Share

Chapter Three: Annoyed

HINDI ko magawang lunukin ang pagkain habang kaharap ko ang lalaking kinasusuklaman ko. Kaya naman hindi na ako nakatiis pa at nagpaalam na ako sa kanila . Hindi ko na talaga kaya pang makasama ang lalaking iyon kaya't napagdesisyunan kong lumabas at magtungo na lang sa hardin.

Doon ay malaya kong pinagmasdan ang mga bulaklak na sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin. Ilang buntong hininga rin ang aking pinakawalan at pagkatapos ay walang pag-aalinlangan na kinausap ko ang aking sarili.

"Self, kaya mo pa ba?" hindi ko namalayan'g lumuluha na pala ako. "Nakakapagod na rin pala no'h? Buong buhay ko, wala na akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng kagustuhan nina mommy at daddy. Bente kuwatro anyos na ako pero nakadepende pa rin sa kanila ang lahat ng desisyon ko sa buhay. Bakit gano'n? Bakit hindi pwedeng ako naman ang magdesisyon para sa sarili ko?" Malakas ang tinig na pagkausap ko sa aking sarili. Kapagkuwa'y isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa dalawa kong tuhod at pagkatapos ay tuluyan na nga akong napahagulhol.

"Bakit ang unfair ng mundo?"Sigaw ko habang patuloy pa rin akong umiiyak. Subalit hindi ko inaasahan'g nasundan pala ako ni Mr. Fuentebella. Bigla na lang itong lumitaw sa aking harapan at diretsong nakatitig saakin habang iniaabot ang kanyang panyo.

"Akala ko pa naman matapang ka. Ubod ka pala ng iyakin." Anito na mababakas sa tinig ang pang-aasar saakin. "gamitin mo na 'tong panyo ko. Nakakadiri kaya'ng pagmasdan ang uhog mong kanina pang naglalabas-masok diyan sa ilong mo." Dagdag pa nito.

Inirapan ko ito at paangil na hinablot ko ang kanyang panyo.

"Paano mo nalaman na nandito ako? Hmm...bukod sa pagiging mandurukot, stalker ka rin pala huh."

"Tsk...tawagin mo na ako sa lahat ng paraan na gusto mo. Ang mahalaga ay hindi ako praning na katulad mo." Aniya na pagak pang natawa. " Kinakausap ang sarili. huh! As if naman'g sasagot 'yan." Patuloy niyang pang-aasar saakin.

"Alam mo Mr. Mandu, kung mabibigyan ako ng pagkakataon na mamili ng makakausap, aba'y mas pipiliin ko pa ang sarili ko. Mas pipiliin ko pang makipag-usap sa sarili ko kaysa makipag-usap sa hambog na kagaya mo!"

Nagkibit balikat lamang ito at ang hudyo ay naupo pa nga sa tabi ko.

Balak ko sana siyang ipagtabuyan, ngunit nagulat ako nang bigla siyang sumeryoso at matinong nagtanong saakin.

"Bakit hindi mo subukan'g kumbinsihin ang mga magulang mo na huwag na lang ituloy ang plano?"bigla akong napalingon sa gawi ni Mr. Fuentebella.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntonghininga bago ko siya sinagot ng isang panibagong katanungan. "Hmm...sa tingin mo hindi ko pa nagagawa 'yon?"

Muli siyang nagkibit balikat. " Uhm...what if 'yong boyfriend mo na lang ang yayain mong magpakasal nang sa gayo'n ay hindi tayo nahihirapan sa sitwasyon?" giit pa niya.

"Baliw ka ba? Kung may boyfriend ako, sa palagay mo kaya, hindi ko maiisip 'yon?" muli ay pabalang kong balik tanong.

"Sabagay, kahit sino naman yata'ng lalaki ay hindi talaga magugustuhan ang ugali mo. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit wala ka nga'ng boyfriend." Aniya na sinabayan pa ng pagngisi.

