Share

Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir
Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir
Author: Dior28

Chapter 1: Ang alok na kasal

Author: Dior28
last update Huling Na-update: 2025-09-05 19:34:43

Iniisip ni Monica na sa wakas ay matatapos na ang kanilang dalawang taong long-distance relationship, napakaganda ng mood niya, ang kanyang magandang mukha ay punong puno ng galak  at hindi maipaliwanag na excitement, at ang lamig ng panahon ay natabunan ng init na pananabik niyang makita ang kanyang kasintahan.

Nakatayo siya sa pintuan ng bahay ni Jhorby, hawak ang kanyang maleta, at masayang pinipindot ang password ng kanilang pinto.

Ngunit pagkabukas ng pinto, natigilan siya.

Dalawang magkapatong na katawan sa sofa—parang sumabog ang utak ni Monica.

Piniga niya ang kanyang mga kamao sa sobrang pagtitimpi, at ang mga tao sa sofa ay sobrang abala na hindi man lang siya napansin.

Habang pinipigil nyang masuka, kinuha niya ang kanyang telepono at vinideohan ang kalaswaan na ginagawa ng dalawa.

Nang magpalit sila ng posisyon , napalingon ang babae kay Monica at napasigaw sa gulat.

Nataranta rin si Jhorby, agad na kinuha ang kumot at binalot ang katawan, itinago ang babae sa likod niya.

"Monica, anong ginagawa mo?"

Namumula ang mga mata ni Monica, "Napakagandang eksena nito, siyempre kailangan ko i-record to at i-post sa social media para may Remembrance naman kayo."

Nang marinig ito ni Jhorby, binalewala niya ang hubad na babaeng nasa likod niya, at kinuha ang kumot, binalot ang sarili, at lumapit para agawin ang cellphone ni Monica.

"Sige! lumapit ka pa, isesend ko agad ito sa group chat." pagbabanta ni Monica.

Hindi naniwala si Jhorby at nagpatuloy pa rin sa paglapit.

Agad namang pinindot ni Monica ang send button sa group message.

Nagulat si Jhorby.

Ang babaeng kilala niya na nuon ay maamo at maunawain, naging ganito ka-lupit!

"Monica, gusto mo talagang mamatay!" bakas sa mukha ang galit na galit na si Jhorby, at parang gustong patayin si Monica.

Itinaas ni Monica ang cellphone, kita sa screen na 110 na ang views, "Tumawag na ako ng pulis."

Nanlaki ang mga mata ni Jhorby, "Monica! “Sigaw nya......

Nakita niyang parang wala nang kinikilala si Monica, malamig at matigas ang anyo. Dinuro siya ni Jhorby, "Sige, Napakasama mo!"

Bakas sa mga mata ni Monica na sobrang nasasaktan, "Dalawang taon, parang aso lang ang pinakain ko. Hindi, mas masahol ka pa sa aso."

Paglabas mula sa bahay ni Jhorby, pumunta si Monica sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Patricia.

Limang araw siyang nanatili doon, at limang araw ding minura mura ni Patricia si Jhorby.

Kinabukasan, nakita niya si Monica na nakatingin sa kanyang cellphone at malungkot. Nilapitan siya at niyakap, "’Wag kang malungkot, dapat nga magpasalamat ka kasi maaga pa lang nakita mo ang totoong kulay niya ."

Umiling si Monica, "naka move on na ko, matagal na." Nag-aalangan lang ako dahil si Daddy ay may gustong ipakasal sa akin."

"Ano!?"

Nakahanap ng mapapangasawa ang ama ni Monica at pilit siyang pinauuwi para makipag-usap.

Mayaman ang pamilya ng lalaki, matangkad at gwapo, at nag-iisang anak.

Kapag pumayag siya sa kasal, magbibigay ang pamilya ng milyong halaga, at kapag nabuntis siya sa loob ng dalawang buwan, bibigyan siya ng bonus na isang daang milyon. Basta’t makapag anak siya batang lalaki at isang babae, siya na ang magiging batang ginang ng pamilya, nakaupo sa hindi mabilang na ari-arian.

