NAIPAKILALA na ako ni Damon bilang Chief Operating Officer kaya naman hindi ko maiwasan ang kabahan. Ibang-iba ang karanasan na ito sa mga naranasan ko sa company ni dad."Next week ay magla-launch ng panibagong brand ng beer ang Royal Corporation. How about us? Baka maunahan nila tayo sa ranking. Remember, last month ay nasa pangalawa sila at may posibilidad na maunahan nila tayo kung wala tayong bagong produkto na mailalabas." Anang isang board of director."Yeah, we need to think at as soon as possible." Pag sang-ayon ng isa pa na halatang matagal na rin sa business industry."Okay. So, I urgently need the proposal of each in everyone here. Maybe tomorrow morning ay may maipakita na kayo para magawan agad natin ng paraan ang pag-launch ng bagong produkto natin." Ani Damon na agad naman'g sinang-ayunan ng lahat.Para akong yelo na tumigas na sa aking kinauupuan. Wala akong masabi at hindi ko alam kung ano nga ba ang pwede kong maging proposal para sa bagong product."Bukas ay bi
PAGKATAPOS akong ihatid ni Trisha sa bahay ay hindi ko inaasahan na tutulungan niya pa ako sa pagluluto at paglilinis."Trish, thanks for today. Kaya ko na 'to. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na.""Sure ka? Pwede naman ako mag-stay pa dito. I can help you to cook and-""Hmm, naisip ko na tama ka nga! Kailangan kong asikasuhin ang mga gawaing bahay dahil wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang.""Whoah! Is that really you, Ma'am Freya?" bulalas niya at kaagad akong hinawakan sa noo at leeg. "Wala ka naman lagnat pero bakit bigla ka na lang nagkaganyan?""How dare you! Wala akong lagnat!" reklamo ko."OMG! Nakaka-proud ka naman Mrs. Fuentebella!" giit pa niya."Umuwi ka na nga! It's already seven in the evening! Tutulungan mo pa ako sa pag gawa ng proposal para sa meeting bukas.""Hmm, mabuti naman at naalala mo. Sa tingin ko, mas mainam kung dito muna ako mag-stay for tonight para mas mabilis natin 'yan magawa!" suggestion niya na agad kong ikinatuwa."Reall
KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm ni Trisha.Kaya kahit inaantok pa ako ay napilitan akong bumangon."Ang aga naman ng alarm mo!" reklamo ko."You need to get up early. You're going to cook breakfast at kailangan mo din na plantsahin ang isusuot niyo ni Sir Damon." Sa sinabi ni Trisha ay muli akong nahiga sa kama. "Ang dami ko naman pa lang obligasyon sa buhay!"nakasimangot na sambit ko habang nakatingin ako sa kisame."That's the reality of life!" giit pa niya. "Get up now! Baka mauna pa sa'yo si Sir Damon."Tss! Yes madam! Thank you for reminding me of how difficult to live in this freaking world." Nakairap kong sambit bago ako tuluyan'g bumangon.Maya-maya lang ay bumangon na rin si Trisha. "Kailangan ko na din pa lang umalis. Nasa bahay ang uniform ko.""Huh? You can wash your uniform here. You can also use the dryer." I insist."Oh, thanks, but I badly needed to go home right away. Remember, you told me to move here so, I need to pack up my stuff
HINDI agad ako nakapagsalita nang makita ko ang mga magulang ni Damon. Tila ba umurong ang aking dila sa hindi ko malaman na dahilan."Hey! Hindi ka ba masaya na dumalaw kami rito?" Anang ina ni Damon."Ofcourse, i'm happy mom! Sorry, nagulat lang ako sa biglaan niyong pagdating. Uhm, nag-almusal na ba kayo? Do'n na lang muna kayo sa sala maghintay at ipagluluto ko kayo." Nakangiting sambit ko."Huwag mo kaming intindihin. Busog kami. Naisipan lang namin na dumaan dito." Giit pa ng kanyang ina. "By the way, where is Damon?"'Uhm, nasa banyo, naliligo."Nahihiyang sagot ko."Hmm, honey, I think we should wait them in the living room." Sabad ng ama ni Damon."Yeah, you're right honey."Kaagad nila akong tinalikuran ngunit nagmadali rin akong sundan sila sa sala. "Mom, dad...you want something yo drin""Oh, we're okay, Freya. Go back to your room at dito na lang namin kayo hihintayin." Nakangiting wika ng ama ni Damon.Bumalik ako sa silid at nakahinga ako ng maluwag nang makita
