Share

Chapter 4

(Reese's POV)

NAKAKUNOT ang noo ko habang sinasagutan ang practice problems na ibinigay kanina ng teacher namin sa  CE 151. Nakinig naman ako ng maayos kanina att na-gets ko naman ang gagawin  pero hindi ako makapag-focus dahil wala dito ang isip ko. Hanggang ngayon, kahit kahapon pa nangyari, hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nalaman ko.

            "Matagal pa ang mahal na araw pero biyernes santo na 'yang mukha mo."

            Nag-angat ako ng ulo at tinignan ng matalim si Olive. She's in front of me drinking her favorite drink. "Sapakin kaya kita?" walang kangiti-ngiting tanong ko.

            Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.  Lalo na at hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung  binayaran na ang utang ng orphanage, Ngayon ang huling araw ng palugit nila and I know that any minute, pupunta na naman sa orphanage ang abogadong 'yon.

            "Dahil pa rin ba sa orphanage?"

            "Ano pa nga ba?" I slouched on my chair and sighed.

            "Anong resulta ng  lakad mo kahapon?"

            I massaged my temples. Just thinking of that, I'm already getting frustrated. I called him last night pero ang sinabi lang niya ay marunong daw siyangg tumupad sa usapan basta siguraduhin ko daw na tutupad din ako. As if namang susuway ako kung mahalaga ang nakasalalay?

            "I'm just waiting for—" Tumunog ang cellphone ko na kaya natigil ako sa pagsasalita. Someone's calling and it is Sister Dolores. I gritted my teeth when I thought that  maybe that lawyer's there again. Masasapak ko 'yon kapag hindi ako nakapagtimpi.

            "Hello, Sister!" bati ko. "May problema po ba?"

            "May klase ba kayo, iha?" Halata ang kaba at pag-a-alala sa boses niyya kaya kinabahan ako.

            "Wala po. Nasa apartment po  kami. Bakit  po?" Hindi pa ba binabayaran ang utang? Ano pa bang  kailangan ng tatay ko para tulungan ako? Pumayag na ako sa kondisyon niya. Alam niyang  hindi ako bumabali sa usapan kaya bakit ganito?

            "P'wede ba kayong pumunta ngayon dito? May sasabihin daw si Attorney, iha."

            Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Talagang tama ang hinala kong nasa orphanage ang abogado. "Papunta na po." Pinatay ko na ang tawag at inayos ang mga notes ko. "Sa orphanage tayo, Olive."

            Agad naman siyang tumayo para kunin ang mga gamit niya. Wallet at cellphone lang ang dinala ko. Pagdating namin sa orphanage, sa garden kami dumiretso dahil sa sabi ni Sister,  kami lang daw kkasi ang gustong kausapin ng  abogado. At naabutan nga naming prente itong naka-upo na para bang kanya ang lugar. Nang makalapit kami ay napansin kong tumaas ang isang sulok ng labi niya na ikinakuyom ng mga palad ko. Grabe ang pagtitimpi kong sapakin ito.

            "Sabihin mo na  kung anong sasabihin mo bago kita masapak, Attorney," I commanded with clenched fists and gritted teeth. He let out  an amused chuckle before standing up and facing me with a grin. Gusto ko na talaga siyang sapakin para mabura ang ngisi niya.

            "You told me last time that it's hard to pay the debt in a month," he recalled what I said the last time we talked—argued to be exact.

            Napa-ismid ako. "Ngayon mo lang ba na-realize, Attorney?" I laughed with no humor before looking at him directly in the eyes. "Just get straight to the  point, Attorney Alexander Martin. Stop wasting both our time."

            He shook his head with laugher, amused with my attitude. We just watched him until he became serious. "You did a great job, Miss Lincoln." My forehead creased, confused on what he said. "You just saved this orphanage." Kinuha niya ang brown ennvelope na  nnasa lammesa at inabot  sa'kin.

            Still confused, I opened it. I gasped, my jaw dropped and my started beating fast because of what I saw. I can't believe my eyes so I looked at Olive who's covering her mouth using her hands, shocked like me.