Mas lalo lamang nadagdagan ang pagkamuhi ko sa kanya.

"Kung wala ka rin lang matinong sasabihin, mas mainam pa siguro kung bumalik ka na lang do'n sa pamilya mo." Pagtataboy ko sa kanya.

"Okay." Tipid niyang tugon at mabilis nga itong tumayo. Ngunit sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla ko na lang siyang hinawakan sa braso.

"Sandali!"

"Bakit? Hmm...don't tell me na may nawala na naman sa'yo?" sarkastiko niyang sambit.

Bahagya akong natigilan.

Napaisip rin ako kung bakit ko nga ba siya pinigilan.

Kaya naman makalipas ang ilang segundo na hindi pa rin ako nagsasalita ay nagpasya na nga itong umalis.

Nakakadalawang hakbang pa 'lang si Mr. Fuentebella nang magkaroon na ako ng lakas ng loob upang huningi sa kanya ng paumanhin tungkol sa nangyari kahapon.

"So-sorry." Naiilang kong sambit dahilan upang muling mapahinto siya sa paghakbang at dahan-dahan akong nilingon.

"For?" aniya sa nang-aasar na tinig.

"Tsk...nang-aasar ka pa eh alam mo naman kung alin ang tinutukoy ko eh!" nakangusong reklamo ko.

"Actually, hindi ko talaga alam pero kung ayaw mo naman'g sabihin, eh 'di okay lang din naman. Kaya lang hindi ako basta-bastang tumatanggap ng sorry kung hindi ko naman alam king para saan 'yon." Giit pa niya na sinundan ng pag kibit ng kanyang balikat.

Napipikon na talaga ako sa lalaking ito. Lalo na sa tuwing magkikibit balikat ito. Pakiwari ko kasi ay mas nagiging doble ang pang iinsulto niya saakin.

"Bahala ka sa buhay mo! Napakayabang mo! Humihingi na nga ako ng paumanhin eh."

"Hindi ako tumatanggap ng sorry na halatang hindi naman sincere!" pahabol na sigaw nito bago ako tuluyan'g nilayasan.

Mas lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob ko matapos kong makipag-usap sa lalaking iyon.

KINABUKASAN ay nagising na lamang ako dahil sa sunud-sunod na pagkatok ni mommy sa pintuan ng aking silid.

Nakasimangot na pinagbuksan ko siya ng pinto.

"What is it mom?" puno ng iritasyon sa aking tinig.

"Ano ba 'yan Freya! Alas otso na oh! Wala ka bang balak na-"

"Mom, i'm the boss kaya okay lang kahit late na akong pumunta sa kompanya. At saka masyado na akong nai-stress sa buhay ko kaya hayaan niyo muna akong matulog." Patuloy na pagrereklamo ko.

"Tsk...nasa labas si Damon. Nakakahiya naman kung paghihintayin mo siya ng matagal."

"Who's Damon, mom?"

"Really, huh? Hindi mo talaga alam ang pangalan ng fiance mo?" gulat na tanong ng aking ina.

"Mom, kung ang tinutukoy mo ay ang lalaking balak niyong ipakasal saakin. Pasensiya na pero hindi ako interesado sa kanya. Kaya't walang dahilan para matandaan ko ang pangalan niya." Naiinis pa rin'g wika ko.

"Dalian mo na! Ayusin mo na ang sarili mo. Hihintayin kita sa sala."

"Mom, paalisin niyo na siya. I have my own car at kaya kong magmaneho. Kaya ko rin'g pumasok sa trabaho ng mag-isa lang." Giit ko pa.

"Freya, napag-usapan na natin 'to kagabi ah. Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo?"

"Mom, inuulit ko po, hindi ko pa kayang makasama siya. Bigyan niyo naman ako ng kahit kaunting panahon para mapag-isipan ang mga desisyon niyo ni dad. Ang hirap kasi mom eh!" Bahagya ng gumaralgal ang aking tinig. Kaya naman hindi ko na hinintay na sumagot pa si mom.