Pumalakpak si Patricia at nang-asar, "Sigurado akong ideya ’yan ng madrasta mo. Kung totoong ganoon kaganda ang offer, bakit hindi niya ipakasal ang sarili niyang anak? It’s a trap."

"Alam mo ba talaga kung ano ang nangyayari?" wika ni Patricia

"Totoo naman. Pero may tinago akong mahalagang detalye at hindi ko agad sinabi sa’yo." dagdag pa niya

"Huh?" si Monica na naguguluhan

"Fabian Monterde ang pangalan ng lalaki. Totoo, gwapo, mayaman, at makapangyarihan siya.. Noon pa, halos lahat ng babae sa Australia gusto siyang pakasalan, hindi sila mapakali sa gabi sa pag-iisip kung papaano nila makukuha si Fabian." sabi ni Patricia

"Fabian Monterde......" mahina itong binigkas ni Monica, "Parang pamilyar."

Umirap si Patricia, "Lahat ng tao sa Australia pamilyar sa pangalang ’yan."

Dagdag pa niya: "Noong nakaraang taon, binalita na may malubhang siyang sakit at hindi na raw magtatagal. Dati may girlfriend siya, pero pagkatapos malaman ang sakit, umalis ito papuntang abroad at simula noon wala nang balita."

"Sa madaling salita, parang mag-aasawa ka ng patay na tao kapag siya ang pinakasalan mo."

Naintindihan ni Monica, "Nakakaawa rin pala."

Napangiwi si Patricia, "Please..."

“Heto ang kagustuhan ng magulang ko, maaari naman akong mag asawa ulit kapag na’biyuda na ako” tugon ni Monica

Nanlaki ang mga mata ni Patricia, "Hindi! Seryoso ka ba? May malalang sakit na ang lalaki, ano na kaya hitsura niya ngayon? Nasa malubha siyang kalagayan, hindi ba’t malinaw na gusto lang niyang mag-iwan ng reyna bago mamatay?"

"Sa ganitong sitwasyon, sarilli lang niya ang inisip niya at hindi ang mga maiiwan niya!"

Mahinang tinig ni Monica: "Pero… malaki naman ang kapalit."

"At saka, puwede kong manahin ang mga ari-arian niya kapag namatay siya." Magaan ang ekspresyon ni Monica, "Kapag dumating ang panahon na iyon, magkakapera ako at magagawa ko lahat ng gusto ko. Maraming tao ang maiinggit sakin."

Natulala si Patricia, "Adik ka ba?"

"Hindi." Seryoso ang mukha ni Monica

"Isa pa, hindi ba’t pera lang at financial freedom ang habol ng karamihan? At kung may shortcut na nandyan na, bakit hindi ko pa igagrab diba?"

Patricia: "...... Bakit parang may punto ka?"

Ngumiti si Monica: "Well, that’s the reality, right?."

Kinagabihan, gumamit si Jhorby ng ibang cellphone para tawagan si Monica at murahin siya nang husto.

Pagkababa ng tawag,nagpalit ulit sya ng number at muling tumawag kay Monica ng paulit-ulit hanggang sa napilitan si Monica na mag off na ng phone.

Kinabukasan, lumipad si Monica sakay ng eroplano at pagbukas ng cellphone, halos sumabog na ang cellphone nya sa napakaraming message.

Karamihan galing kay Jhorby, kung anu-anong masakit na salita ang pinag memessage .

Pumutok din ang WeChat group, kung saan pinagmumura siya ni Jhorby, iniinsulto ang pagkababae nya, nilalantad ang malaki nyang dibdib sa marami at sinasabing nagpapanggap siyang inosente......

Sa madaling salita, bawat message ay mas malala pa kaysa sa nauna.

Huminga nang malalim si Monica, pinigil ang galit.

Tinawagan niya ang kanyang ama na si Eduardo para tanggapin ang alok nitong pagpapakasal.

