แชร์

Chapter 2: Ang totoong kaanyuan ni Fabian

ผู้เขียน: Dior28
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-05 19:34:57

Hindi mainit ang heater sa sasakyan, at tulad ng kanyang katawan, malamig din ang puso ni Monica.

Nakakaramdam pa rin sya ng takot.

Ngunit naisip niya, kung bilang na lang ang oras ng buhay ng pinakasalan nya, anong kalokohan pa ba ang kaya nitong gawin sa kanya?

Kinausap niya ang kaibigan niyang si Patricia para kumalma ito.

Huminto ang sasakyan sa pinakamalaking entertainment club ang “Richmond Club”

Pinagbuksan sya ng pinto ng driver, maayos ang kilos ngunit walang bakas ng paggalang ang kanyang asal.

Bumaba si Monica, at naunang naglakad ang lalaki.

Dumaan sila sa nakakasilaw na pasilyo, huminto sa pinakadulong  silid, itinulak ang dalawang pintuan, at gumilid ang lalaki. "Sir Monterde, Nandito na po si Ms Monica."

Sabay senyas sa gwardiyang lalaki na umalis na ito.

Nasa dulo na ng pintuan si Monica “Sa isip niya,nandito na to at wala nang atrasan,kaya’t kailangan niyang pumasok.

Pagsara ng pinto sa kanyang likuran, nakaramdam agad sya ng bigat ng dibdib sa kanyang paligid. Ang hangin ay tila sumikip, para siyang nasusuffocate at ang tibok ng kanyang puso’y lalong lumakas.

Sa loob, nakaupo sa sofa ang isang lalaki.

Nkaupo ito at nakasandal  sa leather na sofa, naka de kwatro. Malayo siya, kaya’t hindi agad maaninag ang mukha.

May kumikislap na mapulang liwanag sa madilim na silid—sigarilyo. Bahagya ring umaalingasaw ang amoy ng tabako.

Huminga nang malalim si Monica, lumapit, at doon niya nakita nang malinaw ang mukha.

Hindi talaga kayang hulihin ng litrato ang kanyang anyo.

Sa totoong buhay, mas kita ang kagwapuhan niya kaysa sa nasa larawan. Ang tanging pagkakaiba, mas maputla ang kanyang balat kaysa sa litrato.

Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng kanyang itim na polo, at kitang-kita ang kanyang leeg at ibabaw ng kanyang dibdib na lalo pang nakadagdag ng alindog

Ang maputlang kulay ng balat ay mas nagpalitaw sa pinong porma ng kanyang mukha—halos parang pambabae sa kinis, ngunit may kakaibang kagwapuhan.

Gayunman, maliwanag ang kanyang tingin, at kung hindi alam, mahirap sabihing may malubha siyang karamdaman.

Ang mukhang ito, kayang magpaibig ng maraming babae, at gugustuhing magkaanak mula sa kanya.

Habang papalapit si Monica, napansin niyang may hawak itong marriage certificate.

Oo nga pala—kinuha iyon ng ina ni Fabian noong nagparehistro sila. Natural lamang ibigay ang bagay na iyon sa tunay na may-ari.

Nais sanang umiwas ni Monica, ngunit napaka-inosente ng ideyang iyon.

"Hindi mo ba narinig ang kasabihang, People are dying for money?" malamig na tingin ni Fabian sa kanya.

Ang babaeng tatanggap na pakasalan siya sa panahong ganito—walang iba kundi dahil sa pera.

Alam ni Monica na wala nang saysay ang pagtatago. Ang mga salita nito’y tila paalala rin sa kanya. Kaya’t ngumiti siya nang mapanukso at may halong kapilyahan. "Bakit, bawal ba kitang pakasalan dahil matagal na kitang gusto?"

Napiga nang mahigpit ang sigarilyo sa mga daliri ni Fabian.

“Matagal na sanang plano iyon ng ibang tao sakin… ngunit sa ganitong oras at panahon, imposible.” nakakasigurong sagot ni Fabian

Ang kasinungalingan at mapagkunwaring ngiti ni Monica ay malinaw na nabasa ni Fabian.

Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray at kumaway gamit ang kanyang mahahabang daliri.

Kumakabog ang dibdib ni Monica habang lumalapit sya kay Fabian.

Ibinaba naman ni Fabian ang kanyang mga paa mula sa pagkakapatong sa lamesa, umupo nang tuwid, at biglang hinablot ang braso ni Monica, hinila siya palapit sa kanyang mga matipunong dibdidb..

Hindi nakapaghanda si Monica, at tuluyang bumagsak ang buong katawan niya sa mga bisig ni Fabian. Hinawakan siya nito at hinigpitan ang kapit sa kanyang baywang.

