(Tianna POV)
“Hoy! Huwag ka ngang mamersonal dito. Trabaho ang pinunta ko dito, Lev! Alam kong alam mo na gusto kang kunin na investor ni Mr. Gomez sa school namin,” inis kong sabi sa kanya. “Uh-huh… and I already rejected the offer.” aniya. Rejected! Paano ko ba siya makukumbinsi? “Bigyan mo naman ng chance itong school namin. Ikaw na lang ang pag-asa namin, eh,” nanghihina kong sabi. “Please, Lev…hmm?” malambing na wika ko. Pumikit ako nang mariin at lihim na nagdarasal na sana gumana pa rin sa kanya ang tinatawag niyang Tianna Spell dahil noong kami pa ay lambingin ko lang siya ay papayag na siya sa gusto ko. Tumawa ito ng mahina. “Do you think that it will still work on me?” sarkastikong sabi ni Lev. Napatampal ako sa noo ko at pinatay ang tawag sa kahihiyan. Ilang beses pa akong bumalik sa opisina niya ngunit palagi lang din akong ini-indyan ni Lev buti na lang ay very accommodating ang secretary niya, nagse-serve siya ng mga paborito kong pagkain kagaya ng chocolate cake at ice cream. Ang sosyal nga ng pakain nila sa bisita nila dahil usually ay biscuits at tubig lang ang ibinibigay sa guests. Higit sa lahat ay siya pa ang nagbo-book ng taxi para sa akin. Sobrang nagustuhan ko iyon kaya kahit papaano ay nababawasan ang inis ko tuwing nasa kompanya niya ako. Napabalik ako sa realidad nang tapikin ako sa balikat ng secretary ni Lev. “Ma'am kayo na po ang next.” Buti na lang ay pinagbigyan niya ako sa meeting para mapaliwanag ko na sa kanya iyong business proposal namin. Ngumiti ako at sumunod sa kanya. Inayos ko ang suot kong dress at huminga ng malalim. Fighting, Tianna! Pagkapasok ko pa lang ay agad kong nasilayan si Lev na nakasuot ng button down long sleeve, nakabukas ang tatlong butones kaya kitang-kita ang maskuladong niyang d****b. Habang ang coat nito ay maayos na nakasabit sa likod ng upuan nito. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang may kagat-kagat na ballpen at nakatingin sa computer niya. Napalunok ako ng sarili kong laway. Talaga naman, oh! Pigilan mo ang kalandian mo, Tianna! Trabaho ang pakay mo rito. Tumikhim ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. “Good morning, Mr. Gray,” pormal kong bati sa kanya. Tumango ito. “Have a seat.” Umupo ako sa katapat niyang upuan. “I'm here for the business proposal of Zenitrisse Academy. Our school was founded a hundred years ago, and has been influential and set a high standard to other schools. Your investment will help us to continue thi—” Naputol ang aking susunod na sasabihin nang mag-ring ang cellphone ni Lev. Bumaling ang tingin niya sa cellphone at sumenyas na sasagutin lang ang tawag… pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya. “I'm sorry, Ms. David but I have to go… I have important things to attend to.” He said apologetically. Tumango ako. “I understand but this is really urgent. I have to be honest with you, We really need your investment as soon as possible because the bank is pressuring us to pay or they will throw us out of the land.” Natahimik si Lev, pagkaraan ng ilang segundo tila may ideya na pumasok sa isip niya. “Why don't you come with me?” Mabilis akong napalingon sa kanya. “Saan?” “Well, I will attend the wedding of Louise. Nakalimutan ko na ngayon pala iyon at nagagalit na siya sa akin dahil wala pa rin ako,” kwento niya. Namilog ang mga mata ko. “Ano?! Ikakasal na si Louise? Parang dati baby pa siya at sumasama sa mga date nati–” Natutop ko ang bibig ko nang napagtanto ko ang sinabi ko. Tianna! Bakit ang daldal mo?! Kahit na pinipigilan niyang ngumiti ay hindi pa rin nakatakas sa mata ko ang pagkibot ng labi niya… “Uhm… I mean, kung okay lang. Sige sasama ako...” para matapos ko nang dapat kong gawin. “Alright. Sa venue ka na magbihis, for sure maraming gowns and dresses si Louise at may make-up artist na rin doon.” Tumango ako at kinuha na ang bag ko. Habang bumabiyahe kami ay sobrang awkward. Walang