Share

Kabanata 291

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-06-04 20:55:34

Wala ng nagawa pa si Oliver kundi pagmasdan ang likuran ni Graciella na naglalakad palayo sa kanya. He wanted to punch the air for messing with Graciella. His plan didn't go well. Galit na si Graciella sa kanya ngayon at kapag nalaman ni Kimberly ang ginawa niya ay manangot din siya sa babae.

Bumalik sa pantry si Graciella at uminom ng dalawang baso ng malamig na tubig para pakalmahin ang sarili niya. Hindi parin nawala sa isipan niya ang aroganteng pagmumukha ni Oliver kaya't hindi niya maiwasang mapapadyak sa labis na yamot.

"Ugh! Nakakainis!"

Mukha lang mabait sa panlabas na anyo si Oliver pero nasa loob pala ang kulo ng lalaki!

Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng mensahe mula sa coordinator na masyadong mabait ang VIP customer na dumating dahil bumili ito ng latest model ng Ferrarí at counted iyon sa kanyang performance!

Bahagyang nasorpresa si Graciella sa narinig pero nang may mapagtanto siya ay mabilis siyang tumakbo palabas ng hall. Nakita niya si Oliver na palabas na ng shop
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
baliw talaga c Oliver.. alam nmn nya un pgkatao n Drake ganun p sasabihinya..
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Bastos pla ugali n oliver
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 301

    Matapos nilang maitawag sa pulis ang nangayri, agad namang dumating ang mga awtoridad lalo na at may suicidal tendencies si Cherry. Mabilis ding nakipagcooperate ang management ng paaralan ni Gavin nang malaman nito ang sitwasyon.Lihim napasulyap si Kimmy kay Graciella na nakatingin sa monitor. Minsan lang niya nakitang magalit ng labis ang babae. Ang una ay noong muntik na siyang magahasa sa isang hotel at ang pangalawa ay ngayon tinangay ni Cherry si Gavin ng walang paalam."Relax kalang Graciella. Hindi naman siguro sasaktan ni Cherry si Gavin. Baka nais lang niyang gumanti kay Garett kaya kinuha niya ang bata," ani Kimmy nang hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya para pakalmahin si Graciella.Naiyukom naman ng huli ang mga palad nito. Napakamalas ng kapatid niya at nakatagpo ito ng babae na kagaya ng kanilang inang si Thelma!"Inosente ang bata Kimmy. Hindi niya dapat ginagamit ang sarili niyang anak para lang masunod ang gusto niya," may diin niyang bigkas.Ilang sandal

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 300

    Marahan niyang sinapok si Kimmy para tumigil na ito. "Magmaneho ka nalang nga! Kung anu-ano naman yang naiisip mo," saway niya sa babae.Bakit ngayon niya lang nalaman na ganito pala kapilya si Kimberly.Pero imbes na tumigil ay tumawa pa ito ng malakas. "Makinig ka sakin Graciella. A lot of men are monsters in bed. Kapag nasimulan na nila yan, hahanap-hanapin nila ang bagay nayan sayo."Natahimik naman si Graciella. Sa hindi sinasadya ay muling sumagi sa isipan niya ang nangyari noong mga nakaraang buwan.Drake was like a beast! Halos napunit na nga nito ang suot niyang damit dahil sa gigil!Sa kaisipang iyon ay ilang beses siyang napalunok. What if... What if mangyayari ulit ang bagay na iyon?"At kung walang pagnanasa sayo ang partner mo, kabahan ka na Graciella. It's either wala yang gusto sayo o may iba yang gusto."Marahas siyang napalingon kay Kimmy. Walang nangyayari sa kanila ni Drake. Posible kaya na may ibang gusto ang lalaki? Sa kaisipang iyon ay agad na sumikip ang dibdi

