Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2025-01-26 10:15:20

(Tianna POV)

“Stop acting innocent, Tianna,” galit na ani ni Lev.

Kumunot ang noo ko. “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan. Una sa lahat never kitang niloko at lalong wala akong naging boyfriend pagkatapos mo….” inis kong wika, “teka…ano bang paki mo?”

Lumipat siya ng upuan na nasa tabi ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Halos takasan ako ng hangin. “Tinapakan mo ang pride ko, pinagpalit mo na nga lang ako ay sa pangit pa.”

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at tinulak ko siya. “Tumigil ka nga Lev Nimuel Gray! Hindi ko kasalanan kung bitter ka at isa pa ay wala nga akong naging boyfriend maliban sa'yo! Ang kulit…” inis na sabi ko.

Hindi nakatakas sa mata ko ang pag-angat ng sulok ng labi nito. Inirapan ko siya bago kinuha ang mga gamit ko at umalis na.

Alam ko sa sarili ko na may feelings pa rin ako sa kanya, hindi naman siguro agad mawawala iyon lalo na at siya ang first love ko. Lahat ata ng first ko ay sa kanya ko binigay pero hindi ko na siya kilala ngayon. Ang Lev na minahal ko ay hindi ako pag-iisipan ng mga ganoong bagay. Pilit ko na rin siyang binubura sa isipan ko. Naiinis ako sa kanya, sa kung paano siya magsalita tungkol sa akin.

Pumasok ako sa classroom na may ngiti sa labi ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nag-aaway na mga estudyante ko.

Ang isang batang babae na may pigtail braids at isa naman ay batang lalaki. May black eye at kalmot na ang batang lalaki. Aba! Ang tapang ng batang ito.

Agad akong pumagitna sa pagitan nilang dalawa. “Stop kids! Bakit kayo nag-aaway?”

Ngunit imbes na huminto ang batang babae ay inaabot niya pa rin ang kaaway nito.

Hinawakan ko na siya at binuhat. Inilabas ko siya ng classroom at inutusan ang iba pang bata na tawagin si Teacher Heidi para dalhin ang batang lalaki sa clinic.

“Why are you hurting the other kids?” tanong ko sa bata.

Inirapan niya ako. “Tinawag niya po kasi akong put*k sa b**o at hindi ako love ng mama ko,” mataray na sagot nito.

“What?” I can't believe na kayang sabihin iyon ng ibang bata.

Tumango ito.

“What's your name?” Hinaplos ko ang pisngi niya.

“Sierra Leigh Gray.” Napukaw niyon ang aking atensyon. Sierra Leigh! Sh*t ito ang pangalan na gusto naming ipangalan ni Lev sa baby girl namin at bakit ka-surname niya si Lev?

Akmang tatanungin ko na ang bumabagabag nang dumating ang guidance counselor para dalhin si Sierra sa guidance office

Bumalik ako sa classroom para sabihan ang mga estudyante ko sa gagawin nilang activity sa araw na iyon at pinabantayan ko na lang muna sila sa practice teacher ko at tsaka ako sumunod sa guidance office.

Naabutan kong sinesermunan si Sierra ng principal. “Ano ka ba namang bata ka, Sierra? Inaway mo pa talaga ang anak ng isa sa mga investor ng school natin? Ke-bago-bago mo dito. Takaw gulo ka na agad.” Sigaw nito kay Sierra.

Lumapit ako sa kanila. “Sir, hindi naman po ata tama na sigaw-sigawan ninyo ang bata kahit may mali siya. Obligasyon ng magulang niya ang pagsabihan siya. Please lang po. Baka ma-trauma iyong bata.” Mahinahon kong sabi.

Sinamaan niya ako ng tingin. “At bakit ka nangingialam, Ms. David. Dapat nga ay sisihin din kita, eh. Dahil sa kapabayaan mo bilang guro ay mawawalan pa tayo ng investor,” galit na ani nito.

