Share

Kabanata 218

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-05-12 20:41:39

Si Drake ang naging tagapagligtas niya nang balak siyang ibenta ng kanyang ina sa matandang lalaki na nais nitong ipakasal sa kanya. Nang sumugod ang kanyang ina sa apartment nila noong naroon ang kapatid niya, hindi siya nito iniwan kahit pa nalaman nito kung gaano kagulo ang pamilyang kinabibilangan niya at ipinagtanggol pa siya.

Noong kaarawan din ng kanyang ina, bigla nalang itong dumating para iligtas siya mula sa kahihiyan. Kanina kung kailan akala niya katapusan na niya, bigla nalang din itong sumulpot at inilayo siya sa gitna ng mga taong tumutuligsa sa kanya.

Kahit na hindi nila kilala ang isa't-isa, hindi iyon naging hadlang para alagaan siya ng lalaki. Dumating lang siya sa buhay nito para gamitin si Drake na maipanganak niyang maayos ang bata. Balak niya ngang ituring na boss ang lalaki. Subalit hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ligtas siya kapag naroon si Drake sa tabi niya.

"Aren't you going to answer me? Anong kaibahan ko sa kanila?" Untag nito sa malal
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 218

    Si Drake ang naging tagapagligtas niya nang balak siyang ibenta ng kanyang ina sa matandang lalaki na nais nitong ipakasal sa kanya. Nang sumugod ang kanyang ina sa apartment nila noong naroon ang kapatid niya, hindi siya nito iniwan kahit pa nalaman nito kung gaano kagulo ang pamilyang kinabibilangan niya at ipinagtanggol pa siya.Noong kaarawan din ng kanyang ina, bigla nalang itong dumating para iligtas siya mula sa kahihiyan. Kanina kung kailan akala niya katapusan na niya, bigla nalang din itong sumulpot at inilayo siya sa gitna ng mga taong tumutuligsa sa kanya.Kahit na hindi nila kilala ang isa't-isa, hindi iyon naging hadlang para alagaan siya ng lalaki. Dumating lang siya sa buhay nito para gamitin si Drake na maipanganak niyang maayos ang bata. Balak niya ngang ituring na boss ang lalaki. Subalit hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ligtas siya kapag naroon si Drake sa tabi niya."Aren't you going to answer me? Anong kaibahan ko sa kanila?" Untag nito sa malal

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 217

    "Bakit?" Kunot noong tanong ni Drake."Sorry," ani Graciella sabay yuko at naglakad na papunta sa may pintuan.Subalit agad na inilapag ni Drake ang dala niyang tray at hinigit ang braso nito dahilan para matigil sa paglalakad si Graciella."Sabihin mo sakin ang rason kung bakit ka aalis, Graciella."Akala niya ay kumalma na si Graciella kahit papaano pero ngayon ay nagtatangka na naman itong umalis gaya kanina. Subalit sa nakikita niya ngayon, mukhang nagkamali yata siya ng akala. Ngumiti pa ito sa salas kanina habang kausap ang grandparents niya tapos ngayon umiiyak na naman ulit."Dahil ba kay Grandpa? Ayaw mo ba sa kanya?" Malumanay niyang tanong.Wala naman siyang ibang naiisip na dahilan kung bakit bigla nalang itong umiyak at nagbabalak na umalis. At ang tanging bago sa paningin nito ay ang kanyang lolo lang. Imposible namang ang Grandma Celestina niya dahil close naman ang dalawa. Akmang magpapaliwanag siya na mukha lang istrikto ang kanyang lolo pero mabait naman ito at gusto

