เข้าสู่ระบบPagpasok ni Fabian sa banyo, wala na siyang balak lingunin pa si Monica.
Tahimik ang buong silid. Hinaplos ni Monica ang kanyang leeg, iniisip na muntik na talaga siyang mabulunan kanina—akala niya’y papatayin siya nito.
Kaya’t napagdesisyunan niyang umiwas dito.
Lumipat siya sa madilim na bahagi ng silid, at napabuntong-hininga.
“Mukhang hindi talaga uubra ang pangarap kong maging mayamang babae.” bulong niya sa kaniyang sarili.
Lumabas si Fabian mula sa banyo at sumulyap sa pintuan. Wala na ang babae sa dating puwesto.
Akala niya ay lumabas na ito, ngunit pagkaraan ng ilang hakbang, nakita niyang nakaupo ito sa dilim.
Nakaupo si Monica sa sahig, abala sa pagte-text kay Patricia.
Alam ni Patricia na magkasama sila ngayong gabi sa isang kwarto, kaya’t hindi maiwasang mag-alala sa kanya.
Nag-selfie si Monica habang nasa sahig at pinadala kay Patricia.
“Huwag kang mag alala, kailangan ko pang makuha ang loob niya”
Pagkatapos niyang isend, may naramdaman siyang hakbang palapit sakanya.
Pag tingala niya, nakita niyang naka pantulog na si Fabian, bahagyang nakabukas ang kwelyo kaya’t litaw ang maputing leeg at ang matikas na Adam’s apple—nakakaakit sa sinumang babae.
Basa pa ang kanyang buhok, Sadyang kahanga-hanga ang mukha nito—walang bahid ng kapintasan.
“Kung ganito kaguwapo ang asawa ko… kahit titigan ko lang, para na akong naka jackpot.” bulong niya sa kaniyang sarili.
“Magpahinga ka na nang maaga,” wika ni Monica. Alam niya na mahina ang kalusugan ng lalaki kaya pinili niyang maging mahinahon dito.
Diretso itong naglakad patungo sa kama, hindi man lang siya nilingon. Humiga at pinatay ang ilaw sabay talukbong sa kumot.
Sa napakalaking kwarto, pakiramdam ni Monica’y para siyang pusang ligaw na pumasok sa ibang bahay. Hindi siya welcome dun, kaya’t kailangan niyang magtago sa madilim na sulok at bawasan na palaging mapansin ang presensya niya.
Bigla siyang nawalan ng gana na makipag-chat pa kay Patricia.
Mula sa pananaw ni Fabian,alam niyang wala naman siyang ginagawang mali.
Nakasandal siya sa dingding, hindi naman malamig dahil sa heater, pero nanatili pa rin ang kakaibang pakiramdam.
Ibinaba niya ang cellphone at pumikit. At sa kaniyang isip “asawa ko sya pero hindi ko kilala ang pagkatao niya… Hays, ang hirap naman ng sitwasyon na to.”
Naalala niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, parang panaginip lang—nakakatawa, ngunit andun pa rin talaga ang pait.
Napabuntong-hininga si Monica at ipinikit ang mga mata.
。
Nagising si Monica dahil sa lamig.
Pagmulat ng mga mata niya, hindi man lang siya inabutan ng kumot ng kanyang asawa, ni hindi nga siya buhat papunta sa kama. Walang mainit na yakap.
“Ang hard naman ng lalaking ito.” wika niya sa kaniyang sarili.
Nakahanda na si Fabian—nakabihis na.
“May mga damit sa banyo. Mag-ayos ka. Baka isipin ng iba inaapi kita.”Tinakpan ni Monica ang ilong, pinigilan niyang bumahing, ngunit hindi napigilan.
“Iniintindi niya pa ang tingin ng ibang tao?”
Tumayo sya ng dahan dahan habang nakakapit sa dingding. Nanlata ang mga binti matapos ang buong gabing pagkakaupo, masakit ang likod at naninigas ang leeg.
Pinagmamasdan lang sya ni Fabian habang papasok sa banyo at nang biglang may pumasok sa kanyang isip.
Hindi niya inasahan na kaya nitong matulog ng nakaupo sa sahig buong gabi.
Biglang tumunog ang kaniyang telepono
Nang makita ang pangalan ni Monica, sumulyap siya sa banyo.
