Makalipas lamang ang ilang araw mula nang huli siyang pumunta sa mansiyon, muling bumaba si Monica mula sa sasakyan. Pagkakita sa kanya ng mga tauhan ng pamilya Monterde, sabay-sabay silang bumati:
“Magandang araw Ma’am”
Medyo nagulat at nailang siya sa tawag na iyon at pumasok siya sa mansyon na tila hindi komportable.
Sa maluwang na sala, magkatabi sina Fabian at Ginang Monterde. Banayad at puno ng pagmamahal ang tingin ng ina sa anak, may bakas pa ng pag-aalala sa mga mata nito.
Hindi napigilan ni Monica na mainggit sa ganoong uri ng pagmamahalan ng mag-ina.
Sa pagkakaalala niya, malabo at hindi na niya matandaan ang ganun pakiramdam..
“Monica, halika at umupo ka rito.” Magiliw siyang kinawayan ni Ginang Monterde.
Muling makita at marinig ang pagtawag ng ginang ay para bang nakikita niya ang sariling ina, na nakangiti at malambing siyang tinatawag.
Pinilit niyang itago ang lungkot at lumapit.
Pinaupo siya ni Ginang Monterde sa tabi mismo ni Fabian.
Alam ni Monica na ayaw siyang makita ng lalaki, ngunit sa ilalim ng mapagmatyag na tingin ng ginang, napilitan siyang ngumiti at sumunod.
Bahagyang tumingin si Ginang Monterde sa kanilang dalawa, bakas sa kanyang mga mata ang kasiyahan.
“Kayong dalawa, parehong maganda at matalino, bagay na bagay.”Nanatiling malamig ang mukha ni Fabian.
Bahagyang napahiya si Monica, kaya ngumiti na lamang sya ng matipid.
“Fabian,” wika ng ginang, “mabuting babae si Monica. Asawa mo na siya ngayon—kaya dapat tratuhin mo siya nang maayos.”
Walang imik at walang bakas ng damdamin sa mukha ni Fabian.
Muling tumingin si Ginang Monterde kay Monica, saka tumayo at iniabot ang kamay.
Agad namang napatayo si Monica at tinanggap ito.
Mahigpit at puno ng lambing ang pagkakahawak ng ginang habang inakay siya paitaas.
Pagkasara ng pinto sa silid, marahang kumalas ang ginang sa kanyang kamay at mahinahong nagtanong:
“Naranasan mo na bang tumira kasama si Fabian?”Umiling si Monica.
“Paano nangyari iyon?” Nanlaki ang mata ng ginang. “Kung hindi kayo magsasama, paano magkakamabutihan ang damdamin n’yo at paano kayo makakabuo ng pamilya?”
Sa isip ni Monica; hindi para sa kanila ang pag-usbong ng pagmamahalan, kundi upang sila’y magsama at magkaroon ng anak lamang.
Alam niyang iyon ang totoo, ngunit paliwanag naman niya:
“Hindi ko naman alam na ikakasal ako agad sa kanya. Kaya’t panigurado hindi pa siya magiging komportable kasama ako. Kung agad agad akong makikitira sa kanya, lalo lamang siyang mandidiri sa akin.”“Pero huwag kayong mag-alala, pagsusumikapan ko. Dahil pinakasalan ko siya, nais kong mamuhay nang maayos kasama niya, magkaroon ng anak para sa kanya, at gawing buo ang pamilya.” dagdag ni Monica
Nagustuhan naman ng ginang ang pagiging mahinahon na pag uugali ni Monica.
Bahagya siyang tinapik sa balikat. “Matalinong kang babae. Hangga’t nananatili ka para sa pamilya Monterde, hindi ka namin pababayaan.”
Sunud-sunod na tango at magiliw na ngiti ang isinagot ni Monica.
“Ngayong gabi, dito ka na sa lumang bahay matutulog.” Agad na nagpasya ang ginang.
Natigilan si Monica, bahagyang nanlamig.
Ngunit nagpatuloy sa pagngiti ang ginang na para bang hindi niya napansin at nagwika,
“Ang mga pagkakataon ay hindi hinihintay—ginagawa. Kaya ikaw mismo, magsumikap ka.”Pinilit ni Monica na ngumiti, bagaman may halong pilit.
Gayunman, mabilis din niyang naisip—hindi siya pakikinggan ni Fabian sa mga ganitong bagay.
。
Pagkatapos ng hapunan, inantabayanan ni Monica na umalis si Fabian.
