Share

Kabanata 465

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-08-04 21:13:15

Bumulong si Graciella sa kausap niya. Mataman naman itong nakinig at maya-maya pa'y tumango na bilang pagsang-ayon.

Ilang sandali pa'y uminom na ng tsaa si Graciella kasama si Grandma Hermania sa hardin. Marahang itinulak ni Hermania ang isang platitong may lamang hiniwang cake palapit kay Graciella.

"Subukan mo itong flower cake, hija. Masarap yan. Sigurado akong magugustuhan mo iyan," magiliw na sambit ng matanda.

Tumango naman si Graciella. Katunayan ay gutom na gutom na talaga siya. Madalas din na kumakalam ang sikmura niya ngayong nagdadalantao siya. Pagkatapos malagyan ng laman ang kanyang sikmura ay bumuti na ang pakiramdam niya.

Nagningning ang mga mata no Graciella nang matikman niya ang flower cake na sinasabi ng matandang Nagamori.

"Ang sarap nga!" Hindi niya mapigilan na bulalas. "Ang bago pa!"

Napangiti naman si Hermania nang makitang nagustuhan ni Graciella ang cake. "Homemade yan kaya masarap. Paborito yan ni Hannah noon kaya madalas akong magpagawa ng ganyan. Mamaya p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 470

    Matapos nilang makapaghapunan ay umupo si Drake sa sofa sa salas habang si Graciella naman ay nakahiga at nakaunan sa kanyang mga hita. Marahan niyang hinahagod ang makintab nitong buhok habang nagkukwentuhan silang dalawa."Kumusta na si Grandma Hermania?" Tanong pa nk Drake.Magmula noong funeral ni Hannah, hindi pa niya nakakausap ang matandang babae sa takot na baka matrigger niya ang damdamin nito at lumala pa ang kalagayan ng ginang.Malaki ang respeto niya sa matandang babae. Madalas siya doon noong maliit pa siya. Nasubaybayan nito ang kanyang paglaki at maging siya ay nasilayan din ang pagtanda ng ginang kaya naman natutuwa siya at nakakasundo nito ang kanyang asawa."Okay naman. Sabi ng mga kasambahay, mas masigla siya nang bisitahin ko siya kaysa noong nakaraan."Sa narinig ni Drake ay nakahinga siya ng maluwag. "That's great. You can spend more time with her if you want," sinsero niyang wika.Napatango naman si Graciella. Wala na ang apo ng matandang babae at sa kaispang n

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 469

    Nang makarating sila sa siyudad ay agad niyang inutusan si Drake na ipagmaneho siya papunta sa palengke."Why don't we buy ingredients and stocks in the mall instead of going to the wet market?" Suhestiyon ni Drake.Mabilis namang umiling si Graciella. "Hindi porket alam ko na ang totoo mong pagkatao ay babaguhin na natin ang nakasanayan natin. Gusto kong mamuhay parin tayo kagaya ng dati. Okay lang ba yun sayo?"Ilang sandaling pinagmasdan ni Drake si Graciella bago tumango. "As long as you're comfortable and happy then I'm fine with it."Agad silang nagtungo sa palengke para mamili ng lulutuin niya. Wala namang reklamo si Drake at mataman lang na nakasunod sa kanya habang bitbit nito ang lahat ng mga pinamili nila.Nang makarating sila sa apartment complex ay tinulungan na niya si Drake na magbitbit ng pinamili nila. Ayaw pa sana siya nitong payagan pero nagpumilit na siya. Habang naglalakad siya, muli niyang nararamdaman na para bang may sumusunod sa kanila. Tumigil siya sa paglal

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 468

    Malakas ang kabog ng ng dibdib ni Graciella habang palapit sila ng palapit sa sasakyan pero maya-maya lang ay unti-unti siyang kumalma nang mapagtanto niya kung sino ang nasa unahan."Is that Levine?" Kunot noong tanong ni Arman nang matanaw ang isang lalaking nakasandal sa hood ng sasakyan nito."Mukhang siya nga," tugon ni Graciella.Ilang sandali pa'y huminto ang sasakyan ni Arman. Naglakad naman palapit si Drake sa kotse at binuksan ang pintuan sa pwesto niya at naglahad ng kamay. Imbes na tanggapin ay sinamaan niya ito ng tingin.Nagtataka namang napatingin si Drake sa kanya. "What's wrong?""Anong what's wrong. Hindi mo ba alam na kinakabahan ako kanina. Akala ko masamang tao na ang nakaharang samin sa daan!" Naiinis niyang sambit.Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Drake bago tinanggal ang kanyang seatbelt. Hinawakan nito ang kanyang kamay dahilan para wala na siyang mapagpipilian pa kundi ang bumaba ng kotse ni Arman."I already called you countless times pero