            "Wala na kayong utang." I looked at  him. "Sa inyo na rin ang  lupa." And for the first time since we met, he smiled—a genuine one.

            "H-Hindi ka naman nagbibiro, 'di ba?" paninigurado ko na ikinatawa niya. "Sumagot ka ng maayos, Martin," sita ko.

            "That's legit, Lincoln," sagot niya bago tuluyang nagpaalam. Sinundan na lang namin siya ni Olive ng tingin at ng mawala ito sa paningin namin ay bigla na lang nagsisigaw si Olive.

            "Yes! Oh my gosh! Problem solved!" she exclaimed while jumping up and  down like a child. And when she stopped jumping, she looked at me with a smile as wide as Nebraska.

            I gave her a small smile. Gustuhin ko mang magsaya kagaya niya, hindi ko magawa dahil na-i-isip ko ang kapalit ng pagkaresolba ng problema. All of  a sudden, I started feeling nervous.

            "Okay ka lang?" nag-a-alalang tanong niya nang  mapansin ang reaction ko. "Bakit parang hindi ka masaya na naresolba na ang problema? We should celebrate."

            Hindi mo 'yan sasabihin kung malalaman mo ang  kapalit, Olive... gusto kong isagot sa kanya 'yan pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi na dapat niyang malaman. Ayaw ko siyang idamay.

            "Ikaw na lang ang magsabi kina Sister." Ibinigay ko sa kanya ang envelope. "May pupuntahan lang ako." Bago pa siya makasagot ay iniwanan ko na siya. She's calling my name but I never looked back. Baka hindi ko mapigilan ang sarili  kong sabihin sa kanya ang bumabagabag sa'kin.

            "NASA loob ba si daddy?" I asked his secretary who looked up at me when I reached her table.

            Dito ako dumiretso para kausapin siya. Alam ko namang tatawagan niya ako pero gusto ko ng maging malinaw ang lahat. Kung isasantabi ko ito ngayon, hindi ako makakapag-focus sa mga lessons ko. And I don't want to fail in any subjects lalo na at mahigit isang taon na lang, ga-graduate na ako. I waited for how many years just to be where I am today so I will never do anything that will ruin it.

            "Pumasok ka na lang." Ngumiti ito at iminuhestra ang pinto ng  opisina ni Daddy.

            I took a deep breath before opening the door. And just like the last time I came here, he's busy reading something and looked up when I entered. Tinungo ko ang upuan sa harapan niya ay matapang na sinalubong ang tingin niya. Hindi ito ang oras para ipakitang kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

            Act strong even if you're not. Don't give them the satisfaction of seeing you weak... That's what Mommy said one time she saw me crying in my room because Ate and I argued. That line was one of the reason why I was confident back then in standing on my own feet.

            "So you already know the news," he stated, not questioned. Talagang walang nakakalampas na balita sa kanya basta tungkol sa business. Bakit pa ba ako nagtaka? Noon pa man ay business na ang mahalaga. He even missed one of their wedding anniversary, telling Mommy that he had an emergency meeting. And my mother, being the understanding wife as always, just nodded her head and told him to be safe.

            "What will going to happen next?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. He gave me an amused smile but my serious expression remained on my face. I don't have the time to joke around. Kalayaan ko ang kabayaran sa tulong niya kaya hindi ko magawang magsaya kahit ligtas na ang orphanage. The liberty I had for the past years will be gone the moment I signed the contract.

            He became serious. "You'll marry him." My eyebrows raised high, telling him to continue. "You'll meet him on Saturday."

            My forehead creased. "And then?" Bakit ba ayaw pa niya akong diretsahin?

            "Sa kanya mo malalaman ang susunod na mangyayari." Sumandal ito sa upuan. "Just go to his office. He'll be expecting you to be there at 8."

            That's the cue that I needed to leave kaya tumayo na ako at tinungo ang pinto. Pagpihit ko sa seradura, nagsalita niya.

            "Visit your Mom, Destiny."