Ngunit ikinagulat niya nang imbes na lumabas, tumayo ito at dumiretso sa itaas.
Bahagyang nagtaka si Monica.
Maya-maya, bitbit ang isang plato ng prutas, ngumiti ang ginang at inaiabot kay Monica
“Iakyat mo ito, kainin ninyo ni Fabian.”Sumunod naman agad si Monica at kinuha ang prutas. “Sige po.”
Habang umaakyat sa hagdan, huminga siya ng malalim.
Nang tumapat sa pintuan, iniangat niya ang kamay upang kumatok.
Ngunit agad na bumukas ang pinto.
Nakatayo roon ang lalaki, maputla at malamig ang mukha, walang bakas ng emosyon, malamig ang mga mata.
“……Asawa.”
Malambing na tawag ni Monica.
Lalong dumilim ang mukha ni Fabian.
Inangat ni Monica ang plato ng prutas—
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Monica, may ngiti sa labi, kumikislap ang mga mata, mahinhin at kaakit-akit.
“Kumain ka ng prutas.”Nakita ni Fabian ang anino mula sa dulo ng hagdan. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ito.
Pagkasara pa lamang ng pinto, agad niyang itinulak si Monica sa dingding. Nagulat si Monica, at ang mga dala niyang prutas ay nalaglag sa sahig.
Mabilis na bumangga ang likod niya sa matigas na pader. Kahit may suot siyang sweater, ramdam pa rin niya ang kirot at bigat.
Tinitigan niya ang lalaking nasa harapan niya—malalim, malamig, at nakakatakot ang mga titig na tila may dalang panganib.
Hinawakan ng lalaki ang kanyang leeg, mariin ang pagkakapisil, walang pakialam kung nasasaktan man si Monica.
“Anong gusto mong makuha sa lahat ng pagpapanggap na ito?” malamig na tanong ni Fabian.Aminado si Monica, masyado pang maaga para sabihing hindi siya “baliw.”
Sa higpit ng pagkakasakal, nawalan siya ng hininga. Napatapik siya sa balikat ng lalaki.
Nang makita ni Fabian ang pamumula ng kanyang mga mata, nangingilid na ang luha nito, hindi niya napigilang bitawan ang pagkakahawak.
Umubo nang paulit-ulit si Monica bago siya muling nakahinga nang maayos.
Inabot niya ang plato ng prutas kay Fabian.
Kumunot ang noo ni Fabian. Hanggang ngayon, hawak-hawak pa rin ang fruit plate? Parang tanga.
“Sinabi ng mama mo na kumain ka ng maraming prutas, mabuti raw ito para sa kalusugan mo.” Mahina at putol-putol ang kanyang hininga.
Kinuha ni Fabian ang plato. Samantala, bumagsak si Monica sa sahig, nakasandal sa pader, hinahaplos ang kanyang dibdib. Malakas ang tibok ng puso, para bang muntik na siyang mamatay.
Hindi naramdaman ni Fabian kung gaano siya naging malupit kanina, ngunit nang makita niya ang kalagayan nito ngayon, bahagya siyang natigilan kung sumobra ba ang pagkakapisil niya sa leeg ni Monica.
“Ano pa ba ang magagawa ko?” Ngumiti si Monica ng may halong panghihina. “Kung iniisip mong may masama akong intensyon, na may makukuha ako sa’yo, gumawa ka na lang ng kasunduan. Hindi ako makikialam sa kahit ano tungkol sa’yo.”
Nakatingin lang sakanya si Fabian habang nakatayo.Iniangat naman ni Monica ang kanyang mukha,, may luha sa mga mata, at nakakaawa kung iyong titingnan.
Sa sandaling iyon, sincere ang kayang mga sinasabi.
“Gagawin ko.”
Agad naman sinabi ni Fabian: “Wala kang kinalaman sa kahit anong meron ako.”
“Pero pwede ba kitang mahalin?” Tumingin si Monica nang may pananabik, nagliliwanag ang mga mata, may pag-aalinlangan ngunit puno ng pagnanasa.
Napangiti si Fabian—nakaramdam ng excitement.
Kakahiwalay niya lang kay Jhorby, tapos ay nagpakasal sa isang lalaking hindi man lang niya kilala. At ngayon, nagtatanong ng ganitong klaseng bagay na para bang galing talaga sa kanyang puso.
Dahan-dahan siyang bumaba ng pagkakaupo, pinagmamasdan ang babae at nagwika.
