Share

Kabanata 389

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-07-07 21:07:53

Sandaling natigilan si Graciella pero agad din siyang nakabawi at nagpasalamat sa matandang lalaki. Hindi niya inaasahan na may mga tao pa palang kayang sumalungat sa mga Inoue at Yoshida at mas pipiliin ang walang pangalan na gaya niya.

At dahil pinayagan siya ni Mr.Isolde na sumubok, hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataon. Agad niyang kinuha ang script at nagtungo na sa dubbing studio.

Tungkol sa isang ancient love story ang script na ibinigay sa kanya kung saan sinira ng mga kontrabida ang buong angkan nito at kailangan niyang maghiganti.

Siguro dahil sa galit sa puso niya dahil sa ginawa ni Beatrice at pagpapasalamat sa kabutihan ni Mr.Isolde, mas naging emosyonal pa si Graciella na damang-dama ng lahat ang bawat linyang binitawan niya dahilan para mapahanga ang mga judges sa nakikinig sa kanya.

Hindi ganun kapropesyonal si Isagani pagdating sa dubbing pero ilang saglit lang ay isang panibagong panauhin ang pumasok sa loob ng recording studio na walang iba kundi si Arman. Nan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Mgkapatid ata cla dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 424

    Nagulat si Drake sa narinig niya mula kay Graciella pero agad ding sumilay ay isang mapaglarong ngisi sa labi nito kasabay ng pagningning ng mga mata ng lalaki.Humigpit ang pagkakahawak ni Beatrice sa cellphone ng kanyang ama. Talagang sinasagad na ni Graciella ang pasensya niya! Sigurado siyang sinasadya iyon ng babae para inisin siya. Ang kapal ng mukha!Gayunpaman, kahit galit na galit na siya, wala siyang ibang magawa kundi ang huminga ng malalim at balewalain ang narinig niya. Kailangan sa kanya mapunta ang atensyon ni Levine at hindi kay Graciella."I heard na maayos na ang kalagayan mo? I want to see you, Levine. Bakit hindi mo ako bisitahin dito sa bahay—""May importante pa akong gagawin, Beatrice. Bye," putol nito sa sasabihin pa niya sana."But Levine—"Wala na siyang ibang narinig sa kabilang linya kundi ang dead tone ng tawag.Agad namang inilagay ni Drake ang cellphone na hawak niya sa bedside table at akmang hahawakan si Graciella pero mabilis itong umiwas sa kanya.Na

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 423

    Sandaling natahimik si Beatrice pero maya-maya lang ay nakabawi din agad. "Si Levine ang gusto kong kausapin. Give him his phone," maawtoridad niyang utos.Napasulyap naman si Graciella sa kama kung saan kasalukuyang nakahiga si Drake bago siya nagsalita. "Tulog na ang asawa ko, Beatrice."Hindi naman naniniwala si Beatrice sa sinabi ni Graciella. "I'm pretty sure you're lying! Ibigay mo sa kanya ang cellphone dahil may sasabihin akong mahalaga sa kanya!"Nagpakawala si Graciella ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog, Beatrice? Sige iinglesin ko. Drake is already asleep. Kung may sasabihin ka, then talk. Ako na ang magsasabi sa kanya mamaya kapag gising na."Naiyukom na ni Beatrice ang kanyang mga kamay sa galit. Kulang nalang ay basagin niya ang cellphone na hawak niya. Gayunpaman ay wala siyang balak na magpatalo kay Graciella."Levine is injured while looking for me. We are childhood sweethearts, Graciella. Hindi mo parin ba nagegets? Levine car

