แชร์

Kabanata 416

ผู้เขียน: Georgina Lee
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-14 20:59:24

Naiyukom ni Oliver ang kanyang palad. Kung sakali man na may nangyaring masama kay Levine, hindi nila kakayanin ang galit ng mga Yoshida lalo na ang dalawang matanda.

Agad namang namutla ang mukha ni Beatrice sa narinig kasabay ng paglapit niya kay Oliver. "Anong nangyari kay Levine, Kuya? Pumunta siya doon para iligtas ako, hindi ba?"

Sarkastiko namang natawa si Oliver. "Yeah and if something bad happens to him, kasalanan mo ang lahat!" Nayayamot niyang bigkas.

Dahan-dahang siyang binitawan ni Beatrice at napayuko. Nakaramdam naman ng konsensya si Oliver. Alam niyang kanina pa mainit ang ulo niya sa kapatid niya at kung anu-ano ang nasasabi niya dito. Akmang hihingi siya ng dispensa nang makita niyang yumugyog ang balikat ni Beatrice. Akala niya ay umiyak ito pero laking gulat niya nang mapagtanto niyang tumatawa ang kapatid niya!

"Nababaliw ka na ba?" Kunot noo niyang bigkas.

"Of course not! Natutuwa lang ako dahil sa kabila ng sinasabi niyang ayaw niya sakin, here he is, almost sac
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 428

    Agad na nagningning ang mga mata ni Celestina sa narinig. "Talaga, hija? Ayos lang ba yun sayo?" Naninigurado nitong tanong."Oo naman po. May isang extrang silid itong bahay," tukoy niya sa kanyang kwarto.Agad namang napapalakpak si Grandma Celestina sa narinig. "Aba'y kung ganun, dito nalang tayo matulog ngayong gabi, sweetheart. Ayos lang ba yun sayo, Drake?" Baling pa nito sa asawa niya.Kung gaano kasaya si Grandma Celestina, ganun naman kabusangot ang mukha ni Drake. Hindi talaga itinago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito na ikinatawa niya."Wag po kayong mag-alala, Grandma. Ayos lang po kay Drake na dito kayo matutulog ngayong gabi."Naunang pumasok sa kanyang silid si Drake. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob lang ba ang asawa niya o sinasadya talaga nitong sa apartment nila patulugin ang lolo at lola niya para bitinin siya. Alinman sa dalawa ang rason, pareho namang hindi nakakatuwa ang resulta.Daig pa niya ang naparusahan. He just wanted to spend a quality time wit

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 427

    "Grandma?!" Reklamo ni Drake."Bakit hindi ba? Ayokong nakikipag-ugnayan ka pa sa babaeng yun, Drake. Iwasan mo siya. Hindi siya maganda para sa pagsasama ninyong dalawa ni Graciella," seryoso at puno ng awtoridad nitong wika.Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Drake bago nagsalita. Hindi pa nito alam na may alam na si Graciella tungkol sa totoo nilang pagkatao pero siguro dahil sa galit nito kaya mukhang nakalimutan na nito at diretsahang binanggit ang tungkol kay Beatrice."I did it for Grandma Hermania at alam iyon ni Graciella," katwiran niya.Sandali namang natahimik ang lola niya pero maya-maya lang ay muli na itong nagsalita. "Kahit na. Pwede namang ang mga tauhan mo nalang ang ipinadala mo doon at nanatili ka nalang sa tabi ng asawa mo. Ano bang pumasok diyan sa utak mo at personal ka pa talagang umakyat ng bundok para lang hanapin siya?"Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan nalang ang ginang na makapagpalabas ng galit nito sa kanya. Nais lang naman niya na m