“Ilang mukha ba ang meron ka? Plano mo bang hintayin akong mamatay bago ka magpakamartir?”Mapait ang ngisi ni Fabian, tila may lason ang bawat binibitawan na salita.
Nang makita niya ang tulalang mukha ni Monica, muling ngumiti nang malamig.
“Ayaw mong makipaghiwalay? Sige, pagbibigyan kita. Ano man ang pakay mo, tandaan mong sa piling ko, pangalan lang ang mayroon ka—wala nang iba.”Kahit nakayuko at nanginginig, ramdam pa rin ni Monica ang bigat ng presensya ng lalaki. Sa sikip ng dibdib niya nahihirapan siyang huminga.
Tumayo si Fabian at tinitigan siya ng masama.
“Ang kasal na ito—hindi mo pwedeng banggitin sa iba. Wala kang kinalaman sa pamilya Monterde.”Dahan-dahang nakahinga si Monica, hindi nagsalita, at tahimik na sumang-ayon.
Wala din naman syang balak ipagsabi. Alam niyang hindi tatagal ang kasal na ito.
Muling tumingala si Monica, “Ngayong gabi, dito ka muna”. kumurap ang malabong mga mata, tila nang-aakit: “Gusto ng mama mo na magsama tayo.”
Tinalikuran siya ni Fabian at nagsabi, “matulog ka kung saan mo gusto, huwag lang sa kama.”
Medyo nahihiya pa rin si Monica, bumilis ang tibok ng kanyang puso,Alam ni Fabian na maganda ang hubog ng katawan ng babae,dati pa niya iyon napansin. Ngunit ngayong gabi, mas malinaw at walang pasubali ang lahat—isang tanawing nakakabighani.Marahang lumunok si Fabian, yumuko, at hinila pababa ang laylayan ng pantalon upang maisuot sa babae. Dahan-dahang iniangat iyon hanggang baywang.Bahagya niyang nadama ang panginginig ng balat na kanyang nadampian, at ang biglang pagtigas ng katawan nito.Sinulyapan niya ang mukha ni Monica—halata ang pamumula—at ang mga mata’y tila iwas.Kinuha niya ang kumot at itinakip sa katawan nito, saka siya tumalikod. Nang may narinig sila na katok.“Pasok.”Pumasok ang personal na doktor ni Fabian, dumaan muna ang tingin sa amo bago lumapit.“Nadulas siya. Tignan mo kung malala.” Malamig ang tinig ni Fabian, ngunit malinaw ang utos sa kanyang mga mata.Sinuri ng doktor si Monica, bahagyang pinisil ang bandang baywang pababa sa kanyang paa, at nagpasy
Pagpasok ni Fabian sa banyo, wala na siyang balak lingunin pa si Monica.Tahimik ang buong silid. Hinaplos ni Monica ang kanyang leeg, iniisip na muntik na talaga siyang mabulunan kanina—akala niya’y papatayin siya nito.Kaya’t napagdesisyunan niyang umiwas dito.Lumipat siya sa madilim na bahagi ng silid, at napabuntong-hininga. “Mukhang hindi talaga uubra ang pangarap kong maging mayamang babae.” bulong niya sa kaniyang sarili.Lumabas si Fabian mula sa banyo at sumulyap sa pintuan. Wala na ang babae sa dating puwesto.Akala niya ay lumabas na ito, ngunit pagkaraan ng ilang hakbang, nakita niyang nakaupo ito sa dilim.Nakaupo si Monica sa sahig, abala sa pagte-text kay Patricia.Alam ni Patricia na magkasama sila ngayong gabi sa isang kwarto, kaya’t hindi maiwasang mag-alala sa kanya.Nag-selfie si Monica habang nasa sahig at pinadala kay Patricia.“Huwag kang mag alala, kailangan ko pang makuha ang loob niya”Pagkatapos niyang isend, may naramdaman siyang hakbang palapit sakanya.