Pinindot niya ang answer button.
“Fabian… nadapa ako.” wika ni Monica sa telepono
Garalgal ang tinig ni Monica, may kasamang hikbi.
Nagtataka si Fabian at iniisip na nagkukunwari lamang si Monica at sumagot
“Tumayo ka kapag nadapa ka.”
Namimigat ang luha ni Monica dahil sa sakit, at sa narinig na malamig na sagot, bigla itong umiyak nang tuluyan.
“Kung kaya niyang bumangon, tatawag pa ba siya? Malamang hindi na.” wika ni Fabian sa kanyang sarili
“Hindi ako makagalaw.” humikbi si Monica, paos ang tinig.
Nang tanggalin niya ang kanyang pantalon, nakatayo lamang siya sa isang paa. Hindi niya alam kung aling litid ang kanyang nabanat, pero nang biglang manghina ang tuhod, bumagsak siya.
Buti na lamang at nahawakan niya ang cellphone bago ito mahulog, kung hindi, baka sumigaw na lang siya hanggang sa mapaos.
Parang bigla siyang nagkaroon ng sama ng loob sa lalaki dahil parang wala man lang ito kahit na konting pag aalala sa kanya. Pero wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili.
Tahimik lang si Fabian, at parang nahulaan ni Monica na ang gusto nitong sabihin: “You deserved it”
“Fabian…” Tawag ulit niya.
Isang mahinang tunog lang ang narinig niya , at naputol ang tawag.
Mawawalan na sana siya ng pag-asa,pero biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Napatingin si Fabian sa babaeng nakahandusay sa sahig, nakasimangot ito at halatang iritado.
Suot lang ni Monica ang itim na bra sa itaas, kaya’t litaw ang maputing balat; ang isang paa’y nakabalot pa sa pantalon habang ang kabila’y nakalitaw.
Hindi pa siya nakakita ng ganitong kapangit at kahiya-hiyang itsura.
Alam ni Monica na nakakatawa at nakakadiri ang itsura niya ngayon.
Hindi niya naman ginusto, pero nangyari na.
Habang nakatitig si Fabian, lalo siyang nakaramdam ng hiya, at nag-init ang kanyang pisngi.
“Hindi talaga ako makabangon.” Para patunayan na hindi siya nagsisinungaling, umalalay siya sa sahig at pilit itinaas ang kanyang katawan—ngunit agad napaluha sa sobrang sakit.
Nabigla naman si Fabian. Yumuko siya at binuhat niya si Monica.
Hinawakan niya ang katawan nito at binuhat sa kanyang mga bisig palabas sa banyo..
Hindi na namalayan ni Monica na kama iyon ng lalaki. Hinila niya agad ang kumot at itinakip sa kanyang katawan. “Salamat,” mahina niyang wika.
Hindi pa sya nakaranas ng ganitong klaseng pagkapahiya.
Sa dinami dami ng pwede niyang pagbagsakan, bakit sa banyo pa ng isang lalaki? At higit sa lahat—hubad pa siya.
Mabuti na lang; hindi siya tuluyang hubo’t hubad.
Kagat-labi si Monica, hindi makapagsalita sa sobrang kahihiyan.
Kinuha ni Fabian ang kanyang cellphone at may tinawagan.
“Pumunta ka sa lumang bahay… Hindi ako….” patuloy sa pagkausap sa telepono
Pagkababa ng tawag, Tumingin siya kay Monica na nakabalot pa din sa kumot, nakahiga pa rin sa kama niya.
“Itong babaeng to, napakalapitin talaga ng trouble.” bulong niya sa kanyang sarili
Matapos ang ilang saglit na katahimikan, naisip ni Monica na tinawagan na nito ang doktor para sa kanya. Dahan-dahan niyang inalis ang kumot sa mukha at mahina ang boses:
“Pwede mo ba akong tulungan kunin ang damit ko?”Hindi gumalaw si Fabian.
“Kapag may nakakita sa akin na ganito ang hitsura ko, malalaman nila na asawa mo ako. At natutulog pa ako sa kama mo…”
“Tumahimik ka.” pagalit na tugon nito
Pumunta si Fabian sa banyo, kinuha ang isang set ng damit na pambabae, at ibinato ito sa kanya.