nagsasalita at kung makapagtinginan man ay mag-iiwasan lang kami nang tingin. “Gutom ka na ba?” He broke the silence. Hindi pa ako nag-almusal o merienda. Kumukulo na rin ang sikmura ko. “Oo.” Dumaan kami sa drive thru at siya na ang bumili. Babayaran ko sana iyong pagkain ko pero ayaw naman niya. Para hindi gahol sa oras ay nagpatuloy na kami sa biyahe. Kinuha ko ang burger at kumain na pero nang mapansin ko na hirap na hirap si Lev sa kinakain niya ay kinuha ko ang burger niya at sinubuan ko siya. Pinanood ko siya bang nginunguya niya ito. Bakit ang gwapo ng lalaking ito kahit magulo ang buhok at nakatupi na hanggang braso ang button down shirt nito?! Nang napansin ko na hirap siya sa pag-shoot ng straw sa softdrinks ay inagaw ko ito at ako na ang naglagay. Inilapit ko rin ito sa bibig niya. “Inom na.” Napatitig siya sa akin habang ginagawa ko iyon. B*******n ko siya. “Huwag ako ang tignan mo… iyong daan ang tingnan mo…” mahinang sabi ko at umiwas ng tingin. Sinapo niya ang batok niya. “Aray! Tianna, nanakit ka na naman, ah. Baka gusto mong gawin ko sa iyo ang rules natin dati, isang batok, isang—” Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mga mata. “Huwag mo nang ituloy!” pagbabanta ko sa kanya. He pulled the car to the side of the road at tinanggal ang seatbelt niya. Inilapit niya sa akin ang mukha niya at pinatakan nang h***ik ang labi ko. “Isang h****k.” Pagkatapos ay tumawa si Lev na tila nang-aasar. Tinignan ko siya ng masama. “You can't win over me, Tianna,” mayabamg na sabi nito. Talaga, huh? Akala niya siya lang ang marunong mang-asar. Ngumisi ako at hinawakan siya sa batok at siniil siya nang h****.Huminga ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Sierra.Napagdesisyunan namin ni Lev na ako na lang muna ang kakausap sa anak namin para magpaliwanag.Hindi siya sumagot kaya I took it as a sign na pumasok.Nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot. “Baby, si mommy ito.” Inilapag ko sa bedside table niya ang dala kong pagkain at umupo sa kama niya.Inalis niya ang kumot at tinignan ako. “What are you doing here?!” I gently smiled. “I brought you breakfast, anak.”Bumaba ang tingin niya sa pagkain at nag-iwas nang tingin.Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. “I miss you, baby ko.”Nakahinga ako nang maluwag nang hindi siya nagprotesta sa yakap ko. Pinunasan ko ang marka ng luha sa pisngi ni Sierra.“Alam mo, noong nalaman kong totoo kitang anak. Sobrang saya ko dahil ilang beses ko iyong ipinagdasal na sana…. Ako na lang ang mommy mo…” malumanay kong pagsisimula. Hinaplos ko ang pisngi niya. “You are such a dream come true for me and your dad because when we were
I was caught off guard and it took long for me recover.“B-baby, please hear me out first…”Umiling si Sierra. “Ayaw!” sabi niya ‘tsaka ako tinalikuran.Napalunok ako at lumapit sa kanya. “A-anak, huwag naman ganito. I'm sorry, kung matagal nawala si mommy,” puno nang pagsusumamo ang boses ko.Hindi siya sumagot at akmang aakyat na nang niyakap ko siya. “Please, baby ko. Huwag ka ng magtampo kay mommy…” Nagpumiglas siya at narinig ko ang pag-iyak niya. “I don't like you anymore!”Mabilis akong umiling. “No please, d-don’t say that, anak.” “Leave ka na lang ulit. Sanay naman na akong iniiwan mo!” Nabitawan ko siya at napaatras ako. Pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko sa mga sinabi niya. My child’s words hurt me but it's more painful to hear her sobbing because of me…. It's all my fault.“Sierra!” dumagundong ang galit na boses ni Lev na nasa puno na ng hagdan. Bakas ang ugat sa leeg ni Lev at pamumula ng tainga niya.“Don't you ever say that to your mom!” Nag-iwas nang t
