Share

Chapter 6: Signed Agreement

Author: Dior28
last update Huling Na-update: 2025-09-11 19:45:17

Medyo nahihiya pa rin si Monica, bumilis ang tibok ng kanyang puso,

Alam ni Fabian na maganda ang hubog ng katawan ng babae,dati pa niya iyon napansin.

Ngunit ngayong gabi, mas malinaw at walang pasubali ang lahat—isang tanawing nakakabighani.

Marahang lumunok si Fabian, yumuko, at hinila pababa ang laylayan ng pantalon upang maisuot sa babae. Dahan-dahang iniangat iyon hanggang baywang.

Bahagya niyang nadama ang panginginig ng balat na kanyang nadampian, at ang biglang pagtigas ng katawan nito.

Sinulyapan niya ang mukha ni Monica—halata ang pamumula—at ang mga mata’y tila iwas.

Kinuha  niya ang kumot at itinakip sa katawan nito, saka siya tumalikod. Nang may narinig sila na katok.

“Pasok.”

Pumasok ang personal na doktor ni Fabian, dumaan muna ang tingin sa amo bago lumapit.

“Nadulas siya. Tignan mo kung malala.” Malamig ang tinig ni Fabian, ngunit malinaw ang utos sa kanyang mga mata.

Sinuri ng doktor si Monica, bahagyang pinisil ang bandang baywang pababa sa kanyang paa, at nagpasya na ito’y banat lamang at pilay.

Napansin din niya ang kakaibang paghinga ng babae.

“May konting sipon ka rin.”

“Hm.”

“Handa ka na ba mabuntis?” tanong pa ng doktor.

Sa gilid, bahagyang nagtaka si Ginang Monterde, agad naging interesado.

Bago pa makasagot si Fabian, biglang tumango si Monica. “Oo.”

Napatingin ang doktor kay Fabian, parang may ibig ipahiwatig.

Tumalim ang tingin ng lalaki kay Monica, puno ng babala.

Napayuko siya, hindi ba’t para lang kay Ginang Monterde ang sinabi ko?

Matapos magbigay ng reseta at payo, bumaba na ang doktor kasama si Ginang Monterde. Naiwan sina Monica at Fabian sa kwarto.

Dahil sa mga sinabi kanina, medyo naiilang si Monica na tumingin sa lalaki.

Ngunit sa halip na pagalitan siya, pumasok ito sa study room at hindi na nagsalita.

Maya-maya, kumatok si Marlon at pumasok.

“Sir Fabian, narito na po ang dokumento.”

Inabot niya ang kasulatan. “Ayon po sa mga kondisyon ninyo.”

Kinuha iyon ni Fabian, binasa sandali, at saka nagtungo sa kwarto. Inabot niya kay Monica.

“Kasunduan. Pirmahan mo,Kung gusto mong manatili dito.”

Hindi akalain ni Monica na ganoon siya kabilis kumilos.

Inisa isa niya itong basahin, at sa huling pahina ay nagtanong siya:

“Kung sakaling—ma-in love ka sa akin, sakop pa rin ba ito ng kasunduan?”

“That’s not possible.” diretsong sagot ni Fabian.

Hindi na nagtaka si Monica. Ano pa bang sagot ang inaasahan niya?

Sa totoo lang, ang kasunduang iyon ay para lang mapanatag ang lalaki. At wala naman itong epekto sa kanya.

“Wala naman sigurado sa lahat ng bagay.” mahina niyang sabi.

Tinitigan lang siya ng masama ni Fabian

Alam ni Monica ang dapat gawin. Pinirmahan niya ito, Kinuha niya ang cellphone, pinicturan para may sarili siyang kopya , at saka ibinalik sa kanya.

“Napaka simple naman ng babaeng ito, minsan nakakaaliw din kung titignan mo” Sa isip ni Fabian.

“Anong nakasulat sa kasunduan?” puno ng kuryosidad na tanong ni Patricia.

“Marami, pero konti lang ang mahalaga. Una, bawal akong magkaroon ng physical contact sa kanya.”

Napatawa si Patricia. “Parang ang Manyak naman ng tingin niya sayo.”

“Eh kasi… yung kagwapuhan at katawan niya, parang lalo akong natutukso na maging gano’n.”

“…… Ano pa?” tanong ni Patricia.

