Lampas alas singko na ng hapon ng makalabas sa trabaho si Graciella. Halos kalahating oras na naghintay si Gavin sa kanyang tiyahin."Tita, ano po ang ulam natin ngayong gabi? Ang saya-saya ko po na sinundo niyo ako," masiglang ani Gavin habang naglalakad sila palabas ng school gate.Hindi naman nagpapanggap lang si Gavin sa sinabi niya. Hindi siya sinusundo ng Mommy niya noon dahil malapit lang naman daw ang apartment nila sa paaralan niya. Minsan naman ay sinasabay nalang siya pauwi ng kapitbahay nila.Kahit na naramdaman niya na may tiwala ang kanyang ina sa kanya dahil hindi na siya sinusundo ng mga ito, naiinggit parin siya sa ibang bata na araw-araw sinusundo ng mga magulang nila at binibilhan pa ng meryenda.Nakangiti namang hinaplos ni Graciella ang buhok ni Gavin. "Hmm, how about sweet and sour pork ribs? Gusto mo ba?"Sandaling nag-isip si Gavin. Ramdam niya ang panunubig ng kanyang bagang. "Gusto ko po yan!"Malapit na sila sa may gate nang tumunog ang kanyang cellphone at
Nangunot ang noo ni Graciella sa narinig. Big boss? Sinong big boss ba ang tinutukoy ng mga ito? "Balita ko kamag-anak yan ni Mr.Ortega kaya kahit na umaabsent siya araw-araw, hindi siya basta-basta natatanggal dahil malakas ang kapit sa itaas."Nais niyang mapairap. Noong nakaraan inaakala ng mga ito na kabít siya ni Mr.Ortega tapos ngayon naman kamag-anak. Baka sa susunod ibabalita na siyang asawa ni Mr.Ortega!"Kaya pala ano? Sikat nadin siya ngayon. Narinig mo naman ang balita sa kanya diba? Napakalaking eskandalo ang kinasasangkutan niya." Pagpapatuloy pa ng dalawa kasabay ng kakaibang titig ng mga ito sa isa't-isa.Sandali pang nag-usap ang mga ito bago lumabas. Nanatili namang tahimik si Graciella. Wala sa plano niya ang makipagbangayan sa ngayon. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang trabaho niya. Pagkatapos niyang makapagbihis, lumabas na siya ng locker room at hinanap si Ma'am Andrea.Dapat matagal na siyang nakabalik sa trabaho. Ang supervisor lang naman nila ang may aya
Hindi alam ni Kimmy kung matatawa siya o hindi. "Ano ba yang iniisip mo? Sinabi ko lang naman na masarap ang tindang prutas ni Kuya Garett. At dahil may various employee benefits kada taon, bakit hindi nalang tayo kumuha ng stocks sa kanya?" "Really?" Paninigurado ni Oliver."Oo naman no! Sobrang bait ni Kuya Garett at hindi ko pa siya nagpapasalamatan sa pagligtas niya sakin. Kung bibigyan naman natin siya ng pera, hindi niya iyon tatanggapin kaya naisip kong ang Inoue Corporation nalang ang bibili ng fruit gift boxes sa kanyang tindahan. Hindi ba't mas maganda yun?"Nakahinga ng maluwag si Oliver sa naging paliwanag ng kanyang kapatid. Mukhang napasobra rin yata ang sinabi siya kanina.Kahit na mabait si Garett, masyadong malayo ang agwat ng estado ng pamilya nila. Pamilyadong tao pa ito. Imposible naman sigurong mahulog ang kapatid niya kay Garett, hindi ba?Sa kaisipang iyon ay napatango-tango na si Oliver. "Okay, since siya ang benefactor mo, gagawin ko ang naiisip mo bilang pas
Simple lang naman ang ideya na naisip ni Kimmy. Maghihiwalay na si Garett at ang asawa nito at para mabilis na mawala sa landas nito ang higad nitong asawa, ibebenta nito ang apartment. Sigurado siyang kailangan nito ng pera.Pero naisip niya na kung ibibigay niya kay Garett nh diretso ang pera, hindi iyon tatanggapin ng lalaki kaya naman, hinanap niya sa online ang fruitshop ni Garett at nag-order ng sandamakmak na prutas. Ay dahil order lang siya ng order, sobrang daming prutas ang dumating sa mansion nila.Sandali siyang natahimik habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa mga prutas. Kung sila lang ang kakain nun, kahit na umabot pa ng isang buwan, hindi nila iyon mauubos."Ang ganda ng quality nitong mga prutas Ma'am Kimberly. Gagawin niyo po ba itong regalo?" Tanong ng isa sa mga kasambahay nila.Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha. "Tama! Ang galing-galing ng naisip mo!" Natutuwa niyang sambit.At dahil hindi nila iyon mauubos, gagawin niya iyong regalo! Pero ilang sag
Hindi parin humuhupa ang malakas na tibok ng puso ni Graciella kahit na malayo na siya sa apartment nila ni Drake. Nakakainis! Dati palagi naman siyang kalmado pero ngayon, hindi na niya halos makontrol ang emosyon niya!Sumagi sa isipan niya ang mangyayari mamayang gabi. Magtatabi ulit silang matulog. Naiinis siya sa sarili niya. Bakit parang excited siya kahit na ayaw niya? Ang gulo-gulo.Mabuti nalang at hindi sila magkaharap ni Gavin. Kahit na maliit pa ito, madali lang itong makapansin ng mga bagay-bagay sa paligid nito. At mainam narin na hindi ito nagtanong ng kung anu-ano hanggang sa makarating sila sa paaralan nito.Habang nagmamaneho siya paalis sa eskwelahan ni Gavin, nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy dahil nais nitong magpatulong sa kanya. May baging building na nabili si Kimmy na balak sana nitong ibigay kay Felip noon. At dahil hindi naman natuloy, plano ni Kimmy na gamitin nalang iyon sa ibang bagay."Matagal na akong nagresign at naghahanap ako ng bagong mapagli
Nanlaki ang mga mata ni Graciella. Bakit parang ang bilis ng karma niya sa pagsisinungaling niya kay Gavin. Dahil sa pagkaasiwa ay kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi.Kahit na kasal sila, sa papel lang naman sila mag-asawa. At ilang buwan nalang maghihiwalay na sila kaya mas mainam sa kanya na magkaiba sila ng silid.Sa ngayon ay maayos man ang relasyon nila ni Drake, hindi parin siya kampante na magtatabi sila. Pero nagawa na naman nila iyon doon sa bahay ng lolo at lola nito kaya lang, noong mga panahong yun, wala pa namang halikang naganap bukod sa nangyari sa kanila noong nakaraang buwan.Pero ngayon...Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Pero kung hindi siya tatabi kay Drake, magtatanong na namang muli si Gavin kinabukasan. At ang mas inaalala pa niya ay kung ikukwento ni Gavin sa kapatid niya ang tungkol sa set-up nila ni Drake. Baka magkaroon ng pagdududa ang Kuya Garett niya sa relasyon nilang mag-asawa.Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang boses ni D