Graciella needs to be fired right away! And she will use the most deadly weapon she knows to hurt her! Two birds in one stone! She giggled with her idea. Agad siyang bumalik sa banquet hall at nilapitan si Levine. Pinukol naman siya ng lalaki ng isang malamig na titig na hindi niya pinansin. Matamis siyang ngumiti sa lalaki bagi nagsalita."Levine, may favor ako sayo. Sana pagbigyan mo ako," malambing niyang turan.Bumuntong hininga si Drake bago sumagot. "What favor?" Naiinip nitong bigkas."Gusto ko kasi na sarili kong boses ang gagamitin sa movie na gagawin ko. Pwede mo ba akong tulungan?" Aniya at sinamahan pa ng pagpapacute.Nagsalubong naman ang kilay ni Levine na para bang hindi ito naniniwala sa kanya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Beatrice?" Tanong pa ng lalaki at hindi talaga itinago ang pagdududa at sarkasmo sa boses nito.Kahit na nasaktan siya sa reaksyon ni Levine, iwinaksi niya iyon sa isipan niya at pinagbutihan pa ang kanyang pag-acting. "Gusto kong patunayan sa mg
Agad na nagpatawag ng pinakamagaling na make-up artist at stylist si Beatrice para bihisan siya. Tonight is a big event and Drake is her date! Sa kaisipang iyon ay hindi niya mapigilan na ma-excite.Sumapit ang kinagabihan kung saan natapos na siyang bihisan. Puno ng paghanga ang lahat habang pinagmamasdan siya pero wala siyang pakialam sa kung anuman ang impresyon ng iba sa kanya. Levine's compliment is the only thing that matters to her.Akmang magtatawag na siya ng driver para magpunta sa Dynamic para hanapin si Levine pero laking gulat niya nang ang lalaki mismo ang sumundo sa kanya kasama ang personal driver nito. Akala niya binibiro siya ng kanyang manager pero nang tingnan niya ang loob ng sasakyan ay naroon din si Levine."How do I look, Levine? Bagay ba sakin ang suot ko?" Malambing niyang tanong.She wore a seductive purple dress that shows her delicate skin at the back with a low neckline emphasizing her chest and of course her perfect curves!Pero imbes na sagutin siya ay
Naiyukom ni Beatrice ang kanyang mga palad. Graciella is clearly mocking her and right now, she can't do anything about it! Nakakainis!Agad namang nagpresinta si Oliver na ihatid si Graciella para tuluyan ng maputol ang tensyon sa pagitan ng dalawang babae pero mariing umiling si Graciella."Maraming salamat, Sir Oliver pero dala ko po ang scooter ko at mas mabilis akong makakabalik sa trabaho kung yun ang gagamitin ko. Isa pa ay boss kayo ng kumpanya kaya alam kong busy kayong tao," anito bago sila tuluyang tinalikuran.Nang mawala na sa paningin nila si Graciella, saka palang nakahinga ng maluwag si Beatrice. Napagtanto niya rin na pinagpapawisan pala siya habang kaharap ito. Kahit na nakangiti sa kanya si Graciella, pakiramdam niya aping-api siya ng babae."Look what you've done, Beatrice!" Boses ng Kuya Oliver niya ang pumukaw sa kanya.Napatingin naman sa kanila ang security guard at receptionist. Kahit na naiinis si Oliver sa ginawa ni Beatrice, kapatid niya parin ang babae at
Nangapal ang mukha ni Oliver sa naging sagot ni Graciella. Oo nga naman. Sino nga ba siya sa buhay nito? Kahit pa presidente siya ng Inoue Corporation, wala namang pakialam si Graciella sa kanya.Gayunpaman, hindi siya nagpahalata at mabilis na nakabawi. "Then kahit para nalang kay Kimberly. Magkapatid naman si Kimmy at Beatrice. Nag-aalala ako na baka tuluyan ng magalit si Kimmy kay Beatrice dahil sa nangyari at mawawalan sila ng pag-asa na magkasundo."Sandaling tinitigan ni Graciella si Oliver bago siya nagsalita. "Mukhang mali yata ang pagkakaintindi mo kung bakit nagpunta ako dito, Mr.Inoue. Wala akong balak na ipahiya si Beatrice o ipagkalat ang nalaman ko kung yun ang iniisip mo."Mabilis namang napatango-tango si Oliver. "Yeah, right. Tama ka sa sinabi mo."Dahil kung balak nga niting ipahiya ang kapatid niya, wala sana si Graciella sa harapan niya ngayon. At napagtanto niyang kaya nagalit ang babae ay dahil sinadya itong iset-up ni Beatrice para ipahiya.Napakabobó talaga ng k
"Baliw ka ba? At si Miss Beatrice pa talaga ang magnanakaw sayo?" Hindi makapaniwalang sambit ng receptionist.Nanlaki naman ang mga mata ni Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Graciella sa receptionist kasabay ng kanyang panlalamig.Alam ba talaga ni Graciella ang kanyang ginawa?Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at nag-isip ng paraan. She can't be discovered this time at baka malalagot na talaga siya kay Levine! Pero bago paman siya makapagdesisyon, isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong paligid."Anong nangyayari dito?" "Sir Oliver!"Mabilis na lumapit ang receptionist at security guard sa bagong dating. "Sir Oliver, isa po siyang makulit na fan ni Miss Beatrice at nagpupumilit na pumasok," sumbong ng receptionist at sinamaan pa ng tingin si Graciella.Nangunot naman ang noo ni Oliver at nagpalipat-lipat pa ang tingin sa receptionist at kay Graciella. Nang makita niya ang reaksyon ng babae, sigurado siyang may nangyaring hindi maganda."Kaibigan ko siya at h
"Nagpunta siya dito para kay Miss Beatrice dahil may importante siyang sadya. Pwede mo ba kaming tulungan na matawagan siya sa taas?" Tanong ng guard."Siya?" Paingos nitong saad bago umiling. "Halos lahat naman hinahanap si Miss Beatrice. Marami na akong narinig na ganyang klaseng dahilan mula sa mga katulad mo. Nagpapanggap ka lang naman na car dealer para guluhin si Miss Beatrice, diba?""Noong nakaraan, nagpanggap siya na isang fire and sanitation worker tapos kinunan niya ng litrato si Miss Beatrice ng walang paalam. Pasalamat ka at mabait si Miss Beatrice at hindi ka ipinakulong! Stalking yang ginagawa mo! Hindi ka pa talaga nadala at ngayon may bagong palabas ka na naman? Ang obsessed mo rin ano? Nakakahiya talaga ang mga fans na desperadang gaya mo!" Dagdag pa nito.Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Graciella. "Importante ang sadya ko dito at wala akong panahon para sayo. Kung sakali ba na pumalpak itong transaction ko, handa ka bang managot?" Bagama't mahinahon, puno ng dii