Kumunot ang noo ko. Kinukwestiyon niya ang paraan nang pagtuturo ko sa mga estudyante ko? I'm always doing my best.

“Hindi naman po sa—-”

“Stop arguing with me, Ms. David. Call the parents of this troublemaker kid…” Tumingin siya sa akin, “and we will talk after this.”

Pagkatapos nang pag-uusap ng nanay ng batang lalaki at ang yaya ni Sierra dahil hindi daw makakapunta ang ama nito sapagkat abala sa trabaho ay pinatawag ako ni principal sa opisina nito.

“Ms. David. Alam mo naman na siguro ang problema ng school natin?” bungad sa amin ni principal.

Tumango ako. “Opo.”

“Napansin ko na malapit kayo ni Mr. Gray at classmates din pala kayo noong high school.”

“Hindi po kami close,” pagtanggi ko. Parang alam ko na tutumbukin ng usapang ito.

Tumawa si principal nang mahina. “You don't have to deny it… I saw it, the way he secretly looking at you,” malisosyong ani nito.

Kumunot ang noo ko. “Anong ibig niyo pong sabihin?” Huh! Bakit? Paano ba ako tignan ni Lev?

“He’s looking at you like he wants you at iyan ang magiging susi para makumbinsi mo siya na mag-invest sa school natin.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 135

    Huminga ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Sierra.Napagdesisyunan namin ni Lev na ako na lang muna ang kakausap sa anak namin para magpaliwanag.Hindi siya sumagot kaya I took it as a sign na pumasok.Nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot. “Baby, si mommy ito.” Inilapag ko sa bedside table niya ang dala kong pagkain at umupo sa kama niya.Inalis niya ang kumot at tinignan ako. “What are you doing here?!” I gently smiled. “I brought you breakfast, anak.”Bumaba ang tingin niya sa pagkain at nag-iwas nang tingin.Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. “I miss you, baby ko.”Nakahinga ako nang maluwag nang hindi siya nagprotesta sa yakap ko. Pinunasan ko ang marka ng luha sa pisngi ni Sierra.“Alam mo, noong nalaman kong totoo kitang anak. Sobrang saya ko dahil ilang beses ko iyong ipinagdasal na sana…. Ako na lang ang mommy mo…” malumanay kong pagsisimula. Hinaplos ko ang pisngi niya. “You are such a dream come true for me and your dad because when we were

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 134

    I was caught off guard and it took long for me recover.“B-baby, please hear me out first…”Umiling si Sierra. “Ayaw!” sabi niya ‘tsaka ako tinalikuran.Napalunok ako at lumapit sa kanya. “A-anak, huwag naman ganito. I'm sorry, kung matagal nawala si mommy,” puno nang pagsusumamo ang boses ko.Hindi siya sumagot at akmang aakyat na nang niyakap ko siya. “Please, baby ko. Huwag ka ng magtampo kay mommy…” Nagpumiglas siya at narinig ko ang pag-iyak niya. “I don't like you anymore!”Mabilis akong umiling. “No please, d-don’t say that, anak.” “Leave ka na lang ulit. Sanay naman na akong iniiwan mo!” Nabitawan ko siya at napaatras ako. Pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko sa mga sinabi niya. My child’s words hurt me but it's more painful to hear her sobbing because of me…. It's all my fault.“Sierra!” dumagundong ang galit na boses ni Lev na nasa puno na ng hagdan. Bakas ang ugat sa leeg ni Lev at pamumula ng tainga niya.“Don't you ever say that to your mom!” Nag-iwas nang t

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 133

    Naalimpungatan ako sa pagtama ng araw sa pisngi ko. Nang lingunin ko si Lev ay mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakayakap sa akin. I gently touched his jaw, may mga balbas na siya at medyo pumayat din siya. Anong nagawa ko? Pinahirapan ko lang ang mga sarili namin. “I'm sorry, Lev,” my voice broke.Niyakap ko siya hanggang sa makatulog ulit ako.Nang magising ulit ako ay tulog pa rin si Lev. Kaya naisipan kong ipagluto siya. Tutal ay medyo maaga pa naman. Gusto kong bumawi sa kanya sa paraang alam ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sobrang na-miss ko ang ganitong scenario, ‘yong malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin…Patapos na ako sa pagluluto ng ulam at nasa paggawa na ako ng meryenda namin mamaya.Habang naghahalo ako ay nagulat ako nang biglang may maliit na kamay ang humihila ng damit ko. “Sino ikaw?! My mommy will be mad if you steal my daddy!” galit na sigaw ni Nigel. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay kilalang-kilala k

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 132

    Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ‘tsaka ako ngumiti. Bagong ligo ako at suot ko ang t-shirt ni Lev dahil wala na akong kasyang damit at shorts ko na kinuha ko lang.I feel so happy right now. I feel like I'm home…Kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Lev na nakaupo sa kama. Nilingon ko siya. “Bakit?”He smiled. “I like that you're wearing my clothes.” Umingos ako. “This is mine now.”Dumagundong ang tawa ni Lev sa buong kwarto. “Okay, ma'am. That's all yours. Besides, what mine is yours…” He winked at me.“Talaga!” mayabang kong sabi.Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng buhok ko.Sandali siyang nanahimik kaya hindi ko na siya pinansin.Habang nagsusuklay ako ng buhok ko ay naramdaman ko ang pagyakap ni Lev mula sa likod ko. Naramdaman kong hinaplos niya ang tiyan ko. “Babe, parang medyo busog ka ngayon?” alanganin niyang tanong.Natigilan ako at nilingon siya saglit. Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi sa kanya na buntis ako!Binasa ko ang labi ko at binaba ang

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 131

    He looked into my eyes and stepped closer. “Because Lucy or you known as Heidi was my twin, babe.” “A-ano?” gulat kong sigaw.Ngumiti siya nang maliit. “She's my twin, babe,” ulit niya.Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. All I can see in his eyes was sincerity.Umiling ako at itinuro siya. “Sinungaling! Kayong dalawa lang ni Louise ang magkapatid! Hindi mo man lang ginalingan ang palusot mo!” Niyakap niya ako pero nagpumiglas ako. “Sinungaling ka!” Umiling siya. “I’m telling the truth, babe. Lucy was my twin.”Umiyak ako nang umiyak. So, all this time? I'm so— Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa tumahan ako ay nanatili siyang tahimik.“P-paano nangyari ‘yon? Naguguluhan ako,” tanong ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha.Iginiya niya ako paupong sofa. “Lucy and I didn't grow up with each other because…” huminga nang malalim si Lev. “She was raised by our grandmother. Alam mo naman na masyadong magulo ang buhay namin noon dahil sa pagtatalo nila sa negosyo. Para prot

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 130

    Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin. Nagising na lang ako nang lumiwanag ang paligid dahil sa pagtanggal ng mga kahon. “Tianna, nandito na tayo sa bayan.”Ngumiti ako at tumayo.“Maraming salamat po.”Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako. “Tianna, wait lang. Ipinabibigay ito ni Mila sa ‘yo.” Inabot niya sa akin ang ilang libong pera.Nanlaki ang mga mata ko. “Po? Hindi na po kailangan. Sobrang laki na po ng naitulong ninyo sa akin.”Ngumisi siya. “Sige nga. Sabihin mo sa akin. Paano ka magsisimulang umuwi sa inyo kung wala kang pera?” istrikto niyang tanong.Natigilan ako. Oo nga.Kinuha ko ang pera. “Maraming salamat po. Maraming salamat…”Tipid siyang tumango. “Mag-iingat ka.”Pinagmamasdan ko ang truck na palayo sa akin.Ngayon ay nagsi-sink in na sa isip ko na ako na lang. Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula.Medyo mainit na rin ang sikat ng araw pero tiniis ko. Naglibot-libot ako sa lugar para malaman kung nasaan ako.Nagtanong-tanong a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status