Nang makarating sila ni Drake sa salas, bumungad kay Graciella ang isa pang panauhin na ngayon niya lang nakita. Lumingon siya kay Drake sa nagtatanong na titig."This Grandpa Daichi, Graciella," pakilala ni Drake sa isang matandang lalaki.Kinakabahan namang ngumiti si Graciella. "M—magandang gabi po Grandpa. Ako po si Graciella. Ikinagagalak ko po kayong makilala."Ang hindi alam ni Graciella, marami ng pictures na ipinakita si Celestina sa asawa nito kaya hindi na nanibago pa ang lalaki kahit na iyon ang unang beses na nagkita sila. Isa pa, magaan ang loob niya kay Graciella nang una niya itong nasilayan sa personal."Tama ang Grandma Celestina mo, hija. Ituring mong sariling bahay itong pamaahay namin. Wag kang mahihiya sa amin."Nang matapos na magsalita si Grandpa Daichi, agad ding dumating sa loob ang nakangiting si Grandma Celestina. "Wag kang basta tumayo lang diyan Graciella. Maupo ka," nakangiti nitong sambit.Maingat namang naupo sa sofa si Graciella. Agad na iminuwestra n
Nanatiling naitulos sa kinatatayuan niya si Graciella. Mabuti nalang at mabilis ang naging kilos ni Drake at agad na sumara ang elevator nang hindi pa nakakarating ang mga humahabol sa kanila.Bumukas ang elevator na nagdala sa kanila sa underground garage ng apartment complex. Mabilis siyang pinasakay ni Drake sa kotse nito at dumaan sila sa backdoor ng building.Napapadyak ang iba sa inis dahil hindi nila naabutan si Graciella habang ang iba ay mabilis na nagtawag ng sasakyan para habulin ang kakaalis lang na kotse."Paano nakatakas ang babaeng yun! Iisa lang siya at ang dami-dami ninyo tapos nakalusot pa?!""Masisisi mo ba kami eh pagkabukas palang ng ilaw nagkalat na ang lilibuhing pera sa sahig. Namulot kayo kaya natural lang na kami rin!""Wag na kayong magtalo! Ang importante ay mahabol natin si Graciella ang ang tumulong sa kanya," awat ni Mina sa mga kasamahan niya.Nagmumurahan pa ang mga ito bago pumara ng taxi at hinabol ang sasakyan. At dahil masyado silang nakatutok sa p
Tumabi si Binibining Mina para bigyang daan ang mga kasama nilang kalalakihan. Nagbilang ang mga ito ng hanggang tatlo bago sabay-sabay na binangga ang pintuan.Kahit na may kamahalan ang apartment na tinutuluyan ni Graciella, hindi parin ganun kapulido ang quality ng pinto. Pinagtulungan pang buksan ng mga ilang kalalakihang nasa labas ang pintuan dahilan para maramdaman niya ang pagyanig ng kanyang unit.Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Nakakita lang ng kaunting oportunidad ang mga ito at tila nawala na sa isipan nila ang batas. Sinubukan niyang itulak ang cabinet para gawing harang at hindi tuluyang mabuksan ang pintuan.Subalit sa hindi inaasahan, tila narinig ng mga ito ang kanyang ginawa. Maihahalintulad niya ang mga ito sa asong ulol na nakaamoy ng preskong dugo dahilan para mas lalo pa itong nagwala."Nandyan ka pala talaga sa loob ha! Buksan mo 'tong pinto!""Wag mo ng kausapin yan! Di naman makikinig yan dahil matigas ang puso niyan. Ipagpatuloy nalang natin ang pag-gi
Mabuti nalang at napatay na ni Graciella ang lahat ng ilaw sa tinutuluyan niya nang mapansin niyang may kakaibang nangyayari sa paligid.At tama nga ang hinala niya, ilang sandali pa'y may mga kumatok na sa labas ng pinto na hindi naman niya kilala at nanghihingi ng paliwanag. Nakakabingi ang mga sigaw nito na kahit sobrang kapal ng dingding, maririnig niya parin mula sa loob.Nagpakawala Graciella ng isang malalim na buntong hininga. Anong paliwanag ba ang hinihingi ng mga ito mula sa kanya? Ano pa bang gusto ng mga kamag-anak niya? Nais ba ng mga ito na hubaran siya kahit balat niya?At dahil hindi talaga nagbukas ng pinto si Graciella, hinarangan na ng mga tao at iba't-ibang influencers ang pinto para walang makakalabas."May balita na mula sa ospital. Kasalukuyan ng nasa ICU si Mrs.Celia Santiago at may sakit din ang asawa niya. Talagang nakakabagbag damdamin ang nangyayari sa buhay ng mag-asawang Santiago sa ngayon. Pero wag kayong mag-alala, hindi tayo susuko. Hangga't hindi lum