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 215

    Nakasimangot na napalingon sa kanya ang ginang. "Alam kong hindi ako marunong magluto pero kaya ko namang igawa ng ramen at dumplings si Graciella para hapunan niya. Nagpractice ako noong nakaraan."Lihim na napabuntong hininga si Drake. Alam niya sa sarili niya na kahit anong gawin niya para pigilan ang lola niya, ito parin ang masusunod. May natutunan itong bago kaya sigurado siyang magpapakitang gilas talaga ginang.Ang bahay na kinaroroonan nila ngayon ay bili pa mismo ng lola niya nang araw na sinabi nito kay Graciella ang kunwa'y address nito. Hindi ganun kalaki ang bahay at hindi rin sa pangmayamang subdivision. Sapat lang para masabi ni Graciella na ordinaryo lang din ang pamumuhay nila.At para magmukhang kaaya-aya ang bahay, naglagay ng mga tanim na bulaklak ang kanyang lola sa labas. Second hand din ang refrigerator na inilagay nila sa bahay na iyon. At ang ramen na ipinagmamalaki nitong ipapakain kay Graciella ay ready to boil na pati na ang dumpling.Subalit kahit na gina

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 215

    Nang makarating sila ni Drake sa salas, bumungad kay Graciella ang isa pang panauhin na ngayon niya lang nakita. Lumingon siya kay Drake sa nagtatanong na titig."This Grandpa Daichi, Graciella," pakilala ni Drake sa isang matandang lalaki.Kinakabahan namang ngumiti si Graciella. "M—magandang gabi po Grandpa. Ako po si Graciella. Ikinagagalak ko po kayong makilala."Ang hindi alam ni Graciella, marami ng pictures na ipinakita si Celestina sa asawa nito kaya hindi na nanibago pa ang lalaki kahit na iyon ang unang beses na nagkita sila. Isa pa, magaan ang loob niya kay Graciella nang una niya itong nasilayan sa personal."Tama ang Grandma Celestina mo, hija. Ituring mong sariling bahay itong pamaahay namin. Wag kang mahihiya sa amin."Nang matapos na magsalita si Grandpa Daichi, agad ding dumating sa loob ang nakangiting si Grandma Celestina. "Wag kang basta tumayo lang diyan Graciella. Maupo ka," nakangiti nitong sambit.Maingat namang naupo sa sofa si Graciella. Agad na iminuwestra ni

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 214

    Nanatiling naitulos sa kinatatayuan niya si Graciella. Mabuti nalang at mabilis ang naging kilos ni Drake at agad na sumara ang elevator nang hindi pa nakakarating ang mga humahabol sa kanila.Bumukas ang elevator na nagdala sa kanila sa underground garage ng apartment complex. Mabilis siyang pinasakay ni Drake sa kotse nito at dumaan sila sa backdoor ng building.Napapadyak ang iba sa inis dahil hindi nila naabutan si Graciella habang ang iba ay mabilis na nagtawag ng sasakyan para habulin ang kakaalis lang na kotse."Paano nakatakas ang babaeng yun! Iisa lang siya at ang dami-dami ninyo tapos nakalusot pa?!""Masisisi mo ba kami eh pagkabukas palang ng ilaw nagkalat na ang lilibuhing pera sa sahig. Namulot kayo kaya natural lang na kami rin!""Wag na kayong magtalo! Ang importante ay mahabol natin si Graciella ang ang tumulong sa kanya," awat ni Mina sa mga kasamahan niya.Nagmumurahan pa ang mga ito bago pumara ng taxi at hinabol ang sasakyan. At dahil masyado silang nakatutok sa p

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 213

    Tumabi si Binibining Mina para bigyang daan ang mga kasama nilang kalalakihan. Nagbilang ang mga ito ng hanggang tatlo bago sabay-sabay na binangga ang pintuan.Kahit na may kamahalan ang apartment na tinutuluyan ni Graciella, hindi parin ganun kapulido ang quality ng pinto. Pinagtulungan pang buksan ng mga ilang kalalakihang nasa labas ang pintuan dahilan para maramdaman niya ang pagyanig ng kanyang unit.Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Nakakita lang ng kaunting oportunidad ang mga ito at tila nawala na sa isipan nila ang batas. Sinubukan niyang itulak ang cabinet para gawing harang at hindi tuluyang mabuksan ang pintuan.Subalit sa hindi inaasahan, tila narinig ng mga ito ang kanyang ginawa. Maihahalintulad niya ang mga ito sa asong ulol na nakaamoy ng preskong dugo dahilan para mas lalo pa itong nagwala."Nandyan ka pala talaga sa loob ha! Buksan mo 'tong pinto!""Wag mo ng kausapin yan! Di naman makikinig yan dahil matigas ang puso niyan. Ipagpatuloy nalang natin ang pag-gi