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 467

    Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Graciella sa kabila ng mga makahulugan na katagang sinabi ni Wilbert. "Walang anuman po, Sir Wilbert. Ikinagagalak ko pong makasama at makakwentuhan ang inyong ina. Sana ay hindi ako nakakaistorbo sa inyong tahanan."Ngumiti narin si Grandma Hermania at umiling. "Hindi ka nakakaistorbo, Graciella. Katunayan ay baka ako nga ang nakaistorbo sayo.""Hindi naman po, Grandma. Hindi naman ako busy ngayong weekend."Hinawakan ng matandang babae ang kanan niyang kamay saka marahang pinisil. "Ang bilis talaga ng oras kapag kasama ko ang mga taong gusto ko. Tingnan mo ang mga gamit sa basement. Halos kalahati na ang naayos natin. Kapag may libre kang oras sa susunod, wag mong kalimutan na bumisita, dito, okay? Umaayos ang pakiramdam ko kapag kasama kita."Agad namang tumango si Graciella. "Wag po kayong mag-alala, Grandma. Dadalasan ko po ang pagpunta dito para gumaling kayo agad."Mas lalo pang nadadaganan ang pagkayamot ni Wilbert kay Graciella. Hi

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 466

    Nagpatuloy sa loob si Wilbert nang sa hindi sinasadya, narinig niyang nag-uusap ang ilan sa mga kasambahay ng Villa."Kailangan nating maghanda ng extra na flower cake. Maganda ang mood ni Madam Hermania ngayon at balak niyang padalhan ang bisita niya ng cake...""Grabe! Nakakabilib. Nakita mo mo yun. Napangiti niya si Madam Hermania buong araw bihira nalang na mangyari. Mukha nga siyang tunay na apo ni Madam...""Ang galing talaga ni Miss Graciella. Sana araw-araw siyang magpunta dito para mabilis na gumaling si Madam Hermania. Sabi pa naman ng karamihan nakakabata daw at nakakawala ng sakit kapag masaya ka..."Graciella...Nagsalubong ang kilay ni Wilbert. Bakit narito na naman ang babaeng yun sa villa?Naalala niyang ang babae ang nagligtas kay Isagani noong nakaraan at pagkatapos nun, nakuha na nito ang atensyon ng kanyang ina nang walang kahirap-hirap.Tapos ngayon maririnig niyang napapangiti nito ang matanda?Mabilis na napawi ang saya na nararamdaman niya sa kanyang narinig. D

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 465

    Bumulong si Graciella sa kausap niya. Mataman naman itong nakinig at maya-maya pa'y tumango na bilang pagsang-ayon.Ilang sandali pa'y uminom na ng tsaa si Graciella kasama si Grandma Hermania sa hardin. Marahang itinulak ni Hermania ang isang platitong may lamang hiniwang cake palapit kay Graciella. "Subukan mo itong flower cake, hija. Masarap yan. Sigurado akong magugustuhan mo iyan," magiliw na sambit ng matanda.Tumango naman si Graciella. Katunayan ay gutom na gutom na talaga siya. Madalas din na kumakalam ang sikmura niya ngayong nagdadalantao siya. Pagkatapos malagyan ng laman ang kanyang sikmura ay bumuti na ang pakiramdam niya.Nagningning ang mga mata no Graciella nang matikman niya ang flower cake na sinasabi ng matandang Nagamori."Ang sarap nga!" Hindi niya mapigilan na bulalas. "Ang bago pa!"Napangiti naman si Hermania nang makitang nagustuhan ni Graciella ang cake. "Homemade yan kaya masarap. Paborito yan ni Hannah noon kaya madalas akong magpagawa ng ganyan. Mamaya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status