Kahit may suot siyang coat, ramdam niya ang init mula sa pagkakadikit sa kanyang palad.

Bago pa siya makakilos, itinaas ni Fabian ang kanyang isang kamay hawak ang marriage certificate. Ang malalim nitong mga mata ay may halong pagyayabang.

"Humahanga ka sa akin?"

Mas bumilis ang tibok ng puso ni Monica, ngunit nanatili pa rin itong kalmado. Kahit na binabaloot na nang kaba ang kaniyang dibdib.

"Sa Sydney, halos lahat ng babaeng walang asawa ay humahanga sa’yo. Kahit nga mga tali na" lakas loob na wika ni Monica

"Ako pa kaya na isang simpleng babae lang” dagdag pa niya

Isang malamig na tawa ang kumawala mula sa lalamunan ni Fabian.

"Hindi ka ba natatakot mamatay?"

"Natatakot ako."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Fabian.

Seryoso si Monica, "Darating at darating din ang kamatayan. At kung magiging asawa ako ng taong hinahangaan ko bago ako mamatay, wala akong pagsisihan."

Sa isipan ni Fabian, iisa lang ang sagot, kalokohan.

Mariin niyang itinulak si Monica palayo at pinagpag ang kanyang hita na kanina’y inuupuan ng babae—sobrang halata ang kanyang pagkadismaya.

"Mag-divorce tayo." wika ni Fabian

Tumayo nang tuwid si Monica, at nang makita ang marriage certificate na basta na lang itinapon sa gilid, nanatili siyang kalmado. "May cooling-off period ang divorce—isang buwan din ang aantayin."

Mataas ang tingin ni Fabian, "Sa tingin mo, kailangan ko pa iyon?"

Natahimik si Monica.

Totoo, hindi naman talaga niya kailangan.Isang malamig na tingin ang ibinato niya sa babae, na tila pinapalayas na niya ito.

"Hindi ako aalis." wika ni Monica

Napatigil si Fabian..

Tinitigan siya ni Monica. "Hindi ako nagbibiro, totoo ang lahat ng intensyon ko. Pinag-isipan ko ito, tanging sa pagiging asawa mo ko lang maipapakita na may karapatan akong alagaan ka… at bigyan ka ng anak." dagdag pa ni Monica

Napatulala si Fabian na tila nagiisip.

"Anuman ang oras na natitira, ayaw kong magsisi. Kahit tawagin mo kong makasarili, basta’t makasama kita, handa akong gawin ang lahat." nagsusumamong wika ni Monica

Puno ng emosyon ang boses ni Monica, at may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

Sarili nya mismo ay hindi makapaniwala sa kaniyang nasabi.

Lumapit si Fabian, malamig ang boses. "Handa kang gawin… ang lahat?"

Ang kanyang paglapit ay nagdulot ng bigat sa paligid. Ramdam ni Monica ang pwersa ng presensya nito,  "Siyempre." mariin nyang pag sang ayon.

Bahagyang ngumisi ang labi ni Fabian.

Dahil sa kanyang manipis na ngiti, parang tumindig ang balahibo ni Monica.

Umupo si Fabian, bahagyang nakabuka ang mga binti.

"Luhod ka."

Akala ni Monica’y mali ang kanyang narinig.

Ngunit ang madidilim na mata nito, malamig na parang yelo, at ang pagkakabuka ng mga hita ay nagpapatunay—tama ang kanyang narinig.

"Hindi mo kaya?"

Doon lang naalala ni Monica ang babala ni Patricia: Bastos!

Nakita niya ang hamon at pangungutya sa mga mata ng lalaki.

Napakunot ang noo ni Monica, hinubad ang coat at ibinato sa sofa. Itinali ang kanyang buhok gamit ang goma, at sa halip na lumuhod, dumiretso siyang umupo sa hita ni Fabian, nakaluhod sa magkabilang gilid ng mga hita ni Fabian.

"Ayos na ba ito?" mapangaha na wika ni Monica

Dahil sa posisyon, mas mataas siya kaysa kay Fabian. Nang yumuko siya upang tingnan ito, napansin niya ang pagkagulat sa mga mata ng lalaki.

Ang suot niyang itim na cardigan ay mas lalong nagbigay-diin sa hubog ng kanyang katawan. Hapit ang pantalon sa kanyang balakang, at ang kanyang likod ay tuwid ngunit kitang kita ang sexy netong katawan.

Napakalapit nila sa isa’t isa, at salubong ang kanilang hininga na para bang hinihingal.

Ang kanilang postura ay puno ng sekswalidad—isang eksenang madaling mauwi sa kapusukan.

Si Monica ay isang marikit na babae, mas higit pa sa nakikita sa pekeng larawan mula kanilang kasal.

