akong statue na nakaupo habang yakap ako ni Lev. Hindi pa rin nag-sisink in sa isip ko ang mga nalaman namin.“Babe, my dream did come true,” he sobbed.Doon ako nagising sa magandang panaginip. “L-Lev, anak ko si Sierra,” hindi makapaniwalang sabi ko.He nodded. “Yes, babe. Sierra was ours.”Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko habang nakangiti. “Sierra…”Niyakap akong muli ni Lev. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon lalo na at dinadama lang namin ang saya.Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng opisina ni Troy. “Louise,” tawag ko sa kanya.“What are you doing here?” tanong ni Lev.“Sierra was looking for you both.”“You guys, may go. Let's discuss this some other time. You should prioritize your daughter first.”Gulat na tuminbin si Louise kay Troy. “Troy, is that you?”Walang ganang tumango si Troy. “How are you?” nakangiting bati ni Louise.“Good,” simpleng sagot ni Troy ngunit ang sa paraan nang tingin niya kay
Napakurap ako nang tumingin sa akin si Lev, punong-puno ng pagtataka ang mukha niya. “Come on, Tianna. Tell him,” pag-uudyok ni Troy.Napalunok ako. Ayaw ko sanang balikan ang alaala nang isang beses na pagkakamali ko dahil sa matinding pangangailangan namin noon sa pera pero… nandito si Troy upang ipaalala na naman ang mga bagay na gusto ko nang makalimutan.Hinawakan ko ang mga kamay niya. “L-Lev,” panimula ko. “H-huwag ka sanang magagalit sa sasabihin ko,” halos hindi ko na makompleto ang mga salitang ‘yon dahil sobrang lakas ng tibok puso ko ay halos mabingi na ako. Nanatili lang na nakatingin sa akin si Lev.“L-Lev, n-nag-donate ako dati ng egg cell…” yumuko ako, hindi kayang salubungin ang kanyang mga mata.Kumurap si Lev ng ilang beses. “What?” mahina, parang hindi makapaniwala.“Why did you do that?” tanong ni Lev, makalipas ang ilang minutong pagproseso ng sinabi ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko. “I-I'm sorry. Sorry kasi hindi ko agad nasabi sa ‘yo. I'm really sorry,” I
Halos wala ako sa sarili habang hinihiintay naming lumabas ang doktor sa emergency room na pinagdalhan kay Sierra.Nanginginig din ang buong katawan ko sa kaba.Naramdaman kong inakbayan ako ni Lev. “She’s going to be fine, babe,” pagpapakalma niya sa akin kahit kita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala.“Sana ng—” naputol ang iba ko pang sasabihin nang biglang may dumating.“Lev?” Sabay naming nilingon ni Lev kung sino ‘yon.Nanlamig ang buong katawan ko nang mapagsino ‘yon. Tumayo so Lev at niyakap ito. “Troy, pre, kumusta?” natutuwang bati niya.Ngumiti ang doktor. “Ito ayos lang naman.”“Ano palang ginagawa mo rito?”“Sierra is sick.”“What happened?”“We're still waiting for the doctor to know what's wrong with her. My wife and I panicked when Sierra lost her consciousness.”“You have a wife? Hindi ko man lang nabalitaan.” “Akala ko nasa ibang bansa ka pa, eh. Kailan ka ba bumalik?”“Halos kakabalik ko lang din last month.”“Bakit hindi mo sinabi agad? Sayang, nakapunta
“Mommy, when I'm going to school?” Nigel asked while watching me fixing his Ate Sierra’s hair.Tumingin akong saglit tumingin sa kanya. “Probably next year baby but I'm going to tutor you at home.”“But I also want to go to school like ate,” he insisted.“You're just three years old, anak.” Palagi akong kinukulit ni Nigel na gusto na rin niyang pumasok sa school nang makita niya ang ate niya na naghahanda na para sa pasukan. Pero naisip ko na masyado pang maaga para rito lalo na’t uulitin lang din niya iyon dahil hindi pa sapat ang edad niya. Isa pa ay baka nabibigla lang siya dahil sa curiousity.“Mommy—” nahinto pa ang iba sasabihin ni Nigel nang bumukas ang pinto. Nakasuot na ng pang-opisina si Lev.“Daddy!” tila nakahanal ng kakampi na tawag niya.Agad na nagpabuhat si Nigel sa ama. “Daddy,” s******t t si Nigel.“What's wrong, son?” nag-aalalang tanong ni Lev.“I-I want to go to school but mommy said that...” tuluyan nang umiyak nang malakas si Nigel.Nagkatinginan kami ni Lev
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments