May kamag-anak ba kayong gaya ni Thelma at Ramon? HAHAHAH
"Kuya, ikaw lang ang maaasahan ko dito sa ngayon. Baka pwede mong icheck ulit ang mga public hospital o kahit sa private. Sigurado akong nagtatago lang sila."Alam niyang hindi talaga magiging madali ang paghahanap sa kanyang tiyahin dahil hindi naman ito kusang lilitaw nalang pagkatapos ng mga ginawa nito. Kung tutuusin, kaya niyang patunayan ang sarili niya na inosente siya sa pamamagitan lang ng laman ng box pero mas mainam parin kung maipapakita niya sa madla ang tiyahin niya.Agad namang sumang-ayon si Garett sa hiling ni Graciella."Okay, susubukan ko ulit. Siguro aabot ako ng isang araw, Graciella. Kailangan mag-ingat ka habang hinahanap ko pa ang tiyahin natin. Mga walang utak yang mga utu-utong nakasunod sa mga internet influencers. Baka masaktan ka nila."Tipid na napangiti si Graciella. Mabuti nalang kakampi niya parin ang kapatid niya. Tipid lang na umuo si Graciella para hindi mahalata na naiiyak na siya bago pinatay ang tawag.Napatingin siya sa page ni Mina na namamayag
Humigpit ang pagkakahawak ni Graciella sa kanyang cellphone. Wala na talaga itong ibang iniisip kundi salapi! "Bukod sa paghingi sakin ng pera, wala ka na bang sasabihin pang iba?" Malamig niyang turan.Napatitig naman si Thelma sa kanyang telepono. Mukhang matapang parin si Graciella kahit na naiipit na ito sa sitwasyon! "Bakit ba ang damot-damot mo? Nanay mo ako kaya natural lang na magbigay ka ng pera! Isa nalang Graciella! Kapag nagmatigas ka pa, magpasensyahan nalang talaga tayo!"Malakas na napabuntong hininga si Graciella. Ano bang karapatan niya sa bahay na tinutuluyan niya gayong pag-aari iyon ng asawa niya? At ano bang karapatan nitong pilitin sila na ibenta ang bahay?Umangat ang isang kilay ni Thelma nang wala siyang nakuhang sagot mula sa kabilang linya. "Ano? Nabibingi ka na? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Ibenta mo ang bahay at akina ang pera—"Walang pag-aalinlangan na pinatay ni Graciella ang tawag ni Thelma.Nanggagalaiti naman sa galit ang huli. "Bwisít! Ang la
Ayaw niyang isipin ang nakaraan niya kasama ang mga magulang at kamag-anak niya dahil magkakaroon lang siya ng pagdududa sa tunay niyang katauhan. Pakiramdam niya itinutulak siya ng mga ito sa malalim na bangin.Wala ba talaga siyang halaga sa mga ito?Isang beses pang sinulyapan ni Graciella si Brittany bago niya idinial ang isang partikular na numero.Napansin ni Thelma na nagring ang kanyang cellphone. Nang makita niya kung sino ang caller ay malutong siyang humalakhak. "Tingnan mo nga naman. Talagang tumawag na ang bruha!"Akmang sasagutin niya ang tawag nang pigilan siya ni Ramon. "Wag mong sagutin yan, Thelma. Dahil kung kakausapin mo siya ngayon, lalambingin kalang niyan at hihilingin na bawiin ang mga sinabi natin.""Pero...""Hayaan mo yan. Tingnan lang natin kung uulit payan sa hinaharap. Kapag hindi mo sinagot ang tawag niya ngayon, sigurado akong mag-aalala siya at makakaramdam ng takot. At kapag nangyari yan, pwede na tayong magdemand sa kanya at hindi na siya makakatangg
Mabilis na nakakakuha ng atensyon ng lahat ang pagdating ni Brittany lalo pa't sobrang sexy nito ngayon at nagniningning ang kutis sa kinis ."Kilala mo si Miss Graciella Santiago?" Agarang tanong ni Mina."Of course. Kilalang-kilala ko ang babaeng sinasabi mo dahil magkasama kami sa trabaho dati at siya ang dahilan kung bakit ako natanggal sa kumpanya dahil siniraan niya ako."Namilog ang mga mata ni Mina sa narinig niya. "Woah! Talaga? Paano ka niya siniraan? Pwede bang ikwento mo sakin ang buong detalye?"Excited namang nanood ang mga tao sa live broadcast ni Mina. Umangat ang sulok ng labi ni Brittany bago muling nagsalita. "Alam niyo ba ang dahilan kung bakit nagtatago si Graciella ngayon?""Bakit? Ano bang sikreto niya?" Hinugot ni Brittany ang kanyang cellphone mula sa mamahalin niyang bag at ipinakita sa lahat ang isang larawan ni Graciella na may kasamang lalaki."Magkatrabaho kami sa Dynamic Wheels noon at siya ang sales champion ng kumpanya halos kada-taon. At kaya lang n