ANG ina na rin ni Damon ang nagluto ng aming hapunan kaya kahit naiinis ako sa presensya niya ay bahagya ko rin naman na ikinatuwa 'yon dahil kahit paano ay may makakatulong ako sa mga gawaing bahay.Kaagad na naghain ng pagkain si Mommy Diana kaya't napilitan na rin akong kumain. Kaya lang ay bigla kong naalala si Trisha. Nag-offer nga pala ako sa kanya na lumipat na lang siya dito sa bahay ko. Kaya lang ay naririto naman ang mother in law ko na feeling maganda.Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nagboluntaryong maghugas ng mga plato ngunit hindi pa rin siya pumayag. "Mom, let me wash the dishes. I know your tired and-""I'm okay, Freya. Go ahead, You need some rest.""But mom-""No more but's just go to your room. Maghapon kayong napagod at na-stressed sa office kaya kailangan niyong magpahinga at matulog.""Hindi pa naman ako inaantok mom." I still insist but it doesn't convince her.Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunid na lamang.Pagbukas ko ng silid ay naabu
BUONG maghapon akong hindi kinausap ni Damon. Maging ang pagkain na binili ko kaninang tanghali ay hindi niya man lang tinikman. "Paano 'yan, sasabay ka ba sa kanya pauwi?" Ani Trisha na sukbit na ang kanyang shoulder bag."Yeah. Susubukan konrin siyang kausapin lara hindi na tumagal 'tong tampuhan namin.""Tss, nagi-guilty ka eh siya naman 'tong may kasalanan.""Hmm, pero nasaktan ko pa rin siya.""He deserves that! Huwag ka nga diyan magpanggap na santa. Hindi ganyan ang dating Freya na nakilala ko! Palaban 'yon at may paninindigan sa buhay!""Tss, i'm trying my best para magbago.""Really? Siya ba, nasa vocabulary niya man lang ang magbago? Gosh! Sobra ka ng inaapi ng tao na 'yon! Hmm, baka naman inlove ka na sa kanya kaya nagkakaganyan ka!""Trish, he's my husband so, I need to-""And you are his wife! Wala siyang pakialam sa feelings mo! Maraming beses mo na siyang sinuyo. Pero anong napapala mo? Wala di'ba?"Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga bago ko siya sinago
HINDI ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip ng mga sinabi ni Damon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gano'n na lang kalaki ang tiwala niya sa Allison na 'yon.Lumabas ako ng silid para masimulan ko na ang mga gawaing bahay at matapos ako ng mas maaga lalo na ang paglalaba. Naisip kong dalawin ngayon sina mommy at daddy tutal ay linggo naman.Ayoko rin na magmukmok maghapon dito sa bahay. Baka lalo lang akong ma-stress kay Damon.Hindi na ako nag-abalang magluto pa ng almusal dahil paniguradong hindi niya naman iyon kakainin.Makalipas ang mahigit dalawang oras ay natapos ko na ang lahat ng gawain.Bumalik ako sa aming silid para magligo at magbihis.Si Damon ay bumalik muli sa guest room. Doon na rin siya natulog kagabi.Habang nag-aayos ako ng aking sirili ay bahagya akong natigilan. Napaisip ako kung magpapaalam pa ba ako ngayon kay Damon o hindi. Kalauna'y napagpasyahan kong huwag na lang dahil wala naman pala siyang pakialam saakin.
IT'S already ten in the evening when I got home and as I open the door, I saw Damon in the living room...busy watching television.Dahan-dahan akong naglakad paakyat sa hagdan para lang hindi ako makalikha ng ingay at nang hindi niya mapansin ang pagdating ko. Kaya lang ay naroon pa 'lang ako sa ikalawang baitang ng hagdan ay bigla ng nagsalita si Damon."Wala ka man lang balak na sabihin kung saan ka galing?" Aniya na bakatuon pa rin sa tv ang kanyang paningin.Naiinis na nilapitan ko siya. "Maniniwala ka ba kung sabihin kong galing akonsa bahay ng mga magulang ko? For sure naman'g hindi. Dahil wala ka naman ibang pinapaniwalaan kundi ang sarili mo lamang."Kaagad nitong pinatay ang tv. Kapagkuwa'y tumayo at seryosong tumitig saakin. "As your husband, karapatan kung malaman kung saan pumupunta ang asawa ko!""Tss, alam mo naman kung nasaan ako di'ba? Tinawagan mo na ang mga magulang natin. Don't tell me na hindi ka pa rin satisfied sa sagot nila? And for your information, pum