Share

Chapter Two: Visitor

TULALA pa rin ako habang nakaupo sa aking swivel chair dito sa office. Wala rin akong maayos na tulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga sinabi ni dad. Kaya naman hindi ko na rin namalayan ang paglapit saakin ng sekretarya ni dad at kanina pa pala itong nagsasalita saakin'g harapan.

"Ma'am Freya, kanina ka pa po na hinihintay sa conference room!" muli niyang sambit at sa pagkakataong ito ay iwinagayway niya na ang kanyang kamay sa mismong tapat ng mukha ko.

"Oh, i'm sorry Trisha."

"Okay ka lang ba ma'am? Kanina pa po ako rito sa harapan niyo pero-"

"Okay lang ako. Sige na, susunod na lang ako sa conference room." Pagpigil ko sa iba pang sasabihin ng sekretarya.

Akmang lalabas na ako ng opisina ko nang bigla naman'g tumunog ang aking cellphone.

Sinipat ko kung sino nga ba ang tumatawag. Ngunit unregistered number iyon kaya't sa halip na sagutin ay mas minabuti ko na lang na patayin ang tawag na iyon. At pagkatapos ay sinadya ko na lang na iwanan ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa.

Nang matapos ang meeting ay muli akong bumalik sa office ngunit gayo'n na lamang ang pagkagulat ko matapos kong maabutan roon ang isang bisita na kahit kailan ay hindi ko man lang inaasahan'g dadalaw saakin.

"Trisha, anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" sita ko sa sekretarya na halatang aliw na aliw makipag-usap sa lalaking 'yon.

"Eh ma'am ayaw ko sana siyang patuluyin kaso masyado po'ng makulit eh." Pangangatwiran pa niya.

"My god Trish! You know the rules and regulation of our company, right?" mataray na pagkausap ko kay Trisha.

"Huwag mo ng pagalitan ang sekretarya mo. Actually, kasalanan mo naman eh kung bakit ako ngayon naririto sa harapan mo." Seryosong sambit ng lalaki.

"Ma'am, iwanan ko na muna kayo ni sir. Mukhang may LQ kayo eh." Pabirong tugon pa ng sekretarya dahilan upang lalong mag-init ang ulo ko.

"LQ? As in Lovers Quarrel? At sinong may sabi sa'yo na boyfriend ko ang Mister Mandurukot na ito?" nanlilisik ang mga matang singhal ko kay Trisha.

"Tsk...sige na Trish. Ako na ang bahalang makipag-usap dito sa boss mo." Anang hambog na lalaki na kung umasta ay parang kilalang-kilala niya na ako.

"Anong ginagawa mo rito Mr. Mandu?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "At saka paano mo ako nahanap? Aha! Hulaan ko, hindi ka lang basta-basta mandurukot. Magaling ka rin-"

"Will you please shut up for atleast one minute, brat?" aniya, dahilan upang kunot noo akong mapahinto sa pagsasalita. Nilapitan niya ako at mariing hinawakan sa magkabila kong balikat.

Naasiwa ako sa kanyang gianwa kaya naman naiinis na sinigawan ko siya. "Bakit ka ba naririto? Ano bang kailangan mo? Pera?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang kailangan ko Miss Freya!" gigil niyang tugon sa mismong tapat ng mukha ko. "Pumunta kahapon sa presinto ang abogado ko at hindi ka na niya inabutan. Sinabi rin ng mga pulis na hindi naman talaga nawala ang wallet mo. Tapos ano? Wala ka man lang bang balak na humingi ng paumanhin sa mga pangbibintang mo saakin? Huh?" Giit pa niya na ngayon ay ramdam ko na ang higpit ng pagkakahawak niya sa magkabila kong balikat.

"Ano ba? Nasasaktan na ako Mr. Mandu!" reklamo ko, ngunit hindi niya pa rin ako binitiwan.

"Will you please stop calling me that kind of criminal nickname? I'm Damon Fuentebella! Not Mandu!" pagtatama niya sa kanyang pangalan ngunit hindi pa rin ako nakinig. " Mas masasaktan ka pa sa'kin kapag hindi ka man lang nag-sorry sa pagpapahiya at pang-aabala mo saakin kahapon." Seryosong sambit niya ngunit binalewala ko pa rin iyon.

"Eh kung ayoko mag-sorry? May magagawa ka ba?" pagtataray ko pa rito.

"Then, it's okay! But don't you dare to beg, once i did my part." Halos pabulong niyang sambit bago niya ako pinakawalan.

"W-what do you mean?" naguguluhan'g tanong ko sa kanya.

Pagak itong natawa at pagkatapos ay pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Look at you, ang ganda mo. Ang sexy at para kang barbie doll diyan sa mahaba at kulot mong buhok. Kaso, medyo hindi nga lang kinumpleto ni God ang kagandahan na ibinigay sa'yo. Kasi, 'yong dila mo hindi masyadong maganda 'yong tabas eh. 'Yong mata mo naman halos tumagilid na sa kakairap at saka 'yong ugali mo, hindi maganda 'yong pagkakahulma. Maraming lubak na parte." Nakangiwing pahayag ni Mr. Fuentebella.

"Hoy, Mr. mandu! Kung may masama man sa'tin ang ugali, walang iba 'yon kundi ikaw! Lalaki kang tao tapos ang lakas ng loob mong manlait ng kapwa. Tsk!"