Naalala ni Monicai na may isa itong bukod na kwarto na puno ng mga gamit—mula sa toiletries, underwear, hanggang sa pambahay ng babae. Lahat ay inihanda ng may malasakit.
Kinuha niya ang damit at sinubukang isuot, ngunit masakit ang kanyang baywang at hirap siyang ipasok ang pantalon dahil hindi niya maitaas ang kanyang paa.
Wala siyang nagawa kundi tumingin kay Fabian.
Naintindihan ng lalaki ang pakiusap sa mga mata ni Monica, at biglang itong sumimangot
“Pwede mo ba akong tulungan? Hindi ko talaga kaya.” pagsusumamo ni Monica
Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong sa ibang tao.
“Kung ayaw mo… pwede mo bang tawagin si Auntie.” pakikiusap ni Monica
Ngunit sa huli, nilapitan pa rin siya ni Fabian. Dahan-dahan nitong iniangat ang kumot—at tuluyang nasilayan ang kanyang buong katawan.
Sumagot ni Vince ang tawag, na para bang inaasahan niya na tatawagan siya ng babae.“Hello Vince, may alam ka ba na pwedeng puntahan ni Fabian.” dali daling tanong ni Monica.“Wag kang mag-alala, ok lang siya, uuwi rin yun.”,” sagot ni Vince. Nang marinig iyon, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Monica.Naghintay si Monica sa sala hanggang lagpas alas-diyes ng gabi bago niya marinig ang pagbukas ng pinto.Pagpasok ni Fabian, nandoon si Monica na nakatingin sa kanya mula hindi kalayuan.Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Fabian ay balot ng lamig, may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.“Nasabi ko na kina Tita na nandito ka lang sa bahay. Matulog ka na nang maaga.” Hindi na siya tinanong ni Monica kung saan ito nagpunta, o kung bakit hindi siya makontak at diretsong pumasok sa kwarto.Pinanood siya ni Fabian na pumasok ng kwarto at isinara ang pinto—hindi man lang nagtangkang magtanong.Kanina pa niya iniisip kung paano niya iiwasan ang mga tanong nito kung sakaling kumustahin siya
Habang tanghalian, nag-vibrate ang cellphone ni Monica.Tawag iyon mula kay Patricia.Mabilis na tumingin si Monica sa paligid, saka pabulong na nagpaalam: “Tita, sasagutin ko lang muna ang tawag.”Tumango naman Ginang.Pagkalabas, agad na sinagot ni Monica ang tawag.“Pat.”Sa kabilang linya, wala siyang ibang narinig kundi hikb ng kaibigan.Biglang kumabog ang dibdib ni Monica. “Pat, ano nangyari? Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin.”“Gusto na lang ni mama mamatay ko, huhuhu, ayaw niya akong paalisin.” Humugot ng malalim na hininga si Patricia at namamaos na wika, “Monica, hindi na sana ako bumalik.”“Hindi ba pwedeng pag-usapan nang maayos?” Natataranta si Monica. “Bakit kailangan ka nilang pwersahin?”Mapait na ngumiti si Patricia. “Para sa tinatawag nilang dangal, kaya nilang gawin ang kahit ano.” Humikbi siya. “Kasalanan ko rin, sana hindi na ko pumayag na makipag blind date”“Wala ka namang kasalanan dito, gusto mo lang naman pagbigyan ang mga magulang mo” Mariing kinagat
Sa unang araw ng bagong taon, nais ni Ginang Monterde na magsimba upang magdasal at magpasalamat.Nais ding sumama ni Monica, kaya sabay silang umalis ng bahay.Samantala, magkasama naman sina Fabian at ang ama nito.Sa daan, bahagyang malungkot ang anyo ng Ginang. Dapat sana ay masaya siya ngayong Bagong Taon, ngunit sa tuwing maiisip niya na paliit nang paliit ang oras ng kanyang anak, lalo lamang siyang nababalisa.Iba naman si Monica.Kahit sa papel lang sila mag-asawa, taimtim pa rin niyang hinahangad na manatiling ligtas si Fabian.Pagdating nila sa simbahan, napakaraming taong naroon upang magdasal—karamihan ay mga babae.Sumunod si Monica sa Ginang, lumuhod, pumikit, at taimtim na nanalangin sa mga diyos na pagpalain ang kanyang mga hangarin at matupad ang mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang Ginang, basa ng luha ang kanyang mga mata.Paglabas nila ng simbahan at pagsakay sa kotse, tumingin sa malayo ang Ginang at nagtanong, “Sa tingin mo ba, matutupad ang mga das