“Pangalawa, kapag nagkita kami sa labas, kailangan naming magpanggap na hindi magkakilala.”

“Pangatlo, bawal kong banggitin sa iba ang relasyon namin.”

“At ang pinakamahalaga—bawal akong magkaroon ng feelings para sa kanya.”

 “Galit ba siya sa’yo, o ayaw niya lang talaga na magpakasal?”Ani Patricia

Umiling si Monica, nagkibit-balikat. “Pareho. Pero siguro mas dahil ayaw niya talaga sa akin.”

“Lahat ng kondisyon niya, parang takot siya na baka may makuha ka sa kanya. Anong mapapala mo sa kasunduang ‘yan? Parang hindi naman maganda para sa’yo.”

Ngunit ngumiti si Monica, habang nagbabasa ng message sa WeChat, tumaas ang kilay.

“Bakit naman hindi? Hindi ko kailangan mag-alaga ng biyenan, hindi ko kailangan mag-asikaso ng asawa, tapos buwan-buwan may malaki akong allowance. Ang ganda nga eh.”

“Seryoso ka? Paano kung mamatay siya,baka ikaw ang pagbintangan.”

“Lahat naman tayo mamamatay. Una unahan lang yan.” At saka, hindi ko na rin naman gustong mag-asawa ulit.”Ani Monica

Napakunot ang noo ni Patricia. “Pakiramdam ko, hindi ka talaga naniniwala sa pag-ibig kaya ganyan ang mindset mo.”

“Hindi ko muna iniisip ang love ngayon. At saka, hindi naman ako basta-basta.”

Ngumiti si Monica at bumulong, “Kung makikita mo siya… sobrang gwapo. Ni hindi halata na may sakit. Malay mo, hindi naman talaga siya mamatay agad. At kung ganon, at least, kikita pa  ako ng mataga*l.”

Napatahimik si Patricia. Para sa kanya, hindi pera ang dahilan kung bakit nagpakasal si Monica—para bang naghahanap lang ito ng mapaglilibangan.

Tumunog ang cellphone ni Monica.

Nakita niya kung sino ang tumatawag, nakakunot ang noo at nagtataka niyang sinagot iyon ng malambing at magaan ang tono.

Pagkatapos ng tawag, nagsalita siya. “Ayan na. Unti-unti nang may silbi ang pagiging kasal ko.”

Nagtaas ng kilay si Patricia. “Anong silbi?” 

Matagal na niyang pina-request sa head office na ibalik si Jhorby sa Opisina, pero hindi niya inasahan na pati si Marcus—anak ng leader at matagal nang may gusto sa kanya—ay nailipat din doon.

Kaya ngayong gabi, nag-organize ang buong department ng salu-salo. Kahit hindi pa siya nakakapag-report sa opisina, kilala na siya ng lahat mula sa mga exhibitions at events. Kaya hindi maganda kung hindi siya pupunta.

Habang nasa daan, biglang naisip ni Monica, “Paano kung malabag ko ang kasunduan?”

May naka set si Fabian na pinakamahalagang kondisyon.

Kung lalabagin ito, kailangan niyang umupo at tumalon sa gitna ng city center habang tumatahol na parang aso.

Sino’ng mag-aakala na si Fabian ang makakaisip ng ganoon na parusa? Ibig sabihin, ganoon kalalim ang pagkamuhi niya sa babae.

Mababaw at parang pambata ang parusa, pero sapat para itali sila pareho. Lalo na siya.

Pagbaba niya ng kotse, inayos niya ang kaniyang sarili at pumasok sa hotel.

Bukas ang pinto ng private room, puno ng tawanan at ingay sa loob.

“Monica, bilisan mo, hinihintay ka na namin!” tawag ng isa.

Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa kanya.

Ngumiti si Monica, magalang na nagpaumanhin. “Pasensya na, nahuli ako. Masama kasi ang pakiramdam ko.”

“Ayos lang.” sagot ni Marcus, halatang nag-aalala.

“Konting sipon lang to, okay lang ako.”Ani Monica.

Puro pamilyar na mukha ang naroon, mga nakatrabaho niya noon. Mainit ang pagtanggap sa kanya.

Alam na ng lahat na si Marcus ay may gusto kay Monica. Kaya’t naglaan ng isang bakanteng upuan sa tabi niya, at doon umupo si Monica. Masigla ang usapan, puno ng tawanan.