"Tangína! Narinig niyo yun? Kahit nasa bingit na ng kamatayan ang kamag-anak niya wala parin siyang pakialam?!""Ang daming dugo! Dapat dalhin nayan sa ospital at baka bawian payan ng buhay dito!"Mas lalo lang na nagkagulo ang paligid. Hindi lang mura at pangit na salita ang lumalabas mula sa bibig ng mga manonood, ang iba pa sa kanila ay naglilive na sa sitwasyon sa harap ng apartment complex.Duguan na bumagsak sa lupa si Celia. Agad naman itong sinalo ni Ramon kahit na hirap na hirap siyang maglakad."Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" Palahaw niyang sigaw. Mabuti nalang at malapit lang ang ospital sa apartment complex kaya agad na nakarating ang ambulansya para kunin si Celia. Lumingon si Ramon sa pinakamalapit na camera bago nagsalita. "Ito ba ang gusto mo, Graciella? Talaga bang binago ka na ng salapi? Napakalupit mo naman sa amin! Siguro... Siguro matutuwa ka kapag nawala na kami ng tuluyan sa mundo!"Nagmukhang miserable si Ramon kung titingnan. Duguan ang damit ng lalaki
Hindi pa nakikita ni Daichi sa personal si Graciella at ang mga bagay na tungkol sa babae ay naririnig niya lang base sa ikinuwento ng asawa niya. Tapos ngayon makikita nalang niya na ang target ng mga taong nasa harapan ng apartment complex ay walang iba kundi ang granddaughter in-law niya! Hindi niya maiwasang mag-alala sa kasalukuyang sitwasyon."Ano bang nangyayari, Levine? Sigurado ka bang pamilya yan ng asawa mo?""Yeah, pero..."Nais na magpaliwanag ni Drake na kakaiba ang lahat ng kamag-anak ni Graciella pwera nalang sa kapatid nitong si Garett at hindi ito gaya ng sinasabi ng mag-asawa sa video pero nag-aalangan siya na baka magbago ang pagtingin ng lolo at lola niya sa asawa niya.Mabuti nalang at hindi ganun kakitid ang utak ng Grandma Celestina niya. Napaingos ito bago nagsalita. "Niligtas ni Graciella ang buhay ko ng walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit kaya hindi ako naniniwala sa mga taong yan."Hindi na nakipag-argumento pa si Daichi nang marinig ang op
Nang marinig ang sinabi ni Arata, agad na nagdilim ang kanyang mukha sa pag-aakalang may naglakas-loob na sumugod sa kanilang mansion."Ang daming tao sa labas, insan. Wag ka munang lalabas hangga't hindi pa ako nakakarating okay? Ipapakita ko sayo ang video," pukaw ni Arata sa atensyon niya.Bumalik sila sa bulwagan kasama na ang kanyang lolo at lola. Lahat ng electronic equipment ay nakahigh-level confidentiality program at tanging ang mga Yoshida Masters lang ay may kontrol. Agad na binuhay ni Drake ang equipment at direktang bumukas ang malaking display screen kasabay ng pag-uutos niya sa mga guards na magbantay sa harap ng mansion at ipinatapon ang sinumang nanggugulo.Nang magsimula ng magplay ang video sa screen, nakita ni Drake na puno ng tao ang buong lugar. May bitbit ang mga ito na iba't-ibang klase ng camera at nakafocus lang sa iisang direksyon. Maraming tao sa paligid na nanonood at siyang naging dahilan kung bakit sobrang gulo ng buong vicinity.Nakaramdam din ng kaba a
Natigilan si Kevin sa reaksyon ng kanyang lola. Hindi niya mahagilap kung bakit bigla nalang itong nagalit sa kanya. Masaya at nakangiti pa ito kani-kanina lang pero ang bilis lang na nagbago ang ekspresyon ng ginang.Kahit na hindi pa nakikita ni Daichi si Graciella, madalas itong ikwento sa kanya ng asawa kaya naman may maganda siyang impresyon sa babae. Araw-araw nga niyang inaabangan kung kailan dadalhin ni Levine ang babae sa pamamahay nila at pormal na ipakilala sa kanya.Nang marinig niya ang hindi magandang komento ni Kevin sa asawa ni Levine, hindi niya maiwasang mapasimangot. How can he call Graciella cheap gayong hindi pa nga niya ito nakikita sa personal?"Mabait ang babaeng yan, Kevin at siya ang nagligtas sa buhay ng Grandma Celestina mo mula sa aksidente. Kung hindi dahil sa kanya, wala na sana ang asawa ko ngayon," hindi na nakatiis na singit ni Daichi. Sa tuwing naiisip niya ang bagay na ito, labis-labis ang pasasalamat niya kay Graciella."Pero kahit na siya ang nagl
Pinanood nilang lahat na maglakad si Levine papalapit sa kinaroroonan nila. At habang unti-unti na itong lumalapit kasabay namang bumibigat ang tensyon sa paligid.Hindi inaasahan ni Riku ang biglaang paglitaw ni Levine sa mansion. Mababakas ang kaba sa mukha ng lalaki pero pinanatili parin nito ang kumpyansa sa sarili."Bata pa si Kevin ng mga panahong iyon, Levine, kaya normal lang sa kanya ang mabigo lalo pa't pinag-aaralan palang niya kung paano magpatakbo ng negosyo.""Oh, normal?"Walang ekspresyon ang mukha ni Drake pero sa tuwing ganito ang lalaki, mas lalong mahahalata ang sarkasmo sa anyo nito."Three years ago, nag-invest ang Dynamic Films sa mahigit dalawampung movies, sampu sa mga ito ang nagbox-office at ang iba ay nasa average lang habang ang lima ay hindi bumenta. Sino nga ulit ang humawak sa film department? Hindi ba't si Kevin parin?"Hindi na napigilan pa ni Kevin ang sarili niya. "It's because I'm not yet familiar with film investment! Matututo din naman ako sa sus