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 299

    Nang nasa byahe na sila ay nagsimula na siyang kumbinsihin ni Kimmy na sumali sa bubuksan nitong bagong business. Subalit tumanggi na si Graciella sa unang pagkakataon at ganun parin ang desisyon niya ngayon."Wala pa akong experience sa business Kimmy tsaka wala akong pera para sa capital."Marahan namang tinapik ni Kimmy ang braso ni Graciella. "Ano ka ba naman. Syempre sagot ko na ang capital. Kapag sinamahan mo ako sa business ko, gagawin kitang shareholder. Hati tayo sa income tapos kapag nalugi naman, hindi kita sisingilin."Mahinang natawa si Graciella. "Kung magbubukas tayo ng bagong business na tayong dalawa ang may-ari, dapat parin may separate accounts tayo at may ambag din ako. Hindi pwedeng ikaw lang ang sasagot ng lahat."Marami na siyang nakitang magkakasamang nagbukas ng business pagkatapos kalaunan, hindi na nagkaintindihan at nag-aaway-away na sa parte ng bawat isa. At ayaw niyang mangyari yun sa kanilang dalawa ni Kimmy.Pero sa kabilang banda, kahit na hindi pa niy

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 298

    Nang makita ng bodyguards ni Drake ang sitwasyon ay nagkukumahog sila sa paglapit para ilayo si Oliver sa amo nila pero agad na iniangat ni Drake ang isa niyang kamay dahilan para matigil ang mga ito.Isang matalim na titig ang ipinukol ni Drake kay Oliver at mariing hinawakan ang kamay nitong nasa kanyang kwelyo saka sapilitang tinanggal."I didn't do anything wrong for you to say that I ruined your sister, Oliver. Kahit na itanong mo pa sa kanya," may diin niyang bigkas.Sarkastiko namang natawa si Oliver. "Yeah right. Wala ka ngang ginawa, Levine. You just broke her heart so wala ka talagang ginawa.""That was inevitable—""Fúck you! Fúck that inevitable your babbling about! You're the one who's responsible kaya umalis siya ng bansa. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasasaktan siya. Kasama dapat namin siya ngayon kung hindi mo siya sinaktan! You act like you cared about Graciella so much but you're so cold towards Beatrice who did nothing wrong but love you with all of her heart.

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 297

    "And so? What will you do? Kill me? Make my business suffer like what you usually do with your enemies?" Kaswal na tinanggal ni Oliver ang suot niyang salamin kasabay ng pag-angat ng sulok ng kanyang labi. "And for your knowledge, makikialam talaga ako. Graciella is Kimberly's best friend like what you have said. Kung masasaktan si Graciella, mag-aalala ang kapatid ko. And I don't want that to happen!"Napakabait ni Graciella at hindi sila bagay ni Levine! "Alam mo ba, sinabi sakin ni Graciella kanina na wala siyang pakialam kahit na pagiging driver lang ang trabaho mo. Wala siyang pakialam kahit na mas mababa ka sa kanya basta magkasama lang kayong dalawa."Mahinang natawa si Oliver at napailing pa. "Sobrang bait mo sa paningin niya. Don't you think it's unfair on her side? Pero sabagay, wala ka mang pakialam diba? Dahil simula't sapul palang, wala ka naman talagang planong seryosohin siya dahil mahirap lang siya. Kung hindi ako nagkakamali, you saw her as nothing but a gold digger!

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 296

    Muling napatigil sa paglalakad si Drake at napatingala sa malaking portrait ng pamilyang Nagamori na nasa malaking bulwagan ng mansion. Hindi niya maipaliwanag ang kaba sa puso niya habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Wilbert sa larawan.Malaki ang posibilidad na tama ang naiisip niya. Kabilang siya sa isa sa mga mayayamang pamilya hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Asya and he knows too well how wealthy families works.Pero kahit na may ideya siya, hindi siya basta-basta nalang na pwedeng makialam sa nangyayari sa pamilya ni Grandma Hermania. At iisang bagay lang ang pwedeng gawin niya sa ngayon—ang magtanim ng dagdag na espiya sa loob ng mansion ng mga Nagamori para masiguro ang kaligtasan ng matanda mula sa sarili nitong anak!Huminga ng malalim si Drake bago siya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa labas. Subalit ang hindi niya inaasahan, naroon parin pala si Oliver at mukhang hinihintay talaga siya. Parang trip na trip yata siya ng lalaking ito ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status