Mapungay  ang kanyang mga mata, at tila nang aakit ang mga labi—mapanukso at parang anytime ay bibigay ka.

Kitang kita kay Fabian ang pagkahumaling.

"Hubarin mo." wika nito

Malambing ngunit malamig ang boses mula sa kanyang maputlang labi.

Huminga nang malalim si Monica at inilagay ang kamay patungo sa kanyang dibdib.

Ang maputing mga daliri’y dahan-dahang tinatanggal ang mga itim na butones—isang nakakaakit na eksena.

Isa.

Dalawa.

Paunti-unti, lumilitaw ang balat nitong mala porselana sa puti—  may kakaibang anyo ng pang-akit.

Habang pinapatuloy ni Monica ang pagtanggal ng mga butones, malakas na kumakabog ang dibdib nya.

Nang aksidenteng madampi ng kanyang kamay sa abs nito, bigla niyang naramdaman ang  pagkakahawak ng lalaki sa kanyang kamay.

Napatingala sya, wala syang ibang makita kundi ang kadilim sa loob ng silid na nakakatakot ngunit siya ay nasasabik din.

"Napakabagal mo," marahang sabi ni Fabian, "Kailan pa ako magkakaanak sa’yo?"

Habol habol ang paghinga ni Monica.

Hindi niya gustong umalis.

Ngumiti siya, "Huwag tayong magmadali. Ang sabi nila, ang mga batang ipinapanganak mula sa pagmamahal at pagsasama… mas maganda at mas matalino."

Napahanga si Fabian, "Talaga ba?"

"Hmm." Nag lakas-loob si Monica na ipasok ang kabilang kamay sa ilalim ng damit nito.

Ngunit mabilis si Fabian—agad nitong nahawakan ang kanyang kamay. "Paano mo ako balak lokohin?"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 30:Ang pagbisita ng ama ni Monica

    Sumagot ni Vince ang tawag, na para bang inaasahan niya na tatawagan siya ng babae.“Hello Vince, may alam ka ba na pwedeng puntahan ni Fabian.” dali daling tanong ni Monica.“Wag kang mag-alala, ok lang siya, uuwi rin yun.”,” sagot ni Vince. Nang marinig iyon, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Monica.Naghintay si Monica sa sala hanggang lagpas alas-diyes ng gabi bago niya marinig ang pagbukas ng pinto.Pagpasok ni Fabian, nandoon si Monica na nakatingin sa kanya mula hindi kalayuan.Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Fabian ay balot ng lamig, may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.“Nasabi ko na kina Tita na nandito ka lang sa bahay. Matulog ka na nang maaga.” Hindi na siya tinanong ni Monica kung saan ito nagpunta, o kung bakit hindi siya makontak at diretsong pumasok sa kwarto.Pinanood siya ni Fabian na pumasok ng kwarto at isinara ang pinto—hindi man lang nagtangkang magtanong.Kanina pa niya iniisip kung paano niya iiwasan ang mga tanong nito kung sakaling kumustahin siya

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 29:Nasaan si Fabian

    Habang tanghalian, nag-vibrate ang cellphone ni Monica.Tawag iyon mula kay Patricia.Mabilis na tumingin si Monica sa paligid, saka pabulong na nagpaalam: “Tita, sasagutin ko lang muna ang tawag.”Tumango naman Ginang.Pagkalabas, agad na sinagot ni Monica ang tawag.“Pat.”Sa kabilang linya, wala siyang ibang narinig kundi hikb ng kaibigan.Biglang kumabog ang dibdib ni Monica. “Pat, ano nangyari? Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin.”“Gusto na lang ni mama mamatay ko, huhuhu, ayaw niya akong paalisin.” Humugot ng malalim na hininga si Patricia at namamaos na wika, “Monica, hindi na sana ako bumalik.”“Hindi ba pwedeng pag-usapan nang maayos?” Natataranta si Monica. “Bakit kailangan ka nilang pwersahin?”Mapait na ngumiti si Patricia. “Para sa tinatawag nilang dangal, kaya nilang gawin ang kahit ano.” Humikbi siya. “Kasalanan ko rin, sana hindi na ko pumayag na makipag blind date”“Wala ka namang kasalanan dito, gusto mo lang naman pagbigyan ang mga magulang mo” Mariing kinagat