Muli ko ng isinarado ang pinto at bumalik ako sa higaan.

Sinubukan kong matulog ulit ngunit hindi na nga ako pinagbigyan ng kapalaran. Kahit anong gawin kong pagpikit ay gising na gising pa rin ang aking diwa. Nagpabiling-biling na ako sa higaan hanggang sa nainis na lamang ako.

Muli akong bumangon. Dumiretso ako sa banyo at naligo.

Pagkatapos ay nagmadali na akong magbihis at mag-ayos ng aking sarili. Hanggang sa namalayan ko na lamang na bumababa na ako ng hagdan at tinatalunton ang patungong sala kung saan ay naroon si Mr. Fuentebella.

Prente itong nakaupo sa couch habang kausap sina mom at dad.

At nang makita nitong papalapit na ako sa kanila ay biglang itong tumayo at sinalubong ako.

Sinubukan niya akong batiin ngunit hindi ko man lang 'yon pinansin.

"Mabuti naman at nariyan ka na iha. Sinamahan na namin si Damon dito sa sala para hindi mainip sa paghihintay sa'yo." Nakangiting wika ng aking ina.

Nanatili lamang akong tahimik. Kapagkuwa'y muli kong binalingan si Mr. Fuentebella. Sinenyasan ko itong aalis na kami at agd niya naman'g naunawaan.

Nauna akong lumabas ng bahay at nang kami na lang dalawa ni Damon ang magkaharap ay sinimulan ko na itong komprontahin.

"Hoy, Mr. Fuentebella!" singhal ko rito, dahilan upang huminto siya sa pagbukas ng kanyang kotse.

"Hmm?" kalmadong tugon niya.

"Ilang taon ka na ba?" nakairap kong tanong sa kanya.

Kunot noong napatitig siya saakin. "Why did you asked?"

"Basta! Sagutin mo na lang kasi Mr. Mandu!" Pinandilatan ko pa ito ng aking mga mata upang mas lalong maasar saakin.

"Twenty eight." Tipid niyang tugon.

"Yon naman pala eh! Twenty eight ka na pero bakit ang hirap mong makaintindi? Bakit hindi mo maintindihan na ayokong magpakasal sa'yo? Bakit pumunta ka pa rito?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Sa halip na sumagot ay binalewala lamang ako nito.

Walang imik na sumakay na ito sa kanyang kotse at kapagkuwa'y bigla na lang dumungaw sa bintana para lang sigawan ako.

"Get inside the car, brat!"

"Tsk, nakakabwisit na ang lalaking ito! Akala mo kung sinong guwapo!" Bubulong-bulong na sambit ko. Gayunpaman ay wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay na lamang sa kanyang sasakyan.

Padabog na umupo ako sa tabi niya. Kaya naman napailing na lamang si Damon sa inasal ko.

Hindi ito nagkomento. Basta na lang nito pinaandar ang kanyang sasakyan.

Maya-maya pa'y nagtaka na ako kung balit ibang daan ang tinatahak namin.

"Hoy, akala ko ba ihahatid mo ako sa opisina ko?"

"Hindi. Kailangan muna natin'g mag-usap ng masinsinan Miss Alcantara." Seryoso niyang tugon.

"Kung popilitin mo lang din naman akong magpasakal sa'yo, aba'y huwag ka ng magtangka na kausapin pa ako dahil ayoko ng pag-usapan pa 'yon."

"Wether you like it or not. Pag-uusapan pa rin natin ang tungkol sa bagay na 'yon." Maawtoridad niyang tugon.

Inirapan ko na lang siya.

Hindi na rin naman siya kumibo at ipinagpatuloy na lang ang pagmaneho.

Huminto kami sa tapat ng isang Italian Restaurant.

Bumaba siya sa kotse at animo'y isang boss na naman kung umasta.