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 426

    "Grandma Celestina!" Gulat niyang sambit.Maging si Drake ay natigilan din sa nakita nito at mabilis na napalis ang nakabusangot nitong mukha at napalitan ng pagkabigla."Good evening. Nandito kami para bisitahin ka, apo," masaya nitong sambit at sinulyapan pa ang asawa nito."Magandang gabi po," magalang niyang bati sa dalawa.Agad na napahilot ng sentido si Drake bago nagsalita. "Ayos lang ako, Grandma. Hindi niyo na kailangan pang pumunta dito. Isa pa, dapat ay tumawag kayo bago kayo nagpunta dito."Ramdam niya ang inis sa boses ni Drake dahilan para marahan niyang kinurot ang tagiliran nito bago matamis na ngumiti sa dalawang matanda."Pasok po kayo, Grandma, Grandpa," aniya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.Agad na pumasok ang dalawang matanda pero nang tumapat si Grandma Celestina sa gawi ng asawa niya ay napahinto ito at sinipat ng tingin ang lalaki."Galit ka ba kasi naistorbo namin ang ginagawa ninyong dalawa?" Tanong nito sa mapanuksong boses.Agad na nanlaki ang kanya

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 425

    "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ni Graciella at pinanlakihan pa si Drake.Nginisihan naman siya ng lalaki. "Ano ba sa tingin mo?""Seryoso ako, Drake. Umalis ka nga diyan!" Pagalit niyang asik pero hindi naman siya nito pinakinggan."You started this one. Tinatapos ko lang."Napaawang ang kanyang mga labi. "Baliw ka ba? Sinabi ko lang naman yun para tumigil na ang babaeng yun kakatawag sayo!""Too bad. I always take every word coming from your mouth seriously so you have to bear the consequences of it, Mrs.Yoshida."Bago paman siya nakasagot ay sinakop na nito ang kanyang mga labi. Sinubukan pa niyang umiwas at magpumiglas pero dahil hawak nito ang dalawa niyang kamay, wala siyang nagawa para pigilan si Drake. Kaya naman imbes manlaban, hinayaan nalang niya si Drake sa nais nito at tinugon ang halik na iginawad sa kanya ng lalaki.Subalit nang tumugon na siya sa halik nito, bigla nalang tumigil si Drake na kanyang ipinagtaka. Napakurap-kurap siya at pinukol ang lalaki ng is

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 424

    Nagulat si Drake sa narinig niya mula kay Graciella pero agad ding sumilay ay isang mapaglarong ngisi sa labi nito kasabay ng pagningning ng mga mata ng lalaki.Humigpit ang pagkakahawak ni Beatrice sa cellphone ng kanyang ama. Talagang sinasagad na ni Graciella ang pasensya niya! Sigurado siyang sinasadya iyon ng babae para inisin siya. Ang kapal ng mukha!Gayunpaman, kahit galit na galit na siya, wala siyang ibang magawa kundi ang huminga ng malalim at balewalain ang narinig niya. Kailangan sa kanya mapunta ang atensyon ni Levine at hindi kay Graciella."I heard na maayos na ang kalagayan mo? I want to see you, Levine. Bakit hindi mo ako bisitahin dito sa bahay—""May importante pa akong gagawin, Beatrice. Bye," putol nito sa sasabihin pa niya sana."But Levine—"Wala na siyang ibang narinig sa kabilang linya kundi ang dead tone ng tawag.Agad namang inilagay ni Drake ang cellphone na hawak niya sa bedside table at akmang hahawakan si Graciella pero mabilis itong umiwas sa kanya.Na

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 423

    Sandaling natahimik si Beatrice pero maya-maya lang ay nakabawi din agad. "Si Levine ang gusto kong kausapin. Give him his phone," maawtoridad niyang utos.Napasulyap naman si Graciella sa kama kung saan kasalukuyang nakahiga si Drake bago siya nagsalita. "Tulog na ang asawa ko, Beatrice."Hindi naman naniniwala si Beatrice sa sinabi ni Graciella. "I'm pretty sure you're lying! Ibigay mo sa kanya ang cellphone dahil may sasabihin akong mahalaga sa kanya!"Nagpakawala si Graciella ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog, Beatrice? Sige iinglesin ko. Drake is already asleep. Kung may sasabihin ka, then talk. Ako na ang magsasabi sa kanya mamaya kapag gising na."Naiyukom na ni Beatrice ang kanyang mga kamay sa galit. Kulang nalang ay basagin niya ang cellphone na hawak niya. Gayunpaman ay wala siyang balak na magpatalo kay Graciella."Levine is injured while looking for me. We are childhood sweethearts, Graciella. Hindi mo parin ba nagegets? Levine car

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status