Pagkatapos ng kainan, lumabas saglit si Marcus. Pagbalik niya, may dala na siyang bouquet ng champagne roses.

Nagkatinginan ang lahat, at may mga pilyong ngiti sa kanilang mga labi.

Hindi na bago kay Monica ang sitwasyon. Alam na niya agad kung ano ang mangyayari.

Sa harap ng lahat, mahirap tanggihan si Marcus. Isa pa, hindi magiging madali ang pagtatrabaho kung may ilangan.

Bukas ang pinto ng silid, at bawat dumadaan ay napapatingin.

“Monica,” ani Marcus, humarap sa kanya, “narinig kong single ka na ulit. Bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka.”

Napatili ang lahat, may mga bumubulong, pero walang nagtulak kay Monica na sumagot agad.

Tumayo si Monica.“Pasensya ka na. Hindi na ako single—may pamilya na ako.”prangkang sagot nito kay Marcus.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 30:Ang pagbisita ng ama ni Monica

    Sumagot ni Vince ang tawag, na para bang inaasahan niya na tatawagan siya ng babae.“Hello Vince, may alam ka ba na pwedeng puntahan ni Fabian.” dali daling tanong ni Monica.“Wag kang mag-alala, ok lang siya, uuwi rin yun.”,” sagot ni Vince. Nang marinig iyon, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Monica.Naghintay si Monica sa sala hanggang lagpas alas-diyes ng gabi bago niya marinig ang pagbukas ng pinto.Pagpasok ni Fabian, nandoon si Monica na nakatingin sa kanya mula hindi kalayuan.Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Fabian ay balot ng lamig, may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.“Nasabi ko na kina Tita na nandito ka lang sa bahay. Matulog ka na nang maaga.” Hindi na siya tinanong ni Monica kung saan ito nagpunta, o kung bakit hindi siya makontak at diretsong pumasok sa kwarto.Pinanood siya ni Fabian na pumasok ng kwarto at isinara ang pinto—hindi man lang nagtangkang magtanong.Kanina pa niya iniisip kung paano niya iiwasan ang mga tanong nito kung sakaling kumustahin siya

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 29:Nasaan si Fabian

    Habang tanghalian, nag-vibrate ang cellphone ni Monica.Tawag iyon mula kay Patricia.Mabilis na tumingin si Monica sa paligid, saka pabulong na nagpaalam: “Tita, sasagutin ko lang muna ang tawag.”Tumango naman Ginang.Pagkalabas, agad na sinagot ni Monica ang tawag.“Pat.”Sa kabilang linya, wala siyang ibang narinig kundi hikb ng kaibigan.Biglang kumabog ang dibdib ni Monica. “Pat, ano nangyari? Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin.”“Gusto na lang ni mama mamatay ko, huhuhu, ayaw niya akong paalisin.” Humugot ng malalim na hininga si Patricia at namamaos na wika, “Monica, hindi na sana ako bumalik.”“Hindi ba pwedeng pag-usapan nang maayos?” Natataranta si Monica. “Bakit kailangan ka nilang pwersahin?”Mapait na ngumiti si Patricia. “Para sa tinatawag nilang dangal, kaya nilang gawin ang kahit ano.” Humikbi siya. “Kasalanan ko rin, sana hindi na ko pumayag na makipag blind date”“Wala ka namang kasalanan dito, gusto mo lang naman pagbigyan ang mga magulang mo” Mariing kinagat

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 28:Meet my Relatives

    Sa unang araw ng bagong taon, nais ni Ginang Monterde na magsimba upang magdasal at magpasalamat.Nais ding sumama ni Monica, kaya sabay silang umalis ng bahay.Samantala, magkasama naman sina Fabian at ang ama nito.Sa daan, bahagyang malungkot ang anyo ng Ginang. Dapat sana ay masaya siya ngayong Bagong Taon, ngunit sa tuwing maiisip niya na paliit nang paliit ang oras ng kanyang anak, lalo lamang siyang nababalisa.Iba naman si Monica.Kahit sa papel lang sila mag-asawa, taimtim pa rin niyang hinahangad na manatiling ligtas si Fabian.Pagdating nila sa simbahan, napakaraming taong naroon upang magdasal—karamihan ay mga babae.Sumunod si Monica sa Ginang, lumuhod, pumikit, at taimtim na nanalangin sa mga diyos na pagpalain ang kanyang mga hangarin at matupad ang mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang Ginang, basa ng luha ang kanyang mga mata.Paglabas nila ng simbahan at pagsakay sa kotse, tumingin sa malayo ang Ginang at nagtanong, “Sa tingin mo ba, matutupad ang mga das