Kalmado ang ekspresyon ni Simon subalit nang marinig ang bagay na hinihingi ni Graciella, nakaramdam siya ng pagkabalisa at seryosong tinitigan si dalaga."Sigurado ka ba talaga sa desisyon mong ito, Graciella?"Determinadong tumango si Graciella. "Opo, Uncle Simon."Sandali pang tinitigan ni Simon si Graciella na para bang inaarok nito kung ano ang iniisip ng babae. Makalipas ang ilang segundo, tumayo na ang lalaki at umakyat sa ikawalang palapag. Nang bumaba ito ng hagdan, dala na nito ang isang wooden box at ibinigay kay Graciella."Matagal na panahon ko na itong itinago, Graciella Hindi ko inaasahan na darating ang araw na kukunin mo ito at magagamit mo. Pero kung tutuusin, sa lahat ng paghihirap na napagdaanan mo sa nagdaan na taon, karapatan mong linisin ang pangalan mo at ipakita sa lahat kung ano ang totoo.""Maraming salamat, Uncle," malumanay na wika ni Graciella.Kung hindi lang siya pinilit ng mga ito na lumaban, hindi niya kukunin ang bagay na ito dahil kahit papaano, mga
"Talaga? Paano po akong naiiba?" Curious na tanong ni Graciella.Sandali namang natahimik si Simon na parang nag-iisip bago muling nagsalita. "Naalala kong nangyari ito mga lampas dalawampung taon na ang nakalipas. Noong mga panahong iyon, masyadong mahirap ang estado ng pamumuhay ng mga magulang mo kaya naman lumuwas sila ng siyudad para magtrabaho at makipagsapalaran doon.""Tapos ilang taon mula ng umalis sila, nagbalik sila dito sa lugar natin na maalwan na ang buhay at kasama ka. As in marami na talaga silang pera, Graciella. Naging tampukan pa nga sila ng tukso na may lihim pala silang napakagandang anak na nasa siyudad na walang iba kundi ikaw."Napatango-tango naman si Lora. "Tama ang sinabi ni Simon, Graciella. Nang bumalik sila dito bitbit ka, nakasuot ka ng isang napakagandang damit. Halos magkasing-edad kayo ni Summer pero napakatalino mo. Para bang malaking tao ka na kung umasta. Hindi ka natatakot sa amin na bago mo lang nakita. Tsaka napakagalang mong bata. Lagi kang bu
Napasulyap ang mag-asawa na nasa loob nang may makita silang pamilyar na pigura na nakatayo sa labas ng bahay nila. Nang tanggalin nito ang suot na sunglass, napagtanto nilang si Graciella nga ang nasa labas kasabay ng pagkarinig nila ng ingay papalapit sa bahay nila.Mabilis na lumabas ang dalawa para salubungin ang panauhin nila. Akmang babati si Graciella sa mag-asawa subalit agad siya nitong hinila papasok sa loob ng bahay at nagmamadaling isinara ang pinto sa takot na makita ng mga influencers si Graciella.Agad na naintindihan ni Graciella ang reaksyon ng dalawa kaya mapait siyang napangiti. "Mukhang alam niyo na po pala ang balita tungkol sa akin."Napabuntong hininga si Simon na dating kapitan ng lugar nila at napasulyap pa sa asawa nitong si Lora bago nagsalita. "Sobrang daming mga tao ang bigla nalang sumugod dito kaya nalaman ko agad ang pakay nila. Ano bang pumasok sa utak mo at bigla kang bumalik dito Graciella? Paano nalang kung nakita ka ng mga asong ulol nasa labas? Ba
"Tingnan mo nga kung paano magtanong ang babaeng yan? Sobrang obvious na gusto ka talaga niyang sirain!" Nanggigigil na asik ni Kimmy.Bahagya namang nataranta ang matandang lalaki sa klase ng pagtatanong ni Mina. "Hindi naman masama ang ugali ni Graciella. Mabait na bata yun. Mataas din ang grado sa eskwelahan. Pero ang kanyang ina—""So, hindi maganda ang relasyon ni Graciella at ng nanay niya, right?" Putol ni Mina sa sasabihin sana ng matanda.Nais sanang magpaliwanag ng matandang lalaki ng maayos tungkol sa bagay na itinatanong ng dalaga subalit aa tuwing magsasalita siya, laging sumisingit ang babae sa kalagitnaan. Halos ipagduldulan narin nito sa kanyang mukha ang hawak nitong microphone dahilan para mag-alangan siya."T—tama ka. Medyo hindi maganda ang relasyon nila ng kanyang ina dahil—""Ah, kaya naman pala napalayas si Graciella sa bahay nila kasi may alitan sila ng nanay niya dahil sa pag-uugali niya. Then inampon siya ng tiyahin at tiyuhin niya pero ngayong malaki na siya
Kailangan na kumilos ni Graciella sa mas lalong madaling panahon. Isang driver lang ang asawa niya at ang lolo at lola nito ay ordinaryong residente lang sa lugar na kinaroroonan nila. Kailangan niyang maiwasang madamay si Drake at ang pamilya nito sa gulo.Sinadya niya rin talaga na hiramin ang mga bodyguards ni Kimmy hindi para protektahan siya kundi para sa isang importanteng bagay…Pagkatapos ng agahan, dumating na ang sasakyan ni Kimmy hindi kalayuan sa bahay ng lola ni Drake. Nagpaalam na si Graciella kay Drake at maging sa lolo at lola nito bago bumaba. At para hindi mag-alala ang mag-asawa, hindi niya binanggit ang eksaktong lokasyon kung saan siya pupunta.Pero ang hindi niya alam, mas lalo lang nag-alala ang dalawa sa kalagayan niya."Ano ka ba naman, Levine! Hindi ka ba nag-aalala sa asawa mo?! Hahayaan mo lang talaga siyang umalis na mag-isa?!" Naghihisterikal na sambit ni Celestina."Grandma, hindi mahinang klase ng babae si Graciella. Plano niyang ayusin ang problemang it