Pagdating nilang mag-ama sa mansyon ng pamilya Monterde, hindi nila nadatnan si Fabian, kundi ang mga magulang nito ang sumalubong.

Nang malaman ng mga magulang na handa si Monica na pakasalan si Fabian, hindi maitago ang tuwa ng mga ito.

Isang bagay lang ang hiningi ni Monica—ang mauna munang iparehistro ang kasal.

At ang dahilan niya para maging legal silang mag asawa ni Fabian.

Tungkol naman sa kasal, hindi na raw niya ito kailangan.

Natural, hindi na tutol ang pamilya Monterde, at mas natatakot pa silang magbago ang isip niya.

Nagkasundo ang dalawang panig, at mismong ama ni Fabian ang nag-imbita sa mga tauhan ng Civil Affairs Bureau sa kanilang bahay para iproseso ang marriage certificate.

Doon pa lamang nakita ni Monica ang larawant ni Fabian.

Tama nga ang sinabi Patricia, napakakisig ng lalaki—matangos ang ilong, lalo na ang mga mata, malalim at puno ng emosyon, tila kahit sinong babae ay maaakit sa isang tingin lang.

Kung wala lang siguro syang sakit,siguradong  hindi si Monica ang mapapangasawa nito.

Nang hawakan ni Monica ang marriage certificate, Tinignan naman niya ang kanilang wedding photo kasama ang pamilya. Hindi mo mahahalatang peke dahil gawa lamang iyon sa AI photoshop, 

Inabot sa kanya ni Ginang Monterde ang isang bank card. Kahit walang engrandeng kasal, ibinigay pa rin ang bride price, dagdag pa ang living allowance.

Sobra-sobra ang kabutihang ipinakita, at sobrang laki ng halaga na halos hindi nya mabuhat ang hawak niyang card.

Hindi siya tumanggi at buong giliw na tinanggap ito.

Laking gulat niya sa pangalan na nakasulat: "Fabian Monterde." Hindi niya maisip kung ano ang mararamdaman ng lalaki kapag nalaman nitong ibinenta siya ng sariling niyang mga magulang.

Paglabas sa mansyon ng pamilya Monterde, masayang-masaya ang ama ni Monica.

"Napakaraming gantimpala ang binigay ng pamilya Monterde sa’yo." wika ni Monica

Natigilan si Ginoong Eduardo, at hindi naging natural ang ekspresyon. "Ano bang sinasabi mo?" tugon nito

"Huwag ka nang magpanggap." Huminto si Monica at tinitigan siya, "Kung wala ka namang mapapala sakin, hindi mo ako iisipin."

Bahagyang nahiya si Ginoong Eduardo, "Monica......" pabulong na wika nito

Itinaas ni Monica ang kamay, ayaw na niyang makinig sa mga palusot nito.

Nauna siyang lumakad at malamig na sinabi, "Ito na ang huli. Hinding hindi ka na makakalapit sakin."

Nang malaman ni Patricia na talagang ikinasal na si Monica kay Fabian, halos hindi maipaliwanag ang hitsura nito sa  galit.

Ngunit huli na, nangyari na ang nangyari.

"Napakawalang-awa talaga ng tatay mo,parang tinulak ka nya sa bangin na alam niyang malalim ang hukay. Ikaw rin naman, bakit ka pumayag agad magpa rehistro ng marriage certificate? Kung sakaling mahirapan ka, pwede kang umalis anytime kung wala pang kasal. Pero kung may certificate na, wala kang kawala kung gugustuhin ka niyang saktan."

Galit at pag-aalala ang nangibabaw kay Patricia, nanggigilid ang mga luha sa mga nito..

Ngunit nakangiti si Monica, pinakalma ang kaibigan, "Oo nga, may certificate na ako, pero hindi ko naman balak lumapit at makasama siya."

Nakatitig lang si Patricia.

Kumikislap ang mata ni Monica, may kapilyahan—kahit masyado ngang komplikado ang sitwasyon, may punto pa rin.