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 27: Bagong Taon na kasama ka

    May kalahating oras pa bago sumapit ang Bagong Taon.Matagal nang nakaupo si Fabian sa labas, kaya medyo nag-aalala si Monica para sa kanyang kalusugan.“Matulog ka na.” wika ni Monica.“Ang daldal mo.” mabilis na sagot ni Fabian.Maya maya ay tumayo si Monica at pumasok sa loob ng bahay.Paglabas niya, may dala na siyang kumot at marahang ibinalot iyon kay Fabian mula sa likuran.Napatigil si Fabian at tiningnan siya nang dahan dahan.“Baka sipunin ka.” Umupo muli si Monica, “Ayokong magkasakit ka, lalo ngayong Bagong Taon.”Akmang tatanggalin ni Fabian ang kumot ng titigan siya ng masama ni Monica sabay sabi.“Mas mabuti pang makinig ka sa akin, kung hindi…”“Ano’ng gagawin mo?” Sumulyap si Fabian, bahagyang nakakunot ang noo nang makita niyang parang nagbabanta ang babae.“Kung hindi, yayakapin kita.”Tinanggal ni Fabian ang kumot at itinapon pabalik sa kanya.“Fabian, alagaan mo naman ang sarili mo.” Tumayo si Monica at muling ipinilit na ibalot sa kanya ang kumot.“Napakadaldal m

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 26:Pag aalala ni Monica kay Patricia

    Napakaganda at makukulay ang kalangitan sa Bisperas ng Bagong Taon.Bagama’t lumalalim na ang gabi, mas lalo lamang nagiging masigla ang lahat.Sina Ginoo at Ginang Monterde, dahil matanda na at ayaw mapuyat, ay bumalik na sa kanilang silid bago pa tumunog ang kampana ng Bagong Taon.Si Fabian naman, kaagad na nagbalik sa kanyang silid matapos kumain at hindi na muling lumabas.Si Monica, kasama ang mga kasambahay, ay nagsindi ng bonfire sa bakuran at nagsama-sama upang magpainit.Matapos ang ilang saglit ng kuwentuhan, nagpadala ng mensahe si Monica kay Patricia at tinanong kung kumusta na siya.Makalipas ang halos kalahating oras, tumawag si Patricia.Tumayo si Monica at lumayo ng kaunti upang sagutin ito.“Hoy, kumusta ka na?”“Halos mabaliw na ako!”Kumunot ang noo ni Monica, “Bakit, anong nangyari?”“Gusto ko nang makipaghiwalay kay Lance, pero ayaw pumayag ng nanay ko. Ang sabi niya, alam na ng lahat ng kakilala niya na kami ni Lance ay magkasintahan, at kung makikipaghiwalay ak

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 25: Monica's 3 wishes

    Pagkatapos kumain, umupo si Monica sa hardin, tahimik siyang nakaupo, habang umaamoy ang halimuyak ng bulaklak sa paligid. Sa loob ng bahay, nakatayo si Fabian sa tapat ng malaking bintanang salamin, pinagmamasdan si Monica, kitang kita ang kalungkutan nito.Sa pagkakaalala niya, bihira niya itong makita nang ganito—tahimik ngunit puno ng alalahanin.“Hindi ko alam kung uuwi siya bukas sa pamilya niya,” wika ni Ginang Monterde habang iniaabot sa anak ang isang tasa ng ginseng tea. Tumayo rin siya sa tabi nito at tumingin sa dalaga.Tinanggap ni Fabian ang tsaa at nagpasalamat, “Magkano ba ang ibinigay sa pamilya nila?”“Binigyan lang namin ng kaunting negosyo ang tatay niya,” sagot ni Ginang Monterde.“Ibinenta niya ang anak niya?” tanong ni Fabian.“Hindi naman sa ganoon. Narinig ko na siya mismo ang pumayag. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pera. Basta, nang iabot ang tulong, tinanggap lang niya agad at wala ng ibang sinabi,” paliwanag ni Ginang Monterde.Humigop ng tsaa si Fabi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status