Share

Kabanata 375

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-07-02 20:45:52

Marahas na nag-angat ng tingin si Graciella kay Garett. Sinubukan niya itong pandilatan ng mga mata para patigilin subalit wala sa kanya ang atensyon nito at nakapako kay Drake.

"Ano po bang ibig ninyong sabihin Kuya?" Tanong naman ni Drake.

"Eh kasi, nais kasi ni Graciella na hindi muna sabihin sayo ang tungkol sa pagbubuntis niya. Balak ka sana niyang isorpresa sa paparating mong kaarawan," kaswal na sagot ng kanyang kapatid.

Dahan-dahan namang napatingin si Drake kay Graciella. Kung nais siya nitong sopresahin sa kaarawan niya, then it would be next year dahil katatapos lang naman ng birthday niya bago sila nagpakasal. In his calculation nakapanganak na si Graciella sa susunod na taon.

It doesn't add up right?

Hindi naman makatingin si Graciella kay Drake. Dahilan lang naman niya iyon sa kanyang kapatid. Katunayan, hindi niya alam kung kailan ang kaarawan ng asawa niya dahil halos wala naman siyang alam tungkol sa lalaki. Sigurado siyang ngayon, napagtanto na nito na balak nga niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
iwanan b nya c Graciela.. n Wala Kasama kahit katulong lng
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 464

    Walang wala ang antique shop na napuntahan nila ni Sir Arman kahapon sa nasa harapan niya ngayon. Hindi paman siya nakakapunta sa isang malaking museum, pero maikukumpara niya ang basement ng mga Nagamori sa nakikita niya sa mga palabas sa telebisyon.Kung variety at quantity ang pag-uusapan, kayang-kayang suportahan ng koleksyon na meron ang mga Nagamori ang isang museum. Marami pa pa nga sa mga iyon ang naroon pa sa box at hindi pa nagdidisplay.Agad na nakakuha ng pansin ni Graciella ang isang porcelain vase na may pinaghalong puti at asul na kulay. "Hindi ba't panahon pa ito ng Qianlong?" Hindi makapaniwala niyang sambit.Nakita niya iyon sa video na napanood niya at nagkakahalaga lang naman ang vase ng ten million euros!Napangiti naman si Grandma Hermania nang magawi ang kanyang mga mata sa bagay na timutukoy ni Graciella. "Regalo sa akin yan ng ama ni Hannah noong ikalimampung taon kong kaarawan. Nabanggit din sa akin mismo ni Hannah na may naamoy siyang mabangong aroma sa vase

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 463

    Sumilip siya sa loob ng silid nila ni Drake. Hanggang ngayon ay tulog parin ang lalaki. Sa buong panahon na magkasama sila, ngayon niya lang ito nakitang sobrang kumportableng natutulog at himbing na himbing pa.Imbes na gisingin ito para magpaalam, nag-iwan nalang siya ng sulat bago nag-ayos ng sarili at bumaba ng apartment nila.Halos wala siya sa sarili sa buong byahe nila dahil okupado ng Mama Thelma niya ang kanyang isipan. Sinira nito ang magandang araw niya at sa kaisipang nasa malapit lang ito at anumang oras ay gagawa na naman ng kasamaan, mas lalo lang siyang hindi mapalagay."We're here."Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Sir Arman. Agad niyang inilinga ang tingin niya sa paligid at nakitang naroon na nga sila sa villa ng mga Nagamori.Nang makita ni Arman ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Graciella ay balak niya sanang kausapin ang babae subalit naunahan siya nang bigla nalang sumulpot si Grandma Hermania sa harapan nila."Graciella, hija!" Masigla nitong wika.