            I looked back at him. He had this hopeful look on his serious face earlier. "Bukas." I gave him a small smile. "I'll visit her tomorrow, Dad." Tumalikod na ako at tuluyang lumabas. Ayaw kong makita ang reaksyon niya sa muling pagtawag ko sa kanya ng gano'n pagkatapos ng ilang taon.

            I know I hurt him when I left them but I never regretted doing that. If I didn't done that, hindi  ako matututong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong maging kuntento sa mga simpleng bagay lang.  Nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan sa kabilla ng pagkakaroon lang ng simpleng pamumuhay. Kung nanatili ako sa poder ng pamilya ko, hindi ko alam kung mmay mahahanap akong mga tunay na kaibigan. Hindi sa pagiging mapanghusga pero kadalasan, maraming gustong kumaibigan sa'yo kapag alam nilang mayaman ka.

            True friends are hard to find. So if you found one, you're lucky.

            HABANG naghahapunan kami ni Olive ay ilang beses ko na siyang nahuhuling nakatingin sa'kin. Agad itong iiwas ng tingin at itutuon ang atensyon sa plato niya. Akala ko ay magtatanong ito kaninang pagdating ko pero nanatili itong tahimik at ngiti lang ang ibinigay.

            Ibinaba ko ang hawak kong kutsara, umayos ng upo at tumingin sa kanya. "Magtanong ka na, Olivia." Agad itong nag-angat ng ulo at ngumiti ng alanganin. "Alam kong kanina mo pa gustong magtanong."

            Binitawan niya  ang kutsara at uminom ng tubig bago sinalubong ang tingin ko. "Saan ka galing kanina."

            "Kay Daddy." Her mouth opened and her eyes became wide. Hindi niya siguro inaasahang sasagutin ko siya ng diretso. "He helped us paying the dept."

            "Y-You mean..." she trailed off. I nodded. "What's the catch?"

            Nagyuko ako ng ulo. I'm having a second thought if I should tell her or not. Knowing her, she'll literally freak out lalo na at halos alam na niya ang buong kwento ng buhay  ko. Wala akong inilihim sa kanya dahil ipinagkatiwala niya sa'kin ang pinakamalaking sikreto niya.

            "Let me guess," she started. "Your freedom, right, Rose Destiny?" I bit my lower lip and nodded without raising my head. Hindi ko kayang salubungin  ang tingin niya. Sa lahat ng tao,  siya ang mas nakakakilala sa'kin. Tumayo ito at ipinatong ang dalawang palad sa mesa. "Look at me and tell me you're kidding, Reese!" she demmanded pero halata pa ring may halong pag-a-alala ang boses niya.

            Kagat ang ibabang labi na dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at sinalubong ang tingin niya. I shook my head, a confirmation that I'm not kidding. Nanghihinang na-upo ito at bigla na lang tumulo ang mga luha. And then my eyes started tearing up.

            "Bakit ka pumayag, Reese?" She wiped her tears using the back of her palms. "Ma-i-intindihan naman nila kung hindi natin kayang isalba ang orphanage."

            Tuluyan na akong napaluha dahil sa sinabi niya. Alam ko naman  na ma-i-intindihan nila pero hindi kakayanin ng konsensya ko na basta na lang hayaang mawala ang orphanage kung may magagawa naman ako  para isalba ito. Parte na ito ng buhay ko kaya mahalaga ito sa'kin.

            "Hindi ko kakayanin kapag nawala ito, Olive." I wiped my tears first before looking up at her again. "Mas maraming ma-a-apektuhan kung hindi ko isinalba ang orphanage." Kawawa ang mga bata kung mawawalan sila ng tirahan. Siguradong magiging palaboy sila sa mga lansangan at malaki ang posibilidad na mapahamak sila.

            Tumayo ito at lumapit sa'kin. "Reese," she sobbed and hugged me. I hugged her back. "I'm just here for you."

            "I'm going to be fine, Olive," I assured her even though I'm not sure if I'm really going to be fine knowing the kind of person I'm going to marry. Ilang araw na lang ang bibilangin, magbabago na ulit ang takbo ng buhay ko.

            God bless me...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status