Makalipas lamang ang ilang araw mula nang huli siyang pumunta sa mansiyon, muling bumaba si Monica mula sa sasakyan. Pagkakita sa kanya ng mga tauhan ng pamilya Monterde, sabay-sabay silang bumati: “Magandang araw Ma’am”Medyo nagulat at nailang siya sa tawag na iyon at pumasok siya sa mansyon na tila hindi komportable.Sa maluwang na sala, magkatabi sina Fabian at Ginang Monterde. Banayad at puno ng pagmamahal ang tingin ng ina sa anak, may bakas pa ng pag-aalala sa mga mata nito.Hindi napigilan ni Monica na mainggit sa ganoong uri ng pagmamahalan ng mag-ina.Sa pagkakaalala niya, malabo at hindi na niya matandaan ang ganun pakiramdam..“Monica, halika at umupo ka rito.” Magiliw siyang kinawayan ni Ginang Monterde.Muling makita at marinig ang pagtawag ng ginang ay para bang nakikita niya ang sariling ina, na nakangiti at malambing siyang tinatawag.Pinilit niyang itago ang lungkot at lumapit.Pinaupo siya ni Ginang Monterde sa tabi mismo ni Fabian.Alam ni Monica na ayaw siyang ma
Napasulyap si Fabian sa hubog ng katawan ni Monica- lantad at may pagnanasa.Bahagyang nanigas ang katawan ni Monica, ngunit hindi siya umatras. Hindi siya makapaniwala na magagawa talaga ng lalaki ang iniisip niya.Iniangat nya ng bahagya ang kanyang damit.Lumantad ang sexy at maputing baywang, at ang gilid ng kanyang puting underwear ay kapansin-pansin.Ngunit bigla siyang itinulak pababa ng lalaki, mariin at walang pag-aalinlangan—kita ang matinding pagkasuklam sa kanyang mukha.Halos matumba si Monica, ngunit naitayo niya agad ang kaniyang sarili. Pinigil niya ang saya sa dibdib, bagama’t pinilit nyang hindi magmukhang nasaktan.Isang malamig na tingin ang ipinukol ni Fabian sa babaeng sanay magpanggap, na kaya pang isakripisyo ang lahat kapalit ng pera.“Get out of here!” galit na wika ni FabianGalit na galit siya sa ganitong klaseng babaeng mapagkunwari.“My Husband…” bulong ni MonicaNainis lalo si Fabian. “Get out!”Hindi na nagdalawang-isip si Monica—inayos ang kanyang dam
Hindi mainit ang heater sa sasakyan, at tulad ng kanyang katawan, malamig din ang puso ni Monica.Nakakaramdam pa rin sya ng takot.Ngunit naisip niya, kung bilang na lang ang oras ng buhay ng pinakasalan nya, anong kalokohan pa ba ang kaya nitong gawin sa kanya?Kinausap niya ang kaibigan niyang si Patricia para kumalma ito.Huminto ang sasakyan sa pinakamalaking entertainment club ang “Richmond Club”Pinagbuksan sya ng pinto ng driver, maayos ang kilos ngunit walang bakas ng paggalang ang kanyang asal.Bumaba si Monica, at naunang naglakad ang lalaki.Dumaan sila sa nakakasilaw na pasilyo, huminto sa pinakadulong silid, itinulak ang dalawang pintuan, at gumilid ang lalaki. "Sir Monterde, Nandito na po si Ms Monica."Sabay senyas sa gwardiyang lalaki na umalis na ito.Nasa dulo na ng pintuan si Monica “Sa isip niya,nandito na to at wala nang atrasan,kaya’t kailangan niyang pumasok.Pagsara ng pinto sa kanyang likuran, nakaramdam agad sya ng bigat ng dibdib sa kanyang paligid. Ang ha
Iniisip ni Monica na sa wakas ay matatapos na ang kanilang dalawang taong long-distance relationship, napakaganda ng mood niya, ang kanyang magandang mukha ay punong puno ng galak at hindi maipaliwanag na excitement, at ang lamig ng panahon ay natabunan ng init na pananabik niyang makita ang kanyang kasintahan.Nakatayo siya sa pintuan ng bahay ni Jhorby, hawak ang kanyang maleta, at masayang pinipindot ang password ng kanilang pinto.Ngunit pagkabukas ng pinto, natigilan siya.Dalawang magkapatong na katawan sa sofa—parang sumabog ang utak ni Monica.Piniga niya ang kanyang mga kamao sa sobrang pagtitimpi, at ang mga tao sa sofa ay sobrang abala na hindi man lang siya napansin.Habang pinipigil nyang masuka, kinuha niya ang kanyang telepono at vinideohan ang kalaswaan na ginagawa ng dalawa.Nang magpalit sila ng posisyon , napalingon ang babae kay Monica at napasigaw sa gulat.Nataranta rin si Jhorby, agad na kinuha ang kumot at binalot ang katawan, itinago ang babae sa likod niya.