Share

Chapter 7: Monica's Husband

Penulis: Dior28
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-12 02:19:02

Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.

Natigilan si Marcus, Sumulyap muna sa kamay ni Monica bago ngumiti.

“Hindi mo naman kailangan magsinungaling para tanggihan ako.”

Alam ni Monica na walang maniniwala sa kanya.

Hindi naman niya pwedeng hilahin si Fabian palabas para ipakita.

“Hindi ako nagsisinungaling para lang tanggihan ka,” mahina niyang sabi.

“Kung ganon, bakit hindi mo ipakilala ang asawa mo samin.” Nananatiling nakangiti si Marcus, pero matalim ang mga mata.

Napakagat-labi si Monica. “Abala siya sa trabaho……”

“Monica, totoong gusto kita. “Sumunod ako mula Brisbane hanggang Sydney para lang makita ka.”

Hindi niya ininda ang tingin ng mga tao, buong puso na sinabi. “Kung totoo nga na kasal ka na, tanggap ko naman. Pero kung gumagawa ka lang ng kwento para tanggihan ako, huwag naman ganito.”

Lumapit pa siya ng isang hakbang. “Sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Gusto talaga kitang ligawan.”

Kinikilig ang mga tao sa paligid sa pagiging tapat ni Marcus.

Hindi nila maintindihan kung bakit tinatanggihan siya ni Monica, gayong maganda naman ang estado nito sa buhay.

Kaya sa sandaling iyon, may sumigaw, “Bigyan mo na ng tsansa.”

Sumang-ayon din ang iba.Kaya’t isa isa nilang pinilit si Monica na subukan at bigyan ng pagkakataon ang lalaki. Naiisip ni Monica na yun talaga ang pakay ni Marcus ng gabing yon.

Biglang tumunog ang cellphone ni Monica.

Pagkakita ng pangalan sa screen, agad kumislap ang kanyang mga mata. Sinagot niya iyon.

“H-honey……”

Ang matamis at malambing na tawag na iyon ang nagpatigil kay Marcus, at nagsimulang magtinginan ang lahat.

Huminga ng maluwag si Monica. Kahit ramdam niyang inis ang tao sa kabilang linya sa pagtawag niyang gano’n, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon.

“Tapos na kami dito, ikaw ba?” tanong ni Monica, habang nakikinig sa kabilang linya. “Nasa Years Workshop ako, oo, ayos lang, hihintayin kita.”

Nakalimutan ni Monica tanungin kung bakit ito tumawag at hindi din naman niya inaasahan na pupuntahan siya nito.

Pagkatapos patayin ang tawag, napangiti nang tipid si Monica. “Tumawag ang asawa ko.”

“Talaga bang kasal ka?” tanong ng isa.

“Totoong-totoo,” mariin niyang sagot.

Napasimangot si Marcus.

“Grabe naman, ikinasal ka na pala at hindi ka man lang nag imbita. Kung hindi ka pa nagpunta dito ngayon, hindi rin namin malalaman. Ang galing mo magtago. Pero dahil nandito na, kahit papaano, gusto rin naming makita kung sino ang maswerteng napangasawa mo.” Biro ng isa niyang katrabaho at sumang ayon naman ang iba.

Alam ni Monica na gusto lang nilang makasigurado kung nagsisinungaling siya.

Biglang na guilty si Monica. Totoo nga na kasal na siya, pero imposibleng magpakita si Fabian sa kanila.

“Hindi pa kasi siya tapos sa trabaho niya kaya hindi ko sigurado kung anong oras siya makakarating.” sagot ni Monica.

“Walang problema, maaga pa naman. Sasamahan ka namin.” Sagot ni Marcus.

Napangiti na lang nang pilit si Monica.

Sa harap ng ganitong dami ng tao, hindi niya pwedeng pakiusapan si Patricia na maghanap ng lalaking magpapanggap na asawa niya.

“Umuulan.”Ani ng katrabaho niya.

Napatingin si Monica sa bintana. Ang ulan ay tumatama sa salamin, tinatabunan ang mga ilaw ng lungsod. Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para maghintay.

Habang tumatagal, lalong namumula ang mukha Monica.

Palakas nang palakas ang ulan, at kakaunti na lang ang mga taong nasa daan.

Bigla, tumunog ang kanyang cellphone.

Pagkakita sa pangalan, napalundag ang tibok ng puso ni Monica.