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 462

    Palihim na sinuyod ng tingin ni Thelma ang buong basement. Marumi iyon. Luma na ang kama at wala pang sariling banyo!"D—dito mo ako patitirahin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Thelma.Kahit na hindi siya mayaman, hindi pa niya kailanman nasubukan na tumira sa ganitong klaseng lugar. Akmang magsasalita pa sana siya subalit nang tinapunan niya ni Graciella ng isang malamig na titig, hindi na siya nakaimik pa.Sa ngayon ay titiisin nalang muna niya ang basement. Ang importante ay may pansamantala siyang matutuluyan. May tubig at kuryente din naman kaya ayos lang."Tinulungan na kitang makahanap ng lugar na pansamantala mong matutuluyan. Ayokong gumawa ka pa ng kung anong kalokohan at wag na wag kang manakit ng iba para sa pansarili mong interes. At wag ka ring magtangkang huthutan ulit ako ng pera dahil hinding-hindi ako mangingiming gantihan ka oras na sumuway ka sa mga sinabi ko."Malamig at puno ng awtoridad ang boses ni Graciella. Kakaiba ang ipinakitang ugali ng babae ngayon kumpa

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 461

    "Please, Graciella... Kahit ngayon lang... Tulungan mo ako," pagsusumamo pa nito.Panay ang iyak ni Thelma pero palihim niya paring pinagmamasdan ang reaksyon ni Graciella. Alam niya kung gaano ito kabait. At isa pa, kung hindi siya papansinin ni Graciella, may isa pa naman siyang anak.At habang nakaluhod siya sa harapan ni Graciella, nakita niyang may iilan ng panauhin ang napapadaan sa gawi nila.Isa sa mga kapitbahay ni Graciella mula sa kabilang apartment complex ang naglakas-loob na lumapit sa kanila. Kahit na ayaw niyang makialam, hindi niya mapigilan ang sarili niya matapos masaksihan ang nangyayari."Miss, paano mo naatim na hayaang lumuhod ang nanay mo sa harapan mo pa mismo? Hindi ka ba naniniwala sa karma? Matakot ka naman sa nasa itaas!"Kung normal na araw lang, madali lang namang kausap si Graciella pero hindi sa pagkakataong iyon. Dahan-dahan niyang nilingon ang babae at malamig itong tiningnan."Kapag pinatayo ko ba siya ikaw ba ang papalit sa pwesto niya at luluhod s

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 460

    Nanlaki ang mga mata ni Graciella nang mapagtanto niya kung sino ang nasa harapan niya. Hindi niya lubos akalain na ang kanyang Mama Thelma pala ang humarang sa kanya!Ilang linggo palang naman magmula ng huli silang magkita ng kanyang ina kaya hindi niya inaasahang makikita ang ginang sa ganitong sitwasyon.Magulo ang buhok nito at mukhang ilang araw ng hindi naliligo. Madumi at sira ang damit nito na para bang sa lansangan lang natulog. Kung hindi pa niya ito nakilala, aakalain niyang isang pulubi ang kaharap niya.Sinipat naman ng tingin ni Thelma si Graciella at nakitang napakablooming nito. Mukhang mas lalo pa nga itong gumanda kaysa noong huli silang nagkita. Kalabisan mang sabihin pero tila nagniningning si Graciella ngayon."Anong nangyari sa inyo?" Nalilitong tanong ni Graciella at pilit na itinatago ang pagdududang unti-unting umusbong sa puso niya.Napayuko naman si Thelma at ilamg sandaling umiyak bago tumingin kay Graciella. "K—kasi... Naalala mo ba noong huli tayong nagk

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 459

    Huminga ng malalim si Arman. Ang mahalaga ay napapayag niya si Graciella. Bahala na kung magalit si Levine. Para kay Grandma Hermania naman ang ginagawa niya. Malapit din naman ito sa ginang kaya sigurado siyang maintindihan siya nito.Pero hindi parin nawala ang pagkasorpresa niya sa pagdating ni Levine sa kumpanya niya para personal na sunduin si Graciella. At sa klase ng tingin nito sa kanya, kulang nalang patayín siya ng lalaki, pero kapag kay Graciella ito nakatingin, masuyo iyon at puno ng pagmamahal. The way he quickly changes his expression within a second is breathtaking.Habang naglalakad silang dalawa ni Drake palabas, napansin ni Graciella ang makulimlim na ekspresyon ng mukha ng lalaki. Napanguso siya bago tinusok ang pisngi ng asawa niya.Agad namang lumingon sa kanya si Drake. At bago paman ito makapagsalita ay inunahan na niya ang lalaki. "Diba sinabi ko na sayo na ayokong nakasimangot ka? You should smile often, Drake. Baka isipin ng iba ayaw mo akong sunduin kaya nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status