"Sabi mo diba, hindi siya aabot hanggang February next year? Kulang tatlong buwan na lang. Hindi muna ako magpapakita, at kapag hindi na siya makabangon, saka lang ako lalabas."

kompiyansang wika ni Monica

Maganda ang plano ni Monica ngunit pagkalipas lang ng ilang araw, may bumisita sa kanya.

"Gusto kang makita ni Sir Fabian, Madam."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 30:Ang pagbisita ng ama ni Monica

    Sumagot ni Vince ang tawag, na para bang inaasahan niya na tatawagan siya ng babae.“Hello Vince, may alam ka ba na pwedeng puntahan ni Fabian.” dali daling tanong ni Monica.“Wag kang mag-alala, ok lang siya, uuwi rin yun.”,” sagot ni Vince. Nang marinig iyon, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Monica.Naghintay si Monica sa sala hanggang lagpas alas-diyes ng gabi bago niya marinig ang pagbukas ng pinto.Pagpasok ni Fabian, nandoon si Monica na nakatingin sa kanya mula hindi kalayuan.Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Fabian ay balot ng lamig, may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.“Nasabi ko na kina Tita na nandito ka lang sa bahay. Matulog ka na nang maaga.” Hindi na siya tinanong ni Monica kung saan ito nagpunta, o kung bakit hindi siya makontak at diretsong pumasok sa kwarto.Pinanood siya ni Fabian na pumasok ng kwarto at isinara ang pinto—hindi man lang nagtangkang magtanong.Kanina pa niya iniisip kung paano niya iiwasan ang mga tanong nito kung sakaling kumustahin siya

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 29:Nasaan si Fabian

    Habang tanghalian, nag-vibrate ang cellphone ni Monica.Tawag iyon mula kay Patricia.Mabilis na tumingin si Monica sa paligid, saka pabulong na nagpaalam: “Tita, sasagutin ko lang muna ang tawag.”Tumango naman Ginang.Pagkalabas, agad na sinagot ni Monica ang tawag.“Pat.”Sa kabilang linya, wala siyang ibang narinig kundi hikb ng kaibigan.Biglang kumabog ang dibdib ni Monica. “Pat, ano nangyari? Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin.”“Gusto na lang ni mama mamatay ko, huhuhu, ayaw niya akong paalisin.” Humugot ng malalim na hininga si Patricia at namamaos na wika, “Monica, hindi na sana ako bumalik.”“Hindi ba pwedeng pag-usapan nang maayos?” Natataranta si Monica. “Bakit kailangan ka nilang pwersahin?”Mapait na ngumiti si Patricia. “Para sa tinatawag nilang dangal, kaya nilang gawin ang kahit ano.” Humikbi siya. “Kasalanan ko rin, sana hindi na ko pumayag na makipag blind date”“Wala ka namang kasalanan dito, gusto mo lang naman pagbigyan ang mga magulang mo” Mariing kinagat

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 28:Meet my Relatives

    Sa unang araw ng bagong taon, nais ni Ginang Monterde na magsimba upang magdasal at magpasalamat.Nais ding sumama ni Monica, kaya sabay silang umalis ng bahay.Samantala, magkasama naman sina Fabian at ang ama nito.Sa daan, bahagyang malungkot ang anyo ng Ginang. Dapat sana ay masaya siya ngayong Bagong Taon, ngunit sa tuwing maiisip niya na paliit nang paliit ang oras ng kanyang anak, lalo lamang siyang nababalisa.Iba naman si Monica.Kahit sa papel lang sila mag-asawa, taimtim pa rin niyang hinahangad na manatiling ligtas si Fabian.Pagdating nila sa simbahan, napakaraming taong naroon upang magdasal—karamihan ay mga babae.Sumunod si Monica sa Ginang, lumuhod, pumikit, at taimtim na nanalangin sa mga diyos na pagpalain ang kanyang mga hangarin at matupad ang mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang Ginang, basa ng luha ang kanyang mga mata.Paglabas nila ng simbahan at pagsakay sa kotse, tumingin sa malayo ang Ginang at nagtanong, “Sa tingin mo ba, matutupad ang mga das