Palihim siyang huminga nang malalim at nag wika “Hello.”

“Hindi ka pa lumalabas?” malamig na tanong ni Fabian.

Napatigil si Monica at napatingin sa bintana.

 “Nandito ka? Nakakahiya.”

Napakagat labi si Monica. Kahit gaano kasungit ang tono niya, nabawasan pa rin ang pagkailang niya sa sitwasyon.

Pagkababa ng tawag, ngumiti siya sa lahat. “Nandito na ang asawa ko, mauna na ako.”

“Samahan ka na namin.” sabi ng mga ka opisina niya

Ngumiti si Monica.

Nagtataka pa rin siya kung bakit ayaw ni Fabian na malaman ng iba ang tungkol sa kasal nila, pero ngayon ay kusa naman siya nitong sinundo.

Lumabas siya ng hotel, at basa na ang kalsada na parang salamin sa kintab.

May nakaparadang itim na Maybach sa gilid, naka-double flash.

Hindi sigurado si Monica kung iyon na nga ba, at tatawag na sana siya, nang biglang bumukas ang pinto.

Lumapit si Marlon dala ang payong.

“Maam.” wika nito

Nagkatinginan ang mga kasamahan niya, halatang nagulat.

Medyo nahiya si Monica.

“Nasa loob na si Sir, naghihintay.” wika ni Marlon

“Mm, osige.” sagot ni Monica

Bumaling siya sa mga kasamahan na may iba’t ibang ekspresyon. “Mauuna na ako, sa susunod na lang ulit.” wika ni Monica sa mga katrabaho niya

Itinaas ni Marlon ang payong sa ibabaw niya at inihatid siya papunta sa sasakyan.

Pagbukas ng pinto, nadatnan niyang nakapikit si Fabian, walang interes sa mga nangyayari sa labas.

Sumakay si Monica, at isinara ni Marlon ang pinto, saka umikot para magmaneho.

Naiwang nakatingin ang mga tao mula sa hotel habang papalayo ang sasakyan.

“Gwapo ang napangasawa ni Monica,” wika ng isa sa mga kaibigan niya

“Pero bakit ayaw magpakita ng asawa niya? Sino kaya ‘yon?” sagot pa ng isa

“Kung sa driver pa lang gano’n na, malamang hindi ordinaryo ang asawa niya. Baka kilalang tao, ayaw lang mabisto, kaya hindi lumalabas.” dagdag pa ng isa

“Baka naman hindi niya mahal si Monica. Kasi kung mahal talaga, hindi itatago ang kasal. Nagpakita na nga, pero hindi naman humarap—ganon ba ang tunay na nagmamahal?” komento pa ng isa

Alam na alam ni Monica kung ano ang pinag-uusapan nila, pero hindi niya iyon pinansin.

Mas iniisip niya kung bakit naisipan ni Fabian na sunduin siya ngayon—kahit hindi ito nagpakita, iniligtas pa rin siya.

“Salamat.”

Dahan dahang minulat ni Fabian ang mga mata. “Nililigawan ka?”

Natigilan si Monica at napatingin sa kanya.

Kanina, hindi naman niya dala ang bulaklak, at hindi rin sila naglakad na magkasama. Paano niya nalaman?

Isang ideya ang biglang pumasok sa isip niya, at nanlaki ang mga mata. “Nakita mo pala kanina?”

Kaya pala sinadya niya na tumawag!

“Bakit hindi ka magpakasal?”

“Ayoko makasal sa taong hindi ko mahal.”Nakasimangot na sagot ni Monica.

Bahagyang dumilim ang tingin ni Fabian. “Sakto.”

“Huh?”

“Ayoko rin magpakasal sa taong hindi ko mahal.”

Hindi na nagsalita si Monica, at tumingin na lang sa kawalan.

Alam niya na iniisip nito ang ex girlfriend niya na nasa ibang bansa.

Kung tutuusin, nakakaawa rin siya.

May taning na ang buhay niya, iniwan pa siya ng babaeng mahal niya, at sa huli ay napilitang magpakasal sa isang babae dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Biglang huminto ang sasakyan.

Pumarada si Marlon, akala’y may iuutos.

Ngunit malamig lang na tinig ang narinig, “Bumaba ka.”

Bahagyang tumagilid ang ulo niya, nakatingin kay Monica.