"Lumabas ka na diyan!"

"Tsk...arogante! Hindi man lang magpaka-gentleman!" singhal ko sa kanya ngunit hindi niya na iyon narinig pa dahil nagpatiuna na siyang maglakad papasok sa restaurant.

Ako naman ay halos tumakbo na para lang maabutan siya. Ngunit wala pa rin talaga. Kay laki ng mga hakbang niya at kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin siya maabutan.

Nang tuluyan na siyang makahanap ng bakanteng mesa ay agad na siyang naupo. Tinawag niya na rin ang waiter kaya naman mas lalo lamang sumama ang loob ko dahil hindi niya man lang ako nagawang hintayin. Hindi niya rin ako ipinaghila ng silya kaya't nakasimangot na umupo na lang ako roon sa katapat niyang upuan.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani saamin. At nabasag lamang iyon nang dumating na ang mga pagkaing in-order ni Damon.

Subalit labis nag aking pagkadismaya nang makita kong para lamang pala sa kanya ang mga pagkain na iyon.

Bahagya ako tumalikod at napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa sobrang pagkainis ko sa kanya.

"Ang lintik na lalaking ito, akala ko pa naman ay ililibre niya ako kahit kape man lang sana." Gigil na pagkausap ko sa aking sarili.

Muli akong humarap at pinagmasdan ko na lang siyang kumain.

Ngunit bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng aking tiyan. Palibhasa ay wala akong maayos na kain kagabi, tapos kanina ay hindi rin ako nag-almusal kaya siguro nagrereklamo na rin ang aking mga bulate.

Nakapangalumbaba lang ako habang naghihintay na matapos si Damon.

Subalit mas lalo pa akong nakaramdam ng inis nang matapos na siyang kumain at bigla niya akong tanungin.

"How about you? Wala ka bang balak na um-order ng pagkain?"

"Wala akong ganang kumain." Walang gana kong sagot. "Simulan na lang kaya natin'g pag-usapan ang tungkol sa planong kasal ng ating mga magulang."

"Okay." Tipid niyang tugon na sinundan ng isang malalim na pagbuntonghininga.

"Actually, hindi ko rin naman ginusto ang kasalan'g sinasabi nila eh." Panimula niya.

"Oh, 'yon naman pala eh! Bakit hindi mo kumbinsihin ang mga magulang mo na-"

"Enough! Hindi mo kasi naiintindihan Freya!" Bulyaw niya. "Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa mga magulang mo, kaya't kahit mali, kahit alam nilang kaligayahan ko ang nakasalalay rito...wala silang pakialam. Basta masuklian lang nila ang kabutihan'g nagawa ng pamilya mo."

"Da-Damon, hi-hindi kita maintindihan."

"Hindi mo talaga ako maiintindihan hangga't hindi ka pumapayag na magpakasal saakin."

"Nahihibang ka na ba? Hindi tayo nagmamahalan kaya't walang kasalan'g magaganap!" Giit ko pa.

"Sa tingin mo, gano'n lang kadali iyon" Sarkastiko niyang wika na sinundan pa ng pagak na pagtawa. "Tandaan mo, parehong kompanya natin ang nakasalalay sa kasal na ito. Kaya, wether you like it or not, magpapakasal pa rin tayo." Kalmado niya pa rin'g pahayag.

"Hell no!" singhal ko sa kanya, dahilan upang mapatingin na sa amin ang lahat ng taong kumakain sa restaurant na iyon.

"Kumalma ka nga!" ani Damon na puno ng iritasyon ang tinig.

"Paano akong kakalma eh wala ka ng ibang bukambibig kundi ang letseng kasal na-"

Hindi ko na naituloy pa ang iba kong sasabihin sa kanya dahil bigla niya na lang akong kinabig at bahagya pang namilog ang aking mga mata nang tuluyan niyang paglapatin ang aming mga labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status