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 27: Bagong Taon na kasama ka

    May kalahating oras pa bago sumapit ang Bagong Taon.Matagal nang nakaupo si Fabian sa labas, kaya medyo nag-aalala si Monica para sa kanyang kalusugan.“Matulog ka na.” wika ni Monica.“Ang daldal mo.” mabilis na sagot ni Fabian.Maya maya ay tumayo si Monica at pumasok sa loob ng bahay.Paglabas niya, may dala na siyang kumot at marahang ibinalot iyon kay Fabian mula sa likuran.Napatigil si Fabian at tiningnan siya nang dahan dahan.“Baka sipunin ka.” Umupo muli si Monica, “Ayokong magkasakit ka, lalo ngayong Bagong Taon.”Akmang tatanggalin ni Fabian ang kumot ng titigan siya ng masama ni Monica sabay sabi.“Mas mabuti pang makinig ka sa akin, kung hindi…”“Ano’ng gagawin mo?” Sumulyap si Fabian, bahagyang nakakunot ang noo nang makita niyang parang nagbabanta ang babae.“Kung hindi, yayakapin kita.”Tinanggal ni Fabian ang kumot at itinapon pabalik sa kanya.“Fabian, alagaan mo naman ang sarili mo.” Tumayo si Monica at muling ipinilit na ibalot sa kanya ang kumot.“Napakadaldal m

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 26:Pag aalala ni Monica kay Patricia

    Napakaganda at makukulay ang kalangitan sa Bisperas ng Bagong Taon.Bagama’t lumalalim na ang gabi, mas lalo lamang nagiging masigla ang lahat.Sina Ginoo at Ginang Monterde, dahil matanda na at ayaw mapuyat, ay bumalik na sa kanilang silid bago pa tumunog ang kampana ng Bagong Taon.Si Fabian naman, kaagad na nagbalik sa kanyang silid matapos kumain at hindi na muling lumabas.Si Monica, kasama ang mga kasambahay, ay nagsindi ng bonfire sa bakuran at nagsama-sama upang magpainit.Matapos ang ilang saglit ng kuwentuhan, nagpadala ng mensahe si Monica kay Patricia at tinanong kung kumusta na siya.Makalipas ang halos kalahating oras, tumawag si Patricia.Tumayo si Monica at lumayo ng kaunti upang sagutin ito.“Hoy, kumusta ka na?”“Halos mabaliw na ako!”Kumunot ang noo ni Monica, “Bakit, anong nangyari?”“Gusto ko nang makipaghiwalay kay Lance, pero ayaw pumayag ng nanay ko. Ang sabi niya, alam na ng lahat ng kakilala niya na kami ni Lance ay magkasintahan, at kung makikipaghiwalay ak

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 25: Monica's 3 wishes

    Pagkatapos kumain, umupo si Monica sa hardin, tahimik siyang nakaupo, habang umaamoy ang halimuyak ng bulaklak sa paligid. Sa loob ng bahay, nakatayo si Fabian sa tapat ng malaking bintanang salamin, pinagmamasdan si Monica, kitang kita ang kalungkutan nito.Sa pagkakaalala niya, bihira niya itong makita nang ganito—tahimik ngunit puno ng alalahanin.“Hindi ko alam kung uuwi siya bukas sa pamilya niya,” wika ni Ginang Monterde habang iniaabot sa anak ang isang tasa ng ginseng tea. Tumayo rin siya sa tabi nito at tumingin sa dalaga.Tinanggap ni Fabian ang tsaa at nagpasalamat, “Magkano ba ang ibinigay sa pamilya nila?”“Binigyan lang namin ng kaunting negosyo ang tatay niya,” sagot ni Ginang Monterde.“Ibinenta niya ang anak niya?” tanong ni Fabian.“Hindi naman sa ganoon. Narinig ko na siya mismo ang pumayag. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pera. Basta, nang iabot ang tulong, tinanggap lang niya agad at wala ng ibang sinabi,” paliwanag ni Ginang Monterde.Humigop ng tsaa si Fabi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status