Napakagat-labi si Monica. Hindi niya inaasahan, pero naisip niyang tama lang naman.

Tinulungan na siya nitong makalabas sa kahihiyan, wala nang dahilan para ihatid pa siya.

Kaya bumaba na lang siya.

Pagkasara ng pinto, umandar ang sasakyan, ngunit muling huminto.

Bumaba si Marlon at iniabot ang payong. “Umuulan, gamitin mo ito.”

“Salamat.” Tinanggap naman agad iyon ni Monica.

Bumalik si Marlon sa loob, at tuluyang umalis ang sasakyan.

“Kung tutulong ka rin lang, bakit mo siya pinababa?”Wika ni Marlon na nakatingin sa rearview mirror.

“Hindi ko siya gusto.”Sagot ni Fabian na nakatanaw lang sa labas.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 30:Ang pagbisita ng ama ni Monica

    Sumagot ni Vince ang tawag, na para bang inaasahan niya na tatawagan siya ng babae.“Hello Vince, may alam ka ba na pwedeng puntahan ni Fabian.” dali daling tanong ni Monica.“Wag kang mag-alala, ok lang siya, uuwi rin yun.”,” sagot ni Vince. Nang marinig iyon, parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Monica.Naghintay si Monica sa sala hanggang lagpas alas-diyes ng gabi bago niya marinig ang pagbukas ng pinto.Pagpasok ni Fabian, nandoon si Monica na nakatingin sa kanya mula hindi kalayuan.Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Fabian ay balot ng lamig, may bahid ng kalungkutan sa mukha niya.“Nasabi ko na kina Tita na nandito ka lang sa bahay. Matulog ka na nang maaga.” Hindi na siya tinanong ni Monica kung saan ito nagpunta, o kung bakit hindi siya makontak at diretsong pumasok sa kwarto.Pinanood siya ni Fabian na pumasok ng kwarto at isinara ang pinto—hindi man lang nagtangkang magtanong.Kanina pa niya iniisip kung paano niya iiwasan ang mga tanong nito kung sakaling kumustahin siya

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 29:Nasaan si Fabian

    Habang tanghalian, nag-vibrate ang cellphone ni Monica.Tawag iyon mula kay Patricia.Mabilis na tumingin si Monica sa paligid, saka pabulong na nagpaalam: “Tita, sasagutin ko lang muna ang tawag.”Tumango naman Ginang.Pagkalabas, agad na sinagot ni Monica ang tawag.“Pat.”Sa kabilang linya, wala siyang ibang narinig kundi hikb ng kaibigan.Biglang kumabog ang dibdib ni Monica. “Pat, ano nangyari? Magsalita ka naman. Huwag mo akong takutin.”“Gusto na lang ni mama mamatay ko, huhuhu, ayaw niya akong paalisin.” Humugot ng malalim na hininga si Patricia at namamaos na wika, “Monica, hindi na sana ako bumalik.”“Hindi ba pwedeng pag-usapan nang maayos?” Natataranta si Monica. “Bakit kailangan ka nilang pwersahin?”Mapait na ngumiti si Patricia. “Para sa tinatawag nilang dangal, kaya nilang gawin ang kahit ano.” Humikbi siya. “Kasalanan ko rin, sana hindi na ko pumayag na makipag blind date”“Wala ka namang kasalanan dito, gusto mo lang naman pagbigyan ang mga magulang mo” Mariing kinagat

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 28:Meet my Relatives

    Sa unang araw ng bagong taon, nais ni Ginang Monterde na magsimba upang magdasal at magpasalamat.Nais ding sumama ni Monica, kaya sabay silang umalis ng bahay.Samantala, magkasama naman sina Fabian at ang ama nito.Sa daan, bahagyang malungkot ang anyo ng Ginang. Dapat sana ay masaya siya ngayong Bagong Taon, ngunit sa tuwing maiisip niya na paliit nang paliit ang oras ng kanyang anak, lalo lamang siyang nababalisa.Iba naman si Monica.Kahit sa papel lang sila mag-asawa, taimtim pa rin niyang hinahangad na manatiling ligtas si Fabian.Pagdating nila sa simbahan, napakaraming taong naroon upang magdasal—karamihan ay mga babae.Sumunod si Monica sa Ginang, lumuhod, pumikit, at taimtim na nanalangin sa mga diyos na pagpalain ang kanyang mga hangarin at matupad ang mga ito.Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang Ginang, basa ng luha ang kanyang mga mata.Paglabas nila ng simbahan at pagsakay sa kotse, tumingin sa malayo ang Ginang at nagtanong, “Sa tingin mo ba, matutupad ang mga das