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 212

    Mabuti nalang at napatay na ni Graciella ang lahat ng ilaw sa tinutuluyan niya nang mapansin niyang may kakaibang nangyayari sa paligid.At tama nga ang hinala niya, ilang sandali pa'y may mga kumatok na sa labas ng pinto na hindi naman niya kilala at nanghihingi ng paliwanag. Nakakabingi ang mga sigaw nito na kahit sobrang kapal ng dingding, maririnig niya parin mula sa loob.Nagpakawala Graciella ng isang malalim na buntong hininga. Anong paliwanag ba ang hinihingi ng mga ito mula sa kanya? Ano pa bang gusto ng mga kamag-anak niya? Nais ba ng mga ito na hubaran siya kahit balat niya?At dahil hindi talaga nagbukas ng pinto si Graciella, hinarangan na ng mga tao at iba't-ibang influencers ang pinto para walang makakalabas."May balita na mula sa ospital. Kasalukuyan ng nasa ICU si Mrs.Celia Santiago at may sakit din ang asawa niya. Talagang nakakabagbag damdamin ang nangyayari sa buhay ng mag-asawang Santiago sa ngayon. Pero wag kayong mag-alala, hindi tayo susuko. Hangga't hindi lum

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 211

    "Tangína! Narinig niyo yun? Kahit nasa bingit na ng kamatayan ang kamag-anak niya wala parin siyang pakialam?!""Ang daming dugo! Dapat dalhin nayan sa ospital at baka bawian payan ng buhay dito!"Mas lalo lang na nagkagulo ang paligid. Hindi lang mura at pangit na salita ang lumalabas mula sa bibig ng mga manonood, ang iba pa sa kanila ay naglilive na sa sitwasyon sa harap ng apartment complex.Duguan na bumagsak sa lupa si Celia. Agad naman itong sinalo ni Ramon kahit na hirap na hirap siyang maglakad."Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" Palahaw niyang sigaw. Mabuti nalang at malapit lang ang ospital sa apartment complex kaya agad na nakarating ang ambulansya para kunin si Celia. Lumingon si Ramon sa pinakamalapit na camera bago nagsalita. "Ito ba ang gusto mo, Graciella? Talaga bang binago ka na ng salapi? Napakalupit mo naman sa amin! Siguro... Siguro matutuwa ka kapag nawala na kami ng tuluyan sa mundo!"Nagmukhang miserable si Ramon kung titingnan. Duguan ang damit ng lalaki

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 210

    Hindi pa nakikita ni Daichi sa personal si Graciella at ang mga bagay na tungkol sa babae ay naririnig niya lang base sa ikinuwento ng asawa niya. Tapos ngayon makikita nalang niya na ang target ng mga taong nasa harapan ng apartment complex ay walang iba kundi ang granddaughter in-law niya! Hindi niya maiwasang mag-alala sa kasalukuyang sitwasyon."Ano bang nangyayari, Levine? Sigurado ka bang pamilya yan ng asawa mo?""Yeah, pero..."Nais na magpaliwanag ni Drake na kakaiba ang lahat ng kamag-anak ni Graciella pwera nalang sa kapatid nitong si Garett at hindi ito gaya ng sinasabi ng mag-asawa sa video pero nag-aalangan siya na baka magbago ang pagtingin ng lolo at lola niya sa asawa niya.Mabuti nalang at hindi ganun kakitid ang utak ng Grandma Celestina niya. Napaingos ito bago nagsalita. "Niligtas ni Graciella ang buhay ko ng walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit kaya hindi ako naniniwala sa mga taong yan."Hindi na nakipag-argumento pa si Daichi nang marinig ang op

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status