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 422

    "Did you tell anybody about this one?" Agarang tanong ni Drake.Marahan namang napailing si Graciella habang pinagmamasdan ang reaksyon ng asawa niya. "Hindi, p—pero ako ang nagturo kina Oliver kung saan matatagpuan si Beatrice. Ikaw dapat ang tatawagan ko pero hindi mo naman dala ang cellphone mo.""Listen, Graciella, wala kang dapat pagsasabihan ng nalaman mo even Grandma Celestina. I will deal with my uncle myself. I don't want you to get involve in this one. Prioritize your safety... yours and the baby," seryoso sambit ni Drake.Napatango-tango naman si Graciella. Muli siya nitong niyakap ng mahigpit. Ramdam niya ang pag-aalala nito sa kanya kaysa sa sarili nito kaya't nakaramdam siya ng panatag sa kabila ng katotohanang may posibleng panganib na darating sa buhay nilang dalawa.Kasalukuyang nasa hallway ng ospital si Owen nang makatanggap siya ng tawag mula kay Master Levine."Call a British skin expert for me, Owen," bungad ng lalaki.Napatingin naman si Owen sa screen ng kanyan

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 421

    Imbes na kiligin ay mas lalo lang na nainis si Graciella. "Tingin mo ba madadala mo ako sa mga paganyan-ganyan mo!" Masungit niyang asik.Napanguso si Drake bago siya marahang hinila palapit sa katawan nito at muli siyang niyakap. "I'm sorry for making you worry, wife. I didn't mean it."Hindi siya sumagot at sumimangot lang habang marahang hinahaplos ni Drake ang kanyang buhok."Hindi mo ba ako patatawarin?"Mabilis siyang umiling."Tell me what you want me to do para patawarin mo na ako?"Ilang sandali siyang nag-isip bago nag-angat ng tingin. "Wala. Wala kang kailangan gawin.""C'mon wife. I'm still sick. Hindi ba pwedeng maging excuse yun para patawarin mo na ako?" Malambing nitong tanong.Pinilit niyang pigilan ang ngiting nais kumawala sa kanyang labi. Kanina lang inis na inis siya dito tapos ngayon bigla nalang nawala ang lahat."Pag-iisipan ko," aniya bago isinubsob ang mukha sa dibdib nito.Nasa ganun silang kalagayan nang bumukas ang pinto ng silid nito. Nang tingnan niya ay

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 420

    Muling dumaan sa pagsusuri si Drake sa ikalawang pagkakataon para masiguro na nasa maayos na kalagayan ang lalaki. Nang makitang wala nga itong major injury, saka palang nakahinga ng maluwag ang lahat. Agad na tinawagan ni Owen sina Madam Celestina at Hermania para hindi na mag-alala pa ang mga ito.Nang matanggap ni Oliver ang balita na natagpuan na si Levine, inutusan na niya ang mga tauhan niya na i-withdraw ang operasyon nila at agad siyang nagpunta sa ospital para bisitahin si Levine. Tinawagan narin niya si Beatrice para tumigil na ito sa pagtawag sa kanya."Mabuti naman at natagpuan na siya! Kapag nakita mo si Graciella Kuya dapat pagsabihan mo siya—""Mag-asawa silang dalawa kaya tumigil ka, Beatrice!" Naiinis niyang sambit at pinatayan na ito ng tawag.Minsan naiisip niya na baka hindi niya tunay na kapatid ang babae at namali lang sa pagkuha ng bata ang mga magulang nila. How could he have such a weirdo sister who doesn't understand the line!Pagdating niya sa floor unit ng

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 419

    Natataranta na si Graciella nang mapagtanto na kaya hindi nakalabas si Drake sa kwebang iyon ay dahil naipit ng mga putik at bato ang kalahati sa katawan nito."Bilisan ninyo! Mas mainam na basa pa ang lupa kapag naghukay tayo!" Utos ng team leader.Maging si Graciella ay tumulong narin para mapadali ang pagliligtas nila sa asawa niya. Base sa obserbasyon ni Graciella, hindi mamatay si Drake dahil sa pagkaipit ng katawan nito sa kweba kundi dahil sa lamig ng temperatura sa paligid. Kapag bumaba na ang temperatura, maaaring tuluyan ng mawalan ng hangin ang isang tao at tuluyang malagutan ng hininga.Sa halos naninilim niyang paningin, unti-unting nagkamalay si Drake. Nangunot ang kanyang noo nang marinig niya ang boses na tumatawag sa pangalan niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang mga mukhang hindi pamilyar sa kanya subalit ilang saglit pa'y nawala ang mga ito sa paningin niya nang mapatingin siya sa isang pamilyar na mukha. Napagtanto niyang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status