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 27: Bagong Taon na kasama ka

    May kalahating oras pa bago sumapit ang Bagong Taon.Matagal nang nakaupo si Fabian sa labas, kaya medyo nag-aalala si Monica para sa kanyang kalusugan.“Matulog ka na.” wika ni Monica.“Ang daldal mo.” mabilis na sagot ni Fabian.Maya maya ay tumayo si Monica at pumasok sa loob ng bahay.Paglabas niya, may dala na siyang kumot at marahang ibinalot iyon kay Fabian mula sa likuran.Napatigil si Fabian at tiningnan siya nang dahan dahan.“Baka sipunin ka.” Umupo muli si Monica, “Ayokong magkasakit ka, lalo ngayong Bagong Taon.”Akmang tatanggalin ni Fabian ang kumot ng titigan siya ng masama ni Monica sabay sabi.“Mas mabuti pang makinig ka sa akin, kung hindi…”“Ano’ng gagawin mo?” Sumulyap si Fabian, bahagyang nakakunot ang noo nang makita niyang parang nagbabanta ang babae.“Kung hindi, yayakapin kita.”Tinanggal ni Fabian ang kumot at itinapon pabalik sa kanya.“Fabian, alagaan mo naman ang sarili mo.” Tumayo si Monica at muling ipinilit na ibalot sa kanya ang kumot.“Napakadaldal m

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 26:Pag aalala ni Monica kay Patricia

    Napakaganda at makukulay ang kalangitan sa Bisperas ng Bagong Taon.Bagama’t lumalalim na ang gabi, mas lalo lamang nagiging masigla ang lahat.Sina Ginoo at Ginang Monterde, dahil matanda na at ayaw mapuyat, ay bumalik na sa kanilang silid bago pa tumunog ang kampana ng Bagong Taon.Si Fabian naman, kaagad na nagbalik sa kanyang silid matapos kumain at hindi na muling lumabas.Si Monica, kasama ang mga kasambahay, ay nagsindi ng bonfire sa bakuran at nagsama-sama upang magpainit.Matapos ang ilang saglit ng kuwentuhan, nagpadala ng mensahe si Monica kay Patricia at tinanong kung kumusta na siya.Makalipas ang halos kalahating oras, tumawag si Patricia.Tumayo si Monica at lumayo ng kaunti upang sagutin ito.“Hoy, kumusta ka na?”“Halos mabaliw na ako!”Kumunot ang noo ni Monica, “Bakit, anong nangyari?”“Gusto ko nang makipaghiwalay kay Lance, pero ayaw pumayag ng nanay ko. Ang sabi niya, alam na ng lahat ng kakilala niya na kami ni Lance ay magkasintahan, at kung makikipaghiwalay ak

  • Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir   Chapter 25: Monica's 3 wishes

    Pagkatapos kumain, umupo si Monica sa hardin, tahimik siyang nakaupo, habang umaamoy ang halimuyak ng bulaklak sa paligid. Sa loob ng bahay, nakatayo si Fabian sa tapat ng malaking bintanang salamin, pinagmamasdan si Monica, kitang kita ang kalungkutan nito.Sa pagkakaalala niya, bihira niya itong makita nang ganito—tahimik ngunit puno ng alalahanin.“Hindi ko alam kung uuwi siya bukas sa pamilya niya,” wika ni Ginang Monterde habang iniaabot sa anak ang isang tasa ng ginseng tea. Tumayo rin siya sa tabi nito at tumingin sa dalaga.Tinanggap ni Fabian ang tsaa at nagpasalamat, “Magkano ba ang ibinigay sa pamilya nila?”“Binigyan lang namin ng kaunting negosyo ang tatay niya,” sagot ni Ginang Monterde.“Ibinenta niya ang anak niya?” tanong ni Fabian.“Hindi naman sa ganoon. Narinig ko na siya mismo ang pumayag. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pera. Basta, nang iabot ang tulong, tinanggap lang niya agad at wala ng ibang sinabi,” paliwanag ni Ginang Monterde.Humigop ng tsaa si Fabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status