"Sa korte na lang natin 'yan pag-usapan Miss Alcantara."

"Ano? Don't tell me na-"

"Yes Miss Alcantara! Ako naman ngayon ang magdadala sa'yo sa presinto. Kakasuhan rin kita dahil sa pambibintang mo saakin." Kalmado ng sambit ng lalaki. Kapagkuwa'y tinalikuran na ako.

"Hoy, sandali nga!" sigaw ko rito subalit imbes na lingunin ako, animo'y isang bingi ito na tuloy-tuloy lamang sa paglalakad palabas ng opisina ko.

NANG sumapit ang alas singko ng hapon ay tinatamad na nagligpit ako ng mga gamit ko. Sa totoo lang ay tinatamad talaga akong umuwi ng bahay dahil paniguradong uungkatin na naman ni dad ang tungkol sa arrange marriage na tinutukoy niya.

Pansamantala akong huminto sa aking ginagawa. naupo akong muli at bahagyang nag-isip ng pwede kong gawin at puntahan para malibang man lang ang aking sarili. Subalit hindi pa man umiinit sa upuan ang aking puwit ay bigla naman'g tumawag si mom.

"Mom?" walang gana'ng sambit ko.

"Umuwi ka ng maaga.Nagpahanda ang dad mo ng magarbong hapunan dahil darating daw ngayon ang anak ng kaibigan niya at kailangan ay naririto ka para magkakilala na kayo."

"What? Mom, nagbibiro lang si dad di'ba? Mom-"

"Seryoso ang dad mo sa mga sinabi niya kaya't wala tayong magagawa kundi sundin na lamang iyon. Para din naman ito sa kapakanan mo honey."

"No! Para lang 'to sa kapakanan niyo mom!"

"Iha, dito na tayo mag-usap sa bahay."

Hindi na ako sumagot pa. Pinatay ko na rin ang tawag ni mom at muli na naman akong nilamon ng kalungkutan.

Kahit labag sa kalooban ko ang umuwi ay napilitan na rin ako. Kaya naman habang nagmamaneho ay kung anu-anong scenario ang pumasok sa isip ko.

Hindi ko rin maiwasan'g isipin ang hitsura at ugali ng lalaking tinutukoy ni dad. "What if masamang tao pala ito at kapag nakasal na kami ay matulad ako sa ibang baabe na sinasaktan at binubugbog ng asawa? What if ang pangit niya pala at ang tanda na?" Bigla akong kinilabutan sa mga isipin'g 'yon. Hanggang sa makarating na nga ako sa bahay ay iyon pa rin ang laman ng isip ko.

Sinalubong agad ako ni mom ng isang matamis at malapad na ngiti. "Thank you honey! Akala ko ay hindi ka uuwi ng maaga." Aniya na binalewala ko lamang.

"Dideretso na ako sa aking silid mom. Pagod at inaantok na po ako." Paalam ko sa kanya dahilan upang mapalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Pero maya-maya lang ay darating na ang mga bisita. kailangan ay naroon ka nang sa gayon ay magkakilala na kayo ng maayos ng mapapangasawa mo." Giit pa ng aking ina.

"Mom, baka naman pwedeng pagpahingahin mo muna ako kahit saglit lang oh. Pagod ako maghapon sa pag-aasikaso ng kompanya natin. baka pwede naman'g sumunod na lang ako kapag nariyan na sila."Walang emosyon na pahayag ko.

"Oh, i'm sorry honey. Kakatukin na lang kita saiyong silid sa oras na dumating na sila." Ani mom na hindi ko na sinagot pa.

Walang lingon likod na tinungo ko ang aking silid at pabagsak akong humilata sa aking kama.

Muli na naman akong nagmuni-muni. At makalipas ang halos kalahating oras ay biglang kumatok si mom sa pintuan ng aking silid.

Tinatamad na bumangon ako. Hindi na rin ako nagbihis. Suot ko pa rin ang uniporme ng aming kompanya. Hindi na rin ako nag-abalang mag-ayos ng aking sarili. maging ang gusot kong buhok ay hindi ko na nagawang suklayin pa.

Balak kong pakitaan ng pangit na hitsura ko ang panauhin ni dad nang sa gayon ay hindi niya ako magustuhan. Iyon na lamang kasi ang naiisip kong paran upang hindi matuloy ang aming kasal.

Bagama't hindi ko pa iyon nakikita, natitiyak kong hindi niya na magugustuhan ang hitsura ko ngayon. Bahagya ko pa nga'ng inamoy-amoy ang aking sarili. Medyo amoy pawis na rin ang aking uniporme kaya't labis akong natuwa at nakikiayon naman ang pagkakataon sa plano ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa hapag kainan. Subalit gayo'n na lamang ang aking pagkamangha matapos kong mapagsino ang lalaking naririto ngayon sa aking harapan. Ang lalaking itinakda ng aking mga magulang na ipakilala saakin at ang allaking kinaiinisan ko simula pa kahapon ay iisa lamang.

Nagkagulatan pa nga kami nang tuluyan na akong makaupo sa katapat niyang silya.

"Mister Mandurukot?/Miss Spoiled Brat?" namimilog ang mga matang singhal namin sa isa't-isa.

Pakiwari ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa nang mga sandaling iyon.

Sa dinami-rami kasi ng lalaki sa mundo, hindi ko maintindihan kung bakit ang Mr. Fuentebella pa na 'yon ang napili ni dad?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status