May kalahating oras pa bago sumapit ang Bagong Taon.Matagal nang nakaupo si Fabian sa labas, kaya medyo nag-aalala si Monica para sa kanyang kalusugan.“Matulog ka na.” wika ni Monica.“Ang daldal mo.” mabilis na sagot ni Fabian.Maya maya ay tumayo si Monica at pumasok sa loob ng bahay.Paglabas niya, may dala na siyang kumot at marahang ibinalot iyon kay Fabian mula sa likuran.Napatigil si Fabian at tiningnan siya nang dahan dahan.“Baka sipunin ka.” Umupo muli si Monica, “Ayokong magkasakit ka, lalo ngayong Bagong Taon.”Akmang tatanggalin ni Fabian ang kumot ng titigan siya ng masama ni Monica sabay sabi.“Mas mabuti pang makinig ka sa akin, kung hindi…”“Ano’ng gagawin mo?” Sumulyap si Fabian, bahagyang nakakunot ang noo nang makita niyang parang nagbabanta ang babae.“Kung hindi, yayakapin kita.”Tinanggal ni Fabian ang kumot at itinapon pabalik sa kanya.“Fabian, alagaan mo naman ang sarili mo.” Tumayo si Monica at muling ipinilit na ibalot sa kanya ang kumot.“Napakadaldal m
Napakaganda at makukulay ang kalangitan sa Bisperas ng Bagong Taon.Bagama’t lumalalim na ang gabi, mas lalo lamang nagiging masigla ang lahat.Sina Ginoo at Ginang Monterde, dahil matanda na at ayaw mapuyat, ay bumalik na sa kanilang silid bago pa tumunog ang kampana ng Bagong Taon.Si Fabian naman, kaagad na nagbalik sa kanyang silid matapos kumain at hindi na muling lumabas.Si Monica, kasama ang mga kasambahay, ay nagsindi ng bonfire sa bakuran at nagsama-sama upang magpainit.Matapos ang ilang saglit ng kuwentuhan, nagpadala ng mensahe si Monica kay Patricia at tinanong kung kumusta na siya.Makalipas ang halos kalahating oras, tumawag si Patricia.Tumayo si Monica at lumayo ng kaunti upang sagutin ito.“Hoy, kumusta ka na?”“Halos mabaliw na ako!”Kumunot ang noo ni Monica, “Bakit, anong nangyari?”“Gusto ko nang makipaghiwalay kay Lance, pero ayaw pumayag ng nanay ko. Ang sabi niya, alam na ng lahat ng kakilala niya na kami ni Lance ay magkasintahan, at kung makikipaghiwalay ak
Pagkatapos kumain, umupo si Monica sa hardin, tahimik siyang nakaupo, habang umaamoy ang halimuyak ng bulaklak sa paligid. Sa loob ng bahay, nakatayo si Fabian sa tapat ng malaking bintanang salamin, pinagmamasdan si Monica, kitang kita ang kalungkutan nito.Sa pagkakaalala niya, bihira niya itong makita nang ganito—tahimik ngunit puno ng alalahanin.“Hindi ko alam kung uuwi siya bukas sa pamilya niya,” wika ni Ginang Monterde habang iniaabot sa anak ang isang tasa ng ginseng tea. Tumayo rin siya sa tabi nito at tumingin sa dalaga.Tinanggap ni Fabian ang tsaa at nagpasalamat, “Magkano ba ang ibinigay sa pamilya nila?”“Binigyan lang namin ng kaunting negosyo ang tatay niya,” sagot ni Ginang Monterde.“Ibinenta niya ang anak niya?” tanong ni Fabian.“Hindi naman sa ganoon. Narinig ko na siya mismo ang pumayag. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pera. Basta, nang iabot ang tulong, tinanggap lang niya agad at wala ng ibang sinabi,” paliwanag ni Ginang Monterde.Humigop ng tsaa si Fabi