Naalimpungatan ako sa pagtama ng araw sa pisngi ko. Nang lingunin ko si Lev ay mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakayakap sa akin. I gently touched his jaw, may mga balbas na siya at medyo pumayat din siya. Anong nagawa ko? Pinahirapan ko lang ang mga sarili namin. “I'm sorry, Lev,” my voice broke.Niyakap ko siya hanggang sa makatulog ulit ako.Nang magising ulit ako ay tulog pa rin si Lev. Kaya naisipan kong ipagluto siya. Tutal ay medyo maaga pa naman. Gusto kong bumawi sa kanya sa paraang alam ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sobrang na-miss ko ang ganitong scenario, ‘yong malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin…Patapos na ako sa pagluluto ng ulam at nasa paggawa na ako ng meryenda namin mamaya.Habang naghahalo ako ay nagulat ako nang biglang may maliit na kamay ang humihila ng damit ko. “Sino ikaw?! My mommy will be mad if you steal my daddy!” galit na sigaw ni Nigel. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay kilalang-kilala k
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ‘tsaka ako ngumiti. Bagong ligo ako at suot ko ang t-shirt ni Lev dahil wala na akong kasyang damit at shorts ko na kinuha ko lang.I feel so happy right now. I feel like I'm home…Kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Lev na nakaupo sa kama. Nilingon ko siya. “Bakit?”He smiled. “I like that you're wearing my clothes.” Umingos ako. “This is mine now.”Dumagundong ang tawa ni Lev sa buong kwarto. “Okay, ma'am. That's all yours. Besides, what mine is yours…” He winked at me.“Talaga!” mayabang kong sabi.Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng buhok ko.Sandali siyang nanahimik kaya hindi ko na siya pinansin.Habang nagsusuklay ako ng buhok ko ay naramdaman ko ang pagyakap ni Lev mula sa likod ko. Naramdaman kong hinaplos niya ang tiyan ko. “Babe, parang medyo busog ka ngayon?” alanganin niyang tanong.Natigilan ako at nilingon siya saglit. Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi sa kanya na buntis ako!Binasa ko ang labi ko at binaba ang
He looked into my eyes and stepped closer. “Because Lucy or you known as Heidi was my twin, babe.” “A-ano?” gulat kong sigaw.Ngumiti siya nang maliit. “She's my twin, babe,” ulit niya.Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. All I can see in his eyes was sincerity.Umiling ako at itinuro siya. “Sinungaling! Kayong dalawa lang ni Louise ang magkapatid! Hindi mo man lang ginalingan ang palusot mo!” Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako. “Sinungaling ka!” Umiling siya. “I’m telling the truth, babe. Lucy was my twin.”Umiyak ako nang umiyak. So, all this time? I'm so— Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa tumahan ako ay nanatili siyang tahimik.“P-paano nangyari ‘yon? Naguguluhan ako,” tanong ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha.Iginiya niya ako paupong sofa. “Lucy and I didn't grow up with each other because…” huminga nang malalim si Lev. “She was raised by our grandmother. Alam mo naman na masyadong magulo ang buhay namin noon dahil sa pagtatalo nila sa negosyo. Para prot
Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin. Nagising na lang ako nang lumiwanag ang paligid dahil sa pagtanggal ng mga kahon. “Tianna, nandito na tayo sa bayan.”Ngumiti ako at tumayo.“Maraming salamat po.”Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako. “Tianna, wait lang. Ipinabibigay ito ni Mila sa ‘yo.” Inabot niya sa akin ang ilang libong pera.Nanlaki ang mga mata ko. “Po? Hindi na po kailangan. Sobrang laki na po ng naitulong ninyo sa akin.”Ngumisi siya. “Sige nga. Sabihin mo sa akin. Paano ka magsisimulang umuwi sa inyo kung wala kang pera?” istrikto niyang tanong.Natigilan ako. Oo nga.Kinuha ko ang pera. “Maraming salamat po. Maraming salamat…”Tipid siyang tumango. “Mag-iingat ka.”Pinagmamasdan ko ang truck na palayo sa akin.Ngayon ay nagsi-sink in na sa isip ko na ako na lang. Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula.Medyo mainit na rin ang sikat ng araw pero tiniis ko. Naglibot-libot ako sa lugar para malaman kung nasaan ako.Nagtanong-tanong a