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 28:Meet my Relatives

    Sa unang araw ng bagong taon, nais ni Ginang Monterde na magsimba upang magdasal at magpasalamat.Nais ding sumama ni Monica, kaya sabay silang umalis ng bahay.Samantala, magkasama naman sina Fabian at ang ama nito.Sa daan, bahagyang malungkot ang anyo ng Ginang. Dapat sana ay masaya siya ngayong Bagong Taon, ngunit sa tuwing maiisip niya na paliit nang paliit ang oras ng kanyang anak, lalo lamang siyang nababalisa.Iba naman si Monica.Kahit sa papel lang sila mag-asawa, taimtim pa rin niyang hinahangad na manatiling ligtas si Fabian.Pagdating nila sa simbahan, napakaraming taong naroon upang magdasal—karamihan ay mga babae.Sumunod si Monica sa Ginang, lumuhod, pumikit, at taimtim na nanalangin sa mga diyos na pagpalain ang kanyang mga hangarin at matupad ang mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang Ginang, basa ng luha ang kanyang mga mata.Paglabas nila ng simbahan at pagsakay sa kotse, tumingin sa malayo ang Ginang at nagtanong, “Sa tingin mo ba, matutupad ang mga das

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 27: Bagong Taon na kasama ka

    May kalahating oras pa bago sumapit ang Bagong Taon.Matagal nang nakaupo si Fabian sa labas, kaya medyo nag-aalala si Monica para sa kanyang kalusugan.“Matulog ka na.” wika ni Monica.“Ang daldal mo.” mabilis na sagot ni Fabian.Maya maya ay tumayo si Monica at pumasok sa loob ng bahay.Paglabas niya, may dala na siyang kumot at marahang ibinalot iyon kay Fabian mula sa likuran.Napatigil si Fabian at tiningnan siya nang dahan dahan.“Baka sipunin ka.” Umupo muli si Monica, “Ayokong magkasakit ka, lalo ngayong Bagong Taon.”Akmang tatanggalin ni Fabian ang kumot ng titigan siya ng masama ni Monica sabay sabi.“Mas mabuti pang makinig ka sa akin, kung hindi…”“Ano’ng gagawin mo?” Sumulyap si Fabian, bahagyang nakakunot ang noo nang makita niyang parang nagbabanta ang babae.“Kung hindi, yayakapin kita.”Tinanggal ni Fabian ang kumot at itinapon pabalik sa kanya.“Fabian, alagaan mo naman ang sarili mo.” Tumayo si Monica at muling ipinilit na ibalot sa kanya ang kumot.“Napakadaldal m

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 26:Pag aalala ni Monica kay Patricia

    Napakaganda at makukulay ang kalangitan sa Bisperas ng Bagong Taon.Bagama’t lumalalim na ang gabi, mas lalo lamang nagiging masigla ang lahat.Sina Ginoo at Ginang Monterde, dahil matanda na at ayaw mapuyat, ay bumalik na sa kanilang silid bago pa tumunog ang kampana ng Bagong Taon.Si Fabian naman, kaagad na nagbalik sa kanyang silid matapos kumain at hindi na muling lumabas.Si Monica, kasama ang mga kasambahay, ay nagsindi ng bonfire sa bakuran at nagsama-sama upang magpainit.Matapos ang ilang saglit ng kuwentuhan, nagpadala ng mensahe si Monica kay Patricia at tinanong kung kumusta na siya.Makalipas ang halos kalahating oras, tumawag si Patricia.Tumayo si Monica at lumayo ng kaunti upang sagutin ito.“Hoy, kumusta ka na?”“Halos mabaliw na ako!”Kumunot ang noo ni Monica, “Bakit, anong nangyari?”“Gusto ko nang makipaghiwalay kay Lance, pero ayaw pumayag ng nanay ko. Ang sabi niya, alam na ng lahat ng kakilala niya na kami ni Lance ay magkasintahan, at kung makikipaghiwalay ak

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 25: Monica's 3 wishes

    Pagkatapos kumain, umupo si Monica sa hardin, tahimik siyang nakaupo, habang umaamoy ang halimuyak ng bulaklak sa paligid. Sa loob ng bahay, nakatayo si Fabian sa tapat ng malaking bintanang salamin, pinagmamasdan si Monica, kitang kita ang kalungkutan nito.Sa pagkakaalala niya, bihira niya itong makita nang ganito—tahimik ngunit puno ng alalahanin.“Hindi ko alam kung uuwi siya bukas sa pamilya niya,” wika ni Ginang Monterde habang iniaabot sa anak ang isang tasa ng ginseng tea. Tumayo rin siya sa tabi nito at tumingin sa dalaga.Tinanggap ni Fabian ang tsaa at nagpasalamat, “Magkano ba ang ibinigay sa pamilya nila?”“Binigyan lang namin ng kaunting negosyo ang tatay niya,” sagot ni Ginang Monterde.“Ibinenta niya ang anak niya?” tanong ni Fabian.“Hindi naman sa ganoon. Narinig ko na siya mismo ang pumayag. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pera. Basta, nang iabot ang tulong, tinanggap lang niya agad at wala ng ibang sinabi,” paliwanag ni Ginang Monterde.Humigop ng tsaa si Fabi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status